webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urbano
Classificações insuficientes
131 Chs

C-80: "Why did you leave me?"

"AAAAAHHHHHHH!"

"Diyos ko po, ito na ba ang katapusan ng lahat?"

Isang malakas at matinding pagsigaw hanggang sa maubusan siya ng boses.

Ang bukod tanging kaya niyang gawin ng mga sandaling iyon.

Kahit ayaw pa niyang isipin batid niyang ito na ang wakas.

Ang katapusan ng lahat...

ANG KAMATAYAN!

__

Ramdam na ramdam niya ang pagsugpa niya sa hangin at ang mabilis na pagbulusok niya sa kawalan.

Habang patuloy ang pagbagsak niya pababa...

Hanggang sa maramdaman niya ang mabilis na pagkabasà ng kanyang katawan sa tubig at ang mabilis na pagbulusok niya sa kailaliman nito pababa.

Sanay na sanay na siya sa mga ganitong eksena sa paulit-ulit na pagbagsak sa tubig.

Sanay siyang tumalon, magdive, sumisid at higit sa lahat sanay na sanay rin siyang lumangoy.

Subalit hindi ngayon, hindi sa pagkakataong ito na unti-unti na niyang nararamdaman ang labis na pamamanhid ng katawan.

Unti-unti na ring nawawala ang kanyang lakas, hindi na rin siya makagalaw.

Bakit ganu'n hindi niya maigalaw kahit ang mga daliri niya. Anong nangyayari, bakit ganito?

Gustong gusto niyang gumalaw, igalaw ang kanyang mga kamay at ang mga paa.

Pero bakit ganito?

Patuloy lang siya sa paglubog na parang walang katapusan.

Diyos ko... Mamatay na po ba ako, ito na ba ang kamatayan?

HINDI! HINDI P'WEDENG DITO LANG MATAPOS ANG LAHAT...

KAILANGAN KONG BUMALIK!¹

PAPANG, TULUNGAN MO 'KO!

_

Desperado na siya ng mga oras na iyon at tila lumilipad na rin ang kanyang isip...

Papang?!

"Anak kumalma ka, hindi ka makakapag-isip nang tama kapag tensyonado ka! Lalo na kapag nakalubog ka na sa tubig. Isipin mo lang na wala kang hindi kakayanin.

'Malakas ang isip natin anak, pakiramdaman mong mabuti ang tubig. Pagkatapos ay magconcentrate ka lang, focus and soon makakaya mo na ring lumangoy!"

PAPANG?!

KAILANGAN KONG BUMALIK HIHINTAYIN NILA 'KO...

HIHINTAYIN AKO NI AMARA AT NG MAMANG!

HINDI AKO DAPAT SUMUKO!

Hindii!

____

Mamang...

Huh?

Nasaan ako a-anong ginagawa ko dito, bakit ako narito? Tanong ng nalilito pa niyang isip.

Awtomatikong umikot din ang paningin niya sa paligid. Upang kilalanin ang kapaligiran at ang isipin ang nangyayari.

Parang kanina lang puno siya ng ligalig, takot at kaba na parang katatapos lang niya sa mahabang pagtakbo at ang huling naaalala niya may humahabol sa kanya.

Ahhh! Hindi pala ang huling natatadaan ko nahulog ako sa bangin, sa tubig... Tapos, tapos!

A-ang ibig sabihin buhay ako a-at narito ako sa ospital? Tama nasa Ospital base sa nakikita niya sa paligid.

Pilit niyang inaalala ang lahat, saglit muna siyang pumikit...

May banayad na kirot siyang nararamdaman sa bandang likod ng kanyang ulo, sinalo niya ito at bahagya minasahe. Bahagya siyang nakaramdam ng ginhawa.

Subalit ilang segundo lang ang lumipas...

Sunod-sunod na tila isang nobelang nagflashback sa isip niya ang mga pangyayari sa nakaraan. Ang kusang pagbalik ng mga alaala sa kanyang isip...

Kung paano sinikap niyang pumaibabaw sa tubig at pinilit niyang lumangoy kahit hinang hina na siya lumangoy pa rin siya pero tinangay siya ng agos.

Hanggang sa hindi na niya namalayan ang mga sumunod na nangyari?

Muli saglit siyang pumikit, meron pa kasing ibang pangyayari na tila pumapasok sa isip niya na hindi niya maintindihan.

Pero unti-unti itong nagiging malinaw sa kanyang isip. Ang mga nangyari sa nakaraan at ang mga taong batid niyang kilala niya sa kasalukuyan.

