webnovel

3:02 Times Up

"Sweet Lips but im not your first kiss.It's 3:02 Time's Up lets BREAK UP." The Cover Photo is not mine... Source:Pinterest

sweet_KupKaKes · Adolescente
Classificações insuficientes
62 Chs

33

Riri

Bago pa man ako makapasok sa dorm ay tinawag ako ni Elaine ngunit di ko ito pinansin papasok na sana ako ng hinila ako ni elaine sa may barbequhan hayshhh!

"Bakit ganyan yang mukha mo?"tanong nito saakin at binigay ang isaw n abagong luto lamang sinawsaw iyon sa suka kinagatan ko muna yun bago ako magsalita

Sa totoo lang nakakagalit yung ginawa ni Bluce nakuha niya yung first kissssssss ko!!!Di ko alam kung anong magagawa ko kapag magkikita na kami sa Campus niyan eh.Alam niyo yung feeling na sobrang sama nung ginawa niya

You don't need to do that just because you love her or him think about the possibility when you do that

May masasaktan kang tao paano kung nakita kami ni Vaigan?Speaking of...

Kinuha ko yung phone ko sa bag at agad na tinawagan ito nakalimutan ko pala na magkikita kami nun nako nakakahiya!!!!•᷄⌓•᷅

"Aba'y tinatanong nauna pa yung cellphone niya eh noh?Siya ba nagtanong?Ha!?"galit na saad ni Elaine inirapan ko lang ito at sumenyas na saglit at tinawagan si Vaigan nang sagutin niya iyon nataranta man ay lakas loob akong nagsalita ng di pumipiyok

Mahirap na kapag nataranta't pumiyok ka pa...DobleKill nakakahiya yun

"Hello?Vaigan?"bakas sa tono ko ang pag-alala na baka magalit ito saakin dahil umalis ako ng di man lang nagtetext sa kanya nakaka-guilty iyon

"Hmm?Kyryll?Nasaan ka?Hinintay kita kanina ah?"mahinahon nitong saad napapawi ang takot ko ngayon pero dapat di ka pakampante

"Sorry Vai kung pinaghintay ka.Ano kasi ahmm!?Di na kita nahintay kasi may emergency!Tama may emergency dito."ani ko na nagpapalusot pa kita ko kay elaine ang magkasalubong nitong kilay at gulat na mukha sinenyasan ko to na wag maingay

"Ganun ba?"pait ang tono ng boses nito na parang may hinanakit pa nakakahiya talagang pinaghintay ko itong tao na to hayshhhhhhh

"Sige magkita na lang tayo bukas 2:30.Sa mismong cafe kanina."ani nito at binaba na ang tawag nakakapagtaka.naman yun bakit ang seryoso ng tono ng boses na parang bang seryoso ang magaganap bukas??

Nakakaramdam na rin ako ng di maganda dito.Bagama't nasa labas ako ay di ko rin na naisip yung ganoong bagay at pinagpatuloy ang pagkain ng barbeque

"So ano nga balita bakla?"natawa naman ako ng tawagin ako ni Elaine sa ganoong pangalan kahit kailan napapasama na rin siguro ito sa mga taga-maynila na maraming tawag sa isang tao

"Ikaw ha!Nagiging batang maynila ka na rin."ani ko natawa naman ito saakin sinawsaw niya ang laman na hawak nito at tumingin saakin ng matalim

"Para saan pa ang apat na taon natin dito kung di rin ako makikisama sa kanila diba!?"ani nito napatango na lamang ako dito kung sa bagay ilang taon pa kami rito para mag-aral

"Malapit na ang finals ah?"ani ko dito nagulat ito ng mabanggit ko ang "Final"

"Oo nga noh riri!"napakamot na lamang ito sa kangang ulo at biglang ngumiti ng nakakaloko saakin nagtaka naman ako duon anong masa isip nito?

"Ikaw ha!Change topic ka eh!"natawa ako ng malakas dito matalino talaga to kahit kailan di siya marunong makalimot

"Osige ito na sasabihin na."

"Kwento mo na kasi dai."

"Kanina bakla ngayon day?Yung totoo ano pang ibang itatawag mo saakin ha!?"

