webnovel

A Heart to Keep

Magkaiba ang background nina Candice at Victor kaya hindi maganda ang unang impression nila sa isat isa. Pero habang tumatagal ang kanilang pagkakakila ay unti unti ring lumalalim ang kanilang friendship and eventually ay nagkahulugan na sila ng loob.

amore_05 · Adolescente
Classificações insuficientes
15 Chs

Chapter 12

Senyorita pinapatanong po ng Senyor kung handa na kayo. Kanina pa po kasi nagsimula ang kasiyahan at hinihintay na kayo ng mga bisita." paalala kay Candice ng kanilang mayordoma.

"Tell Lolo i'll be right down." Sagot niya dito habang sinusuot ang 18 karat teardrop earring na isang family heirloom. Tiningnan niya uli ang sarili sa salamin.

She looks polished. From her ponytailed hair to her cobalt colored ruched crepe gown down to her vera wang shoes. She is now ready.

Pitong taon na ang nakakaraan nang walang ingay siyang umalis patungong Australia para takasan ang kalungkutan. She's only been back a few weeks and honestly she doesnt like the idea of a party. But her Lolo insisted. He wants to formally introduced her to everyone na may kinalaman sa Monarch Industry. Afterall in a few months she will need to take over dahil balak na nitong magretiro. Sa huli ay pinagbigyan na rin niya ito.

Pagkababa pa lang niya ay nakaabang na ang kanyang lolo who was wearing a Sherlock Holmes inspired suit. Costume themed ang party na hinanda nito.

"Akala ko hindi ka na lalabas. Kanina ka pa hinahanap ng mga bisita." Salubong nito sa kanya.

"Lolo you're a great host. So I don't think I'll be missed." sagot niya dito.

"Hija you're the star of the night. Nandito sila to welcome you back." paalala nito.

"Okay then, let's do this." sabay abot sa kamay nitong nakalahad na sa kanya.

Una siya nitong pinakilala sa mga board members pagkatapos ay sa mga bago nitong business associates. Sa tagal niyang nawala ay hindi na niya kilala karamihan ng mga bisita. She tried to remember their names. Dahil siguradong makakasalamuha niya uli ang mga ito in the near future.

Matapos ang kanyang obligatory rounds ay lumayo muna siya sa nakararami para sandaling mapag-isa. Boredom is kicking in. Which is kinda ironic because she used to be the life of the party. She used to enjoy the attention. But now pakiramdam niya she doesn't belong.

Sandali syang nagmasid sa paligid hanggang sa mahagip ng mga mata niya ang isang lalaki. He's wearing a white mask na parang sa Phantom of the Opera covering more than half of his face. Mag-isa lamang ito and was not even trying to talk to anyone. But he doesn't looked lost just uninterested. And even with his mask hindi nito maitago ang pagkabagot. She smiled at the thought. At least someone is as bored as she was.

Inoobserbahan pa rin niya ito nang dumako ang mga mata nito sa kanyang direksyon. Nung una ay inisip niyang lalapit ito sa kanya pero nanatili ito sa puwesto. He's just looking at her direction while sipping his drink. Nawala lang ang atensyon niya dito nang tawagin siya ng isang kaibigan, si Matthew. She's glad to finally see a familiar friendly face.

"Candice akala ko hindi na kita makikita. Bakit nag-iisa ka dito?" tanong nito.

"Nagpapahinga lang. By the way are you enjoying the party?"

"Mahigit isang oras na akong nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan ng Lolo mo tungkol sa business.

Pakiramdam ko tuloy nasa business meeting ako."

"I'm sure bago matapos ang gabing ito may makikilala kang magandang babae. Lalo na't prince charming ka pa naman ngayon."

"Pero nasa harapan ko na ang magandang prinsesa. Ang tanong anong klaseng prinsesa ka ba?

"Bored and lost." sagot niya dito.

Want to get lost with me? Alam mo naman ako naghihintay lang. Very open and willing. Yours for the taking. " totoong biro nito.

Nginitian lamang niya ito. Three years ago sa Australia ay pinakilala ito ng isang kaibigan. Nagpakita agad ito ng interes sa kanya at nanligaw.

Maraming nagsasabing they are a match made in heaven. But she feels that she doesn't deserve him. Kaya sinabi niya ito na hindi pa siya handa sa isang seryosong relasyon.

Tinanggap nito ang desisyon niya and they end up being good friends. But its an open secret na naghihintay lang ito ng panahon kung kailan handa na siyang buksan ang puso niya para sa isang bagong pag-ibig. Marami nga ang nag-iisip na they really are a couple.

"Kanina pa tumutugtog ang music pero walang sumasayaw. I think we should lead people to the dance floor." Pag-iiba niya ng usapan.

"Mabuti pa nga." sang-ayon naman nito. At tuluyan na siya nitong iginiya sa gitna ng ballroom.

