webnovel

Año Luz Aparte... (Light years apart) Book 1

Kallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and the most powerful leaders on Earth. They climbed aboard the first ever space craft that can travel as fast as the speed of light. They embarks on their journey to discover the mysteries of the universe but accidentally travelled back in time.... And Kallyra experienced the most exciting life she could only dreamed of and something she never dreamed of... ...that is love. ******** Broken Hearted. Lucas left the capital and went to a place where he can mend his broken heart. But who knows? Destiny can be playful. It must be a joke, or he must be dreaming. How can he move on when the person he desperately wants to forget is now standing coldly and glaring right in front of him? How did two people look extremely alike? Well, not really. This woman is outrageous! His beloved is way different, for she was virtuous, gentle, sweet, kind and always have her bright smile that he loved the most. But this woman is too arrogant, she shows too much skin that can tempt even the most faithful monks and dared to flirt and kissed a man in broad daylight! Disgraceful! Scandalous! And she dared to warn him not to fall in love with her? Hah! She must be dreaming. He would never fall for someone like her who acts like a man. Well, she could even put any man in shame. He would never like her. Ever. Not in his wildest dream. Not even close. .... On second thought, If she could be a little bit nicer to him and won't always think of leaving. Then maybe.. He might reluctantly change his mind. *********** This was a love story between the two people from different space and time.

Laidhen · História
Classificações insuficientes
70 Chs

Capitulo Cincuenta y cinco

Malalim na ang gabi subalit maliwanag pa rin ang tahanan ni Gobenador Heneral Izquierdo dahil sa mga sulo sa bawat sulok ng bahay. Nagkalat ang mga sundalong kastila sa paligid at mga gwardiya sibil.

Mas marami sila ngayon kumpara sa mga normal na araw. Kung wawariin ay makikitang tila mayroon silang kinatatakutan o pinaghahandaan.

"¿Quién eres tú?' 'Sino ka!?' Napabalikwas ng bangon ang naalimpungatang Gobernador heneral ng maramdan ang mahinang kaluskos malapit sa kinahihigaan. Mabilis na kinapa nito ang armas na palagi nitong katabi sa pagtulog subalit wala itong nakapa doon.

Isang malupit at magiting na Heneral si Gobernador Heneral Rafael Izquirdeo, siya rin ang dating Gobernador Heneral na ipinadala ng hari ng Espanya sa Puerto Rico na ipinalit kay Gobernador Heneral Carlos De la Torre na kapatid naman ng kasalukuyang Alkalde Mayor ng Maynila na si Don Serio De la Torre, ama ni Lucas.

Hindi ito sang-ayon sa liberal na pamumuno ni Gobernador Heneral Carlos De la Torre na siyang dahilan kung bakit mayroong mga paring pilipino katulad na lamang ng mga paring ipinakulong ng kasalukuyang Gobernador Heneral Izquirdeo dahil sa pag-aalsa sa Cavite kamakailan lamang. Ito ang naging mitsa ng rebolusyong pilipino na ngayon ay kanilang pilit na sinusugpo.

"Buenas noches, ¿esperas que te visite esta noche?" 'Magandang gabi. Inasahan mo bang bibisita ako ngayong gabi?' sa pinalim na tinig ay tanong ni Kallyra sa Heneral. Gusto niyang purihin ang pagiging kalmado nito sa kabila ng mapanganib na sitwasyon.

Nakasuot lamang ito ng simpleng pangtulog. Kahit nakaupo ay alam niyang matangkad rin ito at nasa edad tatlumpo hanggang apatnapu. Malago ang itim nitong balbas na tumakip sa baba nito, mayroon din itong bigote at pahaba ang pangahang muka.

Makikita ang ugali nito sa bakas lamang ng muka, matapang at agresibo na siyang kabaligtaran ng pinalitang Gobernador Henaral.

"¿¡Eres tu!?" 'Ikaw yun?' alam niyang ang tinutukoy nito ay ang nangyaring pag-patay sa mga opisyal sa Fort Santiago. Hindi siya sumagot subalit alam niyang alam nitong siya nga ang may kagagawan noon at siya rin ang nais ng mga itong mahuli.

"¿Cómo te atreves a mostrar tu cara delante de mí? ¿No tienes miedo, mis soldados te persiguen?" 'Ang lakas ng loob mong magtungo at humarap sa akin ng mag-isa! Isang tawag ko lamang ay kukuyugin ka ng aking mga sundalo.' ang galit na asik nito.

