webnovel

Akala Ko Siya Na

.Umibig ka na ba? Yung tipong umasa ka na akala mo siya na. Yung tipong akala mo isa sa inyo ay di na maaatim na sumuko pa. Yung tipong magkapareho kayo sa mga bagay, sa madaling salita, magkasundo kayo sa halos lahat ng bagay o hindi kaya naman kahit marami kayong pagkakaiba eh nag a-adjust kayo para sa isa't-isa. Yung akala mo, matutupad na yung gusto mo na sa wakas may taong gusto rin akong makasama hanggang dulo. Yung akala mong tatanggapin ka kung sino ka man, kahit pa sa pinaka the best or worst part ng buhay mo eh tanggap ka. Yung halos lahat na yata nang pagmamahal sa kanya mo inalay, wala nang natira para sa sarili mo. Naranasan niyo na ba yan? Pwes ito ang librong para sa inyo. Mga totoong makawasak na puso na tungkol sa pag ibig na tiyak na kayo'y makakarelate.

Chace_Gonzales · Realista
Classificações insuficientes
16 Chs

Akala Ko Siya Na #5

.Ang panglimang kwento ay galing sa isang groupmate ko sa FB. Alam niyo naman yun, yung samahan ng ganto ganyan. Gusto ko kasing hindi lang puro tungkol sa highschool or college love ang nandito. Mas ayos din kung meron na kwento tungkol sa mga taong may trabaho na.

Matanong ko lang.

Ikaw ba?

Nakatagpo ka ba nung taong ang tagal niyo ng magkarelasyon pero hindi naman naging kayo?

Yung plano niyo sa buhay eh plano niya rin pala sa iba?

Ito yung isa sa masasabi kong pinaka masakit sa ngayon, na kwento dito.

Ako yung naglakas ng loob na nag pm sa kanya. Nakita ko kasi yung post niya sa group parang broken talaga siya. Hindi pa siya totally recover.

Nasa mid 30's na si Kuya. Natuwa naman ako kasi kahit na estranghero kami sa isa't-isa matapang niyang ibinahagi ang kanyang kwento. Ang sabi ko lang naman yung kahit buod lang. Nangako rin naman ako sa mga nagshare sa akin na hindi ko ilalagay ang pangalan nila.

Ito na nga. Chinat ko si Kuya. Nagkakilala sila nung babae nung pagtapos nung birthday niya sa isang bar. Kumbaga parang nag ch-chill lang siya nung panahong to'. Syempre lalo't may work ka na dapat hindi ka mawalan ng time sa sarili mo para makapagrelax.

Nataon din naman na yung birthday niya hindi masaya kasi malayo siya pamilya niya. Kaya nag bar siya. Pag lumalaki na tayo. Hindi na natin naiisip na mag celebrate ng magarbong birthday. Hindi ba? Kasi mas maraming dapat tayong pagtuunan na bagay kahit pa sabihin na isang beses sa isang taon lang yung birthday natin.

Meron na tayong priorities sa buhay lalo na kung tayo ang bread winner ng pamilya. Mas uunahin mo pa bang mag celebrate ng birthday kaysa magbayad ng natambak na mga bills?

Balik na nga sa kwento. Nakita niya yung babae na nag iisa sa table. Tapos pumunta siya sa C.R. Hindi niya naman inaasahan na magkakasalubong sila nung babae dahil parehas pala silang galing sa comfort room.

Yung pakiramdam na, nagkusa na ang tadhana para magkilala kayo tapos ikaw ang kailangan mo na lang eh kumilos para malaman ang pangalan niya. Hindi niya naman pinalampas ang pagkakataon. Nagkasundo sila na i-isang table na lang sila.

Wala sa isip ni Kuya na magiging 'The One' niya ang babae. Simula non naging chat mate na sila. Madalas na rin sila magkita. Love moves in mysterious nga naman. Na develop silang dalawa sa isa't-isa.

Pinakilala siya nung babae sa buong angkan nito. Ito yung isa sa pinaka masarap sa pakiramdam para kang kumain ng pinaka masarap na pagkain na matagal mo ng gustong tikman. Wala ng hihigit pa. Parang cloud nine ang feeling na matanggap ka ng buong angkan ng taong mahal mo.

Hanggang sa naging sila. Everything is going smoothly. Wag niyo na pansinin ang english ko. Hindi ako magaling mag english.

