webnovel

a love that never fades(TAGALOG) (BL)

ALTNF 1 Ben Cariaga's POV "Ano na, asan ka na?" Sabi ko dahil hindi ko na talaga siya makita. Asan na ba siya? Masyado nang mataas ang narating niya! Mamaya mahulog to eh. "Wait, teka lang babi! Ang kati ng likod ko. Jan ka lang!" Sigaw niya mula sa itaas ng puno. Sa totoo lang, kanina pa ako nangangalay dito. Paano ba naman, kanina ko pa bitbit ang pagkalaki-laking bayong na 'to na naglalaman ng mangga. Yep, nasa mango-hunting kami ngayon ni Kristal. "Ano na bes? Nakakangalay na! Asan ka ba? You are nowhere to be found!" Sigaw ko. "Nandito ako, look!" Hinanap ko siya sa itaas pero hindi ko talaga siya makita. Masyado kasing maraming sanga ang nakaharang. Maya-maya ay may ginalaw-galaw siyang mga sanga at hinanap ko iyon. Nang makita ko ito ay ako ang nalula sa sobrang taas. "Hala Kristal! Gagi ka ba? Ang taas mo masyado! Bumaba ka na dyan, bago ka pa mahulog at masisi pa ako ng masungit mong mudrakels dahil ako ang nagpaakyat sa'yo dyan!" Sigaw ko sa kanya. "Babi, magtiwala ka sa akin. Kaya ko 'to. Ang dami kaya dito. Ready mo na yang bayong, dali!" Sabi niya. I frowned. Ano ba 'yan, bigat na bigat na nga ako dito tas biglang change location. Huhu. Hinanda ko na ang dala-dala kong bayong. Tama siya, ang dami ngang bunga ng mangga sa pwesto niya. Kumpul-kumpol at malalaki na. Sana lang hindi pa hinog ang mga 'yam. "Kris, ang dami masyado. Bawasan mo. Baka sa ulo ko tumama 'yan imbes na shumoot sa bayong." She chuckled, "Ok." At hinulog na niya isa-isa yung mga mangga. Marami-rami rin kaming nakuha. No, marami talaga kaming nakuha. Samantalang kami lang din naman ni Kristal ang mangangain nito. You know, summer. Ang sarap ng may mangangata. "Marami rin tayong nakuha. Tirahan natin si kuya Japs ng lima." Sabi ko. Bumaba na si Kristal sa ng puno nang walang kahirap-hirap. Taong unggoy 'yan eh. Kayang umakyat ng puno kahit gaano kataas ng effortless. Kahit maliit na babae yan si Kristal wag mong mamaliitin yan. Maraming 'yang kayang gawin sa buhay. "Tatlo lang? Gawin mo nang sampu." Sabi niya. I gave her a meaningful look, "Ok, ok, fine, fine. Crush mo eh." "Huh? C-crush ka diyan, wala akong crush no." She said, blushing. "Asus, oke, sabi mo eh." Sabi ko naman. Nagligpit na kami ng mga pinanguha namin at umuwi na rin kami. Bago ang lahat. Ben Cariaga ang pangalan ko. Si Kristal naman itong kasama ko. Kristal used to call me "Babi" dahil, wala lang. Trip lang daw niya. Kami 'yung tipong unexpected best friends kasi pagkalipat na pagkalipat nila dito, inapproach niya kaagad ako. Then ayun, instant BFFs. Minsan tinanong niya ako if I'm a gay. Napansin niya daw sa behaviour ko at way ko ng pagsasalita.

johndrewmac · Realista
Classificações insuficientes
20 Chs

ALTNF

ALTNF

1

Ben Cariaga's POV

"Ano na, asan ka na?"

Sabi ko dahil hindi ko na talaga siya makita. Asan na ba siya? Masyado nang mataas ang narating niya! Mamaya mahulog to eh.

"Wait, teka lang babi! Ang kati ng likod ko. Jan ka lang!"

Sigaw niya mula sa itaas ng puno. Sa totoo lang, kanina pa ako nangangalay dito. Paano ba naman, kanina ko pa bitbit ang pagkalaki-laking bayong na 'to na naglalaman ng mangga.

Yep, nasa mango-hunting kami ngayon ni Kristal.

"Ano na bes? Nakakangalay na! Asan ka ba? You are nowhere to be found!" Sigaw ko.

"Nandito ako, look!"

Hinanap ko siya sa itaas pero hindi ko talaga siya makita. Masyado kasing maraming sanga ang nakaharang. Maya-maya ay may ginalaw-galaw siyang mga sanga at hinanap ko iyon. Nang makita ko ito ay ako ang nalula sa sobrang taas.

"Hala Kristal! Gagi ka ba? Ang taas mo masyado! Bumaba ka na dyan, bago ka pa mahulog at masisi pa ako ng masungit mong mudrakels dahil ako ang nagpaakyat sa'yo dyan!" Sigaw ko sa kanya.

"Babi, magtiwala ka sa akin. Kaya ko 'to. Ang dami kaya dito. Ready mo na yang bayong, dali!"

