webnovel

chapter 12

" droga!!! ang ibig mong sabihin iyong ung capsule na sinasabi mo saakin ay iyong droga" wika ni anghel. " tama ka.. nakakalungkot man alam ko hanggang ngayon ay may mga malalaking tao parin sa inyo mundo ang patuloy na gumagawa ng droga para sa pera kahit ipinagbabawal na ito" wika ni zandro. " naguguluhan lang ako si ligaya at ung mga batang gumagamit ng rugby di naman sila gumagamit ng capsule pero bakit sila nakakapasok sa inyong mundo" tanong ni anghel. "dahil ikinalat nila ang bulbos ng capsule upang ilagay bilang pangunahing sanggap sa iilang mga produkto. dahil nga ipinagbawal ang tabletang iyon ay gumawa sila ng paraan upang maikalat parin ang kanilang tableta upang kumita ng pera. ginawa nila itong pulbos at ginawang pangunahing sankap sa rugby.. sa mariwana at marami pang iba. kaya kung sino man ang mga taong makakatim ng mga iyon at kung mahina ang kanyang kakayahan ay dadalhin sila nito sa aming mundo.. ang iba ay hinahayaan na lamang naming manatili sa altaendra kung hindi naman sila gagawa ng masama..at inaantay nalang namin na mawala ang bisa ng kanilang ininum... habang ang iba na man na sadyang di gumagawa ng kahit anong kamalian dito sa altaendra ay hinahayaan nalang namin na manatili sila dito.. iyon ay kung nais nila.. katulad ni ligaya kinupkop na ng altaendra ang kayang katinuan at hinayaan nalang namin na mabuhay sya ng masaya sa altaendra kahit isang marungis at baliw ang tingin sa kanya ng mga tao sa inyong mundo.. ang mga batang nagrugby.. hinahayaan nalang namin sila hanggang wala naman silang sinasaktan na tao" wika ni zandro. "kung namatay na ang mga taksil na entra.. bakit may mga gumagamit parin ng droga na nakakagawa ng masama " tanong ni anghel. "anghel isa rin yan sa mga tungkulin ko dito sa altaendra. ang alamin kung sino sino pa nga ba ang mga taksil na entra nag uudyok sa mga tao na gumawa ng masama kapag naririto sila sa altaendra.. isa iyon sa kailangan kong malaman at kung bakit patuloy nila iyong ginagawa.. ayoko nang maulit pa ang nakaraan.. nang dahil sa kasakiman ng isa naging magulo na ang mundo ng altaendra at ang mundo ninyo.." wika ni zandro. " eh ako kaya.. bakit kaya kita nakikita at bakit ko kaya nakikita ang altaendra . eh hindi naman ako adik" wika ni anghel. " adik anong ibig sabihin nun?" wika ni zandro. " adik"" ang ibigsabihin nun ay ang pag kagusto mo o pagkawili mo sa isang bagay..o kaya paulit ulit mo syang ginagawa kahit minsan ay nakakasama na ito sa iyo .mas madalas lang syang gamitin para nga taong lulong o di na tumitigil sa gumamit ng droga" wika ni anghel. "alam mo anghel hindi ko rin alam ang mga kasagutan dyan sa tanong mo.. pero may naisip ako.. diba gusto mong bumalik sa nakaraan upang malaman kung anu nga ba ang totoong nangyari sa mga magulang mo.. malay mo sa pag balik natin sa nakaraan doon mo mahanap ang mga sagot sayong mga katanungan" wiak ni zandro.