webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · Fantasia
Classificações insuficientes
169 Chs

Chapter 19

Agad niyang isinagawa ang Falcon Wave Movement Technique at mabilis na naglakbay sa masukal na kabundukang ito. Iniwasan niya ang mga mababangis na himaw at mga martial Artists na kanyang nadadaanan. Matiwasay niyang narating ang Hilagang bahagi ng Dragon Mountain. Dito ay rinig na rinig ni Van Grego ang atungal ng dalawang halimaw na naglalaban. Ang mga ito ay walng iba kundi ang Diamond Tail Scorpion at ang Purple Rain Lion.

Ang dalawang halimaw na ito ay mga Warrior Beasts. Ang Cultivation level ng mga ito ay nasa Martial God Realm. Masasabing pambihira lamang makasaksi ang sinumang naririto ng mga halimaw na naglalaban at isa pa ay mga Warrior Beasts ang mga ito.

Kasalukyan ang mga itong nagkakaroon ng matinding salpukan ng kanilang katawan. Masasabing head-on fight ito ng dalawang malalakas na nilalang. Ang mga katawan ng mga ito ay maikukumpara sa dalawang naglalakihang kontinente na nagkikiskisan.

Agad na napabaling si Van Grego sa kapaligiran.Nakita niyang mayroong mga nakakubling Cultivators na nakatago sa matataas na talahib, ibabaw ng mga puno, sa ilalim ng lupa, sa mga dahon. Maraming mga nakatagong mga Martial Artists ang naririto. Hindi lamang iyon dahil nasa Peak Martial Warrior Realm ang mga ito. Kung lalabanan niya ang alinman sa mga ito ay baka magtamo lamang siya ng malalang sugat o mamamatay lamang siya kaya agad niyang siniguradong ikubli ang kanyang sarili maging ang kanyang astral energies at awra para hindi siya mahalata ng mga maaari niyang maging kalaban.

Agad niyang ginamit ang Water Whirlpool. Nakontrol niya ito sa mataas na lebel. Kaya niya ng gamitin ito habang nakakubli siya sa loob nito. Higit pa rito ay kaya niya ng malaman ang nangyayari sa kanyang paligid . Ito ay dahil na rin sa paghabol at muntik na pagpaslang sa kanila ni Fatty Bim ng nakaitim na maskara at ng alagad nito.

Mabilis na nakalakbay si Van Grego sa malapit sa isang sulok kung saan nakakita siya ng isang pambihirang lugar. Agad na napalula si Van Grego sa kanyang nakita.

"Isang Purple Cave ito, ito na ba ang tirahan ng Purple Rain Lion?!" Sambit ni Van Grego kay Master Vulcarian gamit ang kaniyang isipan.

"Oo, pero mag-ingat ka dahil mayroon akong nararamdamang buhay na nasa loob ng kuwebang ito. Gising ito at wag kang magpadalos-dalos!" Seryosong paalala ni Master Vulcarian kay Van Grego.

Dahan-dahang lumakad si Van Grego papasok sa loob ng Kuweba. Nang makarating siya malapit sa bungad nito ay mayroong malaking kamay ang biglang lumitaw. Mayroong nagtatalimang mga kuko ito at kulay ubeng kulay.

"Haaahh!" Sambit ni Van Grego ng hindi niya inaasahang naramdaman agad siya ng halimaw at susugod ito ng mabilisan.

"Grrrr!!!!" Sambit ng halimaw ng makita ang isang estraherong gustong pumasok sa kanilang tirahan.

"Isang baby Purple Rain Lion!" Sambit ni Van Grego ng nakangiti. Siguradong matutuwa si Fatty Bim nito dahil mayroon na siyang mount. Ang tamad pa namang lumakad yun at mas pipiliin pa nitong lumipad gamit ang flying sword nito na siyang nakakaubos ng enerhiya sa katawan. Gagawin niya itong birthday gift dahil birthday na nito dalawang buwan mula ngayon.

Agad na sumugod ang Baby Purple Rain Lion ayon sa natural nitong animal instinct. Agad siyang lumundag upang hulihin ang batang nilalang na si Van Grego.

