webnovel

A Magical Virus: Zombie outbreak

Sa isang lugar sa Maynila ay nakatira si Diane. Masaya ang pamumuhay nila ng pamilya niya. Hanggang isang araw ay napanaginipan niya ang bahay nila sa Probinsya. Akala niya ay normal na panaginip lang ito pero naging sunod-sunod ito. Napagpasiyahan niya na pumunta sa Sanctuary. Ang probinsya nila. ~~~~ Paano kung isang araw ay nagkaroon ng zombie apocalypes? At ikaw ang nakatakdang magligtas sa mundo? Ano ang iyong gagawin?

GinoongDice · Ficção Científica
Classificações insuficientes
15 Chs

Chapter 1

Feb 26, 2015

"Mama, aalis na po ako" paalam ko at humalik sa pisngi ni Mama

"Sige, mag-ingat ka" sabi nito

Umalis na ako at sumakay sa kotse ko. Pupunta kasi ako ngayon sa mall dahil may bibilhin ako na matagal ko ng pinag-iipunan. Totally kayang-kaya ko bumili nito dati pa pero mas gusto ko kasi pinag-iipunan ko.

Nanaginip nanaman ako kanina pero ganun parin ang nakita ko sa panaginip.

Ng makarating na ako sa Mall ay pinarada ko na ito at pumasok. Medyo marami ngayon na tao dahil weekend. Sunday ngayon at bukas na aalis si Mama kaya may mga pinabili din siya sakin gaya ng pagkain at mga junk food.

Pumunta muna ako sa Hypermarket sa loob ng Mall at binili yung mga nakalista sa phone ko. Medyo marami rin kasi ito pero kery ko naman siguro buhatin. Ng makuwa ko na lahat ng kailangan ko ay pumili na ako at nagbayad.

Lumabas na ako sa Hypermarket at lumabas muna para puntahan ang kotse ko. Binuksan ko ang backseat at nilagay doon ang mga binili ko at sinarado ito. Bumalik ako sa loob at umakyat sa 2nd floor kung dahil nandun ang gusto kong bilhin

"Good morning ma'am" bati ng guard sakin

"Good morning rin sayo kuya" bati ko pabalik dito.

Hindi naman ako bitch para hindi bumati sa mas nakakatanda sakin. Hindi gaya ng ibang mayaman na hindi marunong bumati kapag binabati sila ng mga saleslady o guard.

Hinanap ko kung nasan nakalagay yung gusto kong bilhin at napangiti ako dahil nandun parin yung gusto kong bilhin. Kinuwa ko ito at binitbit papuntang cashier.

"1,800 po ma'am" inabot ko sa kanya ang pera ko na dalawang libo

"Ma'am sukli niyo po" sabi sakin. Ilalagay ko na dapat sa wallet ng may naalala ako. Pumunta ako sa bandang sulok at kinuwa ang maliit na bote nandoon.

"Magkano po ito?" tabong ko sa saleslady

"50 lang po ma'am"

"Sige, salmat ah" sabi ko bago bayaran ito. Pagkatapos ko itong bayaran ay binuksan ko ito at dinukot sa bulsa ang sukli ko kanina na dalawang libo at pinasok sa loob ng bote

Sinarado ko na ito ng matapos kong ilagay ang pera.

Nakita kong ilalagay na nung saleslady sa isang malaking plastic ang mountain bag na binili ko pero pinigilan ko siya.

"Ate wait lang po" sabi ko. Yeah, tama kayo, isang mountain bag ang binili ko. Nilapitan ko ang bag at binuksan ang pinakamalaking zipper nito at may nakita akong secret pocket kaya dun ko nilagay ang bote.

"Okay na po, salamat"

"Your welcome ma'am" sabi ng cashier

Lumabas na ako at lalabas na sana sa mall ng may maalala ako. Umakyat ako sa 3rd floor at pumasok sa isang store.

Naglibot-libot ako at ng makita ko na ang hinahanap ko. Isa itong hammock na camoufladge. Nakatiklop ito at kasyang kasya sa binili kong bag kanina.

Namimiss ko na kasing magduyan sa probinsya. Meron kaming duyan dati sa probinsya pero naalala ko na butas-butas na pala ito kaya bumili nalang ako ng bago na mas matibay.

