"Aikoh anak, alam mo, ikaw ang unang lalaki na pumunta sa bahay namin para magpaalam tungkol sa inyo ng anak namin," Sada Hiroyo said habang nakangiti.
"Talaga po?" Tanong ni Aikoh before casting a glance towards Yasumi.
"Oo at bilang ama ni Yasumi, aasahan kong aalagaan mo ang anak ko tulad nang pinangako mo sakin kanina," Iwama Hiroyo said.
Aikoh nodded in return
Nasa hapag kainan na sila ngayon at base sa takbo ng usapan nila, naging maganda naman ang resulta ng kanilang paguusap tungkol sa relasyon nila Aikoh at Yasumi.
Nalaman rin ni Aikoh na ang pangalan ng parents ni Yasumi ay sina Mr. & Mrs. Iwama Hiroyo.
"May isa pa po sana akong gustong pagusapan," Biglang sabi ni Aikoh na kumuha sa atensyon ng lahat na nasa mesa.
"Naikwento po kasi ni Yasumi sakin na pinapahinto niyo raw po muna siya sa pagaaral?" Tanong ni Aikoh.
Naglabas ng isang sigh si Iwama nang marinig niya tanong ni Aikoh.
"Sa totoo niyan anak, kasalanan ko lahat. Nagkasakit kasi ako at dahil dito di nako makapagtrabaho ng maayos. Kita mo naman na mahirap lang kami diba? Nahihirapan na nga kami sa pagkain namin, dumagdag pa gamot ko. Di na namin kaya pagaralin si Yasumi, kaya ganun," Malungkot na sabi ni Iwama.
"Pa~ wag ka nga magsalita ng ganyan. Wala namang may gustong mangyari to eh," Maluhaluhang sagot ni Yasumi sa tabi ni Aikoh.
Inabot ni Aikoh ang kamay ni Yasumi at hinawakan itong mahigpit, trying to comfort Yasumi.
"Sana po wag nyo po itong masamain," Sabi ni Aikoh bago tumango kay Joakim.
Lumabas naman si Joakim para may kunin at pagbalik niya may daladala na siyang isang white envelope.
"Wala po akong ibang ibig sabihin dito, gusto ko lang po sanang makapagpatuloy sa pagaaral si Yasumi." Direchong sabi ni Aikoh habang nakatingin sa magulang ni Yasumi.
"P~pero..." Magsasalita na sana si Sada nang bigla siyang sapawan ni Aikoh.
"Wag po kayong magalala, wala po akong ibig sabihim dito. Gusto ko lang talaga mapasaya anak niyo." Sabi ni Aikoh habang nakangiti.
Binigay ni Aikoh ang envelope kay Iwama at nang buksan ito ni Iwama bigla siyang namutla.
"Anak, napakalaking halaga nito, di namin to kayang bayaran,"
"Hindi niyo na po yan kailangan bayaran, masaya na po akong makatulong," Sabi ni Aikoh.
Nakatitig si Yasumi kay Aikoh habang nangyayari ang lahat nang ito. Di siya makapaniwala.
"Bukas na bukas din po, susunduin kayo ni Joakim dito para samahan kayo magpacheck up,"
Wala namang masabi ang magasawa bukod sa tumango nalang. Napakabiglaan naman ng mga pangyayari. Di nila alam kung ano ang gagawin o sasabihin.
9:00 PM
"Di na po siguro ako magtatagal at aalis na po ako," Pagpapaalam ni Aikoh sa mga magulang ni Yasumi.
"Maraming salamat talaga anak, magiingat ka sa paguwi ha," Sagot ni Sada sa pagpapaalam ni Aikoh.
"Ihahatid ko po muna si Aikoh sa labasan," Pagpapaalam ni Yasumi. Tumango naman si Iwama bilang sagot.
SA LABASAN KUNG SAAN NAKA PARK SASAKYAN NI AIKOH.
"Di ko inaasahan lahat ng ginawa mo kanina babe, di kona alam kung pano pa ko magpapasalamat sayo," Nakayukong sabi ni Yasumi sa harap ni Aikoh.
Iniangat ni Aikoh mukha ni Yasumi at hinawi ang buhok niya sabay ngiti.