Nakatapos na sila ng dalawang tugtog nang tumunog ang phone nito. Hinatid muna siya nito sa kanilang designated table bago ito umalis para sagutin ang tawag.

Saglit pa lang nakakaalis si Matt nang makita niya uli yung lalaki. This time naglalakad na ito palapit sa kanya. Hindi niya alam kung bakit pero habang papalapit ito sa kanya ay tila bumibilis din ang pintig ng puso niya. Ng halos isang dipa na lang ang layo nito sa kanya ay inilahad nito ang kamay indicating that he wants to dance with her. She hesitated for a second pero sa bandang huli ay pumayag na rin siya.

Nang magtagpo ang mga palad nila ay lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Sino ba ang lalaking ito? Bakit ganito ang nararamdaman niya? She tried to ignore the feeling.

Sa mismong gitna ng dance floor siya nito dinala. At nang ilagay nito ang kamay sa bewang niya she tensed. Naririnig ba nito ang lakas ng kaba ng dibdib niya? Tiningnan niya ito ng mabuti. Medyo madilim kaya hindi pa rin niya ito makilala behind the mask. But somehow her heart seems to know him. Ganoon din ba ang nararamdaman nito sa pagkakalapit nila?

"Kumusta na Candice?" tanong nito.

Nagtayuan ang lahat ng balahibo niya sa katawan when he mentioned her name. She recognized his voice immediately.

"It can't be. Imposible." Bulong niya sa sarili. Pero nang alisin na nito ang suot na maskara ay nakumpira niya ang hinala. "V-ictor." Usal niya.

If he wasn't holding her ay baka tumumba na siya sa pagkabigla. Her whole body was trembling. Halos hindi pa maproseso ng isip niya ang nangyayari. Ang lalaking kahit kailan ay hindi nawala sa isip niya ay nasa harapan niya uli ngayon.

"Excuse me but I will need to get my partner back." ang boses ni Matthew ang nagbalik sa isip niya sa kasalukuyan.

Napalingon siya dito bago niya binallik ang atensyon kay Victor who already stepped back para magbigay daan. Walang salita itong naglakad palayo sa kanila. Gusto niya itong habulin pero tila napako siya sa kinatatayuan.

"Are you okay may ginawa ba yon sayo. You looked bothered." nag-aalalang tanong ni Matthew.

"No he didn't do anything. I'm fine."

"Kilala mo ba yon?"

"Hindi ko alam." Sagot niya dito.

Yes it was Victor. Sigurado siya dun. But he seems different. The way he talks and even the way he moves ang laki ng pinagbago. Hindi na siya sigurado kung ito yung dating Victor na kilalang-kilala niya noon.

"You want me to get you a drink?" Halatang hindi ito kumbinsido na okay siya.

"No need I just have to go to the washroom." paalam niya dito. Nginitian niya ito para hindi na ito mag-alala pa.

"Okay sige pero pagbalik mo pumunta ka agad sa table natin" paalala nito.

Tinanguan na lamang niya ito at dahil alam niyang nakasunod ito ng tingin sa kanya ay pumunta na agad siya sa washroom. Doon niya pinakalma ang sarili. She needs to concentrate and collect herself. Nang medyo kumalma na siya ay tsaka siya lumabas. And the first thing she did was to look for Victor. She needs to know kung anong pakay nito.

Bumalik siya sa puwesto kung saan una niya itong nakita pero bigo siyang mahanap ito. Sandali pa siyang nag-ikot pero hindi niya talaga ito makita.

Pabalik na sana siya nang marinig niya ang boses ng kanyang Lolo. Mukhang may kasagutan ito. Kinutuban siya kaya mabilis niyang pinuntahan ito. At tama siya ng hinala dahil naabutan niya ito na sinisigawan si Victor.

"Umalis ka rito walang hiya ka." Galit na galit ito.

Nakatingin lamang ang mga bisita na nakakasaksi ng mga pangyayari. Halatang naguguluhan ang mga ito. Si Victor naman ay mukhang di apektado. Kahit na nilapitan na ito ng security ay hindi ito nagpakita ng takot o pagkabigla.

Dahil sa nag-aalala syang tumaas ang presyon ng kanyang lolo ay nilapitan niya ito.

"Lo please calm down." Pakiusap niya dito. Medyo kumalma naman ito nang makita siya.

"Dalhin nyo na siya sa taas and please call the family doctor." Utos niya sa katulong na umalalay dito. "Ako na ang bahala dito."

Hindi na tumutol pa ang lolo niya. Sumama na ito sa katulong. Siya naman ay humingi ng paumanhin sa mga bisita. Nang maayos na uli ang lahat ay sinundan niya si Victor. Nakita niya itong pasakay na ng kotse.

"Sandali lang." Tawag niya dito.

"Anong kailangan mo?" Tanong nito.

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sayo nyan? Why are you here? Anong kailangan mo sa akin?

He looked at her intently and answered.

"Nandito ako para maningil." At bago pa man siya makapagsalita ay pumasok na ito ng kotse and sped away.