webnovel

Año Luz Aparte... (Light years apart) Book 1

Kallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and the most powerful leaders on Earth. They climbed aboard the first ever space craft that can travel as fast as the speed of light. They embarks on their journey to discover the mysteries of the universe but accidentally travelled back in time.... And Kallyra experienced the most exciting life she could only dreamed of and something she never dreamed of... ...that is love. ******** Broken Hearted. Lucas left the capital and went to a place where he can mend his broken heart. But who knows? Destiny can be playful. It must be a joke, or he must be dreaming. How can he move on when the person he desperately wants to forget is now standing coldly and glaring right in front of him? How did two people look extremely alike? Well, not really. This woman is outrageous! His beloved is way different, for she was virtuous, gentle, sweet, kind and always have her bright smile that he loved the most. But this woman is too arrogant, she shows too much skin that can tempt even the most faithful monks and dared to flirt and kissed a man in broad daylight! Disgraceful! Scandalous! And she dared to warn him not to fall in love with her? Hah! She must be dreaming. He would never fall for someone like her who acts like a man. Well, she could even put any man in shame. He would never like her. Ever. Not in his wildest dream. Not even close. .... On second thought, If she could be a little bit nicer to him and won't always think of leaving. Then maybe.. He might reluctantly change his mind. *********** This was a love story between the two people from different space and time.

Laidhen · História
Classificações insuficientes
70 Chs

Capitulo Cincuenta y siete

Nakaabang ang halos lahat ng mga naroon sa handaan sa magiging reaksyon ng binatang anak ng Alkalde mayor ng Maynila. Lahat ay nasasabik na mapatunayan ang kanilang ipinagmamalaking masasarap na luto.

"Masarap nga!" malaki ang ngiting papuri ni Lucas. Everybody cheer in unison at nagpatuloy ang kwentuhan at masasayang tawanan.

Kallyra wanted to roll her eyes kung hindi nga lamang may makakakita sa kaniya at isiping masama ang ugali niya at baka ikumpara pa siya sa dyosa ng mga itong si Luisa.

Tahimik at mabagal niyang inubos ang pagkaing siya mismo ang kumuha sa malapad na hapag-kainan.

Naroon sila sa labas ng tahanan ng kabesa ng baranggay. Mayroong ilang opisyal na naroon. May malapad na tolda na ginamit na pangharang sa sikat ng araw at may dalawang malapad at mahabang mesa kung saan nakahain ang masasarap na pagkain, tulad ng sugpo, ginisang mga gulay, pinaupong manok, atsara, ginataang manok, adobo, at marami pang iba.

Hindi man niya gustong aminin ay talagang masarap nga ang mga lutong pagkain sa hapag-kainan at walang tulak-kabigin. Naparami din siya ng kain kahit hindi niya talaga binalak kumain ng marami dahil masama ang loob niya sa kung anong dahilan.

Nang matapos kumain ay uminom siya ng tubig at nilantakan ng paunti-unti ang masarap na ginataang saging na may halong kamote, balinghoy, langka at ilan pang lahok na hindi niya kilala.

Pinagmasdan niya ang masasayang tawanan ng mga tao sa paligid. Napansin niyang kakaiba ang upuan sa handaang iyon. Tig-isang mahabang tabla na kasing haba ng hapag-kainan sa magkabilang bahagi ang kinauupuan nila kaya naman ay halos magkakadikit sila.

Kung iisipin ay maganda ang ganitong uri ng handaan sapagkat mararamdaman mo ang presensiya ng bawat isa at magiging mas masaya ang kwentuhan. Subalit mula kanina pagdating niya ay nanatili lamang siyang tahimik at nagmamasid. Paminsan-minsan ay sumasagot siya ng oo at hindi kapag may nagtatanong sa kaniya na halatang naiilang pa o kaya naman ay napipilitan lang.

"Kung hindi mo naitatanong ay lupa ni kabesang Manuel ang ating nabili ginoong Lucas kaya naging madali ang naging proseso ng pagsasalin ng titulo sa iyong pangalan." narinig niyang imporma ni ginoong Fausto kay Lucas.

Tumango si Lucas. "Ang balak ko ay bisitahin ang mga lupain kinabukasan upang masimulan na natin ang pagpapatanim, kailangang samantalahin natin ang magandang panahon."

"Mabuti nga iyan, makakatulong din si kabesang Manuel sa paghahanap ng mga magsasakang mauupahan sa pagtatanim."

"Makakatulong din si ama sa mga suhesyong tungkol sa pagtatanim sapagkat nakatapos siya ng edukasyong pang-agrikultura. Kakausapin ko si ama para tulungan kayo." ang nakangiting wika ng magandang dalaga. Lumabas na naman ang malalim na biloy nito sa pisngi na nakakaakit pagmasdan.