Hindi man niya lubos pang maunawaan kung paano ito nangyari? Ngunit batid niya na marami siyang nakaligtaan.

Anong nangyari sa akin? Naguguluhan pa niyang tanong sa sarili.

Ngunit mas higit na okupado ng isip n'ya ang mga nakaligtaan niyang mga bagay.

Nasaan na sila, ang Mamang ko at si Amara?

Nang bigla na lang niyang maalala ang mga sandaling...

"Amanda?" "Yes, do I know you?"

Huh? Si Mandy... Hindi!

Paanong?

Sunod-sunod na tanong na ang pumapasok sa kanyang isipan na hindi niya mabigyan ng sagot.

Pero isa lang ang batid niyang sigurado at hindi siya maaaring magkamali.

Si Mandy siya si Amara ang kapatid ko!

Kusang nalaglag ang mga luha sa kanyang mga mata. Hanggang sa nauwi sa hagulgul.

Bakit ganu'n bakit hindi ko siya nakilala agad, kaya ba galit siya sa akin?

Bigla niyang naalala ang insidente sa pool at ang huling engkwentro nilang dalawa at mula nga noon hindi na niya ito nakita ulit.

Kailangan ko siyang makita, kailangan naming mag-usap. Ang Mamang, siguradong kasama rin niya ang Mamang!

Narito na rin ba sila matagal na ba sila dito at hindi ko lang alam at, at alam ba niya ang nangyari sa akin?

Sunod-sunod na niyang tanong sa kanyang sarili. Gulong-gulo na rin kasi ang isip niya.

Bakit kaya hindi siya nagpakilala sa'kin?

Kailangan ko na talaga siyang makausap!

Pero saan ko ba siya hahanapin, paano ko siya makikita? Saglit ulit siyang nag-isip, nang bigla na lang sumagi sa kanyang isip.

Huh?

Si Tita Madi, tama magkakilala sila...

Hindi na siya nagdalawang-isip pa, bigla na siyang tumayo. Bahagya man siyang nakaramdam ng pagkahilo dahil sa bigla niyang pagtayo.

Saglit lang muna siyang huminto upang i-compose ang sarili. Nang masiguro niyang okay na ang kanyang pakiramdam. Dali-dali na siyang naglakad ngunit bigla ulit siyang natigilan.

Naramdaman kasi niyang wala siyang suot na sapin sa paa.

Umikot ang paningin niya sa paligid ng makita ang nag-iisang sapatos doon ay agad na itong isinuot.

May isang bagay pa na umagaw ng kanyang pansin na nakalagay sa side table ng hospital bed.

Isang kulay kremang Chanel caviar shoulder bag. Alanganin man siya ng kunin ito subalit hindi na siya nag-isip pa, agad na niya itong kinuha. May hinuha naman siya na sa kanya itong bag.

Mabuti na lang wala ring tao sa loob ng kwarto na okupado niya ng mga oras na iyon.

Kaya walang nakakapansin sa kanya. Bukod pa sa mukhang solo niya ang kwarto at wala rin siyang kasama.

Ngunit bigla na naman siyang natigilan...

Nang makita niya may pumipihit sa door knob. Bago pa man niya ito magawang buksan.

Huli na para muli siyang bumalik sa paghiga, nahigit na lang niya ang paghinga at hinintay kung sino man ang papasok...

Pagbukas ng pinto isang nurse ang pumasok base sa suot nito. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat ng makita siyang nakatayo.

"Ma'am gising na po pala kayo, pero bakit po kayo tumayo hindi ka ba nahihilo?" Tanong nito.

Saglit muna siyang lumunok at mabilis na nag-isip ng sasabihin.

"Hi-hindi o-okay na ako!" Daig pa niya ang nakakita ng multo sa sobrang tensyon. "Hinahanap ko kasi 'yun kasama ko na-nasa labas yata?" Bahagya pa siyang ngumiti at kunwari may kinukuha siya sa bag.

"Ah' si Mr. Alquiza po ba? Lumabas lang po sandali ang asawa n'yo ma'am baka pabalik na rin 'yun! Hintayin n'yo na lang po siya dito. Baka kasi mahilo kayo ulit."

"A-asawa?" Alanganin pa niyang tanong.

"Opo ang Mister n'yo po ang nagdala sa inyo dito sa Ospital. Okay lang po ba talaga kayo ma'am, gusto n'yo po bang puntahan ko na siya sa labas. Kanina pa po kasi siya nag-aalala sa inyo ma'am. Kanina pa po siya natataranta ayaw nga po kayong iwan dito. Kaya lang parang may kinakausap po siya sa cellphone. Bago siya nagpaalam na lalabas saglit."

