Move one
Third
Nag-iisa habang umuulan yan ang nararanasan ni Riri ngayon matapos ang nangyare sa kanila ni Vaigan kanina sa Kotse ay umalis na ito kaagad at tumakbo palayo sa kinaroroonan nito
Oo nakaganti man ngunit nasaktaan pa rin ito di sapat ang isang sorry sa mga kasalanang nagawa nito sa kanya pati na rin sa kaibigan nito
Umupo ito sa isang bench di kalayuan tanaw nito ang namimilog na buwan umupo ito at tumingin sa buwan na iyon at niyakap ang kanyang tuhod at nagsimula muling umiyak ng umiyak
"Unang pag-ibig ko tapos ganun ang mangyayare ang malas ko ba?"tanong nito sa kanyang sarili hindi niya alam kung anong gagawin niya matapos ng heart broken nito
"Buti na lang di siya ang nakakuha ng first kiss ko kasi ayokong ibigay yun sa taong tulad niya!Walang puso!"sigaw nito
"Bwesit na lalakeng yun!"sigaw ulit nito at mas lalong umiyak ito at may nag-abot ng panyo rito na siyang kinagulat nito napatingin ito sa taong nag-abot nito nagulat ito ng masaksihan niya kung sino iyon
"Bluce."bulong nito
"Tara kain tayo."
Kumain sa isang mamihan ang dalawa bago sila mapunta duon ay sinamahan ni Bluce ang dalaga upang mag-ayos ng mukha nito mugto kasi ang mata nito kaya bumili ng shades ang binata para di makita ang mga mugtong mata nito
"Sorry."ani ng binata at nguniti naman si Riri dito aat umiling-iling
"Alam mo hindi mo kailangan mag-sorry about dun kasi may na-realized din ako."napatingin naman ng matagal ang hinata dito at napakunot ng mata
"Ano naman iyon?"tanong nito
"Kasi sa mabuting tao napunta yung first kiss ko at hindi sa katulad niya."may galit sa tono nito ngunit ngumiti lamang ito sa binata at pinagpatuloy ang pagkain nito
"Matanong ko lang ah,Ano bang ginagawa mo duon sa may lugar na yun delikado dun ah?Tyaka bakit ka umiiyak?"curios na tanong ni Bluce dito napabuntong hininga ang dalaga ng maalala ang mga bagay na nangyare kanina lamang
"Alam mo walang puso pa lang yang Vaigan na yan!Nakaka sira-ulo yung hayop na yun."galit na saad nito napatingin naman si Bluce dito dahil sa mga bad words na sinabi nito kaya naman kinuha niya ang kanyang kutsara at pinatong iyon sa bibig nito na nagsasalita pa rin
"Ssshh...Mamaya mo na yan sabihin kumakain tayo."mabilis inalis ni Riri ang kutsara na nakatakip sa bibig nito at kumain na ulit ngumiti na lamang si Bluce ng palihim dito
"Kahit kailan."
Naglalakad ang dalawa sa ilalim ng buwan na bilog na bilog
"Fullmoon pala ngayon."ani ng binata at tumingala muli para masaksihan ang ganda ng buwan
"Natural nakita mo eh diba obvious?"nguniti na lamang ang binata dito
"Ganyan ka ba kapag may masamang nangyare?"hinampas naman ni Riri ito at tumawa na lamang ang dalawa ng magkasabay nakita ni Bluce ang isang Convience Store di kalayuan sa kanila kaya naman tinuro nito ang lugar na iyon
Tumingin si Riri duon at tumingin rin kay Bluce nagtataka ito kung ano bang meron duon ngunit hinila na lamang ito ni Bluce papunta duon nang makarating ang dalawa sa tapat ay hinila pabalik ni Riri ang kamay nito
"Wala akong pera."malungkot na saad nito ngumiti naman si Bluce dito
"Malungkot ka pa rin ba kung ako na mismo ang maglalabas ng pera?"tanong nito unti-unting sumilay ang ngiti nito sa kanyang mukha at naunang pumasok
Naiwang nakangiti ng malaki ang binata at umiling-iling pa kalaunan ay pumasok na rin sa loob at nasilayan si Riri na may hawak na basket at marami-rami na ring nailagay na pagkain
"Grabe!Matakaw pala siya."