Hindi niya ito pinansin at tamad na pinasadahan ng tingin ang buong silid, a typical old spanish style, papuri niya sa isip. Lumapit siya sa malapit na mesa kung saan nakapatong ang ilang mga papel at panulat, binuklat niya ang ilang mga libro doon at nahulog mula roon ang isang nakatuping liham.

"Soldados-------ump!" 'Mga kawal!' napigil ang tangkang pagtawag nito sa mga sundalo sa labas ng malaking bahay dahil sa kutsilyong dumaplis sa gilid ng muka nito. Tumulo ang dugo mula sa mababaw na hiwa sa pisngi ng Gobernador Heneral at pumatak iyon sa balikat nito.

"Cállate si aún quieres vivir." 'Manahimik ka kung nais mo pang mabuhay.' malamig na banta ni Kallyra sa natulalang lalaki. Muli niyang ibinalik ang pansin sa pinulot na liham.

Nakita niya sa gilid ng mata na nilingon nito ang may dalawang dangkal na patalim na kaniyang inihahis. Nakabaon ang kalahati noon sa makapal at matibay na haliging kahoy.

"¿Que quieres de mi?" 'Anong kailangan mo sakin?' ang galit subalit may halong takot na tanong nito.

Muli niyang itinupi ang pinasadahang liham at mabagal na ipinatong muli sa lamesa. Naupo siya sa gilid noon at pinagsalikop ang braso habang matamang tinitigan ang galit na Gobernador Heneral. Dahil sa may takip ang kaniyang muka at sa kilos niyang parang sa lalaki ay duda siyang makikilala siya nito.

"Su vida." 'Ang buhay mo.' aniya.

Kumuyom ang kamao nito at lumikot ang mata, alam niyang naghahanap ito ng maaring gawing armas laban sa kaniya at tumigil iyon sa kutsilyong ibinato niya pagkatapos ay ibinalik sa kaniya ang masamang tingin.

"Si me escribes una carta, te dejaré vivir." 'Subalit kung gagawa ka ng liham para sa akin ay hahayaan kitang mabuhay.' patuloy niya.

Bahagya itong nagulat at kumunot ang malapad na noo. "¿Sobre qué y para qué sirve la carta?" 'Tungkol at para saan ang liham?' walang paligoy-ligoy na tanong nito.

She smiled. Although hindi naman nito nakita iyon. "Es una carta para su rey, dígale que está muy enfermo y que ya no puede cumplir con su deber, le pidió que enviara al anterior General como su reemplazo General De la Torre." 'Liham para sa iyong Hari. Sabihin mong nagkaroon ka ng malubhang karamdaman at hindi mo na magagampanan ang pamumuno sa bansang ito. Pagkatapos ay imungkahi mong ipalit sa iyo ang pinalitan mong si Gobernador Heneral De la Torre.'

"¡No haré eso!" 'Hindi ko gagawin ang sinabi mo!' parang naglalabas ng usok ang ilong nitong lumalaki ang butas at namumula ang maputi nitong balat dahil sa matinding galit sa kaniya.

Kinalas niya sa pagkakasalikop ang kaniyang mga braso at lumapit dito. Hinugot niya sa kaniyang gilid ang isa pang kutsilyong bitbit at pinaglaruaan iyon sa kamay, pinapaikot at minsan ay inihahagis pataas at sasaluhin ng parehong kamay na ginagamit sa paghagis.

"Sí, puedes estar en desacuerdo" 'Pwede namang hindi mo gawin.' ang nakangisi niyang sabi.

"El rey enviará más soldados uno que volví a España. Y si muero esta noche, el Rey será notificado. No puedo esperar para ver qué pasará con el pueblo filipino y con este país una vez que eso suceda." 'Malalaman din nilang hindi totoo ang isusulat kong liham sa oras na makabalik ako ng Espanya. At kung papatayin mo ako ay ikinasasabik kong makita ang kahihinatnan ng mga Pilipino at ng bansang ito kung papatayin mo ako ngayon.' Ngumisi pa ito ng nakakaloko.

Nagkibit ng kaniyang balikat si Kallyra. "Ya no es tu problema si tu rey se niega a creer la carta. Y si mueres esta noche, el rey probablemente enviará más soldados y podría volver a ocurrir una guerra. Pero el pueblo filipino luchará hasta la muerte, su ira es mucho más severa que antes debido a cientos de años de sufrimiento de sus manos. Estoy emocionado de ver que eso también sucede, pero me temo que ya no podrás presenciarlo."