Kinuwa ko ito at binayaran sa cashier. Ng matapos ay lumabas na ako ng mall.

Sumakay na ako ng kotse at umuwi

Pagdating ko sa bahay ay tinawag ko ang guard at nagpatulong sa pagbubuhat dahil ang dami ng pinamili ko.

Pag pasok ko sa loob ay nadatnan kong kumakain na sila ng tanghalian kasama si Papa.

"Papa!" binitawan ko ang bitbit ko at tumakbo papunta kay Papa at niyakap siya ng ubod ng higpit. Ang tagal namin 'di nagkita dahil may inaayos daw siya sa trabaho niya. Kumalas na ako sa pagkakayapap dahil baka hindi na siya makahinga HAHAHA

"Umagang-umaga nag gagala ka nalaman. Kumain ka na ba ng tanghalian?" umiling ako "Umupo ka na at kumain ka. Manang, pakiasikaso nga si Diane" sabi ni Papa

"Wag na po Papa, kaya ko na pong asikasihun sarili ko" ngiti ko kay Papa. Lagi nalang kasi niya ako binibaby. Kulang nalang ay utusan niya yung mga katulong na subuan ako.

Pumunta na ako sa kusina at kumuwa ng plato, kutsar, tinidor at baso.

Nagsimula na akong kumain ng magsalita si Mama

"Mahal, hindi daw makakasama si Diane satin sa korea dahil gusto daw niyang mag bakasyon sa Lola niya. Ang sabi ko ay tatanungin ko muna ikaw. Ano sa palagay mo?" Mahabang sabi ni Mama

Tumingin sakin si Papa "Bakit gusto mong pumunta sa Probinsya? Ayaw mo ba sa korea? Saan mo gusto anak?" Mabait na sabi ni Papa.

Ang bait-bait talaga ni Papa pero huwag mo siyang gagalitin dahil hindi ka talaga makakagalaw sa takot.

"Gusto ko rin pong pumunta sa korea kaso..."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Sasabihin ko ba na napapaginipan ko lagi ang bahay namin sa Probinsya? O hindi?

"Kaso?" Tanong nila Papa at Mama

"Kaso mas gusto ko pong pumunta sa Probinsya dahil namimiss ko na po yung treehouse na pinagawa natin dati." tuloy-tuloy kong sabi ng maalala na may ginawa nga pala kaming treehouse dati pero hindi namin alam kung maayos pa ngayon dahil matagal na kaming hindi nakakauwi sa Probinsya dulot ng busy si Papa dahil maraming project.

"Sigurado ka ba diyan? Matagal kaming mawawala?" Paninigurado ni Papa

"Opo Pa. Dadalhin ko nalang po ang kotse ko"

"Isasama mo ba si Mang Berto?"

"Hindi na po. Kaya ko naman na pong mag-isa." Sabi ko kay Papa. Mukhang bini-baby nalaman ako

"Okay, pinapayagan na kita. Tandaan mo na huwag kang maging kaskasero at baka mabunggo ka." Paalala ni Papa. Ganyan si Papa lagi, overprotective dahil narin siguro only child ako.

"Salamat Mapa" tumayo ako niyakap sila.

Natawa si Papa at Mama "Ikaw talagang bata ka, palabiro ka palagi. Lagi mong pinagsasama ang Mama at Papa" natatawang sabi ni Papa.

Natawa narin ako. Lagi ko kasing pinagsasama ang tawag ko sakanila kapag natutuwa ako masyado.

"Kailan ka lala aalis at anong oras?" Tanong ni Mama sakin

"Bukas na po Ma at bandang five o'clok na ako mg madaling araw aalis." Tumango tango sila at hindi na nagtanong

Tumayo na si Papa kaya tumayo narin kami ni Mama dahil tapos narin kaming kumain. Umakyat na sila si kuwarto at ako naman ay pumunta sa sarili kong kuwarto kasama ang isang Manang na bitbit ang pinamili ko.

Nilapag na ni Manang ang pinamili ko at nagpaalam. Kinuwa ko ang binili kong bag at nilagay sa kama.

