webnovel

A Heart to Keep

Magkaiba ang background nina Candice at Victor kaya hindi maganda ang unang impression nila sa isat isa. Pero habang tumatagal ang kanilang pagkakakila ay unti unti ring lumalalim ang kanilang friendship and eventually ay nagkahulugan na sila ng loob.

amore_05 · Adolescente
Classificações insuficientes
15 Chs

Chapter 3

Katulad nang napag-usapan maagang dumating si Candice sa pagdarausan ng rally.

Nasa gate pa lang siya ay nakita na niya si Victor. Nakatali ang medyo mahaba nitong buhok at may hawak itong placard na "no to tuition fee hike." Nilapitan niya agad ito.

"Bakit ang konti natin? Akala ko pa naman malakihang rally eh wala pa yata tayong bente dito. Tapos dinadaan-daanan lang tayo.

Mukhang walang gustong sumali." Reklamo niya dito.

"Parang katulad mo nung una walang pakialam."

"Nandito na nga ako di ba." pinandilatan niya ito. He sure like to bring up the past.

"Alam naman natin parehas na kaya ka nandito dahil may pakinabang ka. Kailangan mo ako dahil lang dyan sa ego mo."

"Puwede itigil mo yang panghuhusga sa akin Mr. Feeling Faultless. Wala kang alam sa pinagdaraanan ko. Akin na nga yang placard. Ako na ang magtataas baka kasi isipin mo i'm not holding up to my end of the bargain." Galit na niyang sagot dito.

Nainis siya dahil ang dali nitong akusahan siya ng pagiging egoistic. Hindi nito alam na mula nang ipinanganak siya ay madalas na siyang nababalewala.

Ulila na siya sa magulang kaya puro mga katulong lang ang kasama niya. Generous ang lolo niya pero konting pagkakamali and he will put her in the dump. Kaya nga sya napressure na magcheat.

"Sorry sa nasabi ko. Tama ka hindi dapat kita hinuhusgahan." paghingi ng tawad nito.

"Alam ko namang hindi mo ako gusto. Para nga akong may ketong kung iwasan mo."

"Totoong iniiwasan kita." Pag-amin nito. "Pero mali ka nang iniisip na hindi kita gusto."

"Ano pa ba ang ibang dahilan ng pag-iwas mo sa akin?" tanong niya.

Pero bago pa man ito makasagot ay may tumawag na dito.

"Kailangan ko nang umalis. Oo nga pala baka gutom ka. " Inabutan siya nito ng sandwich. "Egg sandwich lang yan. Kulang kasi sa budget."

Kinuha niya ang sandwich at pagkatapos ay sinilip ang palaman. "Sigurado ka bang may palaman ito? Parang wala naman. Sobrang nipis."

"Kulang nga sa budget. Huwag ka nang mapaghanap. Bawal dito ang maarte."

"Kung tinanggap mo sana yung inalok ko sayong pera eh di sana hindi ka kukulangin sa palaman."

"Di ba nga ang sabi ko sayo hindi puwedeng bayaran ang pakikipagkaibigan ko."

"Eh parang bayad na rin tong ginagawa kung pagpunta dito."

"Kaya kita pinasama dito para makita mo yung ginagawa namin. Nagsimula kasi tayo nang hindi maganda. Siguro tama lang na ituwid natin kung ano mang maling pagkakakilala natin sa isa't-isa." Paliwanag nito.

Kahit hindi niya aminin ay natuwa siya sa sinabi nito. Kahit kakaiba ang paraan nito ay ramdam naman niya ang sinseridad sa mga sinabi nito.

"Fair enough. Pero i doubt kung makikilala natin ng malaliman ang isa't-isa sa gitna ng rally."

Nginitian siya nito. "Marami pa namang oras at pagkakataon. Sige maiwan na kita. Huwag kang mawawala." bilin pa nito.

"Di ba nangako na ako. Sige na umalis ka na kaya kung mag-isa." Pagtataboy na niya dito.

Nang makaalis na ito ay tsaka niya uli nilabas ang tinapay na bigay nito. Gutom siya dahil hindi siya nakapagbreakfast. Pero hindi pa siya nakakakagat nang may marinig siyang tila umiingot.

Napatingin siya sa bandang baba at nakita niya ang isang asong nakatanghod sa kanya. Hindi niya alam kung paanong may asong nakapasok sa loob ng eskuwelahan. Wala itong dog collar at payat ito at galisin.

Nung una ay nandiri siya at lalayuan sana niya ito pero nangibabaw ang awa niya kaya

hinimay-himay niya ang sandwich at ipinakain iyon sa aso.

Kinuha din niya ang tubig na baon at nang makakita siya ng isang lumang lalagyan ay doon binuhos ang tubig at pinainom sa aso. Umungot uli ito halatang gusto pa ng pagkain.

"Hay naku sorry doggie at ubos na ang pagkain ko." Tinaboy na niya ang aso dahil nandidiri rin naman siya sa mga galis nito.

Ilang minuto pa ay nagsimula na ang protesta. Kahit nangangalay na sa pagkakatayo ay nagtiis siya. Pagkaraan ng mga ilang oras ay medyo dumami na rin ang mga estudyante. Pawisan na siya pero hindi siya umalis sa puwesto.

Nagtiis na lang siya sa gutom at uhaw. Tutal sandali na lang ay matatapos na ang rally at malamang ay balikan na siya ni Victor. Gusto niyang patunayan dito na kaya niyang tuparin ang nasabi niya.

Hindi nga nagtagal ay nakita na niya ito. Tumingin ito sa direksyon niya, kaya kinawayan niya ito. Gusto niyang magmalaki dito dahil naitumba na niya ang isang araw.

Palapit na ito sa kanya nang makaramdam siya ng pagkahilo. Medyo nilaliman niya ang kanyang paghinga at nagtangkang maglakad pero tuluyan nang umikot ang paningin niya.

Ang huli niyang narinig bago tuluyang mawalan ng malay ay ang malakas na pagsigaw ni Victor na tinatawag ang pangalan niya.