webnovel

Chapter 37

"Patawad prinsesa, sinubukan naming lumabas at humanap ng panibagong bayan na matutuluyan namin." Isa sa mga nakaratay ang sumagot. Kahit hirap ito ay sinubukan pa rin nitong makasagot.

Nanlumo na lamang si Elysia sa narinig.

"Bakit?" Nawala ang kaninang mga ngiti sa kaniyang labi, maging ang liwanag ng kaniyang mga mata ay tila ba nandilim bigla. Mariin napapikit si Elysia at marahang hinilot ang sentido niya.

Wala ni isa ang sumagot sa kanila, bagkus ay nag-iwas pa sila ng tingin, animo'y nahihiya. Lalong nangunot naman ang noo ni Elysia at bumuntong-hininga.

"Kung ayaw niyong pinapakialaman o pinupuntahan ko kayo rito, maaari niyo namang sabihin sa akin. Wala kayong sinasabi at nakangiti kayo kapag narito ako, paano ko malalaman kung ayaw niyo? Hindi niyo na kailangan pang patago na umalis at humanap ng malilipatan at ilagay ang sarili niyo sa kapahamakan." Naihilamos na lamang ni Elysia ang palad sa mukha at nanlulumong tiningnan ang sitwasyon ng tatlo.

May mga sugat ang mga ito sa balat nila na tila ba namumuti na, namumutla rin ang mga ito at halatang hirap na hirap, maging sa paggalaw.

Wala siyang nakikitang masama sa kaniyang ginagawa ngunit ang mali niya ay hindi rin niya isinaalang-alang ang nararamdaman ng mga ito. Muli siyang bumuntong-hininga at saka, nilapitan ang mga ito. Seryoso ang mukha niya nang magtanong ng nararamdaman ng mga ito at wala namang nagawa ang tatlo kun'di sagutin si Elysia. Papaalis na siya nang makasalubong niya si Kael. Madilim ang mukha niyang hinarap ito.

"Masaya ka na ba? Ito naman ang gusto mo 'di ba? Ang sukuan ko kayo? Pero bakit kailangan umabot sa ganito? Kailangan pa bang may mapahamak para ipabatid niyo sa akin ang nais niyo? Hindi na ako mangingialam, hindi niyo na kailangang umalis. Hahayaan ko kayo sa nais niyo. Sana masaya ka na." Mariing wika niya at mabilis na nilisan ang lugar. Hindi na niya hinintay na makasagot pa ito dahil parang sasabog na ang puso niya sa sobrang sakit.

Hapon nang makabalik si Elysia sa palasyo. Matapos masigurong nasa maayos nang kalagayan ang tatlo ay saka lamang siya nagdesisiyong umuwi.

"May sakit ang tatlong kapatid ni Raion, lumabas sila at nagbalak na humanap na bagong matitirhan. May mali ba sa ginawa ko, Vlad? Bakit kailangang umabot sa ganito? Ang sabi ni Lira, malubha at walang lunas ang sakit na iyon. Sabi ni Lira, ang bawat bayan na nadadapuan ng sakit na iyon ay nababaon na sa limot. Sabihin mo sa akin, mali bang mangulit ako sa kanila?" hindi na napigilan ni Elysia ang pagbuhos ng kaniyang hinanakit nang sila na lamang ni Vlad ang nasa bulwagan ng Trono.

"Wala kang kasalanan, Ely. Hindi ka nagkulang, hindi ka rin sumobra. Sadyang may mga nilalang lamang na matitigas ang ulo at hindi natututo kung hindi madadapa at masusugatan." Hinaplos ni Vladimir ang klikod ni Elysia habang yakap ang dalaga.

"Huwag kang mag-alala, kung sa bayan ng Heles sila nanggaling, alam ni Loreen ang lunas para sa sakit na 'yon. Noon wala itong lunas, ngunit hindi na ngayon. Matagal nang napag-aralan ng grupo ni Loreen ang lunas para sa sakit na iyon. Kaya, huwag ka nang malungkot. Paggaling nila, tsaka mo na sila pagalitan." Kinintalan ni Vladimir ng halik si Elysia sa noo. Tumango naman si Elysia at napangiti habang patuloy pa rin ang pagtulo ng kaniyang luha.

Kinabukasan, katulad ng inaasahan ni Vladimir ay maging si Elysia ay nahawa rin ng sakit nila. May malala ang atake nito sa mga tao, kaya naman mabilis na nanghina ang katawan ni Elysia. Rumatay siya sa higaan at hindi naman magkamayaw ang mga tagapag-alaga niya sa pag-aasikaso sa kaniya.

"Naibigay ko na sa kaniya ang paunang lunas, ngunit mabagal ang epekto nito sa prinsesa. Mortal siya at mas mahina ang katawan niya sa mga ganitong sakit. Nag-utos na rin ako ng aking mga tao para puntahan ang Faragas at bigyan ng lunas ang tatlong nagkasakit. Para naman doon sa mga bata, nagbigay na kami ng gamot para hindi sila mahawa." Saad ni Loreen.

Tumango lang si Vladimir, hindi nito inaalis ang mata sa nahihirapang dalaga habang hawak-hawak niya ang nanlalamig nitong mga kamay.

Habang tila tinutupok ng apoy ang katawan ni Elysia, ay malinaw naman niyang naririnig ang usapan ni Loreen at Vladimir. Maging ang nagagawang ingay ng mga nasa paligid niya ay malinaw niyang naririnig.

Hindi niya alam kung ilang oras o gaano katagal siyang nasa ganoong sitwasyon ngunit nang muli niyang maimulat ang kaniyang mata ay madilim na. Masakit ang buong katawan niya na tila ba binugbog siya ng matinding labanan. Mabigat pa rin ang ulo niya ngunit kahit papaano ay nakakaya na niya itong indahin.