"Maraming salamat binibining Luisa." nakangiting wika ni Lucas. Namula ang makinis na pisngi ng dalaga at nahihiyang yumuko na lalong ikinalapad ng ngiti ng binata.

"Kung sana ay madadalhan mo din kami ng pananghalian sa bukid tuwing tanghali, simula ng matikman ko ang mga luto mo ay parang ayaw ko ng kumain ng luto ng iba." ang nakangising biro pa ni Lucas na parang gustong tuksuhin ang lalo pang namulang dalaga.

"Ah... kung iyon ang gusto mo ginoong Lucas." mabini nitong sang-ayon na hindi makatingin sa mata ng binata. Subalit madalas naman niya itong nahuhuling sumusulyap kay Lucas.

"Ay maganda nga iyan!" ang masayang bulalas ni ginoong Fausto. "Hindi na ako makapaghintay kumain ng tanghalian bukas!" muling nagtawanan ang lahat ng mga naroon na nakarinig ng kanilang usapan.

"Saan ako tutuloy?" hindi na siya makatiis at gusto na niyang umalis sa handaang iyon bago pa niya maisipang pag-untugin sina Lucas at ang babaeng kinaiinisan. Natigilan ang masayang tawanan at napatingin sa kaniya ang ilang mga katabi sa mahabang upuan.

Lumingon din sa kaniya si Lucas at nabawasan ang masaya nitong ngiti. "Ihahatid tayo ni ginoong Fausto doon mamaya." he answered flatly.

"Gusto kong maligo at maidlip sandali. Ituro niyo na lang sakin, ako na lang pupunta mag-isa." aniya at ipinaling ang tingin kay ginoong Fausto dahil halata namang ayaw pang umalis ng binata at nasa kalagitnaan pa lamang sila ng kasiyahan. Ayon sa narinig niya ay magkakaroon pa ng munting palabas at mayroong tugtugan at sayawan pagsapit ng gabi.

"Subalit malayo rito ang bahay upahan binibining Kallyra ang mga naninirahan dito ay nilalakad lamang ang kalsada at wala ding dumadaang mga kalesa dito hindi katulad ng sa Maynila, tanging karmata lamang ang maaring sakyan at si tatang Ramon na maghahatid sa inyo ni ginoong Lucas mamaya ay naghatid ng ilang palay na gigilingin sa bayan baka mamaya pang hapon siya makakabalik." si ginoong Fausto.

"Kung ayos lamang sa iyo ay maari kang magpahinga sa aking silid binibining Kallyra." ang nakangiting alok ni Luisa.

"Hindi ako natutulog sa silid ng iba." malamig na tugon niya. Napaawang ang bibig nito at tila nagulat sa magaspang niyang salita.

"P-pasensiya na, nais ko lamang na makatulong." lumungkot ang maamo nitong muka.

Kumunot ang noo ni Kallyra. "Hindi ko hinihingi ang tulong mo."

Lumaki pa lalo ang bilugan nitong mata at bahagyang namula iyon. Yumuko ito at parang tutang tinapakan ang buntot dahil nakakaawang tingnan.

Lalong nakaramdam ng inis si Kallyra. Gusto sana niyang pintasan ang kadramahan nito subalit natigil siya ng sulyapan siya ng dismayadong tingin ni Lucas. Nilunok na lamang niya ang salitang balak sanang bigkasin at iniwas ang tingin.

"Wag mong isiping galit sa iyo si binibining Kallyra. Sadyang ganito lamang siya magsalita." ang wika ni Lucas na nanatili sa kaniya ang matigas na tingin na para bang pinagsasabihan siyang tumino at huwag bastusin ang mga naroon.

"Mukang napagod ka talaga sa biyahe binibining Kallyra, pasensiya na at pinilit ka pa naming dumalo pa sa kasiyahang ito, hindi man lamang naisip ang inyong kalagayan." ang nahihiya at nagsisising wika pa ni binibining Luisa na may bakas pa ng lungkot sa maamong muka.

"Hindi naman kami pagod, nakapagpahinga kami sa kabilang baranggay bago tumuloy dito." ang nakangiting wika ni Lucas na humarap na sa dalaga. "At nagustuhan ko ang handaang pinaghandaan ninyo. Matagal na din mula ng makadalo ako sa ganitong kasiyahan." dagdag pa ni Lucas na ikinabalik ng masayang ngiti sa muka ng nalungkot na dalaga.

"Natutuwa akong malamang nagustuhan mo ang aming surpresa ginoong Lucas." parang nagliliwanag ang paligid sa laki ng ngiti ng dalaga at para iyong sakit na nakakahawa kaya naman lahat ng nasa paligid nito ay nakakaramdam din ng parehong kasiyahan.

