webnovel

ANINAG(A SHORT STORY)

"Isang Magandang Umaga na naman ang Sumapit." wika ng isang Binata na maagang Bumangon upang pumasok sa eskwela.

Ang bawat hakbang nya ay puno ng pag aalinlangan,nag-aala­lang baka paglabas nya ay puno na naman ng Pang kukutya ang abutin nya.

Tahimik pa ang Umaga,Lumakad sya papuntang Eskwela na nagsisilbing impyerno sa Buhay nya.

"Ahh Panget!"

"Bulag! Bulag!"

"Isa kang salot sa lipunan!", bungad na panglalait sa kanya ng mga kaklase simula Pag-pasok.

Hangang pag-uwi pangungutya ng mga kamag-aral nya ang namutawi sa araw nya.

Pagsapit ng Hapon,imbis na lumabas at maglibot-libot,nanat­ili na lamang sya sa kanyang kwarto.

Ayaw nya na ulit maranasan ang mga panglalait at pangungutya ng mga tao.

Paulit-ulit lang ang nangyayari sa buhay nya.

Masyado nang magulo ang utak nya,hindi nya alam kung saan ba sya lulugar.

Pero sinasabi nya sa kanyang sarili na " Ok lang yan! Kaya moto!"

Natulog sya nang puno ng kalungkutan.Ngunit sya ay binangungot.

Bumalik ang mga ala-alang kinalimutan na nya.

Kung paanong nabulag ang mata nya.

Napabangon sya ng wala sa oras.Kusang tumulo ang luha sa mata nya.Ngunit muli nyang sinabi sa sarili na "Okay kalang! Kakayanin moto!"

Muli syang natulog.Pagsapit ng umaga,Bumangon,kumai­n at Pumasok sya.

Ganon nalamang ulit ang Nangyari.

Samantala habang nagkaklase biglang umalog ang buong paligid.Hindi makagalaw ang binata,hindi sya makapag-salita,Unti-­unti na namang bumalik ang mga ala-ala.

Malakas na Umalingawngaw ang Alarm sa Buong Paaralan.

Tinawag ng Guro ang binata,duon lamang sya natauhan.

Lumabas sya ng Kwarto,ngunit habang naglalakad palabas ng eskwela hindi mawala sa isip nya ang masalimuot na nangyari sa kanya,hangang sa makarinig sya ng sigaw;Sigaw ng isang taong nanghihingi ng tulong.

Nawala sya sa tuliro dahil naisip nyang Nangyari na ito.

Ayaw man nyang tulungan ngunit kusang gumalaw ang kanyang Paa't Kamay.

Patayo na sana sila ngunit hindi napansin ng Binata ang Pabagsak na kahoy sa harapan nya.

Kasabay ng pagbagsak nito sa Muka ay ang Pagkabulag ng Isa nya pang Mata.

*i hope you enjoy my short story, next time i will post my story that is not short. hehe