webnovel

Ang Prinsesa at ang Basurero (COMPLETED)

TaongSorbetes · Fantasia
Classificações insuficientes
24 Chs

Chapter 3

Chapter 3: Ang Munting Date 

NAKATULALA sa kawalan si Ruby. Kagigising lang niya at malalim ang iniisip.

"Gusto kong makabalik sa Florania... Gusto ko..." sabi ng dalaga sa sarili. Napahikbi at napayuko. Sa ngayon nga'y alam niyang wala siyang magagawa kaya naisip niyang magtiyaga sa lugar na pinagdalhan sa kanya.

Samantala, napamulat naman si Richard mula sa pagkakatulog. Napasulyap din siya sa luma niyang orasan. 5:30, sa isip-isip niya. Tumunghay siya at nag-unat-unat ng braso. Napatingin din siya sa higaan, at wala si Ruby roon.

"Sa'n napunta ang baliw na iyon?" bulong ng binata habang nagtatanggal ng muta. Napapahikab din siya.

"Umaga na!"

Nagulat ang binata nang may nagsalita sa likuran niya. Nilingon niya ito at nandoon ang dalaga. Bagong ligo at tuwalya lang balot sa katawan. Napalunok tuloy ng laway si Richard, ang puti, ang kinis. Kahit madalas niya itong nakikita ay natutulala pa rin siya.

"Ako na ang nagluto ng kanin at pati na rin ang mga pinaarawang isda na binili natin kahapon..." sabi pa ni Ruby at naglakad ito papunta sa higaan na sinusklay ang basang buhok.

"N-nagluto ka na?" tanong ni Richard. Kinabahan kasi siya. Baka palpak ang luto ng dalaga.

"Oo! Bakit? Wala ka bang bilib sa akin? Isa akong prinsesa," sagot naman ni Ruby. Tumango na lang ang binata.

Biglang naalala ni Richard ang susuotin ni Ruby kaya agad siyang pumunta sa kahon ng mga damit niya. Kahapon kasi ay nanghingi siya ng ilang lumang pambabaeng damit sa kapitbahay nila. Balingkinitan ang katawan ni Ruby at alam niyang kakasya ang mga nahingi niyang damit dahil kaedadin lang halos nito ang gumamit ng mga ito. Ipinanghiram niya rin ang dalaga ng rubber shoes para mas maayos tingnan.

"Ang gaganda ng mga damit na ito! Ngayon ko lang nakita ang mga ito!" sabi ng dalaga nang ilabas ni Richard ang mga damit. Parang ngayon lang ito nakakita base sa itsura ng mukha.

"A-at itong sapatos na ito. Kakaiba? Makulay at hindi yari sa salamin..." Napatawa pa si Richard sa mga narinig niya. Parang sa mga fairytale lang yata may mga gano'ng sapatos, 'yong nagkikislapan.

"Binilhan nga pala kita ng panty at bra sa ukay. Para hindi na bumabakat ang dapat bumakat..." sabi ni Richard at napakunot ng noo si Ruby.

"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ng dalaga. Ngumiti na lang si Richard at sinabing wala. Sinabihan na rin niya ito na magsuot na ng damit. Maliligo na raw siya.

"Marunong ka na siguro mahal na prinsesa, ikaw na ang bahala. Liligo naman ako," paalala ni Richard at kinuha na nito ang mga damit niya. Pumasok na siya sa loob ng C.R., pero bago iyon...

"'Wag mo akong sisilipan habang nagbibihis, dahil kung hindi, pupugutan kita ng mga ulo na mayroon ka!" paalala naman ng prinsesa. Napalunok naman ng laway si Richard dahil doon.

Habang naliligo ang binata ay iniisip niya ang pagdadalhan niya kay Ruby mamaya. Ipapasyal niya ito. Pagkatapos noon, ay makikipagkita siya sa nakababata niyang kapatid. Nami-miss na niya ito. Ang kapatid niyang patuloy siyang inaalala.

"Hindi tulad ni nanay..." mahinang sabi ni Richard at pagkatapos noon ay nagbuhos siya ng tubig sa katawan.

NANG matapos maligo si Richard ay agad niyang kinuha ang damit na susuotin niya. Hindi na niya nilingon ang dalaga na busy sa pagtingin sa sapatos na hiniram niya para rito. Agad siyang pumasok sa C.R. at doon na nagsuot ng damit. Ang isa sa dalawa niyang bagong damit, at pantalon na regalo pa sa kanya ng kapatid niya.

Pagkalabas niyang uli ay nakita niya ang dalaga na hindi magkaintindihan sa pagsuot ng sapatos. Naisipan niyang lapitan at tulungan ito.

"Napakahirap suotin ng ganitong klaseng sapatos..." asar na sabi ni Ruby. Napapatawa na lang si Richard.