Lumapit ito at tiningnan ang mga kinuha nitong mga pagkain ang mga ito ay chichirya at ang iba naman ay noodles na naka cup nakunot naman ang noo nito
"Para saan ito?"tanong nito lumingon ang dalaga dito
"Camping."matilid na ani nito at kinuha sa kamay ni Bluce ang noodles na hawak at unalis para pumunta sa isang section habang si Bluce naman ay naupo na lamang para tingnan ang dalaga
Sila lamang ang costumer ng store na iyon kaya malayang napagmamasdan ng binata ang dalaga.Napatingin naman ito sa may chiller at nakita ruon ang Yakult at Delight
Nilapitan nito ang chiller at kumuha ng tigda-dalawang sulot nuon at nilagay sa basket ni Riri nagulat ito ngunit ngumiti rin ito ng matamis dito
Nang matapos ang dalaga sa pagpili ng mga pagkain ay dumeretso ito sa Counter at agad namang binayaran iyon ni Bluce.Lumabas ang dalaga habang hinihintay si Bluce malamig ang simoy ng hangin
Mabuti na lamang ay tumila ang ulan kanina bago sila makapunta rito.Bumutong hininga ang dalaga at napatingin sa jacket na nakasukbit sa kanyang mga balikat
"Tara na."yaya ni bluce at tumango naman ang dalaga at bumalik sa dating dinaanan para sumakay sa kotse ni Bluce
"Malayo ba ang lalakarin natin?"tanong nito sa binata na hirap sa pagbuhat sa mga binili ni Riri nakita iyon ni Riri kaya tinulungan niya ito bakas ang gulat ng lalake dito
"Okay lang ako na."
"Hindi na!Ako nagpabili tapos di ako magbubuhat?Di ako prinsesa."ani nito at nauna na sa paglalakad di makapaniwala ang binata sa lakas ng babae
"Grabe!Gallon na yan ng tubig ilang liters ang binili niya tapos kaya niyang buhatin?Sana ito na lang ang kinuha-."
"Kaya ko to Bluce!Wag ka nang bumulong naririnig kita Tanga!"sigaw nito sa may kalayuan
"Tsk!Grabe anlakas ng pandinig nito."naiiling na saad nito at nagulat ng humarap ito sa kanya at matalim na nakatingin dito
"Tss!Bilisan mo!Tatanda ka niyan!"
Nasa isang rooftop ang dalawa nirengahan iyon ni Bluce para duon na lamang mag-stay may dalawa itong kama na pwedeng tulugan in-case man na dito sila matutulog
"Wow!Saan mo to nalaman?"makhang tanong ni Riri dito ngumiti si Bluce at tumingin sa paligid
"Nai-kwento na ito saakin nang mga kaklase ko nung highschool.Madalas silang nandito para tambayan."tumango ang dalaga at sinipat ang magandang view nito tuwang-tuwa ang dalaga sa mga nakikita
May mga lights pa kasi ito para maging ilaw nila meron din ditong ihawan at may maliit na table para kung kakain man at may maliit na kwarto sa gilid bilang comfort room nito
Nilabas ni Vaigan ang mga pagkain at nilagay niya iyon sa table.Tumingin si Riri na nagtataka dito tumingin si Bluce sa kanya at sumenyas na lumapit
"Bakit mo naman ginawa iyan?"tanong nito
"Kailangan bago mo maubos ang mga pagkain na yan dapat makwento mo ang nangyare."saad nito at tumitig sandali ang dalaga sa mga nilabas nitong pagkain at tumango dito
Unang binuksan nito ang chichirya na loaded."Kaya mugto ang mata ko kasi yun nga may nangyare na di maganda yun yung mga sinabi ng gagong Vaigan na yun."kahit puno ang bunganga nito ay naiintindihan pa rin ni Bluce ito
"Nakita niya yung nangyare kahapon yun yung kotse jiya na nakatigil sa may gilid natin nung nangyare iyon di ko kilala ang kotse niya kapay di ko talaga mamamalayan na siya pala yun."aani nito at nagbukas ng isang pang chichirya at nagsimula muling magsalita
"Sinubukan kong ayusin pero wala eh!Tsaka sinabi rin niya ang tungkol sa pustahan na naganap ng mga kaibigan niya.Nagalit ako ng sobra hindi na nga ako makahinga dahil sa mga nalaman ko but i stay strong kasi alam ko kapag naging mahina ako ako ang unang magiging talo."
"Nauwi ang lahat sa hiwalayan may pa TIMES UP-TIMES UP pa ang mokong!"galit na saad nito at lumandas ang luha nito sa kanyang mga pisnge duon na tumigil sa pagkain ang dalaga at ngumuya na lamang at uminom ng tubig sa dalawang mineral water na binili din
Nang malunok na ng dalaga ay tumingin ito kay Bluce ng diretso
"Di ko alam kung may saltik ba ang mga lalake kung bakit kailangan pag pustahan nila kaming mga inosente eh.Sana nagpunta na lang sila sa Sabungan diba!?"
