webnovel

Kabanata Lima [3]

NANATILING NAKAHIGA SI Myceana sa malambot na higaan nang magising siya. Habang titig na titig siya sa kisameng purong kayumanggi na walang pintura ay naramdaman niyang bahagyang humuhupa na ang kaniyang mga pananakit sa katawan dulot ng magandang pahinga.

Sa nagdaang mga araw ay ngayon lamang niya sandaling nakalimutan ang pag-aalala sa kaligtasan, bagkus ay ninamnam niya ang gaan ng pakiramdam matapos ang iilang oras na mapayapang tulog.

Napaunat siya at napatingin sa paligid, at napansin kaagad niyang siya na lang ang natira sa loob ng silid. Dahil sa naririnig niyang ingay at usap-usapan sa labas ay napagtanto niyang maaaring ito ang kaniyang mga kasamahan na may pinagkakaabalahan. Kung kaya't napabangon siya mula sa kinahihigaan at dali-daling sinuot ang sapatos sa tabi, saka tinungo ang gawi ng pinto at tinulak ito pabukas.

Unang bumungad sa kaniyang paningin ang mesang mahaba na tadtad ng kagamitang hindi niya magawang tukuyin kung ano-ano, pero kadalasan ay purong mga bakal at plastik. Sa tabi naman ay naroon niya nakita si Vinceo na abala sa ginagawa nito, sa pagkamangha ay hindi nakagalaw sa Myceana sa kinatatayuan at napako lang ang kaniyang tingin sa pinaggagawa ng lalake.

Nakakaaliw makita ang mga nakalutang na mga kagamitan sa ere, isa-isa itong sinuri ng lalake at kinilatis ng maigi. Sa ginawa nito ay nabatid kaagad niya na nagkapareho sila ng kakayahan, kung kaya't mas lalo siyang nasabik malamang may telekinetic din na kagaya niya.

Ngunit kalaunan, nang makita niyang natutunaw ang mga bakal at plastik na nag-iibang hugis ay roon lamang niya nasabing magkaiba pala sila, sapagkat nagawa nitong bumuo at humulma ng bagong bagay ayon sa kaniyang kagustuhan gamit ang mga tinunaw nitong kagamitan.

"Papaano mo 'yan nagawa?" tanong niya kay Vinceo na saglit lamang siyang binalingan dahil pukos na pukos ito sa kaharap, "Paano mo natutunaw 'yang mga plastik at muling napatigas?"

"Nararamdaman ko ang presensya ng mga atoms sa isang bagay," sagot ng lalake at isinantabi ang tinatrabaho, sa halip ay pinalutang nito ang isang barya na limang piso mula sa bulsa, "Nagagawa ko silang kontrolin kung kaya't nagagawa kong baguhin ang ayos nila." paliwanag nito at pinakita sa kaniya ang biglaang pagkahati ng barya sa tatlo.

Mas lalong namangha si Myceana sa ipinakita ng lalake, parang nagtatanghal ito sa kaniyang harapan at nagpapakita ng isang bagong uri ng mahika na walang halong daya at purong kakayahan.

"Ito ang Nickel," turo ng lalake sa kulay pilak na likidong lumulutang sa gawing kaliwa nito, "konti lang dahil 5.5% lang ito sa kabuoang compound ng barya. Heto namang isa ay ang Zinc, 24.5% ang percent composition nito sa kabuoan," patungkol ng lalake sa makinang at kulay pilak na likidong nakalutang sa gitna at mas marami kumpara sa Nickel, "At heto namang mas marami ay ang Copper na 70% ang percent composition." ani nito sa bagay na kulay kahel na makinang din.

"Para kang isang 'element manipulator'?"

Saglit namang natahimik ang lalake at napag-isip-isip ang pinahayag niya, "Parang gano'n na nga," saad nito at napatango pa't matamis na napangiti.

Isang kurap lang ay muling nagsama-sama ang tatlong likido sa gitna, malakas ang kontrol ng lalake rito dahil sa mabilis na bumalik ito sa normal o oridyinal na ayos---ang limang pisong barya.