"Wala akong panahon upang makipaglaban sa iyo." sambit ni Van Grego. Agad niyang in-activate ang Interstellar Dimension. Agad na uurong pa sana ang batang Purple Rain Lion ngunit hindi niya nagawa dahil tinodo ni Van Grego ang suction force ng Interstellar Dimension. Hindi nagtagal ay hindi makayanan ng Batang halimaw ang suction force kung kaya't bigla na lamang itong nakapasok sa loob ng Interstellar Dimension.

Kahit anong daing nito ay walang tugon sa labas.

Agad na nagpatuloy si Van Grego sa pagpasok sa loob ng Purple Cave na parang walang nangyari kani-kanina lamang. Mabilis niyang sinuri ang bawat lugar na kanyang madaanan at maya-maya pa ay narating niya ang higaan ng Purple Rain Lion.

Nakita niya sa tabi nito ang sampong napakalaking bato na kulay ube.

"Ito na nga Van Grego ang aking sinasabi sa'yong pambihirang bagay. Ang mga batong iyan ang Purple Astral Stones. Puno iyan ng astral energies na kayang palakasin ang katawan ng isang nilalang at kung maraming suplay nito ay makakaya nitong mabilis na pagbreakthrough." Masayang pagkakasabi ni Master Vulcarian.

Agad na kinuha ni Van Grego ang limang malalaking bato at pinasok sa loob ng Interstellar Dimension. Hindi niya ito pinalapit sa Purple Rain Lion dahil baka ubusin nitong inumin ang mga enerhiya na ayaw niyang mangyari.

"Umalis na tayo rito. Huwag kang mabahala kung wala makita ng Adult Purple Rain Lion ang kanyang anak maging ang nawawalang limang naglalakihang bato. Plano nitong kainin ang sarili nitong anak dahil sa ganid nito sa kapangyarihan katulad ng Diamond Tail Scorpion.

"Opo Master!" Sambit ni Van Grego bilang tugon. Kokonsensyahin pa sana siya ngunit hindi naman pala dapat. Unti-unting nagkakaroon na ng sariling pag-iisip ang Purple Rain Lion at ang Diamond Tail Scorpion, napakasama ng kanilang layunin kung kaya't nararapat lamang ito. Nagtataka nga siya kung bakit nalaman ni Master Vulcarian ang lahat ng ito ngunit alam niya ring hindi ito oras para magtanong.

Mabilis na nilisan ni Van Grego ang Purple Cave at pumaroon sa ibang direksiyon.

...

Habang mabilis na umaalis si Van Grego gamit ang kanyang movement technique ay agad niyang hinanap ang tirahan ng Diamond Tail Scorpion.

Mula sa kanyang kinaroroonan ay may nakita siya sa kanyang harapan ang kakaibang pormasyon ng lupa na ngayon niya lamang nakita. Mayroong may mga butas-butas ito na pabilog na siyang parang tirahan.

"Ano ba 'to, mukhang bahay ng anay yung nakita ko ngayon Master, ah ba-----! " Sambit ni Van Grego habang nalilito.

"Aba aba aba, mukhang bahay ba yan ng anay? Eh alam mo namang ang lalaki ng butas na iyan tsaka sa pagkakaalam ko eh bahay yan ng mabantot na scorpion! Tsaka bilisan mong kumilos bago pa magising ang mga alakdan!" Sambit ni Master Vulcarian.

Bigla na lamang nagkaroon ng pag-uga sa lugar na kinaroonan ni Van Grego.

O-oohhh! Nagkakamali ka Master, gising na sila at madami sila huhu!" Sambit ni Van Grego habang nagkakamot ng kanyang ulo.

"Haha, hindi ko na problema iyan. Nakalimutan ko palang sabihing sensitive ang halimaw na ito sa tunog hehehe..." Masayang sambit ni Master Vulcarian.

"Ah, talagang masaya ka pa Master ha? Anong gagawin ko ngayon? Sambit ni Van Grego na halatang problemado.

"Kung gusto mong 'wag makain ng halimaw na yan eh, gamitin mo ang Water Whirlpool Technique at pumasok sa loob ng malaking butas na iyan, yan ang bahay ng halimaw na iyan!" Sambit ni Master Vulcarian sabay turo sa napakalaking butas na siyang tirahan ng halimaw na alakdan o mas mabuting sabihin na ang pinuno ng mga Diamond Tail Scorpion.