Balik na nga sa kwento, smooth ang relationship nila. Kumbaga hindi ganon sila kadalas mag away. Matumal lang. Na ha-handle nila pareho yung problema kaya't tumagal sila ng tatlong taon.

Bihira na lang yung relasyon na smooth tapos ang tagal. Ito yung relasyon na talagang ang sarap makatulog sa gabi kasi hindi pinamumukha sayo na nakakastress magka-love life.

Hanggang sa nagplano sila na pumunta sa isang naturang bansa. Hindi ko na babanggitin kung saang bansa. Ok naman si Kuya sa naging plano nila kaya't nag resign siya sa trabaho niya. Sino ba namang hindi mapapaisip na mag resign kung may mas magandang oportunidad ang naghihintay sayo?

Siya rin ang nag asikaso ng mga kailangan nila para makapunta sa bansang iyon. Hanggang sa pumunta sila don at nag book sa Hotel. Habang nandun sila pinag usapan nila yung plano nila sa buhay katulad ng plano nila tungkol sa kanilang trabaho.

Hanggang sa ito na nga ang bangungot na parang ayaw mo na lang magising. Kasi alam mong sobrang sakit at hindi mo alam kung kailan ka makakaahon sa nakakalunod na sakit.

Nagising siya ng alas otso ng umaga. Wala ang babae sa tabi niya.Um-order na siya ng pagkain kinaumagahan para sa kanilang dalawa. Iniisip niya na baka namamasyal lang ang babae. Pero lumipas ang maghapon hindi pa ito nabalik. Hanggang sa humalik na ang dilim sa buong kalangitan at nagpakita na ang buwan.

Napagdesisyon niya ng bumaba ng lobby para magtanong dahil hindi niya na ma-contact ang babae. Nag aalala siya ng mga panahong iyon. Ni tuldok sa text ay hindi manlang nagawang magtext ng babae sa kanya. Pero naka block na pala siya sa babae.

Pinareview niya ang CCTV. May nadurog na isang bagay. Hindi iyon pader o parte ng building kung nasaan siya. Kundi ang parte ng kanyang katawan. Ang puso niya.

Bago siya nagising, may sumalubong na lalaki sa babae ayon sa CCTV at umalis siya kasama iyon.

Nung nabasa ko yung kwentong to'. Sinong hindi maiiyak sa ginawa sa kanya?

Halos gusto niya ng tumalon sa kinalalagyan niya at magpakamatay. Ano pang rason para mabuhay? Ang inaakalang niyang almost perfect na relasyon eh hindi naman pala. Nabuo lang pala iyon ng imahinasyon niya.

Wala siyang ideya na ipagpapalit siya ng taong mahal niya.

Lumapit siya sa salamin na meron sa kwartong tinutuluyan nila. Meron siyang natagpuan na sulat sa kanyang bag na nakaipit. Ang nakasaad dun "Salamat, Mahal. Patawad sa nagawa ko. Para naman ito sa pangarap ko".

Akala niya naging sapat ang tatlong taon para mahalin siya ng lubos ng babae at hindi iwan. Pero mas masaklap. Iniwan na lamang siya.

Wala naman talaga sa taon o kung gaano kagaan yung flow ng relasyon niyo ng partner niyo. Kung talagang iiwan ka. Iiwan ka niya. Kung talagang hindi kayo para sa isa't-isa. Eh hindi talaga. Huwag na lang ipilit.

Blessing din minsan ang iwan tayo. Pero hindi blessing yung lokohin tayo.   Ang sakit isipin na nakikipagplastikan na lang pala siya sayo na masaya pa siya at gusto ka niyang makasama sa plano niya. Pero sa plano niyang yun na akala mo ikaw yung kasama eh iba pala ang gustong makasama.

Sa mga niloko katulad nito na akala nila eh yung partner nila yung 'siya na'. Patawarin muna natin ang sarili natin katulad ng madalas kong sabihin. Bago tayo magpatawad ng iba . Kailangan natin tanggapin na nagkamali tayo. Ang nakaraan ay nakaraan na. Kailangan mamuhay tayo sa kasalukuyan hindi sa nakaraan.

Wag susuko. Hindi rason ang pag iwan sa atin para maging mahina. Dapat mas maging malakas tayo. Syempre huwag kakalimutan ang Diyos.