webnovel

7 Deadly Sin, Done ✔

Haven De Vera is just a normal nursing student and an orphan. While doing her part time job, a man approach her and offer a job with a good salary. Your task is to turn seven bad guys into good one. Kaya ba? Pitong lalaki at nag iisa ka lang. Uurong ka ba? Hindi na pwede. Nandyan ka na. Bawal ang sablay dahil buhay mo ay dito nakasalalay.

EmionEtyel · Urbano
Classificações insuficientes
40 Chs

Diecinueve

Haven POV

Nakailang ulit ng ako ng hilamos pero hindi parin ako nahihimasmasan. Hindi maproseso ng utak ko ang nangyari kagabi.

Kung nasa normal na sitwasyon lang ako ay matutuwa akong nililigawan ako ni Jino. Matutuwa rin sana ako kung hindi sapilitan ang nangyari kagabi.

"It's my decision to court you. Ako na ang mag dadala ng sakit kung masasaktan man ako. Pero mukha namang malabo dahil paniguradong sasagutin mo ako." Saad ni Jino

Para bang sobrang lakas ng pakiramdam niyang sasagutin ko siya. Samantalang hindi nga ako sigurado kung mabibigyan ko siya ng atensyon na gusto niya.

Ang gulo!

Hindi ko akalaing sa edad kong ito ay magugulo ang utak ko dahil lang sa unang manliligaw ko.

Pababa palang ako ng hagdan ng tumunog ang cellphone ko. Nahilot ko ang sintido ko habang binabasa ang message na iyon.

From: Jino

Hi! Good morning. Have a nice day, Ven.

Bukod sa bagong palayaw na ibinigay nito ay hindi rin ako sanay sa bago niyang ugali. Nagiging energetic na ito samantalang sa ospital ay wala halos pansinin kung hindi kami lang ni Mona.

Wala akong nagawa kung hindi ang mag reply rin.

To: Jino

Hi, Jino. Good morning rin.

Matapos noon ay ibinulsa ko na ang cellphone. Dumiretso agad ako sa kusina para sana mag handa ng umagahan pero naabutan kong nag luluto si Dos. Nginitian ko ito at nag suot ng apron para tumulong.

Naiilang parin ako dahil nawitness niya ang nangyari kagabi. Nihindi ko na nga siya halos nakausap dahil kinausap ako ng kinausap nila Mona buong gabi. Hating gabi na kami nakauwi at hindi na rin nakapag usap dahil sa mukhang pagod rin ito.

"Can you pass me the pepper?" Saad ni Dos

Hindi ko iyon naintindihan. Ang narinig ko lang ay may pinaabot ito. Nakatingin ito sa hawak kong chopping board kaya ito ang ibinigay ko. Nagulat ako ng tumawa ito.

"I said, pepper. Not the chopping board." Nakangiting sabi ni Dos

Awkward tuloy akong ngumiti sa kaniya at iniabot ang paminta. Iiling iling nalang ito at ipinagpatuloy ang pag gawa ng soup.

"Sorry pala kagabi. Hindi ko sinasadyang ma-out of place ka." Saad ko

Ibinigay ko ulit iyong ingredients na kailangan niya. Ngumiti ito sa akin at doon palang ay mukhang naiintindihan niya na ako.

"It's your graduation party after all. Sabit lang ako doon. I'm okay as long as nag enjoy ka." Saad ni Dos at ngumiti ulit

Nakahinga ako ng maliwag dahil doon. Sa totoo lang ay wala naman kaming pinag aawayan ni Dos. Kaya nga Mr. Wholesome ang tawag ko dito. Napakalawak ng pang unawa niya. Napakaswerte ng magiging girlfriend niya.

"Do you know that after Chairman choose his heir, we can have our own life?" Saad bigla ni Dos

Dahil wala na rin akong ginagawa ay sumandal ako sa sink at tinignan si Dos.