"Hmmm..." Tanging tugon na lamang ang isinagot ni Van Grego.

Mabilis niyang ginamit ang Water Whirlpool Technique upang ikubli ang kanyang sarili at mabilis na pumunta sa loob ng malaking butas na siyang tirahan ng halimaw.

"Hoo! Muntik na ko dun ah. Pero di ako magpapatalo. Kailangan ko nang hanapin ang pambihirang bagay na yun!" Sambit ni Van Grego sa kanyang isipan. Pinaghalong kaba at excitement ang kanyang nararamdaman niya ngayon. Kailangan niyang hanapin ang bagay na yun.

"Bilisan mo bata, nararamdaman kong malapit ng matalo ang Diamond Tail Scorpion, sa oras na matalo iyon ay siya ring pag-aagawan ng pwesto ng mga anak nitong nandirito. Kaya bilisan mo na!" Sambit ni Master Vulcarian sa seryosong boses.

"Sige Master, gagawin ko po agad-agad! Sambit ni Van Grego habang naramdaman niyang nawala muli ang koneksyon nila ni Master Vulcarian. Agad na naghanap-hanap si Van Grego ngunit wala siyang nakitang kakaiba. Ilang minuto pa at agad siyang napatigil ng mapansin niya ang malakristal na pabilog na bagay sa kisame ng tirahan ng Adult Diamond Tail Scorpion.

"Ito ba yun, Master? Hindi maaari, Ito ang Diamond Vajra Fruit na siyang may pambihirang epekto sa sinumang kakain nito at isa itong pambihirang sangkap para sa alchemist!" Sambit ni Van Grego kay Master Vulcarian gamit ang isipan.

"Tama ka bata, hindi ko alam na alam mo ang prutas na ito. Makakatulong ito ng malaki sa iyo lalo na kapag malapit ka ng magbreakthrough sa Diamond Rank!" Sambit ni Master Vulcarian kay Van Grego.

Nang marinig ito ni Van Grego ay napangiti siya ngunit nawala ito ng muling nagwika si Master Vulcarian.

"Huwag kang magpakasaya bata, Ang Beast Core at ang Martial Spirit ng Diamond Tail Scorpion ay maaari mong kuhanin at magagamit sa hinaharap lalo pa't minsan lamang itong mangyari lalo pa't isang Warrior Beasts ito kaso nga lang ay unti-unting namumuo ang consciousness ng Purple Rain Lion kung kaya't wala siyang kawala sa kamatayan nito.

"So anong gagawin ko makipagkompetinsya para dito o h---- uy, Master! Master? Hayst!" Sambit ni Van Grego ng pagtataka ngunit naiinis dahil nawala muli ang koneksyon niya kay Master Vulcarian.

Agad na kinuha ni Van Grego ang Diamond Vajra Fruit at tinago niya ito. Mabuti na lamng at walang mga trap ang kinalalagyan ng prutas dahil malaking oras at panahon ang kanyang masasayang.

"Sige na nga, malaking bagay rin ito tsaka may punto rin si Master. Mayroon na kong plano para dito hehe!" Sambit ni Van Grego sa kanyang isipan habang nakangisi.

Agad na umalis si Van Grego sa lugar na ito gamit ang Water Whirlpool Technique. Ngayon ay nagagamut niya ito ng mabuti. Sa oras na tumaas ang comprehension niya sa Konsepto ng tubig ay maaari na niyang mapag-aralan ito lalo na ang apat pang malalakas na Technique ng Aquatic Divine Scroll.

Agad na lumitaw si Van Grego sa isang nagtataasang batuhan. Dito ay medyo lumayo siya upang hindi siya paghinalaan ng sinuman o atakehin ng mga mababangis na Martial Beasts na gumagala sa ibabang parte nito.