"Bakit tao pa ang pagpupustahan di rin naman kami sumali sa marathon para kami ang pagpustahan!"
"HINDI KO ALAM NA MALAKING KASALANAN PALA ANG SUMUGAL KA."
"Hindi kasalanan iyon Riri may mga bagay na kinakailangan mo talaga sumugal."aani nito at tumawa naman ang dalaga rito at binagsak ang mineral water nito
"Sana naisip ko noon kung tama bang sumugal ano?"
"Kung worth it ba yung bibigyan ko ng sugal.Kung yung taong yun ba deserve niya kaso hindi eh sa gago ko pa naibigay yung sugal."ani nito sa mapait na boses at umiyak muli
"Iiyak mo lang yan Riri mawawala din yan."
"Sana nga mawala kasi mukhang malabo eh first live never dies ika ng iba."yumuko si Bluce dito sa sinabu niya
"Alam mo Bluce sana makahanap ka ng babaeng magmamahal sayo ng sobra."ani nito at ngumiti hindi man nakikita ni Bluce ang mga mata nito dama naman nito ang kagustuhan ni Riri
"Sana nga."
"Malapit na ang finals."tumango ang binata sa sinabi ng dalaga at kinuha ang isang chichirya na maanghang
"Mahilig ka pala dyan?"tumango ito
"Bata pa lang."di na umimik ang dalaga at kumain na lamang
Riri
Kakainin ko lahat to para di ko maisip lahat ng sakit na nagawa saakin nung hayup na yun!Tumingin ako kay Bluce at nakatingin ito sa isang direksyon
Kinuha ko ang phone ko at alas-dyes na pala marami ring missed calls at 2p messages na nanggaling kila Elaine nagtipa ako ng mensahe para di mag-alala ang dalawa saakin kung nasaan ba ako
At mabilis ko rin pinatay ang cellphone ko at nilagay sa bag nahuli kong nakatingin si Bluce saakin ngunit pinagsawalang bahala ko na lamang iyon
Yung finals malapit na....
Tumayo ako at kinuha ang yakult at tinernuhan ng isang chocolate na chichirya di ko alam pero masarap siya.Tumingin ako sa taas kitang kita ko ang mga nagkikislapan na mga bituin
Humiling ako ng isang bagay na alam kong imposible dahil di na magku-krus ang landas naming dalawa pero sana
"Sana magkita tayo na buo na ang puso ko."
3 months ago....
Natapos na ang finals at ito magsisimula sa dating tahanan...
Oo lilipat kami ng school naguguluhan si Elaine sa mga nangyayare pero sabi namin na ikukukwento na lang namin ang nangyare kapag nakabalik na kami sa Province namin
Pero ngayon lilipat kami ng University na papasukan namin.Nag-resign na kami ni Ivy sa Coffee Shop ni Lary kasalukuyan kaming nagalsa balutan dahil mamaya na kami luluwas pabalik sa probinsya namin
"Oy mga momshies sigurado ba tayo?"tanong nito at tumingin kami sa kanya
"Alam mo elaine bakasyon ngayon okay!Tsaka kung iniisil mo yung papasukan natin sa next semester hahanap tayo ng mga university na same lang sa dela salle okay."ngumiti na lamang ang dalaga dito at bumalik na sa pag-aayos si Riri sa mga gamit nito at kinuha ang medyas ni Rosie na nakasabit sa bintana nila
Ilang oras ang byahe papunta sa pribinsya ngunit matutumbasan naman iyon ng tuwa kalag nakita na nila ang kani-kanilang magulang.Nagtataasang mga maisan ang sumalubong sa kanya ng magising ito
Mukhang nasa San Lucia na nga ito
"Nandito na tayo?"tanong ni Riri sa katabi nitong si Elaine tumango si Elaine bilang pag-sang ayon
Ilang oras lang ang tinagal ay nasa terminal na sila at mabilis silang sinalubong ng kanilang mga kababayan
"Mabuti't nandito kayo."anang ni Aling Teresa at ngumiti naman ang tatlo dito."May fiesta ngayon nako matutuwa ang lahat kasi nandito na rin ang nagsisilbing Reyna ng San Lucia."tumingin si Aling Teresa kay Riri
"Hay nako ipapasa ko na rin naman iyong korona Aling Teresa."nahihiyang saad ni Riri dito. Mabilis na umiling ang ale dito
"Para saamin ikaw ang nag-iisa sa dami mo ba namang nagawa nung mga panahon na hindi ka pa lumuluwas eh."ngumiti na lamang ito at dumating na ang tricycle at pumasok na sila dito
"Maraming salamat po Aling Teresa!"ani nito tumingin sa malayo ang dalaga
"Bagong simula para sa bagong ako..."