"Tulungan na kita, mahal na prinsesa..." Halos paluhod na inayos ni Richard ang pagsuot sa sapatos ng dalaga. Parang nagpo-propose. Napapangiti na nga lang siya dahil naalala niya rin ang k'wentong Cinderella na laging ikinik'wento niya sa kanyang kapatid.

"Ang lambot at ang kinis ng paa..." isip-isip pa ng binata.

"Ano'ng nangyari sa 'yo? Hoy!"

Napapitlag na lang si Richard nang yugyugin ni Ruby ang balikat niya. Natigilan kasi ang binata bago maitali ang sintas ng pangalawang sapatos. Kung ano-ano kasi ang naiisip niya.

"S-sorry..." Napatawang-ewan na lang ang binata.

"Ganito ang pagtatali ng sintas," sabi ni Richard na tinuruan na lang si Ruby. Doon na nga rin natapos at tumayo na siya. Pinatayo niya rin ang dalaga.

"Ang ganda at ang sexy pala niya," isip ng binata habang pinagmasdan si Ruby mula ulo hanggang paa. Naka-pink na shirt, at fitted black jeans.

"A-ang ganda mo..." biglang nasabi ni Richard. Biglang namula naman ang dalaga sa narinig. Napatitig din siya sa binata. Pero agad niya itong iniwas.

"Isa akong prinsesa at talagang maganda ako! Tayo na kumain! Nang matikman mo ang mga luto ng prinsesang gaya ko," sabi naman ni Ruby at natawa na lang ang binata. Medyo kinabahan naman si Richard nang makitang may takip pa ang kanilang ulam. Naupo na sila sa tapat ng maliit na mesa. Maayos ang kanin, medyo sunog nga lang. Kaso... nanlaki ang mga niya nang makita ang tuyo na ulam nila.

"Uling ba ito?" isip-isip ng binata. Hindi na makilala ang ulam nila dahil sunog ito.

"Masarap iyan dahil ako ang nagluto. Kumain na tayo," kampante namang sabi ni Ruby. Dito na napalunok ng laway ang binata. Naglagay na siya ng kanin at kumuha ng ulam.

"Masarap, 'di ba?" sabi ni Ruby nang makitang kumakain na si Richard.

"O-oo. Napakasarap!" Nagsinungaling na lang ang binata. Gusto na nga niyang iluwa ang ulam niya dahil sa pait. Si Ruby naman ay ganadong-ganado. Sarap na sarap sa luto niya.

*****

MUKHANG first time pa lang na nakakasakay ng tricycle si Ruby. Ito ang nasa isip ni Richard. Ngayon lang kasi niya ito nakitang tuwang-tuwa. Ang likot-likot habang nasa b'yahe sila.

"Ang sarap sumakay rito!"

"Bakit hindi sa mga apat na gulong tayo sumakay?" Lahat ng mga sasakyan na nakikita ng dalaga ay parang gusto niyang masakyan. Pati nga kariton at pedicab ay hindi pinalampas.

Ang dami pang tanong at sinasabi ni Ruby. Natatawa na lang si Richard sa kaingayan nito. Kaliwa't kanan din ang lingon ng dalaga sa pagtingin sa mga building na nadaraanan ng sinasakyan nila. Maging si Manong Driver ay mukhang naririndi na nga rin dito.

"'Wag kang malikot! Mamaya mahulog tayo," awat na lang ng binata sa malikot niyang kasama. Dahil tuloy sa ingay nilang dalawa ay na-badtrip si Manong driver nang sila'y bumaba. H'wag na raw uli silang sasakay sa tricycle nito.

"P-pasensya na Manong..." nasabi na lang ni Richard.

Sa simbahan sila unang pumunta. Gulat na gulat nga si Ruby sa nakita.

"I-isang p-palasyo!" naibulalas ng dalaga. Napailing na nga lang si Richard dahil doon.

"Sabihin mo sa akin! Sino ang hari rito? Nais ko rin malaman kung sino ang dumisenyo nito!" dagdag pa ni Ruby na seryosong-seryoso. Tapos, manghang-mangha pa sa nakikita.

"Hindi iyan palasyo. Simbahan iyan..." sabi naman ng binata at pumasok na sila sa loob.

"S-simbahan? A-ano iyon?" tanong ng dalaga.

"Simbahan. Dito nakatira ang Diyos. Magdasal ka sa kanya at pakikinggan ka niya," paliwanag ng binata nang sila'y maka-upo.

"D-diyos? Samahan mo ako sa kanya. Gusto ko siyang makausap!" Napatawa na lang nang mahina si Richard nang marinig iyon. Baliw nga talaga ang babaeng ito, sa isip-isip na lang niya. Ipinakilala din niya nang maayos kung sino ang Diyos sa dalaga.