"Ikaw naman kwento mo na change topic ka na naman eh!"tumawa na lamang ako at tinapom ang stick na hawak ko at umulo kami sa isang upuan di kalayuan sa may dorm kumapit ito saakin ng mahigpit na animo'y mawawala ako sa tabi niya

"May nangyare kasi kanina eh.Si Bluce kasi."ani ko at naluwag naman nito ang kapit nito saakin tinaasal nito ang kilay niya

"Oh?Anong meron sa friend mo?"tanong nito at bumuntong hininga ako bago magsalita grabe tong araw na ito di ko talaga akalain na mangyayare to kahit kailan di ako nagdaydream about sa gangong sitwasyon

"Yun nga nagkita kami kanina kasi magku-kwentuhan kami.Tapos iyon nagkwentuhan kami pero ilang saglit lng nag-t-tapat siya saakin na m-may g-gusto daw siya saakin."ani ko at nagulat naman si Elaine sa sinabi ko at napatakip ng bibig nito

"Wow!Anong shampoo mo bakla ha?"tanong nito hinampas ko naman ito hay nako kahit kailan napaka palabiro nito

"Nakalimutan mo ineng parehas lang tayo ng shampoo wag ka!"napatikom naman ito at umupo sa tabi ko nakit ko ang pagkahiya nito kay ngumiti na lamng ako

"So tapos anong nangyare?'

"Yun na nga sinabi kong friend lang kami talaga wala akong maibibigay na higit duon.Hanggang sa nasa labas na kami patawid na ako sa kabilang kalsada ng yakapin niya ako at..."pabitin ko dito at kagat labi pang tumingin sa kanya haysh sabihin ko ba talaga?

"At?"

"Aat nakuha niya ang first kiss ko Elaine."ani ko at nabagsak niya ang hawak nitong barbeque at tumayo bigla na shock pa rin ang mukha mukhang papunta ito sa dorm

Sinundan ko ito at tulala pa rin ito hanggang sa makarating kami ng kwarto nakita ko si Ivy na natutulog.Umupo ito at tumingin saakin ng masama nagulat naman ako sa binigay nitong tingin saakjn

"Ang kulit.mo rin noh?Di ka man lang nagalit o di kaya umiiyak ngayon."pataray nitong sabi lumapit ako dito at binaba ko ang bag ko at lumapit sa kanya

"Masakit din naman saakin na nakuha niya yung first kiss ko eh pero wala na akong magagawa.Nasampal ko rin yung tao."ani ko at hinawakan ni Elaine ang kamay ko napatingin naman ako duon

"Alam mo sayang yung first kiss mo kasi sa iba napunta sana napunta na lang iyon sa taong mahal na mahal mo."ani nito na siyang kinalungkot ko lalo ng sabihin jito na sana napunta na lamang yun sa taong mahal na mahal na si Vaigan

"Sana nga."

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil gusto ko lang madama.ang lamig ng panahon mukhang tanga noh?Hahaha minsan lang naman eh dinala ko ang phone.ko at lumabas

Wala pa gaanong tao na nasa labas kaya di gaanong maingay tahimik ang paligid mas makakapagisip ako ng maayos ngayon

Umupo ako sa isang upuan na tanaw ang dorm namin at sinalpak ang earphone na dala at phone ko.Unang sumalubong ang message ni Bluce na umabot ng 55.Isa-isa ko iyong binasa

*Sorry riri kung nagawa ko yun*

*Sana ganun pa rin tayo tulad ng dati*

*Sorry!•᷄⌓•᷅*

Di ko na lamang ito nireplayan sa halip ay binuksan ko na lamang ang music playlist ko nang mapatitig ako sa cellphone na hawak ko

"Nasa akin pa rin pala ito?Nasan na kaya siya?Kamusta kaya siya?"bulong ko at tumingin sa langit sumisikat na ang araw pinatugtug ko ang isa sa mga favorite music na

Ni Yao De Ai

Pag pinapatugtug ko ito halo-halong emosyon na yung nakapaliob dito sa kangang yun kahit di ko maintindihan tagos pa rin sa puso ko ang kantang ito.Kilig,Saya,Sakit yun ang mas nararamdaman ko kapag napatugtug ko na ito

Tumingin ako sa nagkukulay asul na kalangitan parang sumisimbolo siya ng isang bagong pagsisimula.Nagulat ako ng may kumalabit saakin at isang matanda iyon tinanggal ko ang earphone ko pinakingggan ito

"Bakit po?"tanong ko at sumengas ito saakin na kung pwede akong umatras at ginawa ko naman iyon para mabigyan ito ng espasyo malaki naman itong upuan eh

"Kay gandang pagmasdan ng kalangitan ano apo?"tumango na lamng ako rito totoo siya sobrang ganda lalo na kung makikita mo pa ang bukang liwayway

.....