"Ah' ganu'n ba? Sige okay na hihintayin ko na lang siya dito."

"Ah' sige po mahiga na po kayo ulit maaga pa naman, mag-aalas kwatro pa lang ng umaga! Mamaya po pupuntahan kayo ulit ni Doc para icheck-up ulit."

Tumango na lang siya dito bilang pagsang-ayon at kunwa'y naupo siya sa gilid ng kama.

Subalit bigla na lang nagbago ang kanyang isip...

"Ah' Miss pwede ba akong makisuyo sa'yo?" Pakiusap niya sa babaing nurse.

"Oo naman po, ano po 'yun?"

Kailangan niyang makasiguro sa kung sino ang kasama niya dito sa Ospital?

Bagama't marami na siyang naalala ngunit hindi iyon sapat upang hindi na niya pagdudahan ang sarili.

Hindi kasi siya sigurado ngayon sa itinatakbo ng kanyang isip. Bukod sa hindi rin siya sigurado kung alin ba ang totoo at hindi? Masyadong magulo ang isip niya hindi na rin niya sigurado kung ano ba ang kasalukuyan? Basta ang sigurado lang n'ya ngayun.

Maaaring ligtas na siya sa ngayon sa kamay ng mga walanghiya na humahabol sa kanya...

"Misis! Talaga bang okay lang kayo? Gusto n'yo po bang tawagin ko na ang Mister n'yo sa labas?"

"Okay lang ba na tawagin mo siya?" Pananantiya pa niya sa nurse.

"Oo naman po dito lang po kayo at tatawagin ko na ang Mister n'yo para malaman na rin niya na nagising na kayo!" Agad na itong umalis matapos na bilinan siyang   humiga siya ulit sa kama.

Pagtalikod nito agad na siyang tumayo, sinamantala na niya ang pagkakataong iyon upang ituloy ang balak na pag-alis.

Hindi siya matatahik hangga't hindi niya nakikita si Amara. Gusto rin niyang malaman ang mga nangyari sa mga ito lalo na ang tungkol sa kanilang ina.

__

Bakit si Amara lang ang naalala niya at nagpapanggap na Mandy?

Hindi!

Noong una nagpakilala pa itong Amanda. Pero bakit ginamit nito ang pangalan niya, ano kayang nangyari?

Alam kaya ito ng Mamang nila?

Gulong-gulo ang isip niya sa sunod-sunod na rebelasyon na pumapasok sa utak niya.

Ngunit ng maalala ang kanyang sitwasyon, agad na siyang kumilos at nagmadali nang lumabas.

Kailangan niyang makita agad si Amara marami siyang gusto malaman at itanong sa kapatid na alam niyang ito lang ang makakasagot.

Malalaki ang mga hakbang at mabilis ang bawat paglakad niya. Tuloy-tuloy rin niyang tinalunton ang hagdan pababa. Hanggang sa makarating siya sa main lobby ng Ospital.

Palabas na siya ng bigla siyang matigilan, hindi pamilyar sa kanya ang paligid.

Awtomatikong umikot ang paningin niya sa paligid upang kilalanin ang lugar kung nasaan siya ngayon. Ngunit sa pag-ikot ng kanyang tingin sa labas ng Ospital.

Biglang napadako ang tingin niya sa nurse na kausap niya kanina. Habang naglalakad ito patungo sa kanyang direksyon.

Hindi na ito nag-iisa may kasama na ito ngayon...

Agad niyang nakilala ang  lalaking kasabay nito na naglalakad at nagmamadaling pumasok sa loob ng Ospital.

Dahil sigurado siyang alam na nito ngayon na gising na siya...

JOAQUIN?!

Pabulong at pigil niyang bulalas habang nakatakip ng kamay ang bibig sa pag-aalala na makakuha siya ng atensyon.

Mabilis rin ang naging kilos niya upang ikubli ang sarili.

Patakbo na niyang tinungo ang isang malaking poste upang magtago.

Kahit pa sa unang bugso ng kanyang damdamin gusto niya itong lapitan at sugurin ng yakap.

Subalit pinigilan niya ang sarili at mas piniling magtago. Sariwa pa rin sa kanyang isip ang mga nangyari at ngayon sigurado na siya na sila ang magkasama.

Bago pa siya napunta dito sa Ospital. Sunod-sunod rin niyang naalala ang mga nangyari sa pagitan nila ng lalaki. Kasunod ng pagkaalala niya sa mga taong humahabol sa kanila kanina.