"Wag ka lang mawawala, sapat na yun na kabayaran. You owe me your life twice now," Sagot ni Aikoh.
Yasumi giggled before she did something that caught Aikoh off guard.
Yasumi leaned closer to Aikoh and kissed his lips.
Nanlaki ang mata ni Aikoh. He wasn't expecting this.
Yasumi poured all her feelings on this kiss.
Sa park, sa cafeteria, ngayon, Aikoh was always there to save the day. Pagmalungkot siya, Aikoh was there to cheer her up. Robot na siguro siya if after what Aikoh did, di parin nahulog luob niya kay Aikoh.
Mahal na niya si Aikoh.
She didn't know when it started or why did it start, pero she's not ashamed to show it.
Naramdaman ni Aikoh lahat ng emotion ni Yasumi sa halik nato.
Dahan dahan niyang ipinikit mata niya, coiled his arms around Yasumi's waist and started responding to her kiss.
Under the starry sky, there's only Yasumi and Aikoh in the moment. Parang huminto ang oras para sa kanilang dalawa.
A few minutes, they finally separated.
Nakayakap parin sila sa isa't isa.
"Tingnan mo nagawa ko, it's your fault," Sabi ni Yasumi before she giggled.
Nakangiti si Aikoh habang tinititigan niya sa mata si Yasumi.
Kung dati natatakot si Yasumi dahil pakiramdam niya hinihigop kaluluwa niya, ngayon di na takot nararamdaman niya. Nakikita ni Yasumi sa mga mata ni Aikoh ang buong universe. Kumikinang tulad ng mga bituin sa kalangitan.
"Sige umuwi kana. Masyado nang malalim ang gabi oh," Sabi ni Yasumi.
"Sige sige," Tumango tango naman si Aikoh bago halikan ang noo ni Yasumi.
Habang nasa byahe, bigla namang nagsalita si Joakim.
"Master, sa tingin ko unti unti nang nahuhulog luob mo sa babaeng yun,"
"Yun nga din tingin ko eh," Bigla nanamang sumulpot sa tabi ni Aikoh si Hiro.
Di sumagot si Aikoh. Acting like wala siyang narinig.
"Pero sa tingin ko malapit kana rin sa sagot na hinahanap mo," Saad ni Hiro na nagpaseryuso sa mukha ni Aikoh.
Hanggang ngayon, di parin niya naiintindihan ibig sabihin ni Hiro.
"Ba't di mo nalang kasi sabihin sakin?"
"Hindi pwedi dahil pagsinabi ko sayo, hinding hindi mo na ito mahahanap kahit kelan," Sabi ni Hiro.
"Pero maiba tayo, mahal mo na ba si Yasumi ha?" Panunuksong tanong ni Hiro.
"Di ko rin alam," This time, sumagot na ang dating tahimik na Aikoh.
"Talaga ba? hehe," Hiro giggled. "Mukhang lumalambot kana," Dagdag niya.
"Di na ako ang dating ako Hiro, alam mo yan," Mahinang sagot ni Aikoh.
"Alam ko, alam ko," Sabi ni Hiro habang tumatango tango.
"Friday na pala ngayon, dadalaw ka nanaman ba?" Tanong ni Hiro.
Tumango naman si Aikoh bilang sagot.
"This time, di ako sasama." Hiro said.
Aikoh cast a curious look towards Hiro. Ito ang unang pagkakataon na hindi siya sasamahan ni Hiro.
Dahil sa boredom ni Hiro, madalas itong sumama kay Aikoh kung may special itong lakad o kaya tumambay sa bahay ni Aikoh.
"Bakit ka nakatingin sakin ng ganyan ha?" Hiro asked while raising one of his eyebrows.
Nagkibit balikat naman si Aikoh bilang sagot bago bumalik ang kanyang nonchalant expression.
"Bakit ikaw lang ba pweding magkalablayp ha?" Bulyaw ni Hiro. Pakiramdam niya insulto ang nonchalant expression ni Aikoh.
Muntik nanamang mabilaukan si Joakim sa kanyang sariling laway ng marinig niya sinabi ni Hiro. Nagulat din si Aikoh pero he couldn't care more.
"Bakit may sinabi ba ko?" Pagtanong pabalik ni Aikoh.
"Sabi ko nga wala," Hiro pouted bago tumahimik.