Kasalukuyan akong nag-aayos ng aking sarili dahil magpapasado 2:30 na ang takdang oras ng aming pagkikita ni Vaigan

"Oy umuwi ng maaga wag puro landi!"iniripan ko si Elaine dahil sa pag-asta nitong magulang ko hay nako iba talaga kapag may single eh sa kwarto daming chechebureche hahaha

"Sige mauna na ako sainyo."tumango na lamang ang dalawa at umalis na ako habang naglalakad ako ay masayang-masaya ako dahil magkikita n kami ni Vaigan after ng vacation ng mga students

Ilang oras lang ay nakarating na ako sa Cafe na tagpuan namin ni Vaigan.Pumasok ako sa Cafe pero wala siya kaya minabuti ko na lang sa labas maghintay kong wala siya sa loob

Nag-ring ang phone ko at sinagot ko yun ng si Vaigan ang tumatawag saakin.

"Sa kotse."agad nitong pinatay ang tawag napatingin ako sa cellphone kong unti-unting kong binababa nawe-werduhan na ako sa kanya kahapon pa

"Parang kakaiba ngayon ah?"umiling na lamang ako at inikot ang mata ko para hanapin ang kotse niya at nang makita ko ay tumakbo agad ako duon at pumasok sa loob

"I miss you Vai."ani ko at niyakap siya but he refuse it nagtataka na talaga ako sobra iba yung kaba ko ngayon parang sobrang bigat simula nang pumasok ako dito

"M-may p-problema ba?"tanong ko rito habang nauutal pa sa dalawang salitang binaggit ko nakatingin lang ito ng diretso sa daan tinted itong kotse niya

"Oo may problema."parang isang sampal ang sinabu nito saakin sa di malamamg dahilan ngumiti ako sa kanya at lumapit ng kaunti dito

"Maayos ba yan?Gusto mo tulungan na kita?"ani ko at tumingin ito saakin ng seryoso at malamig

"Di natin iyon maayos pa."napaayos ako ng upo at mataman na tumingin sa kanya

"Ano ba yun Vaigan sabihin mo na."ani ko at hinawakan niya ang manibela at hinampas iyon napatili naman ako sa ginawa niya at gulat na tumingin dito

"NAKITA KO KAYO KAHAPON NI BLUCE!"nagulat ako sa sinabi nito na nakita niya kami ba-bakit di ko siya nakita?

"Huh?"nagtatakang tanong ko kahit na alam kong kasinungalingan iyon.Ginulo nito ang buhok niya at mukhang frustrate na frustate kinakabahan ako ng sobra ngayon pa lang

"ANONG HUH!NAKITA KO KAYO NI BLUCE SA KALSADA PA!!!ANO YUN?WAG KANG MAG-MAANGAN KYRYLL!"NAKITA KO KAYO NG DALAWA KONG MATA!HINALIKAN KA NG GAGONG IYON."galit na galit na saad nito habang ako gulat na gulat kung paano niya nalaman duon ko lang naalala na may isang kotse pala kahapon na nakatigil sa mismong harao namin di kalayuan

Lumandas ang luha ko dahil nakita niya yun tyak masasaktan siya ng sobra....

"Aksidente lang iyon Vaigan!Sa katanuyan nga nagulat a---"nagulat ako sa sinabi nito na siyang kinasama ng loob ko dito

"Aksidente!Tang-ina sabihin mo ginusto mi iyon!"ani nito at nasampal ko siya sa sinabi nito

Hindi niya alam ang buong katotohanan sa likod ng mga nangyatare tapis ganyan siya makahusga parang sobra naman ata jyon?Di ba niya gustong marinig ang paliwanag ko?

"Nasisiraan ka na ba!?Ikaw lang ang nasa puso ko tapos sasabihin mo ginusto ko!?"galit na singhal ko rito at tumingin lang siya sa harap nito at diretso ang tingin nito

"Oo niyakap at hinalikan niya ako pero kahit kailan di sumagi sa isip ko na gusto ko mangyare yun kasi ikaw ang lamang ng puso ko!!"

