webnovel

A Certified Casanova

"I've always wanted to be a Casanova. I think it's very tasteful." He saw you. He met you. He liked you. He wanted you. He chased you. He got you. He had you. And in the end, he left you. Terrence Palermo's favorite toy---a woman's heart. He can get any girl he wants. Of course, he's fucking handsome, hot and rich. Kailanman ay hindi siya nagseryoso sa babae dahil ang tingin niya sa mga ito ay parausan lang. Why? Because he hates them to the extent that breaking their hearts makes him happy. May pag-asa pa kayang magbago ang isang certified Casanova?

pinkyjhewelii · Urbano
Classificações insuficientes
35 Chs

Chapter 20

MASAYA na ulit kami ni Robi pero hindi ko maintindihan kung bakit may kakaiba sa dibdib ko. Para bang may mabigat akong dinadala na para bang hindi ako mapakali. Hindi ba't dapat wala na akong alalahanin pa kasi maayos na ulit ang relasyon namin ni Robi at bumalik na iyong dating sigla ng relaayon namin.

Apat na araw na ang nakakaraan at apat na araw na ring hindi pumapasok sa Cade de Lucio si Terrence. Nag-aalala ako sa kaniya pero pilit kong iwinawaglit iyon sa isip ko. Buhay niya iyon. Baka may mahalaga lang siyang inaasikaso o baka nanawa na siya sa trabaho dahil hindi naman siya sanay.

Tumunog ang phone ko. Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil si Mrs. Palermo iyon.

Napalunok muna ako bago ko iyon sinagot. Dahil kaya sa pagpapaalis ko kay Terrence sa apartment ko? Wala naman sigurong ibang dahilan kundi iyon.

"Mrs. Palermo, napatawag po kayo?"

"Iha, maaari ka bang pumunta rito sa mansyon? Alam kong sobra sobra ang hinihiling ko pero sa tingin ko ay ikaw lang ang kakausapin ng pamangkin ko."

Si Terrence ang tinutukoy niya.

"Ano pong nangyari?"

"Alam kong pinaalis mo na siya sa apartment mo. Hindi naman kita masisisi dahil sa ugali ng pamangkin ko at pasalamat pa rin ako sa iyo dahil kahit kaunti ay may nagbago naman sa kaniya pero nitong nakaraang araw, mula nang umuwi siya rito sa mansyon, malalagutan na ako ng hininga sa kaniya."

Kinabahan ako. "Bakit po? Anong nangyari?"

"May dinadala siyang babae dito sa mansyon. Honey ang pangalan. Girlfriend daw niya pero nalaman ko sa kaibigan ng asawa ko na iba ibang babae ang kasama sa bar niya at araw araw ding naroon. Hindi na pumapasok sa trabaho sabi ni Hestia. Akala ko rin ay may serious girlfriend na siya at magtitino na siya pero mukhang nagkakamali ako. Hindi ko na siya matantya dahil hindi tulad noon, hindi na siya masyadong sumasagot sa akin."

Honey...

Girlfriend na niya ulit? Ex niya iyon 'di ba? So binalikan na niya pero bakit iba ibang babae pa ang kasama niya sa bar.

"Ano po bang maituulong ko? Katrabaho lang po ako ni Terrence sak---"

"May gusto sa iyo ang pamangkin ko. Hindi ako pinanganak kahapon, iha. Alam kong may gusto sa iyo si Terrence at sa tingin ko ay makakatulong ka na makausap siya ng maayos. Naisip ko rin na baka kaya siya nagkaganun ay dahil pinaalis mo na siya sa apartment mo."

Bigla akong nahiya kay Mrs. Palermo. Paanong magkakagusto talaga sa akin si Terrence? Isa iyon sa pinaka imposibleng bagay na pwedeng mangyari. Alam kong gusto niya lang ang katawan ko kaya halos may mangyari na sa amin. Playboy will always be playboy. Wala sa ugali ni Terrence ang magseryoso sa isang tao. Depende nalang siguro doon sa ex niya dahil minahal niya siguro iyon.

"Sorry po talaga, Mrs. Palermo. Hindi po kasi pwedeng manatili pa sa apartment ko si Terrence dahil sa boyfriend ko."

"May bago ka ng boyfriend, iha?"

"Iyong dati ko pa rin pong boyfriend, Mrs. Palermo."

"Iyong nanloko sa 'yo? Aba punyetang 'yon at nabigyan pa ng chance. Anyway, walang problema sa akin. Sapat na iyong pinagbigyan mo ako pero ngayon, gusto kong humingi ng huling pabor sa iyo. Kausapin mo ang pamangkin ko."