Tumayo ako at pumunta sa closet ko at kumuwa ng mga damit at underwear at nilagay ko ng maayos sa bag. Nilagay ko narin ang binili ko kanina na pagkain, mineral water at yung hammock. Inayos ko narin ang lahat ng kailangan kong dalhin.

Tinawagan ko si Manong at yung guard dahil ipapabuhat ko lahat ng kailangan kong dalhin dahil maaga akong aalis bukas

Bandang alasdos na ako natapos at nararamdaman ko ng inaantok ako kaya humiga na ako ng maayos.

Makakatulog na sana ako ng tumunog ang cellphone ko.

"Tss, sino ba naman tong istorbo na toh" naiinis na sabi ko. Pinaka ayaw ko pa naman pag iniistorbo ako sa pagtulog.

"What do you want?!" Inis na sabi ko

"HAHAHA galit na galit, gusto manakit" natatawang sabi niya

Medyo huminahon na ako ng marinig ko ang boses ng best friend ko.

"Istorbo ka kasi eh, alam mo naman na ayaw ko ng istorbo pag matutulog ako"

"Tse, ako dapat mainis sayo eh. Ano tong nabalitaan ko kala Tita na pupunta ka sa Probinsya niyo?"

Ano ba naman toh si Mama, inunahan pa ako sa pagsabi.

"Wag ka ng magalit, hindi karin naman makakasama dahil pupunta nga kayong Canada ng magulang mo diba?" sabi ko kay Nicky

"Gusto ko nga rin sumama sayo kaso hindi ako pinayagan ni Mama. Sabi niya sa susunod nalang daw. Gusto ko pa naman makita sila Lola Ding."

Ang pangalan ng lola ko ay Ding kaya tawag niya ay Lola Ding.

"Basta ingat ka Diane ah? Baka kung ano-ano nalaman ang gawin mo" pangangaral niya

"Opo Ina" pabiro ko

"Loko HAHAHA. Sige na, ibababa ko na toh at mukhang bitin ka sa pagtulog"

"Tss, sige na ibababa ko na rin, inaantok na ako. Love you" nakangiti kong sabi

"Love you too" natatawa niyang sabi saka binaba ang tawag

Ang tagal na namin ni Nicky mag best friend. Simula noong grade 3 kami hanggang ngayon na senior highschool na kami.

