webnovel

A Two Day Love Affair [Tagalog Novel] [Soon-to-be-Published under PHR]

After a failed relationship and a few returned manuscripts, the least on Fabielle's mind at the moment was falling in love with a total stranger. Ngunit nang isang gwapo at mabait na estrangherong nagngangalang Josh ang itambak ng tadhana sa kanya nang mapadpad siya sa kabundukan ng Sagada ay tila ba naglaho ang paniniwala niyang iyon. At sa tulad niyang naloko ng ilang taon ding naging kasintahan niya, she should be a lot more cautious when meeting people. Ngunit nang latagan siya ni Josh ng walang kaabog-abog na "I'm interested in you" nito ay mabilis na sumuko ang puso niya at natagpuan ang sariling nahuhulog ang loob rito kahit dadalawang araw lamang niyang nakasama ito. But it was too late when she realized that falling for the handsome stranger was a big mistake. Dahil nang matapos ang dalawang araw na pantasya niya kasama ito ay saka naman tumambad sa kanya ang katotohanan. They were not feeling the same way. He was in love with someone else. And all they could ever have together was that two-day love affair.

Eira_Alexis_Sotto · Urbano
Classificações insuficientes
34 Chs

24

Matagal niyang tinitigan ang maliit na papel na kinasusulatan ng munting mensahe ng lalaki na inilagay nito sa paperbag na si Maricris naman ang nag-abot sa kanya. Isang buntong-hininga ang kumawala sa kanya. Gusto niyang umasa sa mga sinabi nito at maging sa mensaheng iyon ngunit hindi niya mapigilang malungkot. Umalis ito nang hindi nakakapagpaalam sa kanya ng personal, at ng dahil sa isang babae. Ngunit malay ba niya kung kamag-anak nito ang Sasha na iyon. O baka matalik na kaibigan. Hindi dapat siya nag-iisip ng kung anu-ano ngunit hindi naman niya mapigilan.

Sa saglit na byaheng papunta sa Kiltepan Peak kahit nang makarating na sila doon mismo. Hindi gaya ng mga turistang kagaya nila na abala sa pagkuha ng litrato at pagtanaw sa bukang-liwayway sa harap nila, si Fabielle naman ay sa tarhetang ibinigay ni Josh nakatitig na para bang kung dadasalan niya iyon ay bigla na lamang lilitaw sa harap niya ang lalaking nagbigay niyon. Which is kind of creepy but a bit appealing to her at the moment. Sa tuwing ililibot kasi niya ang paningin ay puro magsing-irog ang nakikita niya. And they where PDA-ing in front of a single woman like her like there was no tomorrow.

Pero hindi naman niya magawang sitahin ang mga ito. They were at one of the most romantic places in the country watching the sunrise. Sino siya para pigilan ang pagpapaka-sweet ng mga ito sa isa't isa?

Napabuntong-hininga siya saka muling tiningnan ang business card na nakaipit sa mga daliri niya.

"Well we could still see the place some other time." Parang baliw na pagkausap niya sa pobreng business card. "At least after we see each other in Manila."

That is, if they would still see each other again in Manila.