Kinurap-kurap niya ang mata hanggang sa maging malinaw na ito at makita niya si Vladimir na nakaupo, 'di kalayuan sa kaniyang higaan at tila may ginagawa. Sinubukan niyang magsalita ngunit agad na sumakit ang kaniyang lalamunan. Tila ba gasgas iyon at tuyong-tuyo.

Tanging pag-ung*l na lamang ang kaniyang nagawa upang kunin ang atensyon ng binata. Hindi naman siya nabigo at nakita niyang mabilis na lumapit sa kaniya si Vladimir.

Hindi ito nagtanong ng kung ano. Kusa itong gumalaw at nagsalin ng tubig sabisang baso at tinulungan siyang makainom. Ramdam niya ang agarang pagginhawa ng kaniyang lalamunan at makahulungang nagumiti sa binata.

"Huwag ka munang magsalit, magpahinga ka pa. Paggising mo mamaya, kakain ka, para manumbalik na ang lakas mo." Wika ni Vladimir at kumurap siya bilang pagsang-ayon dito. Muli niyang ipinikit ang kaniyang mata at agaran siyang nakatulog.

Sa kaniyang muling paggising ay sumalubong naman sa kaniya ang mabangong aroma ng pagkain. Nasa tabi niya ang mangkok ng umuusok na sabaw. Bahagya niyang iginalaw ang kaniyang kamay at maayos niyang naiangat iyon. Marahan siyang bumangon at pinakiramdaman ang sarili.

Hindi na masakit ang katawan niya, hindi na rin mabigat ang ulo niya. Pero, ramdam pa rin niya ang panghihina at ang pagkalam ng kanuyang sikmura. Akmang aabutin niya ang mangkok ay maagap naman siyang pinigilan ni Vladimir.

"Hindi mo pa kaya, mapapaso ka kapag sinubukan mo. Hayaan mong subuan kita." Wika ni Vlad at sinubuan nga siya ng binata. Maingat na hinihipan nito ang sabaw bago isubo sa kaniya.

"Pagkatapos mong kumain, magpahinga ka ulit. Bukas, magiging maayos na ang pakiramdam mo. Sa ngayon, kailangan mo ang ibayong pahinga, para mabawi mo ang lakas na nawala sayo.

Tumango lang si Elysia. Hindi na siya nagsalita pa at nagpatianod na lamang sa lahat ng gusto ng binata. Alam niyang para lang din naman ito sa kabutihan niya kaya niya ito sinusunod. Matapos kumain ay pinahiga na siya ng binata sa higaan. Nang akmang aalis ito ay mabilis naman niyang hinawakan ang kamay nito.

Nabigla naman si Vladimir at marahang tinapik ang kamay ng dalaga.

"Nais mo bang samahan kita?"

Tumango siya. Umupo naman si Vladimir sa tabi niya at nahiga roon. Agad na nakaramdam ng kapanatagan ng loob si Elysia at dagli rin siyang nakataulog nang ikulong siya ni Vladimir sa kaniyang mainit na yakap.

Kinabukasan, nagising si Elysia sa mga ingay sa labas ng kaniyang silid. Tila ba nanggagaling ito sa labas ng palasyo. Nang bumangon siya, bumungad sa kaniya si Loreen na binubuksan ang bintana sa silid niya. Umihip ang sariwang hangin at isinayaw nito ang makapal na kurtina.

"Loreen, ano'ng ingay ang naririnig ko, parang may nagkakagulo?" Tanong ni Elysia. Lumingon naman si Loreen at nakangiting lumapit sa kaniya. Bago sumagot at inilapat muna ng babae ang kamay sa noon niya.

"Wala ka ng lagnat, at mukhang maayos ka na. Kamusta ang ulo mo?"

"Hindi na masakit, ano pala ang nangyayari sa labas?" Tanong Elysia.

"Nasa labas si Raion, kasama ang mga kapatid niya, kahapon pa sila roon at mukhang balak nilang manatili roon hangga't hindi ka nila nakakausap." Tugon ni Loreen.

Nanlaki naman ang mata ni Elysia at dali-daling tumayo. Inalalayan naman siya ni Loreen patungo sa bintana. Doon niya nakita si Raion, Raya at mga kapatid nila na nakaluhod sa lupa sa harap ng palasyo. Mula kasi sa bintana ng silid niya ay kitang-kita niya ang harapan ng palasyo at ang hardin nito.

"Sa anong dahilan at bakit nila ako gustong makausap? Nag-iwan na ako ng mensahe kay Kael na hindi na ako kailanman mangingialam. Huli na ang ginawa kong iyon. Ayokong sa susunod na ipagpilitan ko ang nais ko ay may mapahamak na ng tuluyan sa kanila. " Wika pa niya. bakas sa mata ng dalaga ang pagkadismaya. Hindi dahil sa grupo ni Raion kun'di dahil sa sarili niyang kakulangan.

"Hindi mo na ba sila haharapin?" Muling tanong ni Loreen. Napipilan naman ang dalaga at muling napatingin sa labas. Tila kinurot naman ang puso niya nang makita ang kalagayan ng mga ito, lalo na ng mga bata. Naroon din si Kael na seryosong nakaluhod. Tila ano mang oras ay babagsak na ang mga ito.

"Kung nais mong lumabas, naihanda ko na ang pamalit mo, kumain ka muna para may lakas kang paluin ang matitigas ang ulo." Pabirong wika ni Loreen. Napaawang naman ang mga labi ni Elysia nang tingnan niya ang papalayong si Loreen.

Napatda ang tingin niya sa upuan at nakita niya na maayos na nakasampay roon ang isang kulay rosas na bestida.