webnovel

chapter 10

mag mula nga noon ay halos pabalik balik sila anghel sa altaendra at sa mundo nila. doon ay mas naunawaan ni anghel ang mga pagkakaiba ng dalawang mundo.

" zandro pano ba nila narating ang altaendra. nagtataka lang ako.. papaano nila natuklasan ang lugar ng altaendra" tanong ni anghel. " isang napakahabang kwento. isang pangyayari na sana ay di na lamang naganap. anghel makinig kang mabuti ( agad na tinikom ang kamay) napakatagal na panahon na iyon tahimik at mapayapa pa ang buong altaendra.. mga entra.. iyan ang tawag sa mga mamamayan ng altaentra. nang mga panahong iyon tanging mga entra lamang ang namumuhay dito sa altaendra.. wala pang mga dayuhang tao o nilalang na galing sa ibang mundo ay ang nakakakarating dito. ang altaendra ay isang mundo na walang kasawian, walang problema, walang kasamaan at walang kaguluhan. hanggang may isang araw bigla na lamang pumula ang langit isang babala na may nakapasok na taga ibang mundo dito sa aming mundo.. si almiros isang mortal na tao na galing sa inyong mundo. ang sabi ng mga panahong iyon ay hindi nya rin alam kung papaano sya napadpad dito.. mabait si almiros magaling makisama.. marunong makibagay at mapagkakatiwalaan. dahilan kung bakit tinaggap sya ng mga entra. kinumkop sya ng mga ito na parang isang kasapi nila inalagaan at biniyayaan ng kapangyarihan. ngunit lumipas ang matagal na panahon.. lumabas ang kanyang tunay na kulay.. lumitaw ang kanyang paghahangad at nalaman namin ang kanyang tunay na pakay. mula doon ay nalaman namin na si almiros pala ay isang napakagaling at napakatalinong siyentipiko. ipinalabas nya na hindi nya alam kung papano sya nakarating dito . ngunit ang totoo ay sinadya at plinano nya iyon.

dahil isa syang mahusay na siyentipiko nakalikha sya ng isang tableta na kapag ininum mo ay makakarating ka sa ibang mundo.. at sa kasamaang palad...ang altaendra. ang aming mundo ang kanyang napuntahan. sa tagal ng nilagi ni almiros dito sa aming mundo ay may mga matatas napangalan dito sa altaendra ang kanyang kinausap at kinuntyaba.. sinabi nya sa mga ito na maari silang mag karoon pa ng mas maraming kayaman at kapangyarihan. kung makikiisa sila kay almiros. mabulaklak ang bibig ni almiros. magaling syang magsalita. kaya nyang manipulahin ang kanyang mga kausap na mapapayag ang mga ito sa kanyang kagustuhan. bagay na nangyari nga. mula noon ay palihim na dinadala ni almiros ang mga traydor na entra sa mundo ng mga tao.. doon ay ipinakita nya ng napakadaming tableta na kanyang ginawa.. upang mag pabalik balik dito sa altraendra. matapos iyon ay ipinakita ni almiros ang malawak na kalupaan ng kanilang mundo " ang malawak na kalupan at karagatan na iyan. mga naglalakihan at kongkretong mga gusali mga mayayamang nilalang at may mga pangalan. lahat na ito ay kayang kaya nyong makamtan.. habang buhay na lamang ba kayong mapapaalipin sa batas ng iyong mundo. dito maaring tayo ang maging hari ang maging mataas ang tinitingala.. ang pinupuri. alam kong iyon din ang gusto nyo. kaya huwag na kayong mag dalawang isip.. magtulungan tayo" wika ni almiros