"Bata, pumunta ka na ngayon din! Nagkakagulo na dun at tsansa mo na to dahil kung hindi ay wala ng iba pang pagkakataon." Sambit ni Master Vulcarian ng may paalala at may halong paghihikayat kay Van Grego. Totoo ang lahat ng kanyang sinasabi lalo pa't nakikita ng kanyang makapangyarihang divine sense ang pangyayari mula sa di kalayuan o maging sa ibang lugar ngunit ayaw niyang i-exhaust ang sarili niya dulot ng misteryosong enerhiya sa katawan ng binata na pumipigil sa kanyang kapangyarihan maging ng malawak na Myriad Painting.

"Opo Master!" Sambit ni Van Grego habang mabilis na isinagawa ang Falcon Wave Movement Technique.

Nang makarating siya sa lugar ay halos mapanganga siya lalo na't maraming mga Martial Artists na nakatago lamang noon ay kasalukuyang nagtutulong-tulong sa paglaban sa Warrior Beasts. Bawat kilos ng Purple Rain Lion ay nagkakaroon ng mga pag-uga ng lupa na siyang ikinatumba ng maraming martial artists ngunit patuloy pa rin silang nagkakaisa laban sa halimaw.

Naobserbahan ni Van Grego ang naging kilos ng halimaw. Nalaman niyang malubha itong nasugatan dulot ng atake ng halimaw. siya Kaunting pinsala lamang ang natamo niya sa pinagsamang atake ng mga Martial Artists ngunit nagpapahirap ito sa paggalaw nito.

"Van Grego, mas mabuting kunin mo na ang bangkay ng Diamond Tail Scorpion bago pa higupin ng Purple Rain Lion ang Martial Spirit nito maging ang Beast Core nito. Kapag nangyari iyon ay mamamatay ang bawat batang Martial Artists na naririto. Sa susunod na magbukas ang Black Phantom Mystic Realm na ito ay nangangamba akong mamamatay ang bawat isang batang kalahok na papasok sa Mystic Realm na ito, magkakaroon ng pagdanak ng dugo. Sa oras na makaabot sa ranggong Earthen Realm ang Purple Rain Lion ay siguradong lalabas ito sa Mystic Realm at magpapalakas pa ng tuluyan. Ayaw mo ring mangyari iyon hindi ba?!" Sambit ni Master Vulcarian ng puno ng babala lalo na sa estimasyon nito sa hinaharap. Hindi man ito malakas ngayon ngunit kapag magkakaroon ito ng consciouness at humigop ng sariling Martial Spirit ng mga malalakas na halimaw sa loob ng Mystic Realm na ito ay marami itong mapeperwisyo. Ang kontinenteng ito ay malalagay sa panganib.

"Oo, gagawin ko to Master para sa ikakatahimik ng lahat. Babalik ako sa susunod upang paslangin ang halimaw na ito!" Sambit ni Van Grego habang puno ito ng determinasyon. Ang lumakas lalo pa't hindi siya sigurado sa plano ng halimaw.

Sa hinuha niya ay nagkukunwari lamang ang Purple Rain Lion na mahina pero ang totoo niyan ay sarili niya itong bitag para sa mga Batang Martial Artists na naririto. Kapag nahigop niya ang Martial Spirit at pagkain nito ng Beast Core ng Diamond Tail Scorpion ay plano nitong kainin ang mga batang Martial Artists. Halos mamula sa galit si Van Grego lalo na sa kapangahasan ng halimaw at makamandag nitong drama. Nasisiguro niyang namumuo na ang consciousness nito.

Agad na ginamit ni Van Grego ang Water Whirlpool Technique upang ikubli ang kanyang sarili habang lumalapit siya sa bangkay ng Diamond Tail Scorpion na siyang katabi lamang ng tusong Purple Rain Lion. Mabilis niyang inactivate ang Interstellar Dimension at hinigop nito ang malaking bangkay ng Diamond Tail Scorpion.

Nang tuluyang mawala ang bangkay ay mabilis na umalis si Van Grego sa lugar na ito ngunit hindi niya alam na agad siyang nakita ng Purple Rain Lion.

Roar!

Galit na tunog ang binitawan ng Purple Rain Lion ng makitang tinangay ng isang nilalang ang bangkay ng Diamond Tail Scorpion.

Agad niyang hinawi ang mga grupo-grupong mga Martial Artists na kanina pa namemeste sa kanya.