"Talaga? Magandang bagay 'yan Dos. Magiging malaya na kayo. Pero--"

"Pero 'yung isa ay mabubuhay ng parang impyerno." Putol ni Dos sa sasabihin ko

Kumabog na naman ang dibdib ko sa kaba. Sadyang hindi ko kayang makita na nag durusa ang isa sa kanila. Hindi nila deserve ang lahat ng pag dadaanan nilang hirap habang buhay.

"One of us will marry a girl from another organization." Pag papatuloy ni Dos

Napalunok ako ng maalala si Uno. Hindi ko yata kayang makita na nag papakasal ito sa ibang babae. Ngunit parang naitulak ko na ito sa simula palang.

"Bakit ka pinagpapawisan, Haven? Are you okay?" Tanong ni Dos

Napatango tango ako agad dito. Upang hindi na niya kwestyunin ay dinala ko iyong ilang pagkain sa mesa. Sinalansan ko iyon ng may nanginginig na kamay.

Bakit nga ba si Uno pa ang itinulak ko para mapiling tagapagmana? Pito naman sila.

Kaagad akong napailing dahil sa naisip ko. Nagiging makasarili tuloy ako at gustong palitan si Uno bilang target na maging tagapagmana. Nakalimutan kong parepareho nilang mahal ang mga propesyon nila.

Ang selfish selfish mo, Haven.

"You're sweating. Are you alright?" Tanong ni Sir Cinco

Napapitlag pa ako ng punasan nito ng panyo ang pawis ko sa noo. Dahil tuloy sa reaksyon ko ay napangisi ito.

"Relax. Makareact ka naman akala mo hahalikan kita." Pang aasar ni Sir Cinco

Masamang tingin tuloy ang ibinigay ko dito dahil hilig niya talaga ang mga ganyang biro. Nakakapikon.

"Hindi naman nakakatuwa ang biro mo, Cinco." Saad ko

Bahagya itong nagulat marahil dahil sa pag tawag ko sa kaniya ng walang 'Sir' na kung tutuusin ay dapat ngang wala nang Sir dahil mag mas matanda ako dito ng isang taon.

"But who said that I'm joking?" Tanong ni Cinco

Dahil doon ay kinuka ko iyong kutsilyo at itinapat iyon sa kaniya ng pabiro. Pero laking gulat ko ng tapikin nito ang kamay kong may hawak na kutsilyo dahilan para mahulog iyon sa sahig. Iniikot ni Cinco papunta sa likod ko sa likod ang kamay na pinanghawak ko sa kutsilyo at tinuon rin ako nito sa mesa.

"Don't do that again, Haven." Bulong ni Cinco

Kinilabutan ako dahil doon. Hindi ko inisip na magagawa niya iyon.

Iniayos nito ang tindig ko ng mag datingan ang ilang mag kakapatid. Tinapik ni Cinco ang balikat ko at ngumiti sa akin na para bang walang nangyari. Sakto namang dumating si Dos na dala dala ang ilan pang umagahan. Kapansin pansin ang masamang titig nito kay Cinco ngunit nawala rin ng tumingin ito sa akin.

Nakita niya ba? Sana hindi. Baka mamaya ay mag karoon pa ng gulo.

Bago mag umpisa ang almusal ay tinignan ko ang pwesto ni Uno. Iyong pwesto niya ay nasa centro sa unahan. Ipinapakitang siya ang pinakamatanda sa lahat. Sunod ko namang tinignan ang pwesto ni Cuatro. Araw araw akong nakakaramdam ng guilt dahil nawala siya dahil sa akin.

Kahit naman sabihin nilang labas ako sa issue ng mag kakapatid ay ako parin ang nag tulak sa kanila tumino. Dahil tuloy sa nangyari ay naging matalino na ako. Silang lima ay mayroong tracker. Nag patulong pa ako kag Butler Zed para lang mamonitor ang mga kilos nila. Bawat isa sa kanila ay may kasamang tagapag bantay sa malayo.