Tumikhim ako. Hindi ko naman kasi alam kung paano ko tatanggihan si Mrs. Palermo. Pero mas lalong hindi ko alam kung paano ko ulit haharapin si Terrence.

"Saan ka na naman pupuntang lalaki ka? Nalaman ko sa Tito Ken mo na iba ibang babae kasama mo sa bar. Aba, papatayin mo ako na lalaki ka! Ano bang nangyayari sa 'yo?"

Nagulat ako nang marinig iyon sa kabilang linya. Kausap yata ni Mrs. Palermo si Terrence. Nanatili akong tahimik habang nakikinig.

"It's my life, Mom."

"Sumasagot ka na ng ganyan? Aba sobra ka naman na lalaki ka! Pinauwi ka dito sa Pilipinas para magbago ka at umayos ang buhay mo pero anong ginagawa mo? Hindi ka pa pumapasok sa trabaho!"

Hindi ko maintindihan ang pagkabog ng dibdib ko. Ang marinig lang ang boses niya, may epekto na agad sa akin.

"Kahit kailan, hindi na magiging maayos ang buhay ko. Mula nang mawala si Mom! I fucking hate her for leaving us! I fucking hate her that I want to ruin my life for her to know what she have done!"

Napangiwi ako nang makarinig ako ng sampal. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko inaasahan ang sinabing iyon ni Terrence.

He's always been playful. Puro kalokohan at kapilosopohan kahit kay Mrs. Palermo pero ngayon...

"Para saan pa at narito kami ng Lola mo? Para saan pa at nariyan ang ama mo? Ang Tito Luke mo at mga pinsan mo? Para saan, Terrence? Narito kami sa paligid mo! Ginagawa namin ang lahat para maging maayos ang buhay niyo!"

"You are all here except my Mom. I want to see her and I want to fucking talk to her. I want to fucking ask her why! Why did she left us! Why did she hide about her sickness? Why? Nariyan man kayong lahat, hindi no'n matatanggal ang bigat at sakit sa dibdib ko. I am thankful to you, Mom. But this is what I am and what I want to do. So please, let me."

"Terrence! Hindi naman ganyan ang kapatid mo! Bakit hindi mo ayusin ang buhay mo tulad niya? Para man lang sa ama niyo?"

Saglit na katahimikan ang bumalot sa kabilang linya. Alam kong mali ang makinig sa usapan ng iba pero hindi ko mapigilan ang sarili kong makinig.

"My dad? He can't even fix his self that's why he let us live abroad with grandma and grandpa. He can't move on. Kami pa na anak niya? Ah, yeah, Clarence? Yeah, he's doing good. But we're fucking different. If he can accept that easily, well I'm not."

"Terrence!"

Naramdaman ko ang luhang tumutulo sa pisngi ko. Ang marinig ang mga salitang iyon mula kay Terrence, sobra akong nasasaktan. Isang bagay lang ang naiisip ko, kailangan niya ng taong iintindi sa kaniya. He needs someone to comfort him.

"Terrence, ano, pupunta ka na namang bar! Magpapakalasing at kung sino sinong babae ang---"

"I'm an adult now, Mom. I can do what I want. I'm in my legal age. Hindi na ako bata para pagbawalan niyo. Sorry but let me have my freedom."

Sumikip ang dibdib ko. Ramdam kong ibang iba na si Terrence. Nagagawa na niyang sagutin si Mrs. Palermo.

"Keeshia..."

Nanlaki ang mga mata ko. Nakakahiya!

"Mrs. Palermo, pasensya na po. Hindi ko sinasadyang makinig sa pinag-uusapan niyo."

"Ayos lang, iha. Nasasaktan ako ngayon dahil sa nangyayari kay Terrence. Dapat ko namang intindihin ang nararamdaman niya dahil sa ina niya pero gusto kong mapabuti siya. Sigurado akong papunta iyon sa Hashtag Bar. Maaari mo ba siyang puntahan ro'n? Iyon nalang ang mahihiling ko sa iyo iha. Baka sakaling makinig siya sa iyo."

"Sige po, Mrs. Palermo."

"Maraming salamat, iha. Utang na loob ko sa 'yo ang bagay na ito."

Nagpaalam na ako. Napabuga ako ng hininga pagkatapos ng tawag. Sumandal ako sa sofa. Iniisip ko iyong mga sinabi ni Terrence kanina sa kabilang linya.