Nakahinga na nga lang nang maluwag si Richard nang natapos ang misa. Mabuti na lang at walang kahihiyang ginawa si Ruby. Pagkatapos din noon ay agad din silang lumabas ng simbahan para pumunta sa park. Naisip ng binatang ipasyal niya roon ang dalaga.

HABANG naglalakad sila ay hiyang-hiya si Richard dahil sa ginagawa ni Ruby. Pinapara kasi nito ang mga sasakyang dumaraan. Hindi naman sila sasakay. Nasita na nga rin sila ng enforcer dahil dito.

"Hoy! Bakit hindi tayo sumasakay? Gusto ko roon sa magagandang sasakyan na sinasabi mo!" Napapakamot sa ulo na lang ang binata dahil dito.

"Maglakad na lang tayo. Malapit na rin naman..." sabi na lang ni Richard. Sinungitan naman siya ng dalaga at nagpatuloy sa paglalakad.

"Masakit na ang paa ko!" biglang sabi naman ng dalaga. Malapit na sila sa pupuntahan pero ito pa ang nangyari.

"Malapit na tayo. Ayun na lang o," inis na sabi na lang ng binata sa pag-iinarte ni Ruby. Itinuro na rin niya ito rito. Ilang lakaran na nga rin lang at nasa park na sila.

"A-ano'ng lugar iyan?" Biglang natulala si Ruby. Namangha at parang nakakita ng multo nang makita ang magandang park na pupuntahan nila. Bigla itong napangiti at tumakbo na kaagad papunta roon.

Ang park, may mga puno, mga bulaklak at may malawak na ground. Magandang pasyalan at pahingahan para sa marami.

"May ganitong lupain pala rito? Dito na tayo manirahan! Maraming ganito sa kaharian!" masiglang sabi ni Ruby. Napailing na nga lang ang binata sa narinig. Paano nga naman daw sila titira rito? Hindi naman nila ito pagmamay-ari.

"May tililing talaga ang babaeng ito," isip-isip na lang ng binata.

"Hindi p'wede, hindi naman ito sa atin," sabi pa niya at nginusuan naman siya ng dalaga na patuloy pa rin sa pagtingin sa paligid.

*****

KASALUKUYAN silang naupo sa damuhan. Marami rin ang tao sa park, linggo kasi. Gumaan bigla ang pakiramdam ni Richard. Paano, ngayon lang niya nakita si Ruby na ganito kasaya. Tamang-tama pala ang pagdala niya sa lugar na ito.

"Parang bata naman siya ngayon..." bulong pa niya.

"Ang ganda rito!" nakangiting sabi naman ni Ruby. Nagawa pa nga niyang humiga sa damuhan. Maya-maya pa'y may nakita si Richard na nagtitinda ng ice cream.

"Dito ka lang, prinsesa. May bibilhin lang ako..."

Bumili si Richard ng dalawang apa na ice cream. Binigay niya kay Ruby ang isa. Natawa pa nga siya dahil inamoy-amoy pa ito ng dalaga.

"Ano ito?" takang tanong ng dalaga.

"Ice cream ang tawag diyan. Masarap iyan," sagot naman ng binata at doon na rin nila sabay kinain ito.

"Ang lamig!" bulalas ng dalaga na ininspeksyon uli ang natikmang ice cream. Tapos biglang napangiti.

"Ang sarap ng malamig na pagkaing ito. Ngayon lang ako nakatikim ng ganito!" Pagkasabi noon ng dalaga ay sabay pa silang nagngitian.

Nang maubos nila iyon ay naglibot naman sila sa buong park. Ngiting-ngiti nga si Richard dahil iba ang aura ni Ruby nang mga sandaling iyon. Masayang-masaya talaga.

"Gusto ko, lagi tayong pumunta rito..." sabi ng dalaga habang naglalakad sila.

"Delikado! Ano na lang ang kakainin natin kung lagi tayong pupunta rito?" isip-isip naman ni Richard.

Maya-maya pa'y may nadaanan naman silang nagtitinda ng cotton candy. Nagulat na nga lang ang binata nang biglang humawak si Ruby sa braso niya. Dumikit sa kanya na parang naglalambing. Mukhang masama raw yata ang panahon, naisip pa niya.

"R-ruby?"

"R-richard... bumili ka rin ng kakaibang bulak na iyon..." hiling ng dalaga. Hindi naman ito tinanggihan ng binata. Ibinili niya kaagad ito at pagkatapos ay naupo muna sila para kumain noon.

"Mmmm... Ang tamis ng bulak na ito! Ang dami palang masasarap na pagkain dito!" sabi ni Ruby habang dahan-dahang pumupunit sa kinakain niya.

"Cotton candy ang tawag diyan," nakangiti namang sabi ni Richard habang pinagmamasdan ang dalaga. Ang cute daw nito kapag ganito.

