webnovel

CHAPTER 1

Nasa loob na si Chastain ng kanyang kuwarto nang kinuha niya ang lumang diary na nakalagay sa estante na lagayan ng kanyng mga libro't abubot. Ngayon niya lang ulit ito nahawakan dahil ang huli ay noong labindalawang taong gulang pa siya sa kanyang pagkakatanda.

Napapangiti na lang siya sa kanyang sulat na parang kinahig ng manok. Kahit kailan talaga ay ang pangit niyang magsulat na aminado naman siya. Nang magsabog ata ang Diyos ng kagandahan ng pagsusulat ay natutulog siya sa loob ng kanyang silid.

Lahat ng mga naging usapan nila ng kanyang mama tungkol sa mga bagay-bagay ay ginunita niya nang makita niya ang mga petsang nakalagay sa diary para na rin sa 'future purposes' baka sakaling makalimutan niya kapag tumagal pa, katulad ngayong wala na ang kanyang ina. Binuklat niya iyon saka binasa.

May 13, 2006

"Anak, may tanong ako sa 'yo," sabi ng kanyang Mama Lorna.

Agad na umupo ito sa sofa malapit sa kanya pagkatapos ay agad siyang hinila saka parang batang naglalambing. "Ano po 'yon ma?" sagot niya.

"Paano kung maghiwalay kami halimbawa ng papa mo? Kanino ka sasama? Kay papa ba o kay mama," tanong ng kanyang ina. Humarap ito sa kanya upang tingnan siguro ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Ma naman! Siyempre wala akong sasamahan sa inyo kasi gagawa ako ng paraan para maging buo tayo! Ayaw ko kayang maging broken family tayo. Saka pareho ko kayong love ni papa!" nakasimangot na sagot niya sa ina sabay yakap.

"Wow, anak na-touch naman si mama sa sagot mo! Siyempre hindi 'yon anak mangyayari na magkahiwa-hiwalay tayo," natutuwang sabi ng kanyang ina sa kanya sabay yakap.

Napapangiti na lang siya sa usapan nila ng kanyang ina noon. Hindi niya alam na may iniinda na pala itong sakit na hindi sinasabi sa kanya. Inilipat na niyang muli sa sumunod na pahina ang diary.

KINABUKASAN ay naalalang itanong ni Chastain ang matagal nang gumugulo sa kanyang isip.

"Nay, ano po ba dapat ang unahin? Ang love po ba o pag-aaral," inosenteng tanong ni Chastain sa kanyang ina.

"Siyempre dapat ang unahin ay pag-aaral para makatapos ka. Pero siyempre anak, dapat kapag nag-aral ka lagyan mo rin ng love. Love para makatapos ka ng pag-aaral mo," nagpapaliwanag na sagot ng kanyang ina.

"Oo nga po nay, dapat may pagmamahal ding kasama kapag nag-aaral ka. Pagmamahal para matuto at makatapos ka! Kaya nay, pangako ko mag-aaral po ako nang Mabuti," malakas ang loob na sagot niya.

"Tama 'yan anak, mahalin mo ang pag-aaral dahil 'yan lamang ang maipapamana namin sa 'yo ng papa mo!" masayang sabi ng kanyang ina saka masuyong hinaplos ang kanyang kanang pisngi.

Umayos na ako ng pagkakaupo sa kama pagkatapos ay inilipat ko ng pahina at itinuloy ko na ang pagbabasa ko. Maaga pa naman kaya saka wala naman kaming pasok ngayon sa school kaya ayos lang na mamaya na ako tumayo.

"Anak, kumusta ang school?" tanong ng kanyang ina pagkadating niya galing paaralan.

"Okay lang po ma, medyo pagod! Marami po kasing ginagawa sa school na puro school activities eh!" hinaing na sagot niya sabay baba ng kanyang bag sa lamesa.

"Ayos lang 'yan anak! Ganyan talaga ang nag-aaral. Mabuti ka nga puro school activities lang ang problema mo. Mayroon nga riyan iyong ibang bata kahit gustong mag-aral ay hindi makapag-aral kaya masuwerte ka pa rin anak!" Nagpapalakas na loob na sagot ng kanyang ina sa kanya.

Napaisip naman siya saglit saka nagsalita. "Tama po kayo ma! Sige po gagawin ko muna mga project at assignment ko sa school! I love you ma!"

"I love you rin anak! Mag-aral nang mabuti."

Nakangiti namang umakyat si Chastain papunta sa kanyang kuwarto upang magpalit ng damit, at pagkatapos ay gawin ang kanyang mga school activities.

May 20, 2018

"Ma, may pera po ba kayo?" tanong ni Chastain sa kanyang ina.

"Mayroon naman anak! Bakit may gusto ka bang bilhin," tanong ng kanyang ina sabay umupo katabi niya sa kanilang sofa.

Kasalukuyan silang nasa sala upang manood sa Nateflix ng Sci-Fi movie.

"Opo, bibili sana ako ng bagong cellphone 'yong uso ngayon."

"Bakit naman anak? Sira na ba iyong cellphone mo? Hindi ba kabibili mo lang iyon noong Pasko?" tanong ng kanyang ina.

"Hindi naman po, gusto ko lang sanang bumili kasi maganda po yung bagong labas na VivoV9."