Ako mismo ang humiling ng lahat ng 'yan dahil baka mabaliw ako kapag may isa na namang mawala sa kanila.

Lumipas ang umagahan at kailangan nang umalis ng mag kakapatid. Dahil wala akong schedule sa kanilang lima ay maiiwan lang ako dito sa bahay.

"May gusto ka bang pasalubong?" Tanong ni Dos

Palagi niyang itinatanong iyan simula noong nangyari iyong mawala si Cuatro. Panay matatamis na pagkain ang ibinibigay nito pero minsan ay pizza, fries, burger at kahit ano pang ginagawa niyang pagkain sa restaurant niya.

"Alam mo namang lahat ng niluluto mo ay kinakain ko. Ikaw na ang bahala." Nakangiti kong sabi

Tumango tango ito at ngumiti. Kumaway na rin ito bilang pagpapaalam sa akin kaya kumaway rin ako pabalik. Nang makitang nakaalis na ang lima ay tinulungan kong mag linis ang ilang katulong.

"Haven." Tawag sa akin ni Butler Zed

Kaagad akong lumingon dito dahil napakaseryoso ng tinig nito. Naitigil ko tuloy ang pag tulong sa pag papalit ng kurtina at ipinasa iyon sa ibang katulong.

"Ano po 'yun?" Tanong ko

Isinenyas nito na sumunod ako kaya naman sumunod nalang ako. Nag tataka ako kung bakit kami papunta sa pinagbabawal na parte ng Castillo. Ang meeting room ng pito. Simula pa lang ay hindi na ako nakakapasok dito. Tanging si Butler Zed at ang pito lang.

"Linisin mo ang kwarto na ito." Saad ni Butler Zed

Napahinto ako ng makita ang itinuturo niyang kwarto. Akala ko ay iyong meeting room ang tinutukoy niya. Iyong katabi pala ang tinutukoy niya.

"Binabalaan kita, Haven. Pag lilinis lang ang gagawin mo at wala nang iba. Kung ayaw mo pang mamatay ay sundin mo ang pinapagawa ko. Ako ang bahalang mag monitor sa lima." Saad ni Butler Zed

Tumango ako dito bilang tugon. Nang makaalis naman ito ay nag tatakang tingin ang naibigay ko sa pinto. Para lang naman itong katulad ng silid ng pito. Dahil nga madami pa akong gagawin ay pumasok ako sa loob nito. Tumambad sa akin ang canopy bed na may carnation pink na kulay. Masasabing babae ang huling gumamit ng kwarto na ito.

Napatingin ako sa paligid at laking gulat ko ng tumambad ang malaking portrait ni Heaven. Sobrang ganda ng ngiti nito at wala sa mukha na mag papakamatay ito.

Dito pala siya nakatira dati? Akala ko talaga ay binibisita niya lang ang pito dito dahil kay Sir Tres.

Lalapitan ko sana ang isang picture frame ngunit bumukas bigla ang pinto. Halos mapapitlag ako dahil sa biglang pag sulpot ni Mandy.

"Ito po ang mga kakailanganin niyo, Ms. Haven." Saad ni Mandy

Mag papasalamat sana ako dito ngunit sinara na ulit nito ang pinto. Napabuntong hininga ako at nag umpisa nang mag linis.

Sa katunayan ay hindi marumi ang kwartong ito. Nakapagtataka talaga na ipinalinis ito. Nilampasuan ko lang ang sahig at tinanggal ang mga alikabok. Hindi ko maiwasang matakot dahil kwarto ito ng yumao na. Pero hindi ko rin maiwasang mamangha dahil sa mga gamit niya. Mahilig rin siya sa mga lumang bagay katulad ng lumang camera, baso at orasan.

Nang tignan ko naman ang ilalim ng kamay ay may nakita akong kahon. Hindi ako nag dalawang isip na kunin at buksan iyon. Akala ko puro lumang bagay ang matatagpuan ko pero puro iyon notebook.