"Oo nga pala, heto na yung hinihingi mo." sabi ng lalake at mula sa tabi ay pinulot nito ang dalawang itim na patalim, saka inabot sa kaniya.

"Salamat," aniya at tinanggap ang dalawang patalim na napakatalas, "Ang ganda nito." aniya sa galak matapos kilatisin ito.

[insert pic]

"Gawa 'yan sa Carbon kaya sigurado na ang pagiging matibay niyan, matulis din at 'di mo na kailangang hasain palagi dahil napapanatili niya ang talas. Pero madali lang 'yang kalawangin kaya iwasan mong mabasa 'yan, at kung mababasa man, palagiin ang pagpunas nito." bilin nito.

"Salamat, Vinceo."

"Walang anuman, Myceana. Sabihan mo 'ko kung may kailangan ka pang armas o kung gusto mo 'yang ipaayos pa." ani nito na may matamis na ngiti, "Oo nga pala heto yung kaluban niya." pahabol ng lalake at inabot ang gawa sa plastik na lalagyan ng patalim, "Para iwas sugat."

Bitbit ang patalim na kakasilid lang niya sa kaluban ay tinungo niya ang mga kasamang inukupa ang isang may katamtamang haba na kulay pulang sopa, maliban kay Digit na nasa harap ng grupo at pinipresenta ang katabing holographic image.

"Myceana, halika, tabi tayo rito." pahayag ni Cyan at inaya siyang umupo sa armrest ng sopa.

Nguniti siya at umupo sa malambot na armrest, saka sumandal at inakbayan si Cyan. Napukos naman kaagad ang kaniyang tingin sa harap at inobserbahan ang hologram na ipinapakita ni Digit, isa itong estruktura ng gusaling hindi pamilyar sa kanilang paningin dahil sa ayos nitong kakaiba.

"Napagplanuhan namin kanina Myceana na uunahan namin ang Herozoan." pahayag ni Digit sa kaniya, "Bago pa man nila matunton kung nasaan tayo; bago pa man sila makaka-atake ay iisa-isahin na natin ang pundayun nila hanggang sa wala na silang mailalaban pa."

Napatango nanan si Myceana bilang pagsang-ayon sa plano ng grupo, "At itong gusali ang isa sa mga pundasyon nila?" tanong niya.

"Oo, ito ang isa sa mga facility ng Herozoan na nasa ilalim ng karagatan." pahayag ng babae at kasabay nito ang pagbuo ng mapa sa tabi ng estruktura.

[insert pic]

"May sikretong lagusan ito sa kalapit na bayan, tutuntunin lang natin yun at gagamiting ruta sa pagpaasok at paglabas dahil ililigtas din natin ang mga altered na nakakulong doon." dagdag pa nito, "Lakas ng Herozoan ang mga altered, kung 'di natin sila itatakas bago maisagawa ang Project Void, madadagdagan ang kalaban natin." nag-aalalang saad nito.

"Kayang-kaya natin 'to," determinadong pahayag ni Valtor na halatang handang-handa na.

"Heto ang kabuoan ng pasilidad." presenta ni Digit, "At kayo Myceana, Renie, Valtor, kasama si Vinceo ang papasok. Kayo lang kasi ay may kakayahang umatake sa malayo. Samantalang kami naman nina Arlette at Cyan ay mananatili sa labas upang kayo'y suportahan; kami ang magsisilbing mata n'yo, gabay sa tamang pagdedesisyon, at kung magkakaproblema man ay kami na rin ang magiging extraction team."

Walang nagsalita ni isa mula sa grupo, natuon ang kanilang buong atensyon kay Digit at sinisugurong masasaulo ang plano upang 'di ito papalpak.

Malakas man ang kanilang puwersa, pero 'di pa rin maiwasan ni Myceana na hindi kabahan. Natatakot siya sa posibleng 'di nila makokontrol ang sitwasyon; malaki ang tsansang bubulagain sila ng 'di inaasahang pangyayari, kung kaya't nag-aalala siyang mauuwi ito sa madugong proseso.

"Kailan natin 'to isasagawa?" tanong ni Arlette.

"Ngayon na,"