webnovel

Akala Ko Siya Na

.Umibig ka na ba? Yung tipong umasa ka na akala mo siya na. Yung tipong akala mo isa sa inyo ay di na maaatim na sumuko pa. Yung tipong magkapareho kayo sa mga bagay, sa madaling salita, magkasundo kayo sa halos lahat ng bagay o hindi kaya naman kahit marami kayong pagkakaiba eh nag a-adjust kayo para sa isa't-isa. Yung akala mo, matutupad na yung gusto mo na sa wakas may taong gusto rin akong makasama hanggang dulo. Yung akala mong tatanggapin ka kung sino ka man, kahit pa sa pinaka the best or worst part ng buhay mo eh tanggap ka. Yung halos lahat na yata nang pagmamahal sa kanya mo inalay, wala nang natira para sa sarili mo. Naranasan niyo na ba yan? Pwes ito ang librong para sa inyo. Mga totoong makawasak na puso na tungkol sa pag ibig na tiyak na kayo'y makakarelate.

Chace_Gonzales · Realista
Classificações insuficientes
16 Chs

Akala Ko Siya Na #3

Isang online love story at long distance relationship ang ibinahagi din ng isa kong kaibigan.

Sa Facebook din sila nagkakilala. Mahirap ipaliwanag parang sa dummy world iyon pero iba pa sa dummy world ang mundo kung saan sila nagkilala.

Nung panahon na iyon, kakatapos lamang ng kaibigan ko makaraan ng ilang buwan o isang taon mahigit yata nung nawasak ang puso niya dahil sa ka-m.u niya na taga malayo din. Iniwan siya nang walang pasabi tapos binalikan, niloko lang siya. Bumalik ulit sa kanya iyon makaraan ng ilang buwan at nalaman niyang pinagtripan lang pala siya.

Nang maging maayos na ang kalagayan ng kaibigan ko bumalik siya sa mundong iyon. Bumalik siya dahil malungkot ang reyalidad na mundo na kanyang ginagalawan. Yung matatalik niyang kaibigan tila iniwan siya noong panahon na yun.

Sa isang brotherhood sila nagkakilala. Panlalaking account pa ang gamit nila pareho pero pagkalaon umamin din siya na babae siya. Dun na nga nagsimula ang love story nilang dalawa.

Away-bati sila.

Hindi ko alam kung anong katoyoan ang pumasok sa isip nila pareho at nagdeal sila na maging in a relationship. Gustong maparamdam sa kanya nung jowa niya na importante siya at may totoong nagmamahal sa kanya. Kahit gaano ka-toxic ang ugali niya may tatagal sa kanya.

Naging mahirap ang sitwasyon nila. Hindi kasi tugma ang schedule nila kung kaya't nagising ng 10 p.m nang gabi ang kaibigan ko o di kaya naman 11 p.m para magkausap sila kahit sandali.

Naging mas sweet sila habang nalipas ang mga buwan. Pero ito na nga, ang sisira sa relasyon nila.

Napagpasyahan nilang magkakaibigan na magkita-kita. Dahil malayo ang kaibigan ko sa kapital na rehiyon, hindi siya nakasama.

Mahigpit na bilin ng jowa niya sa mga kaibigan nila na huwag sabihin ang totoo. Medyo nakakaramdam na ang kaibigan ko ng mga oras na iyon. Parang hindi lalaki ang ka-relasyon niya, kundi babae. Ngunit ayaw sa kanyang umamin nito noong una palang. Madalas niyang sabihin na tanggap niya kung anuman o sinuman ang jowa niya pero nagmatigas pa rin siya.

Makalipas ang ilang buwan, umamin ang jowa niya sa nangyari matapos nilang magkita-kita at hindi kasama ang kaibigan ko.

Nauna ang galit sa kaibigan ko kaya kung anu-ano nang nasabi niya para sa ex niya. Wala na siya sa matinong pag iisip. Pakiramdam niya niloko siya nang lahat.

Siya ang mismong nakipaghiwalay at pinangako niya sa kanyang sarili na hindi na siya babalik sa mundong iyon. Nakipaghiwalay siya dahil hindi niya matanggap na nagsinungaling ang taong mahal niya maging mga kaibigan nito sa kanya. Hindi niya matanggap na tama ang hinala niyang babae ang karelasyon niya.

Ang akala niyang ikakasal na sa kanya eh hindi naman pala. Malaking sagabal din kasi ang kasarian nila dahil pareho sila.

May paniniwala nga na kapag nakilala mo sa online o sa fb at kahit saan man na site. Ang break up, sa chat lang din. Karamihan ng relasyon na galing don hindi nagtatagal.

Ngunit ngayon, masasabi kong maayos na ang kalagayan ng kaibigan ko. Sana nga maayos dahil paulit-ulit na siyang dinurog ng mga lalaki. Ang ironic dahil kung sino pang babae na katulad niya ay yun din ang bumuo mismo sa kanya. Ang nagpatunay na kamahal-mahal siya at hindi kaiwan-iwan.

Tinupad nito ang nasa kanta nang "Kundiman" by Silent Sanctuary.

Nag uusap pa rin silang mag ex. Ang alam ko pagtapos niyang makipagbreak. Limang buwan humingi siya nang tawad sa mga sinabi niya sa ex niya ngunit huli na ang lahat. Napagdesisyun kasi nang ex niya na pagtuunan muna ang sarili at mas hanapin ang Diyos. Naging masaya naman siya sa sagot ng ex niya dahil makatwiran nga ito.

Balik sa lyrics ng "Kundiman". Pag kailangan ng kaibigan ko nang payo. Nag uusap sila ng ex niya. Hanggang ngayon magkaibigan pa rin sila.

Wala naman kasi sa gender, itsura, height at kung ano pa ang pag ibig. Basta kapag naramdaman mong mahalaga ka sa kanya at mahal mo siya. Nagmamahalan kayong dalawa. Mamahalin mo lahat sa kanya maging yung mali sa kanya. Magagalit ka lang sa ginagawa niya pero hindi sa mismong siya. Ganon ang pagmamahal.

Sayang.

Kung hindi lang sana sila parehong babae baka matagal na silang magkarelasyon. Pero baka hindi naman sayang?

Kailangan nga siguro na tanggapin ang bagay na nangyari na. Ito yung "Akala ko siya na pero parehas pala kaming babae". Ganon talaga ang buhay. Mas iisipin natin ang pamilya natin kaysa sarili nating kaligayahan. Kaya hindi rin agad natanggap ng kaibigan ko na babae ang minahal niya dahil hindi iyon pwede sa pamilya nila.

Ikaw ba naranasan mo nang magmahal ng kapareho mong kasarian?