Nasasaktan siya dahil iniwan siya ng nanay nila. Alam ko ang pakiramdam na mawalan ng magulang. Alam kong mabigat ang nararamdaman niya.

Tumayo na ako at kumilos. Nagpalit lamang ako ng simpleng shirt at jeans saka kinuha ang sling bag ko. Alas diez na ng gabi. Halos kakauwi ko lang kanina dahil lumabas kami ni Robi. Hindi ko nalang muna ipapaalam sa kaniya na lalabas ako ngayon para puntahan si Terrence. Siguradong magagalit siya.

Bakit kasi hindi ko matanggihan si Mrs. Palermo saka bakit ba kasi may parte sa puso ko na gusto kong i-comfort si Terrence.

Lumabas ako ng apartment ko. Pumara agad ako ng taxi at sinabing sa Hashtag Bar ako bababa. Parang sikat na sikat ang bar na iyon. Doon kasi yata palagi pumupunta si Terrence.

Nakatitig ako sa phone ko. Partikular, sa pangalan ni Terrence sa contacts ko. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang tawagan? Napailing ako. Siguradong hindi niya iyon sasagutin. Isa pa, alam kong naging harsh ako sa kaniya noong huli kaming mag-usap.

Maya maya pa ay nakarating ako sa Hashtag Bar. Nagbayad ako sa taxi saka pumasok sa bar. Sinalubong ako ng malakas na music, amoy ng sigarilyo at amoy ng alak. Maraming tao lalo na sa dance floor. Karamihan sa mga babaeng narito ay malaswa ang mga suot.

Pilit kong hinanap si Terrence kahit masakit sa mata ang ilaw ng bar. Disco lights ba iyon kaya iba ibang kulay? Ano ba 'yan, ang hirap hanapin si Terrence.

Lumapit ako sa bar counter saka muling nilibot ang tingin ko. Napatigil ako nang makita ko rin siya sa wakas pero may babaeng nakakalong sa kaniya. Sigurado akong hindi iyon ang ex niya na si Honey.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Lalapitan ko ba? Pero anong sasabihin mo?

Huminga ako ng malalim. Iisipin ko nalang na hindi siya okay ngayon. Kailangan ko siyang makausap.

Lakas loob akong lumapit sa table nila. May kasama pa siya sa table pero hindi ko kilala. Sigurado akong hindi niya mga pinsan dahil kilala ko lahat ng Palermo.

"Whoa, someone is here but not sexy. Not enough for my taste but I like the big boobies."

Halos masuka ako sa sinabi ng isang lalaking kasama niya sa table. Napaka bastos! Ganito ba ang mga kina-kaibigan niya.

"Shut up, Dos." Sa wakas ay nagsalita si Terrence.

Tumingin ako sa kaniya. Nakatingin siya sa akin.

"Hey, get off. Get me some whisky from the bar counter." Sabi niya sa babaeng nakakalong sa kaniya na kulang nalang ay mag bra at panty. Grabe, bakit may ganoong babae? Liberated ba sila?

"What, dude? Don't tell me, she's your girl? Oh, come on. That's not your type." Sabi ulit ng lalaking blonde ang buhok na manyak na Dos ang pangalan. Ang weid ng pangalan. Pero manyak pa rin siya. Bastos pa!

"Why are you here?" Tanong niya sa akin.

Napalunok ako. Nakatingin lang ako sa kaniya habang umiinom ng alak niya. Napakalamig ng tingin niya sa akin.

"P-Pwede ba tayong mag-usap, Terrence?"

"As you can see, I am busy."

"Kahit sandali lang?"

"Does your boyfriend knows that you're here asking me to talk to you?"

Natigilan ako nang magsalita na naman ang kaibigan niya.

"Oh, oh. I smell something rivalry. Dang, dude. Are you fucking inlove with this girl?"

"Shut the fuck up, Dos. You are not allowed to talk right now."

"Do you think, you can threaten me? I'm a Salvador, Dude."

"I'm Terrence Palermo."

"Fine, dude. I'll shut up. Tanginang buhay 'to, kaya mahirap ma-inlove. Nagiging tigre."

Hindi ko na pinansin ang sinabi ng Dos na 'yon. Ang masasabi ko lang, mukhang close sila ni Terrence. At masasabi kong manyak rin siya. Pakialamera pa. Daig pa ang babae para makisali sa usapan ng iba.

"Hindi. Pero kasi---"

"Then, go home to your fucking boyfriend. Ayokong makakarinig ulit ako na pakialamero ako sa buhay ng may buhay and the fact that I'm just ruining your relationshit to him."