Hindi niya maintindihan kung bakit ito nangyayari?

Ngunit tila kakambal na yata niya ang kamalasan at may nadadamay nang iba.

Paano na lang kung?

HINDI!

Baka nasundan na sila ni Amara at, at alam na nito na narito sila?

Si Anselmo!

Naalala na niya lahat ngayon...

Ito ang puno at dulo ng lahat, ang pagkamatay ng kanyang Lolo at Lola at ang kawalanghiyaan na ginawa nito sa kanyang Papang.

Kung bakit kinailangan niyang lumayo at pumunta ng Maynila.

Baka hindi pa rin sila nito tinitigilan. Hinahabol pa rin sila hanggang ngayon at alam na nito na nandito siya at si Amara?!

Lalo pa niyang ikinubli ang sarili sa posteng pinagtataguan.

Sinasalakay na naman kasi siya ng kaba. Kahit paano nakatulong na madilim pa rin ang paligid.

Kaya't hindi siya lubos na mapapansin ng mga dumaraan.

Mas mabuti na nga siguro kung magtago na lang siya ng tuluyan.

Hangga't hindi niya tiyak kung ano na ang nangyari? Dahil hindi niya hahayaan na madamay pati ang pamilyang kumupkop sa kanya sa mga panahong wala siya sa kanyang sarili... 

Ah' ang dami ng nangyari, paano at saan ba siya magsisimula?

Ngunit wala nang mas mahalaga sa kanya ngayon kun'di ang makita niya ang kapatid, lalo na ang kanilang ina.

Dahil nasasabik na siyang makita ito at muling maramdaman ang mga haplos at yakap nito.

Matagal na panahon na pala ang lumipas ng huli niya itong makita at maramdaman.

"Mamang... Miss na miss na kita!"

Bulong ng puso niyang nasasabik nang muling makita ang ina. Habang patuloy na nagkukubli sa likod ng poste. Hindi na rin niya napigilan ang pagbalong ng luha sa kanyang mga mata na nauwi sa impit na pag-iyak.

Nagpalipas lang muna siya sa ilang saglit matapos n'yang masiguro na nasa loob na si Joaquin. Saglit n'yang hinamig ang sarili at pinahiran ang luha.

Paalis na sana s'ya sa kanyang pinagkukublihan nang isang pamilyar na sasakyan ang huminto sa harap ng Ospital.

Bumaba mula dito ang dalawang tao na pamilyar din sa kanya.

Ah' hindi kilalang kilala pala n'ya...

Si Joseph at ang kanilang Papa.

Ang dalawa pang tao na naging bahagi ng kasalukuyan niyang buhay. Kasabay ng pagkaalala niya sa gulong idinulot niya sa mga ito.

Ngunit kailangan muna n'yang buuin ang sarili. Bago pa niya ulit harapin ang gulong iyon.

Kailangan muna n'yang makita si Amara at ang kanilang ina...

Kaya't hinayaan lang niya na tuloy-tuloy itong pumasok sa loob. Saglit lang muna niyang inihatid ang mga ito ng tanaw mula sa malayo. Hanggang sa tuluyan nang makapasok ang mga ito sa loob ng Ospital.

Bago siya lumabas sa kanyang pinagtataguan at patakbong tinungo ang gilid ng highway.

Habang nakatayo siya sa gilid ng highway may isang Bus na huminto sa mismong harapan niya...

Ngunit nag-atubili pa siya sa pagsakay. Dahil sa biglang pagsalakay ng kaba at takot sa pagsakay niyang muli sa Bus.

Ngunit alam niyang ito lang ang paraan upang makalayo siya sa lugar na iyon...

__

"ANO MISS SASAKAY KA BA O HINDI?"

Napatingin at nagulat na lang siya sa malakas na sigaw ng kunduktor na nakatingin sa kanya at sa iritado nang boses.

Ngunit saglit pa muna siyang nag-isip, bago nagpasya...

AH' BAHALA NA...

*****

By: Lady Gem25

    

Hello guys,

Narito po tayo sa bago nating update, sana magustuhan n'yo ito.

Kaya...

VOTES, COMMENTS, REVIEWS AND PLS RATES MY STORY GUYS!

AGAIN...

MARAMING SALAMAT SA INYONG SUPORTA AT PATULOY NA PAGBABASA!

GOD BLESS AND BE SAFE EVERYONE!

SALAMUCH!!

MG'25

(11-21-20)

LadyGem25creators' thoughts