'Hindi mo na problema kung maniniwala ang iyong Hari o hindi sa liham. At sa tingin kong mangyayari kapag namatay ka ay gaganti ang Hari at magpapadala ng mas maraming duwag na katulad mo, magkakaroon ng panibagong digmaan at mag-kakaisang muli ang mga Pilipino na ngayon ay mas labis ang pagkamuhi sa mga Kastila matapos silang pahirapan ng ilang-daang taon sa sarili nilang bansa, sa galit na naipon sa loob ng maraming taon sa tingin ko ay isa ngang kasabik-sabik ang mga mangyayari... Subalit hindi mo na malalaman yun dahil patay ka na.'

Hindi ito nakaimik at matagal na napaisip. Dahil sa halatang hindi nito nais mamatay ay alam niyang iniisip nitong hihingi na lang ito ng tulong sa Hari sa oras na makabalik ito sa Espanya at magpapadala ng mas marami pang sundalong kastila dito sa Pilipinas at pag-iigtingin pa ang paraan ng pamamahala nitong gamit ang kamay na bakal. Nahuhulaan na niyang hindi ito hihinto hanggang hindi siya natatagpuan.

Matapos ang mahabang sandali ay pumayag na itong sumulat ng liham. Hinayaan niya itong lumapit sa lamesang kaniyang sinandalan kanina at pinanood ang mga kilos nito. Sinisiguro niyang hindi ito makagagawa ng kahit anong panlalaban.

Nakangiti niyang binasa ang sulat at isinuksok iyon sa bulsa sa loob ng kaniyang pang-itaas na damit. Subalit hindi siya kaagad umalis. Bago pa man makatayo sa kinauupuan ang Heneral ay malakas niya itong hinampas sa batok at kaagad naman itong sumubsob sa lamesa matapos mawalan ng malay.

Inilabas niya ang syringe at gamot na kaniyang dala. The medicine was made by the famous medical virologist, it was actually meant to be used to a possible unknown aggressive and dangerous lifeform that they may encounter in another planets in the space.

But if it will be use to humans it will be deadly. A small amount can paralyze a person and it will slowly kills the organs in the body. You will suffer for 6 months and then you will die. Nasisiguro niyang hindi pa sapat ang mga kagamitan sa panahong ito upang makagawa ng gamot para dito.

She hold the syringe like a pencil with the needle pointed up. Dala niya ito mula sa kaniyang sasakyang pangkalawakan kasama pa ng ilang mga gamit.

With the cap still on, she pulled back the plunger to the line on the syringe for the dose then she insert the needle into the rubber top and push the air into the vial. After that she turned the vial upside down and hold it up in the air. Itinurok niya ang karayom sa may leeg ng Gobernador Heneral at naghintay maubos ang gamot.

Wala siyang hinintay na sandali, kinuha niya ang inihagis na patalim at at mabilis na umalis sa lugar na iyon ng matapos ang solong misyon ng hindi nahahalata ng mga sundalong bantay.

Malapit ng mag-alas onse ng gabi ng malabalik siya sa kaniyang tinitirhan. Isa iyong lumang paupahan ng isang mayamang negosyante sa kalyeng malapit sa bungad ng Intramuros.

Naligo siya matapos maitabi ang liham na pinagawa sa Gobernador Heneral para sa Hari ng España. Hindi man iyon ang orihinal niyang plano ay naisip niyang mas magandang ganito ang ginawa.

Ang una niyang binalak bago niya nalamang buhay si Lucas ay magpanggap na ipinadala siya ng Estados Unidos at haharap siya sa Gobermador Heneral bilang isang espiya.

Lilikha siya ng gulo sa pagitan ng dalawang makapangyarihang bansa sa pamamagitan ng pagpatay sa Gobernador Heneral at lahat ng mga opisyal na ipinadala ng hari. Ito ay madugo at hindi niya tiyak ang kaligtasan subalit nagbago ang kaniyang isip matapos niyang makita ulit si Lucas.

Pinatuyo niya ang kaniyang buhok bago nahiga sa matigas na higaan. Mabilis siyang nakatulog dahil na rin sa pagod subalit hindi katulad ng mga nagdaang gabi, payapa at mahimbing ang kaniyang pagkakatulog ngayong gabi.