webnovel

Año Luz Aparte... (Light years apart) Book 1

Kallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and the most powerful leaders on Earth. They climbed aboard the first ever space craft that can travel as fast as the speed of light. They embarks on their journey to discover the mysteries of the universe but accidentally travelled back in time.... And Kallyra experienced the most exciting life she could only dreamed of and something she never dreamed of... ...that is love. ******** Broken Hearted. Lucas left the capital and went to a place where he can mend his broken heart. But who knows? Destiny can be playful. It must be a joke, or he must be dreaming. How can he move on when the person he desperately wants to forget is now standing coldly and glaring right in front of him? How did two people look extremely alike? Well, not really. This woman is outrageous! His beloved is way different, for she was virtuous, gentle, sweet, kind and always have her bright smile that he loved the most. But this woman is too arrogant, she shows too much skin that can tempt even the most faithful monks and dared to flirt and kissed a man in broad daylight! Disgraceful! Scandalous! And she dared to warn him not to fall in love with her? Hah! She must be dreaming. He would never fall for someone like her who acts like a man. Well, she could even put any man in shame. He would never like her. Ever. Not in his wildest dream. Not even close. .... On second thought, If she could be a little bit nicer to him and won't always think of leaving. Then maybe.. He might reluctantly change his mind. *********** This was a love story between the two people from different space and time.

Laidhen · História
Classificações insuficientes
70 Chs

Capitulo Cuarenta y Siete

Enero 20, 1872

Nahinto si Jose Rizal sa kaniyang ginagawa, nilingon niya ang bintana kung saan nagmumula ang mahihinang katok.

Tumayo na siya at lumapit doon ng muling marinig ang pangalawang pagkatok. "C-cuatro?" narinig niyang mahinang tawag ng kung sinomang nasa kabila ng bintana.

Tanging ang mga kasama sa El Comienzo ang nakakaalam ng alyas niyang iyon kaya walang pag-aalangang binuksan niya ang bintana. Bumugad sa kaniya ang kaibigang si Marcelo.

"Cinco?" gulat na sambit niya. May mga tilamsik ng dugo sa itim nitong kasootan. "Anong nangyari, halika tumuloy ka!"

Nang makapasok ay ipinagsalin niya ito ng tubig at hinintay na makabawi sa mabilis na paghinga. Itinakip nito ang palad na may mga bakas ng natuyong dugo sa marungis nitong muka at umugoy ang mga balikat nito sanhi ng mahinang pag-iyak.

"Naubos sila! Naubos sila!" humagulhol ang binatang ilustrado.

"Huminahon ka Marcelo, ihayag mo sakin ang mga pangyayari!"

"Si Sarhento Lamadrid, ang mga kasapi ng kilusan naubos silang lahat, ang hinala ko'y mayroong nagsuplong ng pag-aaklas!" may galit at pagdurusa sa muka nito.

Naupo si Jose sa upuang nakaharap sa kaibigan. "Liwanagin mo Marcelo, papaanong mayroong makakaalam?"

"May mga nagpaputok ng mga kwitis, mas maaga sa orihinal na oras ayon sa napag-usapan. Inakala naming iyon na ang hudyat kung kaya't nilusob na namin ang Arsenal, napatay ang mga opisyal na Espanyol subalit kanina lamang ay nagpadala ang Gobernador Heneral Izquierdo ng mga gwardiya sibil. Patay silang lahat kabilang si Sarhento Lamadrid." muling yumuyog ang balikat nito sa labis na pagdadalamhati.

Kinuyom ni Rizal ang kaniyang kamao at matagal na tumitig sa kadiliman ng gabi mula sa kaniyang bintan. Labis siyang nakadaramdam ng pagdadalamhati para sa mga nasawi na mga manggagawang indio.

"Sina Uno, nakarating na ba sa kanila ang balita?" tiim-bagang niyang tanong.

Tumango ito, nanatiling nakatakip ang makalyo nitong palad sa marungis na muka. Umaalingasaw sa loob ng kaniyang silid ang malansang amoy ng natuyong dugo sa kasootan ng kaibigan subalit nakadaragdag lamang iyon sa kaniyang galit at hindi pandidiri.

"Naroon pa rin sila sa Fort San Felipe. Ang sabi ni Uno ay palalakihin ng mga prayle ang nangyari. Inaakusahan nila sina Padre Burgos na siyang utak ng pag-aalsa at ma-maari silang m-magarote!"

"Ipinahuli na ba nila sina Padre Burgos?"

"Nang ako ay tumakas ay nag-anunsiyo ng paglilitis ang pamahalaan, ang dahilan kung bakit kinakailangan kong bumiyahe patungong Maynila, kailangan ko ng iyong tulong Cuatro, kailangan ng abogado."

"May kilala ako, sasama ako sa iyong pag-alis, tutuloy ako sa amin sa Calamba at kakausapin ang aking ama tubgkol dito."

"Sa tingin mo ay aabot tayo?" may pag-aalalang tanong ng kaibigan. Tumango siya at tinapik ito sa balikat.

