The Boy Who Cried For Help
"Tara na lunch?" kakatapos lang ng quiz namin sa math at lunch na namin tumayo ako at sumabay kay Gale at Matthew sa classroom kasi namin mag lulunch si Erin at Nathan ngayon, pinagbaon ng lola ni Erin sila ng lunch ni Nathan. Paglabas namin ng room ay naka abang na sa pinto si Riley sumabay siya sakin kaya nauna ng maglakad sila Gale. "Kamusta Quiz niyo kanina? bumagsak ako eh" ani ko habang pababa kami ng hagdan tinawanan ako nito at naging hyper na naman siya.
"Ako din , grabe hindi pamandin ako nagreview doon" hinampas ko siya habang tumatawa ng makarating kami sa canteen ay naabutan naming madaming tao. Pinapila ko nalang si Riley dahil masyadong siksikan ang hirap 15 minutes lang naman ang lunch namin. Humanap muna kami ng mauupuan ni Gale at Matthew.
"May announcement daw mamaya si Ma'am Jade sa room natin" habang naghihintay ay nagusap muna kami. "Balita ko nga tungkol daw sa fieldtrip yan eh" tuwang tuwa naman si Gale sa nalaman maganda kasi ang mga destinations ng Fieldtrip ng school namin. Dumating si Riley at nagsimula na kaming kumain.
"Guys sa tingin niyo saan ang fieldtrip natin ngayon?" nagisip ako ng mga museum around laguna palagi din naman kasing doon ang destinations na pinipili ng school, hindi naman sa nagyayabang ako pero kilala ang batch namin sa buong school, kumpleto kami ng lahat ng uri ng estudyante.
May mga loko, matatalino, mayayaman, maganda at gwapo kaya halos lahat ng kabatch namin ay kilala. At halos nasa sa amin din ang decisions ng mga ganitong bagay. "Siguro sa mga museum ulit katulad last year" napa angal naman sila Matthew doon, ayaw kasi nila ng mga ganung bagay ako lang ang mahilig sa ganun.
"Pero sure na agad na ang last stop ay Amusement park!" tuwang tuwa kami dahil iyon ang pinaka inaabangan namin na destination isang amusement park ang saya saya pamandin sumakay ng mga rides. taon taon din ay kasali sa mga itinerary ng school fieldtrip namin ang amusement parks.
Bumalik na kami sa classroom pagkatapos ng lunch naabutan namin na naghaharutan sa isang tabi sina Erin at Nathan nakita ko din si Jane at Boyfriend niya, magkaibigan kami ni Jane bestfiends kumbaga pero mas malapit ako kila Gale ngayon medyo lumalayo kasi siya sakin, ayaw niya kila Gale kaya hindi kami masyadong magkakasama ngayon. "Hoy! Naglalandian na naman kayo diyan" pag puna ko sakanila umupo kami sa isang gilid ni Riley pumunta si Matthew at Gale sa kabilang section para makipag kwentuhan sa iba pa naming kaibigan sa ibang section kasi ni Xiara.
"Kami ba talaga ang naglalandian o kayo ni Riley?" abat nagawa pa akong asarin nitong gagong to. Nakita ko namang nag bad finger si Riley dito binelatan ko nalang si Nathan, magkakalapit lang naman kami kaya nagagawa naming mag asaran. "Naannounce na samin yung tungkol sa Fieldtrip kanina" sabi niya sakin humarap ako sakanya "Alin daw mga pupuntahan?" mukha siyang nagiisip saka nako sinagot "Mga museum lang saka EK katulad ng sinabi mo kanina" napatango nman ako sana hindi naman ganun kamahal babayaran palagi nalang kasi.
"Tabi tayo ahh" nginitian ko si Riley syempre tabi kami diba? palagi naman kaming magkasama eh. tumango siya at nginitian din ako. tumabi samin sila Erin at Nathan. "Oy Nathan sino katabi mo sa Fieldtrip?" napaisip din siya nagtaka tuloy ako hindi ba si Erin nga? "Si Erin syempre pero ang sabi nila first come first serve dapat sabay kayo magbayad pero ang hirap parin magtabi sa ganun eh" oo nga pala may ganung rule sa school namin naisip ko hindi masusunod yun gagawan ng paraan ng mga kabatch ko na masunod kung anong seating arrangement gusto nila.
"Sila James nila bahala mag ayos non alam ko namang hindi din masusunod yung seating arrangement ng school tayo pa ba." proud na proud pa siya sa sinabi niya. "Eh ikaw sino katabi mo?" tinuro ni Riley sarili niya "Magkatabi kami ni Riley" pinanliitan naman ako ng mata ni Erin saka ako binulungan "maguusap tayo mamaya" saka naman nang asar itong si Nathan, "Kayo ahh! mamaya talaga may something na sa inyo eh" binad finger ko nalang siya palaging nang aasar eh akala niya ata hindi ko napapansin yun eh.