"Alam mo ba umamin saakin iyong tao.Tapos nangyare iyon that's it yun na yun di ko inaasahan na mangyayare iyon.Boyfriend kita Vaigan ikaw lang at wala ng iba!Don't you trust me?"tumingin ito saakin ng malamig at hinalamos nito ang kanyang mukha na nagpagulo sa buhok nitong maayos kanina

"Alam mo it's time to reveal the truth."nagtataka ako sa sinabi niyang "truth" tumingin ako rito ng nakakunot ang noo

"I didn't love you una palang."parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi nito saakin anong di minahal?

Una pa lang pinakita niya na saakin lahat ng bagay na maituturing na pagmamahal tapos ngayon hindi niya ako minahal?Ano to kalokohan???!!

"Ano ba yang sinasabi mo Vaigan."ngumiti ako sa kanya at hinawakan siya pero tinampal niya lang iyon at napaiyak na lamang ako

"Alam mo Riri matalino ka sana kaso tanga ka sa Pag-ibig di mo pa ba naiintindihan DI KITA MINAHAL alam mo kung bakit???"mas diniin nito ang salitang di kita minahal na siyang nakapagpaiyak saakin lalo pero yung sinabi nito sa huli ang nakapag patigil ng mundo ko at para akong tuod sa kinauupuan ko

"KASE PUSTAHAN KA LANG!KAYO NI IVY!"

Sa isang iglap ay nasampal ko ang mukha nito at galit ang namumuo sa aking dibdib di ako makahinga sa mga nalalaman ko.Ibig sabihin nung una pa lang kasinungalingan ang lahat

Lahat ng pagpapakilig,lahat ng flowers,yung chocolates its all his plan??Nakakainis nagmukha akong tanga tiwalang tiwala ako kaya ako sumugal sa gantong relasyon kahit na alam kong bawal

Sinuway ko ang magulang ko para sa kanya tapog ganto lang pala??Nang makapag-isip ako ng maayos ay nagtanong ako kahit na labag sa loob ko

"Umpisa pala nag kasinungalingan na pala?"di siya sumagot kaya tumingin ako ng diretso sa kanya galit,poot,at sakit ang nararamdaman ko sa kanya

Pinaghahampas ko ito at umiyak lang ng umiyak sa harap niya.Di ko alam bakit para isang tong patibong na ako yung daga na nahuli niya at ginawa niyang laruan

Si ivy kaya pala sila.naghiwalay dahil rin sa pustahan?Tang-ina ibig sabihin pinagpustahan kami ng mga kaibigan nito?Tumigil ako sa harap niya at umiling-iling ngumite ako sa kanya at nagwika

"Ibig bang sabihin pinagpustahan niyo lang kami ng kaibigan mo?"tumango ito pumikit ako ng mariin sa pagsagot nito jusko di ko na alam itong mga nangyayare ito

"Nung araw ba na nagpakilala.kami sa inyo ni Ivy ddun rin nagsimula ang pustahan?"tanong ko at tumango muli ito tumawa ako ng malakas nagulat ito pero hinayaan na lamang ako

"TANG-INA MANLOLOKO KA!!"sigaw ko at umiyak muli wala akong pake kong namumugto na itong mata basta ang alam ko nilalabas ko lang ang sama ng loob ko

Tumingin ito sa kanyang relo at lumapat ang kanyang labi sa akin di ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayong hinalikan ako ng isang tulad niya

"Sweet Lips but i'm not your first kiss Its 3:02 Time's Up Let's Break Up."

Ngumiti ako sa kanya at sinampal siya matapos niyang gawin iyon.Ngunit di duon nagtatapos at sinuntok ko ito nagdugo ang labi nito mabilis akongumabas kahit ang pangit ng itsura ko

Kahit na sa simpleng suntok at sampal lang makabawi ako sa mga ginawa niyang kabulastugan saakin.Di ko alam pero naiiyak pa rin ako sa nangyare

Masakit kasi first love mo tapos ganun ang mangyayare tapos planado pa.Naalala.ko yung ex niya siguro di pa rin siya totally move on duon at mumhang ginawa pa akong rebound ng gago yun!

"Dadating ang araw na saakin ka rin iiyak Vaigan Velazquez!"