Ibinaba ni Kallyra ang kamay at ipinatong sa sariling hita pagkatapos ay marahang ikinuyom iyon. "Hindi maganda ang pakiramdam ko, pasensiya na pero hindi ko na mahihintay matapos ang pinaghandaan niyong surpresa." tumayo na siya at hindi pinansin ang mga tinging ipinukol ng mga naroon malapit sa pwesto nila. "Ako na lang ang maghahanap ng tutuluyan ko, mauna na ako." magalang na paalam niya at tuwid ang likod na tinalikuran na niya ang mga ito.

Nang makalabas siya ng bulwagan ay saka lamang siya nakahinga ng maluwag. Kanina pa nananakit ang kaniyang dibdib at pakiramdam niya ay sasabog iyon kung magtatagal pa siya sa nakasasakal na lugar na iyon.

Matagal siyang nanatiling nakatayo doon at naghintay. Subalit lumipas na ang ilang minuto ay wala pa ring sumunod sa kaniya.

Malungkot na naglakad na siya at nagmasid sa paligid. Hindi tulad ng Intramuros o ng malalapit na bayan sa Maynila ay mas maraming bukirin ang kaniyang nakikita dito. Halos ang lahat ng kaniyang natatanaw ay pawang mga bukirin lamang. Trienta minutos na siyang naglalakad ay saka pa lamang siya nakatanaw ng ilang mga bahay na mabibilang pa sa mga daliri niya sa isang kamay.

Huminto siya sandali upang magpahinga at naupo sa nakatumbang punong mangga na itinumba ng dumaang bagyo noong nakaraang linggo. Marahan niyang pinisil-pisil ang likod ng binting namamanhid.

Sumisipol ang malamig na hanging tumatama sa kaniyang muka na nakakawala sa kaniyang pagod. Mabango at presko ang simoy noon na nag-hahatid ng kakaibang halimuyak ng mga halaman at puno sa bukid.

Muli niyang tinanaw ang pinanggalingang handaan sa tahanan ng kabesa de baranggay. Pumanglaw ang kaniyang mata at muling naramdaman ang kirot sa kaniyang dibdib.

Hanggang sa matapos ang kaniyang pahinga ay wala pa sin siyang natatanaw na kahit sinong lumabas ng bulawagan. Malalim siyang humugot ng hininga at tumayo upang muling simulan ang paglalakad.

Akmang tatalikod na siya ay nahagip ng kaniyang mata ang tumatakbong bulto ng isang lalaki. Bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib at uminit ang kaniyang mata. Kinagat niyang muli ang pang-ibabang labi upang pigilan ang emosyong unti-unting lumulukob sa kaniya.

Ang kalahating oras niyang nilakad ay quince minutos lamang nitong tinakbo. Hingal itong huminto sa tapat niya subalit malamig pa din ang maitim na mata.

May namumuong pawis sa noo nito at sa gilid ng pisngi at namumula ang manipis na labi. Sinuklay nito gamit ang mga daliri ang magulong buhok patalikod at ipinatong sa bewang ang dalawang kamay. Napakagwapo nito sa kaniyang paningin sa ayos nito ngayon kahit na masama ang tingin nito sa kaniya.

Maliit siyang ngumiti at hinintay itong magsalita.

"You were very rude. Ano na lang ang iisipin ng mga naroon. I didn't want to leave but I don't want to appear that I don't care about the well being of my employee kaya kinailangan kong umalis doon. At bakit hindi ka naghintay na makapagpaalam ako sa kanila at basta ka na lang unalis!" galit na asik nito.

Natigilan siya sa galit na pinapakita nito at parang nablangko ang kaniyang isip. Matagal bago niya nahanap ang salitang nais sabihin.

"Hindi mo naman kailangang umalis doon kung ayaw mo. At sinabi kong kaya kong maghanap ng tutuluyan ko mag-isa."

"Hindi mo ba naisip na baka nasaktan mo sila sa sinabi mo? They are nice and sensitive people unlike you. They were excited to meet us and did all their best to welcome you so you won't feel uncomfortable. Naghanda pa sila kahit hindi na kailangan at nag-alok pa ng matitirhan natin dahil wala namang paupahang bahay dito, it was one of the villagers house that they offered to accommodate us for free. But you were very rude and you hurt those people, sinubukan pa nilang makipag-usap sayo but you were very stiff like you are so f**king disgusted!"

Napaawang ang kaniyang bibig at nanlaki ang kaniyang mata. "I... I didn't meant it to----"

"No. Hindi man yun ang nasa isip mo ay yun ang iisipin nila, sinadya mo man iyon o hindi." malamig at matigas nitong sambit.

Natahimik siya at inihilamos ang kamay sa muka. 'Well they did a great job making me feel welcomed.' sarkastikong turan niya sa isip.