"Akin na lang iyang nasa iyo," sabi agad ni Ruby nang maubos ang kinakain niya. Natawa naman ang binata at agad ibinigay ang hawak niyang cotton candy.

"Salamat!" Nagulat pa ang binata nang marinig niya iyon. First time, sabi niya sa sarili. Pero mas nagulat siya nang tapikin pa ng dalaga ang pisngi niya.

"Napagtanto ko. Napakabait mo pala..." Hindi alam ng binata kung paano magre-react. Napailing na lang siya dahil ngayon lang iyon na-realize ng dalaga.

Naglakad na uli sila. Napapangiti nga si Richard, para na rin kasing nagde-date sila at first time niya itong naranasan. Aakbayan na nga niya sana si Ruby, pero, hindi na lang niya itinuloy.

"Ang saya rito..." sabi pa ni Ruby at nagngitian silang dalawa.

"Gusto mo na bang kumain?" tanong ni Richard at isang mabilis na oo ang sagot ng dalaga. Napangiti pa ang binata nang humawak uli ang dalaga sa bisig niya.

"Magkakagusto yata ako sa baliw na ito..." sabi ng binata sa sarili habang dinadama ang lambot ng katawan ni Ruby.

PINAGHANDAAN talaga ng binata ang araw na ito. Dinala niya si Ruby sa Jollibee. Natatawa na nga lang siya nang biglang nagtago ang dalaga sa likuran niya.

"Ayaw ko riyan! May malaking bubuyog!" Hindi na naiwasan ni Richard na tumawa nang malakas. May kinatatakutan din daw pala ang dalaga.

"Hindi naman iyan gumagalaw..." sabi ng binata at napakahigpit ng hawak ni Ruby sa kanya habang sila ay papasok. Parang nagbago na raw ang dalaga, kumpara noon na ayaw magpahawak at napakasungit pa.

"Ang lamig..." biglang nasabi pa ni Ruby nang makapasok sila. Mukhang first time nitong makapasok sa may aircon.

Dalawang plato ng spaghetti, dalawang fries, dalawang burger at dalawang baso ng coke ang inorder ng binata. Agad naman itong binanatan ng dalaga. Naiilang nga si Richard. Paano, ang takaw kumain ng kasama niya. Pinagtitinginan pa sila ng marami.

"Prinsesa ba talaga ito?" isip-isip na lang ng binata habang pinagmamasdan ang mabilis na pagkain ng dalaga. Pati nga ang burger na para sa kanya ay naibigay na rin niya rito.

"Ang sarap ng pagkain dito!" sabi pa ng dalaga. Napangiti pa si Richard nang makitang may sauce sa gilid ng labi ang dalaga. Kinuha niya kaagad ang panyo niyang dala mula sa bulsa.

Nabigla naman si Ruby nang biglang dumukhang si Richard palapit sa mukha niya. Hindi niya maintindihan, pero bigla siyang kinabahan.

"R-richard?" gulat na sabi ni Ruby.

"May sauce ka sa labi..." Napangiti ang binata at agad niyang pinunasan ang gilid ng labi ng dalaga. Bigla tuloy itong natigilan. Napansin agad ito ni Richard.

"Uy! Ano'ng nangyari sa 'yo prinsesa?" takang tanong ng binata.

"A-ah... W-wala! Wala!" iritadang sagot ng dalaga. Nagtaka tuloy ang binata.

Pagkatapos nila sa Jollibee ay pumunta naman sila sa mall. Busog na busog si Ruby dahil nag-request pa ito ng isa pang burger sa binata.

"Ang lamig sa malaking bahay na ito. Ang daming salamin. May mga gumagalw ring mga hagdan. Hindi ito mukhang palasyo, pero gusto ko rin dito!" manghang-manghang sabi ni Ruby habang nakatingin sa loob ng mall. Kasalukuyan silang nakaupo ni Richard, sa lugar na kung saan ay palagi silang nagkikita ng kapatid niya.

"Mall ang tawag dito," sabi ng binata at tumango na lang ang dalaga.

"Richard!"

Maya-maya nga'y isang pamilyar na boses ang narinig ng binata na tumawag sa kanya. Nilingon niya kaagad ito, pero hindi ito ang inaasahan niya. Hindi ito ang kapatid niya.

"N-nay?" Napatayo si Richard at agad nagmano siya rito.

"S-si Cherry po?"

Sandali munang napatingin ang nanay ni Richard kay Ruby. Tapos, tumingin uli ito sa binata na para bang may nagawang mali.

"Pumunta ako rito para sabihin sa 'yo na ayaw ka nang makita ng kapatid mo," seryoso nitong sinabi. Natigilan naman ang binata nang marinig niya iyon.