"Huwag kang mag-aalala, naroon ang ating mga kasama, hindi nila hahayang mapahamak ang mbubuting prayle." ang tinutukoy na mga kasama ay ang mga kasapi ng El Comienzo na ititinatag ni Kallyra.

Tila ito nakahinga ng maluwag, nang mahimasmasan ay tumayo na ito. "Magkita na lang tayo sa malapit sa pantalan." nang makita ang kaniyang pagsang-ayon ay muli itong lumapit sa bintanang pinasukan at tumalon mula roon.

Dinungaw niya ito at pinagmasdang lamunin ito ng kadiliman ng gabi. Bumalik siya sa bangkitong inupuan at dinampot na muli ang kaniyang panulat.

Subalit hindi pa man nakakadalawang talatang naisusulat ay huminto na siya at marahang pinisil ang kumikirot na sintido.

Iniisip ang nangyaring pag-aalsa. Ang totoo ay hindi niya nais idaan sa dahas ang ninanais na paghihimagsik laban sa mga mapangabusong dayuhan. Hindi sapat ang kanilang paghahanda. Mabuti na lang at hindi sagabal ang kaniyang murang edad sa pagsusulat. Natapos ang ipina-imprentang polyeto na pinamagatang El progreso de Filipina na isinulat ng isa nilang kasapi sa ElComienzo na si Ginoong Georgio (Siete), subalit kinolekta ng mga gwardiya sibil ang mga kopya dahil hindi nagustuhan ng mga kastila ang nilalaman niyon.

Nasasaad doon ang mga patakaran ng mga kastila na di makatarungang pagpataw ng buwis sa mga, indio, tsino, mga negosyane at mangangalakal. Samantalang hindi pinagbabayad ng buwis ang mga kastila at mga kastilang insulares.

Kung narito lang ang kanilang pinuno ay maaring maging matagumpay ang mga repormang kanilang sinimulan, at maging ang mga pag-aaklas ay hindi mauuwi sa kabiguan.

Sa kabila ng matagal nitong pagkawala ay nanatiling buo ang kanilang samahan, at ang mga naituro nito ay malaki ang naitulong sa kanilang mga simulain.

*******

"Natatanaw ko na ang Isla! natatanaw ko na ang isla!" masiglang sigaw ng isang batang lalaki. Naagaw noon ang atensyon ng mga sakay ng malaking barkong pangkalakalan na kinalululanan ni Kallyra.

"Malapit ng dumaong ang barko!" mabibilis ang mga hakbang na nagsilapitan ang mga sakay patungo sa gilid ng barko. Ang ilang mga pasahero ay tumuntong pa sa beranda upang mas matanaw nang malapitan ang dadaungang isla.

May pananabik na sumunod si Kallyra at tinanaw ang malayo-layo pang islang nasa gawing hilagang silangan. Malakas na humahampas ang hanging habagat na may kasamang butil nang tubig alat sa kaniyang katawan, pinipilit liparin ang sumbrerong tumatakip sa nakapusod niyang buhok.

Pilit niyang iwinaksi ang malagkit na pakiramdam na dulot ng mainit na hanging dumadampi sa kaniyang balat. Ilang buwan na rin siyang hindi nakakaligo at tanging basang tela lamang ang pinamumunas sa katawan upang maibsan ang maalinsangang pakiramdam.

"¡Ve y prepara el equipaje!" 'Kumilos na kayo at ihanda ang mga ibababang kalakal!' humahalo sa malakas na serena ng barko ang tinig na iyon ng mga kastilang bantay.

Mabibilis na nagsisunod ang mga naroong sakay, pawang may mga bakas ng kasiglahan sa mga muka sapagkat tulad niya'y nananabik na muling makatungtong na muli sa lupa matapos ang tatlong buwang paglalakbay sa karagatang pasipiko.

Suminghap siya ng hangin at halos malasahan ang maalat na dagat na dala inyon. Mahigit na apat na buwan na ang nakalipas mula ng magland ang kaniyang capsule sa bansang Amerika.

The people around looks more modernized. It seems to be how the American people looked like at the year 1900s. She was devastated. Afraid of the possible fact that she entered another time laps.

First thing she notice at that time was there are no smart phones around, no fast cars and the technology still can't compare to those modern times. Her knees are weak and she can hear some mumbling noises around the alley where she was at.

What year did she went to?

Like a miracle, her eyes focused to a familiar face of a man walking in the street. The man wore a western clothes looking oversized american. Hindi pa man siya nakakahakbang upang lapitan ito ay nauna na itong lumapit sa kaniya.

"Binibining Kallyra!" napalingon ang ilang mga naroon na naglalakad din sa parehong kalsada sa lakas ng tinig ng lalaki.

"Alejandro!" malaki ang matangsinghap niya at sa nanlalambot na tuhod ay sinalubong niya ito. Mabilis ang kaniyang paghinga at nag uunahan ang tanong na gusto niyang masagot pero hindi niya masabi.