My Diary. Syn's should not read this or else I will kill you all!

May kung anong kilabot ang idinulot noon sa akin. Kung sino pa iyong nag banta ay siya pa itong unang nawala.

Isinantabi ko iyong journal na may cover na brown na leather at muling tinignan ang laman ng kahon. Napakunot ang noo ko dahil mayroon siyang folder na katulad ng akin. Iyong folder na nag lalaman ng pagkakakilanlan ng pito. May isang folder na pumukaw ng atensyon ko. Ang sagot sa lahat ng tanong sa isip ko. Iyon ang identification folder niya.

Dahil wala na akong nakitang kakaiba sa kahon ay muli kong ibinalik iyon. Ang kinuha ko lang ay ang journal pati na rin ang identification folder niya.

Dahil tapos na rin akong mag linis ay agad akong nag punta sa kwarto ko. Sa takot na mahuli ay inilagay ko rin sa kahon ko sa ilalim ng kama ang mga gamit na nakuha ko doon. Kumunot ang noo ko ng may makita akong sobre doon. Inisip ko pa kung kanino ba iyon galing dahil ngayon ko lang iyon nakita. Kinuha ko iyon at binuksan.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang petsa noon. Ito ay ang araw na mawala si Cuatro. Hindi ako makapaniwalang ngayon ko lang ito mabubuksan. Lumipas ang siyam na buwan bago ko ito nabuksan at gusto kong murahin ang sarili ko dahil doon.

Haven,

Magandang araw sa'yo. Sana ay nasa magandang kalagayan ka lang. Inuumpisahan ko na ang regalo ko sa'yo. Ilang oras lang ang bibilangin at mawawala na ang isa sa mga Syn. Mababawasan na ang sakit sa ulo mo. Ayaw na ayaw kong mahihirapan ka. Ikaw ang aking prinsesa. Hintayin mo at mag kikita rin tayo. Sa ngayon ay tatanawin muna kita sa malayo. Sisiguraduhin kong magiging ayos ang kalagayan mo sa Castillo. Sino mang gagalaw sa'yo ay matutulad sa isang Syn.

Nag mamahal, ODS

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Ngayon ay masasabi ko na talagang kasalanan ko kung bakit nawala si Cuatro at hindi na nakabalik si Uno.

Binago ko ang simcard ko ng araw na iyon kaya naman hindi na ako nacontact nito. Nang sinabi ni Uno na taga-Spain ang number na iyon ay kaagad niya akong binilhan ng sim card at pinalitan iyon.

Biglang tumulo ang luha na hindi ko inaasahan. Muli ay bumalik ang araw na nawala si Cuatro. Dahil sa kaba ay bigla kong naalala iyong lima. Nag mamadali akong pumunta sa control room at tinignan ang ginagawa ng lima.

"Bakit pinagpapawisan ka ng malala hija? May masakit ba sa'yo? Bakit nag mamadali kang tignan ang lima?" Sunod sunod na sabi ni Butler Zed

Dahil hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya ang lahat ay bahagya akong ngumiti dito.

"Wala po. Nag linis po ako ng kwarto kaya naman po pawis na pawis ako." Saad ko ngunit halata namang hindi parin ito kumbinsido, "Patungkol po sa pag punta ko dito sa control room, gusto ko lang tignan ang lagay nila. Mag tatanghalian na po at sa tingin ko dapat na silang mag break sa ginagawa nila."

Nakahinga ako ng maluwag ng tumango tango ito sa akin. Masasabi kong siya ang pinakamahirap pakisamahan sa castillo. Hindi na si Sir Tres. Dahil siya, tapat siya sa Chairman. Ano mang sabihin ko ay tiyak akong makakarating sa Chairman. Hindi ko pwedeng sabihin na may nabasa akong liham na clue na mawawala si Cuatro pero late ko na nabasa kaya tuluyang nawala si Cuatro. Papatayin nila ako. Ayaw kong mamatay dahil gusto ko pang makaharap ang gumagawa ng mga ito sa mga Syn. Pagbabayarin ko sila sa ginawa nila kay Siete at Cuatro.