"Akala mo ay nakakatakas ka sa akin, paslit na bata humanda ka!" Sambit ng Purple Rain Lion sa kanyang isipan habang umatungal ito ng malakas!

ROARRRR!!!!!

Mabilis na tumakbo ang Purple Rain Lion habang wala na itong iniintinding iba pa ang mga bagay-bagay. Ang importante sa kanya ay ang makuha ang bangkay ng kanyang mortal na kaaway at higupin ang natitirang pambihirang enerhiya nito.

Nang makita ito ng mga batang Martial Artists ay nakaramdam sila ng matinding takot at pangamba dulot ng kilos nito.

"Lisanin na natin ang lugar na ito bago pa bumalik ang tusong halimaw na iyon na nagkukunwari lamang na nanghihina. Wag na tayong mag-aksaya pa ng oras bago pa tayo maging hapunan nito!" Sambit ng isang  batang nakapulang damit. Sa tindig at pustora nito ay halatang siya ang tumatayong lider ng mga ito.

"Sang-ayon ako, masyado nating minaliit ang tusong Purple Rain Lion na iyon. Plano niya tayong dalhin sa sarili nitong bitag para masila niya tayo. Hindi na ligtas ang lugar na ito lalo pa't nagkakaroon na ito ng consciousness na siyang aking pinangangambahang sa susunod ay wala ng matitirang buhay kapag pumasok pa sa Mystic Realm na ito!" Sambit ng isang batang babae na may magandang mukha. Halatang mataas ang obserbasyon nito sa bagay-bagay lalo na sa mga halimaw.

"Nakakatakot pala talaga ang halimaw na iyon!"

"Ayoko na rito!"

"Umalis na tayo rito!"

"Lisanin na natin ang lugar na ito!"

Ilan lang sa mga ito ang maririnig sa lokasyong ito. Maraming nagimbal sa sinabi ng dalawang talentadong bata na naririto. Halata sa mga mukha nila na kahit isa silang talentado sa henerasyon nila ay talagang mas makapangyarihan ng ilang beses ang halimaw na iyon. Para lamang silang langgam sa mata ng Purple Rain Lion. Hindi man nila aminin pero ito ang katotohanan.

Mabilis na nilisan ng lahat ng batang Martial Artists ang lugar na ito na puno ng takot. Alam nilang ang lugar na ito sana ang magiging libingan nila. Tumatak ito sa bawat isang batang Martial Artists at nagmistula itong aral sa kanila.

...

Patuloy pa rin sa paghabol kay van Grego ng Purple Rain Lion. Galit na galit itong umuungol. Hindi ito pumapayag na makatakas ang kumuha ng bagay na para sa kanya.

ROAR! ROAR! ROAR!

Biglang nagkaroon ng kulay ubeng bola ang biglang namumuo sa bibig ng Purple Rain Lion nang makitang medyo,lumalayo na ang sinasabi niyang magnanakaw na nilalang.

Bigla niya na lamang itong iniluwa at ipinatama sa lokasyon mismo ni Van Grego. Agad namang ginamit ni Van Grego ang Water Whirlpool Technique para makaiwas at makaalis agad sa lokasyong ito na siya namang napagtagumpayan niya ngunit nahagip pa rin siya ng biglang sumabog ito sa kalupaan.

Agad namang nawalan ng bisa ang technique dahil sa impact at agad na iniluwa ng Water Whirlpool si Van Grego sa marahas na paraan. Malakas na bumagsak si Van Grego sa lupa at tumama ang kanyang tuhod sa matulis na bato.

"Ahhhh!" daing ni Van Grego dahil sa walang tigil sa pagdugo ng kanyang tuhod.

Agad na kumain siya ng isang Tier 4 Recovery Pill upang mapigilan ang pagdurugo ng kanyang mga sugat sa katawan. Ayaw niyang kumain ng matataas na kalidad na pill dahil mayroon mga impurities ito na siyang mahihirapang pawalain sa katawan niya na ayaw niyang mangyari.

Maya-maya pa ay biglang sumugod ang halimaw na Purple Rain Lion habang nakawasiwas ang mahahaba nitong mga kuko.