"Puro ka asar bumalik ka na nga sa classroom mo" tumayo ito sa upuan at tumatawang nag paalam kay Erin tapos nadin kasi lunch namin. nagsibalikan nadin mga iba pa naming kaklase paparating narin kasi si Ma'am Santos. Ng makasalubong ni Ma'am si Riley sa pinto "Mister, palagi kitang naaabutan dito sino bang dinadalaw mo? umaabot ka pang ibang room" ngumiti lang si Riley dito at tumango sa akin tinignan tuloy ako ni Miss. "Ikaw Elle may hindi ka talaga inaamin sakin eh" bulong sakin ni Erin napansin din yun ni Gale. "Oo nga umamin ka nga, anong meron sa inyo ni Riley?" naisip ko pati ba naman sila aasarin kami, eh close lang naman talaga kami.
"Bahala kayo kung ano ano iniisip niyo" ngumuso ako apura ang pang aasar nila nababahala tuloy ako. teka bakit ako kinakabahan wala lang naman yun simula at sapul close talaga kami ni Riley. "ang sabihin mo kamo may gusto kayo sa isat isa hindi niyo naman madeny" tinignan ko sila na para bang nasisiraan na sila ng ulo. "Wag kayo ganyan magisip imposible yun parang kapatid ko na yun si Riley kaya palaging naka buntot sakin" ngkibit balikat nalang sila at tinignan padin ako ng mapang asar.
Uwian ng mapag pasyahan naming mag meryenda muna sa labas, pag labas ko ng classroom ay naabutan naming magkasama na si Nathan at Riley. "Tara na meryenda muna tayo sa labas habang hinihintay sundo mo" aya sakin ni Riley pababa na kami ng hagdan ng makasalubong namin si Yra kasama ang mga kaibigan niya binati ko ito kaibigan ko din naman siya at kagrupo pa sa research. "Yra, mamaya ko nalang ipapasa yung parte ko sa thesis" ngumiti ito sakin at tumango.
"Riley kailan ka magbabayad ng pang fieldtrip?" napansin ko namang hindi makasagot si Riley kaya ako nalang sumagot para sakanya. "Sabay kaming magbabayad tabi kasi kami" sagot ko kay Yra habang naka kapit sa braso ni Riley "Oo tabi kami ni Elle" sagot niya sabay akbay sakin na ikinagulat ko.
"Ahh ganun ba? sige bye guys" malungkot itong nagpalaam samin tumango ako at nginitian ito. "Sige bye Yra!" agad ako binunggo ni Gale at nginitian ng pang asar naka akbay parin sakin si Riley. "Ay walang balak bumitaw?" ng mapansin ay bumitaw sakin si Riley hindi pa nakakalayo si Yra ng sumigaw ako "Syempre akin lang si Riley!" sigaw ko at kumapit ulit sakanya halatang nagulat siya sa ginawa ko.
"Mag usap muna tayo" bulong niya sakin. Hinila niya ako palayo sa mga kaibigan namin pumasok ulit kami ng room. "Kung tungkol to sa kanina, palabas ko lang yun napansin ko kasing ayaw mo naman kay Yra" lumapit siya sakin at bumulong "Paano mo naman nasabing ayaw ko sakanya?" nagtataka ako sainakto niya kaya naninis na ako.
"Bakit gusto mo ba siya?!" napasigaw na ako huminto siya sa harap at ngumisi, "Hindi siya ang gusto ko" nagtataka ko siyang tinignan kung hindi si Yra ay sino si Milan? Niligawan niya ng tatlong taon iyon pero hindi naman siya sinagot. "Si Milan?" umiling siya at lumapit sakin. masyadong malapit sakin. "Fine, sige ituloy natin" anong pinupunto ng lalaking ito kanina lang ay sinasabi niyang may iba siyang gusto. "alin?" hinawakan niya ang mga kamay ko.
"Itong laro na meron tayo, tulungan mo kong mapalayo si Yra" tinitigan ko siya at ang mga kamay naming magkahawak. hindi ko alam kung ano ang sumapi sakin at umoo ako sa gusto niya. Elle tulong kaibigan lang naman diba? wala ng iba tulong kaibigan lang.
"Sige tutulungan kita" ngumiti ito, napatitig ako. ang ganda noon tignan kaya napatawa ako sa hindi malamang dahilan hinila niya ako palabas ng makahinto kami sa harap ng sundo ko na nasa harap din ni Yra. "Bye uwi ka na, ingat ka baby" hinaplos niya pa ang buhok ko at kumaway sa akin paalis.
Nang makauwi ako ay nakatanggap ako ng mga mensahe mula sa mga kaibigan namin at isa din sakanya. Binasa ko ang mensahe ni Erin " Elle ano yung nakita ko kanina magpapaliwanag ka samin bukas!" sinagot ko ito ng oo at wag na sana nila akong kulitin.
At binasa ko din ang mensahe ni Rylie "See you tomorrow, Elle" hindi ko alam pero lalo akong kinabahan para bukas.