Nang gumabi na ay nag datingan ang mga Syn. Saktong alas otso ay nag datingan ang mga ito. Nasa entrada palang ang mga ito ngunit biglang nawalan ng ilaw. Halos pag pawisan ako ng malamig dahil doon. Hindi ko naiwasang mapasigaw dahil doon.

"Dos?! Tres?! Cinco?! Sies?! Siete?!" Sigaw ko

Para akong nababaliw na kumakapa sa dilim dahil wala talaga akong makita. Hindi ko rin maramdaman kung nasaan sila. Nag mumukha na akong tanga dahil humahagulgol rin ako habang tinatawag paulit ulit ang pangalan nila.

"Nasaan ba kayo?!" Naiiyak ko nang tanong

Nang bumukas ang ilaw ay napapikit ako sa liwanag. Nagulat ako ng may pumunta sa harapan ko at hinawakan ang dalawang balikat ko. Kung ano ano na ang pumasok sa isip ko. Iniisip kong siya itong nakikita ko noon na lalaking naka itim.

"Please, 'wag mo silang sasaktan. Ako nalang." Saad ko

Bigla ay may narinig akong tawanan. Nabuksan ko tuloy ang dalawang mata ko at nagulat dahil si Cinco, Siete at Sies ang tumatawa. Si Sir Tres naman ay halatang nag pipigil rin ng tawa. Napatingin ako sa nasa harapan ko at nakita kong si Dos ang may hawak ng dalawang balikat ko.

"Are you alright? What are you saying? Gusto ka lang naming isurprise dahil ito ang ika-isang taon mo sa amin. Ito ang araw na pumunta ka sa Castillo, Haven." Saad ni Dos

Halos bumuwal ang pagkakatayo ko. Mabuti nalang talaga at kaagad akong naalalayan ni Dos. Hindi ko napigilang humagulgol lalo dahil doon. Akala ko ay muli na namang napasok ang Castillo ng lalaking nakaitim. Akala ko ay may mababawas na naman sa lima. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari iyon dito mismo.

"Hey, what's wrong? Hindi mo ba nagustuhan ang surprise?" Tanong ni Cinco, "Inaway pa naman kita kaninang umaga para hindi mo mahalata."

"Shut up, Cinco. She's having a panic attack. Look at her. She's crying like a baby." Saad naman ni Sies

"Idiots." Saad naman ni Siete

Lumapit si Tres na may dalang cake. Nakalagay doon ang printed na picture ko at ang mensahe na…

Happy 1st Anniversary, Haven! We really appreciate your effort.

Love, Syn's.

Sinindihan ni Siete ang kandila na nandoon at ngumiti sa akin.

"Before you blow the candle, make a wish!" Masayang saad nito

Dahil doon ay bahagya akong napangiti. Ipinikit ko ang mata ko at nag isip ng wish.

Kung ilalagay niyo lang silang pito sa ayos hanggang sa makaalis ako dito ay magiging ayos na rin ako.

Matapos mag wish ay idinilat ko ang mata ko. Hinipan ko iyong kandila at pinahiran rin ang luha ko. Dahil sa mga ngiti sa labi nila ay unti unti ring natanggal ang kaba ko. Akala ko ay may panibago na naman akong problema. Hindi ko pa yata kaya.

"Pero bakit mo naman iniisip na may papasok rito at sasaktan kami? May nag tip ba sa'yo?" Tanong ni Sies, halatang nang uusisa ang tono

Tinagpo ko ang tingin ni Sies pati na rin ng iba.