Sabi niya. I frowned. Ano ba 'yan, bigat na bigat na nga ako dito tas biglang change location. Huhu. Hinanda ko na ang dala-dala kong bayong. Tama siya, ang dami ngang bunga ng mangga sa pwesto niya. Kumpul-kumpol at malalaki na. Sana lang hindi pa hinog ang mga 'yam.

"Kris, ang dami masyado. Bawasan mo. Baka sa ulo ko tumama 'yan imbes na shumoot sa bayong."

She chuckled, "Ok."

At hinulog na niya isa-isa yung mga mangga.

Marami-rami rin kaming nakuha. No, marami talaga kaming nakuha. Samantalang kami lang din naman ni Kristal ang mangangain nito. You know, summer. Ang sarap ng may mangangata.

"Marami rin tayong nakuha. Tirahan natin si kuya Japs ng lima." Sabi ko.

Bumaba na si Kristal sa ng puno nang walang kahirap-hirap. Taong unggoy 'yan eh. Kayang umakyat ng puno kahit gaano kataas ng effortless. Kahit maliit na babae yan si Kristal wag mong mamaliitin yan. Maraming 'yang kayang gawin sa buhay.

"Tatlo lang? Gawin mo nang sampu." Sabi niya.

I gave her a meaningful look, "Ok, ok, fine, fine. Crush mo eh."

"Huh? C-crush ka diyan, wala akong crush no." She said, blushing.

"Asus, oke, sabi mo eh." Sabi ko naman. Nagligpit na kami ng mga pinanguha namin at umuwi na rin kami.

Bago ang lahat.

Ben Cariaga ang pangalan ko. Si Kristal naman itong kasama ko. Kristal used to call me "Babi" dahil, wala lang. Trip lang daw niya. Kami 'yung tipong unexpected best friends kasi pagkalipat na pagkalipat nila dito, inapproach niya kaagad ako. Then ayun, instant BFFs. Minsan tinanong niya ako if I'm a gay. Napansin niya daw sa behaviour ko at way ko ng pagsasalita.

Nung una, na-offend ako pero hindi na rin ako nagsinungaling. I told her yes, but I am not any other kind of gay na loud at crossdresser. But I admit, may pagka-loud rin ako pero ayun ay ang pagiging makulit ko minsan. Haha.

Simple lang akong manamit, lalaki pa rin. At maayos rin ang buhok ko, walang echos echos.

I am 17 years old, at Gr. 12 na ako sa pasukan. At dahil hindi pa naman pasukan, focus muna tayo sa vacation life ko dito sa probinsya.

"Ay babi, may chika ako sa'yo." Sabi niya habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad.

"Sus, ano pa bang bago? Lagi ka namang may chika." Sabi ko.

"Sira. Tungkol 'to doon sa bagong lipat dun sa may tapat ng bahay nyo. Alam mo ba yung bahay na walang nakatira dun?" She asked.

"Uhm oo, yung tinatambayan natin minsan? Sa tapat namin?"

Tumango siya, "Yup. May bagong titira doon. Dalawa sila, kamag-anak nina Mang Tako. At bes," she leaned closer to me. Mukhang alam ko na ang sasabihin neto.

"Parehas pogist!" Then she giggled.

Sabi na eh.

Napangiti ako. "Talaga ba? Kelan daw lilipat?"

I asked.

"Uy, interesado rin siya, kunyari pa. Yieee!" Sabi nya.

"B-bakit? Ikaw lang ba may katapatan?"

"May sinabi ba ako?" Balik tanong nya.

I sigh, "Hay nako. S-so, kelan nga?"

"Ngayon, naglilipat na sila"

Sabi niya. Bigla naman akong napatigil sa paglalakad.

Wait. Ngayon na? As in, ngayong hapon? Talaga ba?

Sana naglilipat na sila. Para madaanan namin. Para ma-confirm kung totoo ba 'yung sinasabi ni Kistal.

Huli ko kasing crush e nung pasukan pa. So, if ever na pogist nga yung dalawang lilipat, may possibility na magkaroon ako ng panibagong crush. Char lang. Hehe.

"Ngayon? Ok. Tara, bilisan na natin!" Sabi ko sa kanya. She gave me a meaningful look. Hindi ko na lang yun pinansin at binilisan na namin ang paglalakad.

Nang biglang...

So ganito yung eksena mga 'te.

Binibilisan ko ang lakad ko dahil malapit na kami sa tapat ng bahay namin. Sinusundan ako ni Kristal ng paglalakad pero bigla siyang natalapid. Ngayon, lilingon sana ako sa kanya nang bigla naman akong natalapid sa isang malaking bato dahilan para mapadapa ako at...kumalat sa kalsada ang mga kinuha naming mangga.

You know the word 'kami'? That's the new spelling of the word 'tanga.'

"OMG Babi, ok ka lang?" Tanong ni Kristal.

Pinanliitan ko naman siya ng mata.

"Oo naman, Kristal! Ok