"Anak, ayos lang ba kung hintayin mo na lang masira yung cellphone mo? Alam mo namang mahirap ang buhay ngayon kaya kailangang magtipid. Naiintindihan mo naman siguro ako anak di ba."

"Opo ma, sige po hihintayin ko na lang masira iyong cellphone bago bumili nang bago," sagot ni Chastain nang maintindihan ang paliwanag ng kanyang ina.

"Salamat 'nak at naiintindihan mo ako."

Inilipat niyang muli ng pahina ang diary upang basahin ang huling isinulat niya. Agad na nangilid ang kanyang luha sa kanyang mga mata nang maalala ang kanyang ina.

May 30, 2018

"Anak, malapit na magpasukan kaya dapat asikasuhin mo na mga gamit na kailangan mo sa paaralan," paalalang sabi ng kanyang ina.

"Opo, mama, muntik ko ng makalimutan na malapit na pala mag-June. Parang kailan lang bakasyon pa," magalang na sagot ni Chastain.

"Ganyan talaga anak, mabilis lang ang panahon. Baka magulat na lang ako sa susunod college ka na!"

"Sana nga ma, kaso mukhang mahirap na kapag 'College Student' ka kasi mas maraming mga school activities na dapat gawin."

"Kaya mo 'yan anak, basta maging masipag at magtiwala ka lang sa sarili mo palagi. Nandito lang kami ng papa mo handang suportahan ka palagi," nagpapalakas ng loob na sabi ng kanyang ina.

"Salamat ma, kaya mahal na mahal ko kayo ni papa," malambing na sagot ni Chastain sabay yakap sa ina.

Isinarado niya na ang diary nang matapos niyang basahin ang lahat ng kanyang isinulat. Pasaway man siya minsan sa kanyang ina noon ay hindi niya malilimutan ang itinuro nito hanggang sa kanyang pagtanda.

Matagal-tagal din simula ng sumulat siya sa kanyang diary. Ngayon niya na lang ulit nakita ang halaga nito dahil sa pagkawala ng kanyang ina.

Simula nang namatay ang mama niya ay parang nawalan na rin ng sigla ang kanyang buhay.

Namatay ito dahil sa sakit na diabetes hanggang sa naging kidney failure n'ong tumagal.

Hindi niya alam na may gan'ong kalalang sakit na pala ang mama niya. Kaya ilang buwang din siyang nagdamdam sa pagkawala nito. Dahil kahit kailan hindi man lang niya naisipang kumustahin ang kalagayan nito.

Mabuti na lang ay nandiyan ang Papa Dion niya para iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa. Alam niya kasi na malapit talaga sila ni Mama Lorna.

Sa edad niyang labing-anim na taon ay siya lang ang naging kasa-kasama niya mula ng magtrabaho ang Papa Dion niya sa Saudi para maging OFW doon.

Alam niya na kahit nasaan ang mama niya ay palagi lang itong nasa tabi niya para bantayan at gabayan siya.

SAMPUNG araw na rin ang nakalipas mula ng mailibing ang mama niya pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin matanggap na wala na ito sa kanyang tabi.

"Ma, sana nandito ka palagi sa tabi ko para payuhan mo ako ng mga dapat at hindi ko dapat gawin," malungkot na bulong niya habang naglalakad palabas ng paaralan.

Hindi niya alam na sa panahong siya ang inaasikaso at inaalagaan nito ay mas ito pala ang nangangailangan ng kalinga ng isang anak.

Bakit kasi nasa huli ang pagsisisi at wala sa una? Hindi niya alam kung hanggang kailan siya magiging ganito.

Nalalapit na rin ang Buwan ng Wika nila. Dati kapag ganitong "event" sa paaralan nila ay kasama niya ang mama niya at nanunuod ito ng mga sinasalihan niyang contest. Pero dahil wala na ito ay hindi na siya interesado pang sumali sa mga pa-contest sa kanilang paaralan.

Wala rin kasi ang papa niya para samahan siya at suportahan dahil alam niya na kailangan nitong magtrabaho para rin sa pangangailangan niya.

Umalis din kasi ito papunta sa Saudi ilang araw pagkatapos ng libing ng mama niya para magtrabaho ulit bilang OFW.

Kaya kahit hindi nito gustong iwan siya mag-isa sa kanilang bahay ay wala itong magawa dahil kailangan nitong magtrabaho.

Ang kasama niya lang sa bahay ay 'yong yaya niya na matagal na rin niyang kasama mula pa noong nabubuhay ang kanyang mama.

Pagkarating sa bahay nila ay dumiretso agad siya sa kanyang kuwarto para magpalit ng damit.

"Chastain pagkatapos mong magbihis bumaba ka na rito kakain na tayo," malakas na wika ng yaya niya mula sa ibaba ng kanilang bahay.

"Opo Yaya Medy!" sigaw na sagot niya.

Ilang minuto lang ay pumunta na rin siya sa kusina para kumain ng tanghalian.

Dahil araw ng Biyernes ngayon ay makakapagpahinga at makakanuod na siya ng mga palabas sa kanyang kuwarto para kahit papaano ay may mapaglibangan siya.

Kakayanin niya ang lahat ng mga pagsubok na darating sa kanila ng kanyang papa.