Set ko na yung alarm ko at humiga na ako sa kama dahil antok na antok na talaga ako.

~~~~

Feb 27, 2015

Nagising na ako dahil kumakalam na rin ang sikmura ko. Napatingin ako sa labas ng bintana at gabi palang. Chineck ko yubg orasan at nanlaki ang mata ko dahil four o'clock na. Hindi na pala ako nakakain kagabi dahil nagtuloy-tuloy na ang pagtulog ko.

Lumabas ako ng kuwarto ko at bumaba dahil nagugutom na talaga ako. Mukhang galit na galit na ang mga alaga ko dahil hindi sila nakakain kagabi.

Pagbaba ko ay nadatnan ko si Mama na nasa kusina at si Papa naman ay nagbabasa ng newspaper. Mukhang maaga rin sila aalis ngayon patungo sa Boracay.

"Oh anak, kumain ka na at hindi ka kumain kagabi. Hindi ka na rin namin ginising dahil mukhang pagod ka."

"Thanks Ma" sabay upo ko sa upuan at sumandok na ng pagkain dahil gutom na gutom na ako.

"Mama, anong oras po kayo aalis ngayon?"

"Mamayang six o'clock pa" tumango-tango ako at hindi na nagtanong pa dahil gutom na ako.

Nung natapos na ako kumain ay umakyat na ako sa taas at naligo. Matapos maligo ay nag damit na ako at humarap sa harap ng salamin.

Kitang kita ko dito sa salamin ang dark brown kong mata.

Nakasuot ako ngayon ng Light blue na hoodie at jeans. Naka rubber shoes na gray ako at nakalugay ang buhok ko na lagpas balikat.

Inayos ko ang salamin ko dahil tabingi. Yeah tama kayo. Nakasalamin ako. Malabo na kasi ang mata ko dahil lagi akobg nag ce-cellphone.

Lumabas na ako ng kuwarto ko at bumaba

"Anak, aalis ka na?" Tanong ni Papa

"Opo Pa, para maagi ako makarating. Ang haba pa naman ng biyahe."

"Oh sige mag-iingat ka. Wala ka na bang nakalikutan?"

"Wala na po Papa, nasa kotse ko na po lahat ng kailangan ko." Lumapit ako kala Mama at Papa para humalik at yumakap. "Alis na po ako Ma, Pa. Ingat rin po kayo sa biyahe" Paalam ko

Hinatid nila ako hanggang sa labas. Pumasok na ako sa loob ng kotse ko at kumaway bago ko ito paandarin.

Pinaandar ko na ito at nagsimula ng magmaneho. 1st time kong magmaneho papuntang Sanctuary na hindi kasama ang driver namin kaya sa google map ako tumitingin para malaman ko kung saan dadaan.

Habang nagmamaneho ako ay may tumawag sakin. Kinuwa ko ang earpiece ko kinabit sa tenga.

"Sino toh?" Tanong ko

"Abay kinakalimutan mo na ako ah" nagtatampong sabi ni Nicky

"Ay sorry, nag mamaneho kasi ako ngayon kaya hindi ko na tiningnan yung pangalan"

"Okay lang, anyway aalis narin kami ngayon kaya tumawag ako dahil alam mong hindi ako makakatawag sayo" naiiritang sabi niya

Natawa naman ako "Ayos lang yun, kailangan ko rin namang mag focus sa pagmamaneho dahil baka mabangga ako kung tawag ka ng tawag"

"Oh sige na, ibababa ko na dahil malapit na kami sa airport. Ingat ka ah? Love you" paalam niya

"Yuck HAHAHA de joke lang. Oo na mag-iingat na po ako Ina sa pagmamaneho. Love you too rin. Kayo rin ingat kayo"

"HAHAHA pasalubong ko ah?"

"Anong pasalubong? Ako dapat pasalubungan mo kasi pupunta kang ibang bansa." Nakabusangot kong sabi

"Basta dapat may pasalubong ka saki dahil hindi ko ibibigay pasalubong ko sayo" pagbabanta niya

"Oo na, ibababa ko na at baka mabunggo na ako. Bye" paalam ko

"Bye rin, ingat" at binaba na niya

Napabuntong hininga nalang ako. Kahit kailan talaga ang kulut kulit ni Nicky HAHAHA

Medyo maliwanag na rin dahil six o'clock na. Nakaalis na rin siguro sila Mama at Papa sa bahay dahil usapan nila six sila aalis.

------

Makalipas ng ilang oras mag biyahe ay tumigil muna ako sa tabi dahil tanghali na at nagugutom na ako

Medyo marami ng puno dito dahil dito ko piniling dumaan dahil trafic sa ibang daanan.

Lumabas na ako ng kotse dahil nangangalay na ang puwet ko sa kakaupo. Kinuwa ko ang mountain bag ko at ni-lock bago pumunta sa ilalim ng puno para doon kumain. Iniwan ko narin ang cellphone ko dahil saglit lang naman ako kakain.

Habang kumakain ay napapansin kong bibihira lang ang dumadaan na kotse dito.

Patapos na akong kumain ng biglang naiihi ako. Dali-dali akong naghanap ng maiihian at may nakita akong malaking bato sa di kalayuan. Tumingin muna ako sa paligid bago ako umihi. Habang umiihi ay bigla akong kinilig HAHAHHA. Nakarinig rin ako ng tunog na sasakyan na huminto.

Tinabunan ko ng lupa kung saan ako umihi at bumalik. Pero halos manigas ako sa kinatatayuan dahil nawawala yung kotse ko at sa di kalayuan ay may humaharurot na kotse ko at ang mas malala ay kotse ko ito.

"Patay. Na car nap ata ako" bulong ko.

-To be continue

★★★★

Abangan sa susunod na kabanata:

-paano siya makakapunta sa Sanctuary kung wala na siyang kotse?

-makakapunta pa kaya siya sa Sanctuary?

★★★★

Hanggang sa susunod na kabanata, paalam! :)