"Tama ang aming hinalang dito ka namin matatagpuan Pinuno." masigla subalit may pamumula sa mga mata ng binata. Nakahawak ito sa noo at nakapaskil ang malawak na ngiti para sa kaniya. "Hindi namin alam ang inyong dahilan ng pag-alis at labis ang aming pag-aalala. Matagal ka naming hinanap binibini!" ani pa nito.

"Natutuwa akong makita ka dito, a-anong taon na ngayon?" kaagad niyang tanong.

"Isang libo, walongdaan at dalawa pinuno." may pagtatakang sagot nito. Mabilis na nagkalkula sa isip si Kallyra.

It was year 1869 when she first met Lucas, that means it was just 3 years apart. At dahil mayroong nakakilala sa kaniya ay nasisiguro niyang i-isang time laps ang napuntahan niya.

Kaagad ang pagsalakay ng tuwa sa kaniyang dibdib. "Papaano ako makababalik sa Pilipinas?" she grabbed the man's arms. She coudn't help but shivered in excitement knowing she will see Lucas again after how many decades. It proves that her calculation was right. No one would probably believe that someone will correctly analyze the mysteries in the universe. She was probably be the only one in the next million years.

Although she just discovered it accidentally at first, but being able to go back in the same time laps might be a one in a million chances.

During the time she spend alone back in her home which was a thousands light years away, wala siyang ginawa kundi ang kalkulahin at pag-aralan ang kumplikadong teorya tungkol sa parallel universe and she was right. Si Ashton lamang ang tanging nakakaalam ng kaniyang mga natuklasan dahil ito lamang ang maari niyang pagmalakihan ng mga teoryang kaniyang nabuo at napatunayan.

She would like to write a book about it and once she died, people will learn about it, she will be famous, not only in Earth but in the whole universe. Siguro ay hindi na lang siya at ang kaniyang mga kaibigan ang magkakaroon ng pribilehiyong makapunta sa iba't-ibang dimensyon sa kalawakan.

Magkakaroon ng pagkakataong mabago ang nakaraan. People will be able to meet their ancestors, that will be awesome right?

Marahang pinilig ni Kallyra ang kaniyang ulo at tumulong na rin sa pagbubuhat. Papadaong na ang kanilang barko sa pantalan ng hindi niya namamalayan.

Malaki ang pasasalamat niya kay Alejandro dahil ito ang tumulong sa kaniya na makabalik ng Pilipinas sakay ng barkong pangkalakalan na naghahatid ng mga kalakal na nagmula sa iba't-bang bansa sa Estados Unidos.

Mayroon pang ibang mga malalaking barkong kasabay nilang dumadaong at ang iba naman ay umaalis sa mahabang pantalan sa dalampasigan ng Maynila na siyang sentro ng kalakalan sa Pilipinas.

"Cuida las cajas, no las tires a las aguas!" Ayusin niyo ang pagbubuhat at huwag hayaang mahulog sa tubig!' nilingon ni Kallyra ang kastilang nakauniporme na sinisigawan ang mga binatilyong nagbubuhat ng mga malalaking kahon na naglalaman ng mga kalakal.

Nakaramdam siya ng awa para sa mga kabataang ito na ayon kay Ginoong Alejandro ay mga kalalakihang may gulang na labing-anìm hanggang animnapu na pinilit maglingkod sa pamahalaan. Tinatawag silang Polista na kasapi sa Polo.

Ang ibang mga kalahok nito ay kailangang gumawa ng mga daan, gusali at mga tulay, nagtatrabaho sila ng walang tigil at pahinga samantalang ang may mga may kaya ay hinahayang magbayad ng Falla o multa sa halip magtrabaho.

"¡Más rápido!" bilisan niyo ng kilos!'

Muling napailing si Kallyra, hindi niya lubos akalaing dumanas ng ganitong pang-aalipusta sa karapatang pantao ang mahihirap na mga Pilipino.

Maingat siyang tumawid sa nakahandang prowa at maingat na ibinaba ang pasang crate na naglalaman ng mga kalakal na mula sa Estados Unidos at iba pang karatig bansa.

Itinaas niya ang kamay at itinago ang muka sa sinag ng araw. Ramdam niya ang pagtulo ng kaniyang pawis sa gilid ng muka at ang basang likod. Muli siyang bumalik sa barko upang magpatuloy sa pagbababa ng mga kahong yari sa kahoy.

Yumuko siya ng bahaya upang itupi ang laylayan ng suot na pantalon upang hindi gaanong mabasa ng tubig na paminsan-minsang humahampas sa gilid ng pantalan.

Sa paligid ay pabalik-balik ang mga pulista na katulad niya ay nagbubuhat rin at ang ilang mga kastila ay patuloy sa pagsusuperbiso sa kanila na nabibilad din sa ilalim ng mainit na araw. Subalit sa kabila noon ay namumula lamang ang balat ng huli samantalang siya ay bahagya ng nasunog ang balat.

She shrugged her shoulders and pick up another crate, it was around 50 kilos subalit tila napakagaan niyon kung siya ay pagmamasdan. Ipinatong niya iyon sa balikat at muling bumaba ng barko.