"P-patay lagi ang ilaw kapag umaatake iyong lalaking naka itim. Iniisip kong bumalik ito para saktan ang isa sa inyo, o ang malala ay kayong lahat ay saktan niya." Paliwanag ko

"Don't worry, safe na ang Castillo. Maraming tauhan na rin ang nakakalat maging sa loob nito." Saad ni Tres

Matapos noon ay nag hapunan na kami. Dahil pilyo si Cinco at Siete ay pinagtatawanan nila ang naging reaksyon ko. Kung alam lang nila ang liham na nabasa ko, paniguradong mauuna silang magiging ganoon ang reaksyon.

Matapos ang hapunan ay napagpasyahan kong mag punta sa rooftop. Naging hilig ko na ang pag punta dito dahil dito lang ako panatag.

Hindi ko maproseso ang lahat ng nangyari sa araw na ito. Isang taon na pala akong naninilbihan sa mga Syn. Isang taon na ang lumipas pero hindi ko parin alam ang mga lihim sa loob ng Castillo na ito. Dapat talaga siguro ay kumilos na ako. Issue ko na rin ito dahil hindi ko nagampanan ang tungkulin ko siyam na buwan na ang nakakalipas.

"A penny of your thoughts?"

Napapitlag ako dahil sa boses ni Dos. Dahil sa lalim ng pag iisip ay hindi ko na namalayang katabi ko na pala ito. Hindi ko manlang naramdaman ang pag bukas at sara ng bakal na pinto.

"Iniisip ko ang kalagayan nilang dalawa. Wala sila ng pasko at bagong taon. Wala sila ng birthday niyo. Wala sila ng graduation ko. Wala sila ngayong isang taon na nandito ako sa Castillo. Kulang ang saya dahil sila ang kulang." Saad ko

"Si Cuatro at Uno ba ang sinasabi mo o si Uno lang?" Tanong ni Dos

Napatigil ako dahil sa tanong na iyon. Kaagad ko siyang nilingon at napalunok.

"A-ano bang sinasabi mo dyan?" Tanong ko dito kahit mautal utal na ako

Hindi niya pwedeng mahalata na iniintay ko ang pag babalik ni Cuatro pero mas pinaghahandaan ko ang pag babalik ni Uno. Hindi maari.

"Chill, I'm just asking. Did I say something wrong? Uno is your senior in medical field right? He can help you for your board exam." Saad ni Dos at tumawa, "Or maybe you don't need him now because you have that guy now. That cheesy bro last night."

Nakahinga ako ng maluwag dahil iyon pala ang ibig sabihin ni Dos. Akala ko ay kung ano na iyon.

"Kailangan ko si Uno pero hindi kami mag kafield kaya kailangan ko si Jino." Bahagya akong tumawa matapos sabihin iyon, "Pero kung tutuusin, lahat naman ay alam ni Uno. Paniguradong inaral niya rin ang field ko."

Bahagyang tumawa si Dos dahil sa sinabi ko. Hindi ko naman mahanap kung nasaan ang nakakatawa doon kaya nag tatakang tingin ang ibinigay ko dito.

"Itinatanong ko lang kung si Uno o iyong Jino. Baka mahirapan ka kasing mamili sa future. You know, two helping hands. One has pure intention and the other one is opposite. Just be careful." Saad ni Dos at tumingin sa malayo, "Me convertiré en un chico malo si algo malo te sucede."

(Trans: I will turn into a bad guy if something bad happen to you.)

Hinampas ko agad sa balikat si Dos dahil hindi ko naintindihan ang sinabi nito sa dulo.

"Ano ba! Ang duga duga niyong mag kakapatid! Lagi kayong gumagamit ng spanish words eh! Baka mamaya minumura niyo na ako!" Pag angal ko dito

Tumawa naman ito dahil halata talaga sa mukha ko ang pagkapikon.

"Kabaligtaran, Haven." Saad ni Dos

Baka pang cheer up dahil sa pinagdadaanan ko ngayon?