webnovel

A Two Day Love Affair [Tagalog Novel] [Soon-to-be-Published under PHR]

After a failed relationship and a few returned manuscripts, the least on Fabielle's mind at the moment was falling in love with a total stranger. Ngunit nang isang gwapo at mabait na estrangherong nagngangalang Josh ang itambak ng tadhana sa kanya nang mapadpad siya sa kabundukan ng Sagada ay tila ba naglaho ang paniniwala niyang iyon. At sa tulad niyang naloko ng ilang taon ding naging kasintahan niya, she should be a lot more cautious when meeting people. Ngunit nang latagan siya ni Josh ng walang kaabog-abog na "I'm interested in you" nito ay mabilis na sumuko ang puso niya at natagpuan ang sariling nahuhulog ang loob rito kahit dadalawang araw lamang niyang nakasama ito. But it was too late when she realized that falling for the handsome stranger was a big mistake. Dahil nang matapos ang dalawang araw na pantasya niya kasama ito ay saka naman tumambad sa kanya ang katotohanan. They were not feeling the same way. He was in love with someone else. And all they could ever have together was that two-day love affair.

Eira_Alexis_Sotto · Urbano
Classificações insuficientes
34 Chs

4

HINDI na alam ni Josh kung gaano na siya katagal na nakapikit kahit hindi naman tulog. Pinapakiramdaman ang babaeng nasa tabi niya. Hindi niya alam kung bakit ngunit ayaw niyang mahuli siya ng babae na sinusulyapan ito. But that was what he was dreading to do since the very first time he saw her. Ang pagmasdan ang mukha nito.

Pagkatapos ng ilan pang minuto ay hindi na nakatiis pa si Josh. Iminulat niya ang mga mata at hindi napigilang sulyapan ang babaeng katabi. Nakapikit ang mga mata nito. Banayad ang paghinga nito habang yakap ang may kalakihang travelling bag nito tanda na nahihimbing na ito.

Good. Nasabi niya sa isip. Malaya na siya ngayong pagmasdan ito. At hindi pa man nagtatagal sa ginagawa ay isang ngiti na ang sumilay sa mga labi. Muling bumalik sa alaala ang unang beses na nakita niya ito. It was weird yet funny in a cute sort of way. At para bang tumatak na iyon sa isipan niya kasama na rin ang mukha nito. He can't seem to forget her face even though the last time she saw her was nearly 2 weeks ago. And she can't seem to remember him. But he was not hurt. Naiintindihan niya ito. Isa pa, nasa tabi naman niya ito kaya wala na siyang karapatang magreklamo pa.

Lalong lumuwang ang pagkakangiti niya nang magsimulang gumalaw ang ulo nito kasabay ng paggalaw ng sasakyan. Mukhang malalim na nga ang tulog nito dahil hindi na nito nakokontrol ang paggalaw ng sarili nitong ulo. Napapailing siya bagaman nakangiti pa rin. Even this silly sight appears to be a cute one when she was concerned.

Maya maya pa ay bahagyang nalubak ang sasakyan dahilan upang bumaling ang ulo ng nahihimbing na dalaga sa salaming bintana. Ngunit bago tuluyang tumama ang ulo ng dalaga sa salaming bintana ay natagpuan niya ang sariling sinasalo iyon gamit ang kaliwang palad.

Bahagya niyang sinilip ang mukha ng dalaga habang sapo pa rin ang ulo nito at nakadikit na ang likod ng kanyang palad sa malamig na salamin. Banayad pa din ang paghinga nito at parang hindi naramdaman ang nangyari. Napabuntong-hininga siya.

Gusto niyang matawa. Pati ang hindi nito pagkakaumpog sa bintana ay ikinapapanatag na ngayon ng loob niya. Parang napakababaw na niya. Gayunpaman ay lalo siyang napangiti. This girl was making him feel and do things he has never done before. But it was very welcoming.

At hindi na niya inalintana pa ang maaaring isipin ng iba pang kasakay nila sa sasakyang iyon. Dahan-dahan niyang idinantay ang ulo ng nahihimbing na dalaga sa balikat niya. That way he was sure she won't be hitting her head anytime soon. Pagkatapos niyon ay binawi niya ang kamay at saka humalukipkip. Ipinikit niya ang mga mata. Ngayon niya naramdaman ang antok. At hindi na niya pinoproblema pa ang pangangalay dahil hindi niya magawang maidiretso ang mga paa. Weird. But he would gladly stay this way if it means being with this girl. Sa isiping iyon ay lihim na napangiti siya.