"Relationship, dude."

Sinamaan lang ng tingin ni Terrence iyong Dos.

"Terrence, alam kong naging harsh ako last time pero kasi---"

"Who are you to come here and ask me to talk? We're not boyfriend-girlfriend. I have nothing to do to you. I have no fucking business to you, too." Nanatiling malamig ang mga tingin niya.

Patuloy pa rin siya sa pag-inom.

"Pero, Terrence..."

"If you're thinking about the cafe, I'm not going back. I resigned and hell yeah, I fired myself, too. So there's nothing to worry about it. I know you're being worried because we're work mates right? Ka-trabaho mo ako so maybe you want to know why I'm not going to work."

Ka-trabaho... iyon ang sinabi ko sa kaniya noong huli kaming mag-usap.

"Leave."

"Terrence hindi iyon. Kasi---"

"Kung hindi iyon, ano? Wala akong maisip na ibang dahilan para mag-usap tayo. Go home or I will fucking tell your boyfriend that you're here. You don't want him to get mad, right? Baka masira ang relasyon niyo nang dahil sa akin. Ulit."

Hindi ko maiwasang masaktan sa sinasabi ni Terrence. Alam kong sinasadya niyang diinan ang mga salitang binitawan ko sa kaniya noong huli kaming mag-usap.

"Or maybe you're thinking that I'm being like this because you turned me down? Nah, who are you anyway? You're just a simple girl I met, fell in love with and bang, end game. That's how it goes. So I fucking moved on from it. Do you expect me to be brokenhearted? You must be kidding me."

Umiling ako. "Hindi iyon, Terrence. Gusto lang kitang makausap kasi---"

"Sa pagkakatanda ko, mula nang dumating ako sa buhay mo, nagkagulo na kayo ng boyfriend mo. So why are you here looking for me? Do not go near me, again. Don't. I don't want to fucking talk to you again."

Tagos na tagos sa puso ko ang mga sinabi niya. Bakit ako nasasaktan sa trato niya ngayon? Hindi naman kasi ako sanay na ganito ka-seryoso si Terrence.

"Hey, baby, are you done talking to her? I badly miss you."

Mabilis na nakalapit dito sa table nina Terrence iyong babaeng kaninang nakakalong sa kaniya.

"We're done. Come here. I'm gonna give you a mind-blowing sex. I'm gonna fuck you until you're sore."

Napalunok ako. Parang hindi ko kayang marinig iyon mula sa kaniya.

Napaurong ako nang umupo sa tabi niya iyong babae. They kissed. Naghalikan sila na parang walamg tao sa paligid nila.

"You, woman, if I were you, umalis ka na. You wouldn't want to see this fucking dude banging this woman here at the table, right?"

Hindi na ako sumagot pa sa sinabing iyon nung Dos. Mabilis akong tumalikod at lumabas ng bar.

Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ganoon. Bakit ako nasasaktan? Bakit iba ang pakiramdam ko. Bakit ayokong makita siyang may kasamang ibang babae. Bakit may kirot akong nararamdaman nang matunghayan ko ang pakikipaghalikan niya sa babaeng iyon? Bakit...

Tumunog ang phone ko. Si Robi.

Kinalma ko ang sarili ko. Huminga ako ng malalim saka pilit na ginawang normal ang boses ko.

"Robi..."

"Tulog na ba ang mahal ko? Hindi ako makatulog. Kakain sana ulit ako pero wala na pala akong grocery." Tumawa pa siya. "Palagi nalang akong gutom lalo na kapag napapagod ako sa trabaho."

Si Terrence pa rin ang nasa isip ko.

"Ipag-grocery nalang kita bukas, Robi."

"Huwag na baby. Pero kung mapilit ka, sige. Ikaw ang bahala. Mahal na mahal kita sobra."

Ngumiti ako pero alam kong hindi bukal sa dibdib ko. "Mahal na mahal din kita..."

Habang sinasabi ang katagang iyon, mukha ni Terrence ang nakaguhit sa isip ko.

"Sige na, baby. Matulog ka na. Titiisin ko muna ang gutom ko. Ang marinig lang ang boses mo, busog na ako. I love you. Good night."

"Good night."

Naputol na ang tawag pero pakiramdam ko ay hindi nangyari ang tawag na iyon dahil lutang ang isip ko dahil kay Terrence.

Bukas, susubukan ko ulit na kausapin si Terrence. Kapag hindi na siya nakainom at kapag wala siya dito sa bar. Sana, sana ay kausapin niya ako.

Ano ba 'tong ginagawa ko...