webnovel

3:02 Times Up

"Sweet Lips but im not your first kiss.It's 3:02 Time's Up lets BREAK UP." The Cover Photo is not mine... Source:Pinterest

sweet_KupKaKes · Adolescente
Classificações insuficientes
62 Chs

28

Forgetting

Lary

Nasa isang bakanteng lote ako na puno ng puno at nagtataasang halaman nagpapahangin lang ako gusto ko munang lisanin ang mundong puno ng hinanakit

Bumuntong hininga ako at naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko ng makita ko ang pangalan nito ay sinagot ko na agad ang tawag niya

"Yep?"ani ko at tumingin sa ibang direksyon nagtatanong si Ivy kung nasaan ako siguro't nagtaka kung bakit wala pa ako sa Shop

"I'll be there."seryoso kong saad at binaba na ang tawag sa muli ay tumingin ako muli sa paligid

Habang nagda-drive ako ay naalala ko na kailangan ko pa lang dumaan sa Flower Shop para bilhan ng bulaklak sa Ivy

Nang makarating ako sa paroroonan ko ay nakita ko si Rosie napansin nitong may nakatingin sa kanya at sakin tumama ang mga mata nito tumango na lamang ito saakin

Nilapitan ko ito at mukhang di nito napansin dahil busy ito sa pagpili ng bulaklak

"Kamusta."tanong ko at tumingin ito saakin at kibit balikat lamang ang sagot nito saakin

'Bakit ba ayaw niya akong kausapin?'

Third

"Rosie anong napili mo?"ani ng babae na mids 30 na tumingin ito saakin at nagulat ito

"Sir lary ikaw po pala yan."nakangiting saad nito at tiningnan si Rosie."Stay strong pa rin po pala kayo."ani nito na siyang kinaubo ni Rosie mabilis kong nilapitan ito pero agad din itong umiwas saakin

"Hehehe Ate break na po kami nagkataon lang po nandito po ako at siya."nakangiting saad nito sa babae mukhang nalungkot si ate base sa reaksyon nito

"Sayang naman."panghihinayang nito at inayos ang bulaklak sa tabi nito

"May girlfriend na rin po yan."ani ni Rosie nagulat ako sa sinabi niya kasi kahit anong tono sa pagsasalita niya parang wala lang siguro ako lang yung di nakaka move on sa kanya

"Ay ganun ba?Sana naman makita ko yung babaeng yun sir lary!"sabik na saad nung ate ngumite na lamang si Lary dito

"Ano nga palang flowers ang kukunin niyo po?"ani nung ate at pinagpagan ang kanyang kamay at tumingin ito sa binata

"Ah oo nga pala yung daisy."ani nito at mabilis na pumunta sa isang set ng daisy ang ate at nagtanong pa ito sa mga gustong gawin sa bulaklak

Nang matapos ang pag-aayos ay binigay na ni Rosie ang napili nitong bulaklak.Sunflower ang kinuha nito

"Sir lary ito na po yung bulaklak."ani ng babae at binigay na sa kanya habang si Rosie naman ay nakatingin lang sa mga bulaklak pansin iyon ni Lary

"Maam rosie anong pong ayos?"

"Vertical po."ani nito aat nilagay na nang babae yung bulaklak sa Vase at inayos na ito

"Sabay ka na."nagulat si Rosie sa sinaad ji Lary habang yung babae naman ay palihim na kinikilig

"Hindi na!Kaya ko namang mag-commute eh tsaka bibigay mo yan kay Ivy diba?"tanong nito na kinatangi naman ni Lary at ngumite na lamang si Rosie

"Dadaan nga pala ako sa Shop nila pwede ba?"tanong ni Rosie dito tumango naman ang binata at umalis na

Nang palabas na si Rosie ay nasilaw ito sa liwanag ng araw ngunit imbis na umalis at pumunta sa malilim ay pumikit ito at dinaman ang sinag ng araw at inamoy ang bulaklak na hawak

"Yow!"isang malakas na sigaw ang gumulat sa kanya di nito makita ang itsura ng lalake kaya naman nilagay nito ang kaliwang kamay sa may noo at sinipat kung sino iyon at nang makita niya iyon ay mabilis nitong hinampas ang lalake

"Bwesit ka Slate kahit kailan!"ani ni Rosie na galit na galit

"Wait chill lang rosie baka naman mabugbug mo ang future mo."dahil sa sinabi nito mas hinampas nito lalo ang binata kahit na may hawak itong bulaklak sa kabilang kamay

"Wala ka na ba talagang magawa ha?At gusto mong laging mangbwesit ng tao?"inis na ani nito at umiling naman si Slate dito

"Di naman minsan gusto kong nasa kama."pilyo nitong ani at ngumisi sa dalaga umirap na lamang si Rosie at umalis

"Saan ka pupunta!?"sigaw nito ngunit di na niya ito pinansin pa at naglakad na palayo

Nasa tapat na ng shop si Rosie at bitbit nito ang bulaklak na hawak para sana ipaalam kay Ivy at riri na kung pwedeng maglagay ng bulaklak sa kanilang kwarto

Pumasok ito at napukaw nito ang atensyon ni Riri nagulat ang dalaga ang di inaasahang pagpunta ng dalaga duon

"Rosie!?"mabilis itong lumapit sa kanya at niyakap nilapag ni Rosie ang bulaklak na dala at tumingin sa paligid kung nasaan si Ivy kumalas ng yakap si Riri at napansin niya na hinahanp nito si Ivy

"Si ivy ba?"tumango naman si Rosie sa tanong nito pinaupo niya ang dalaga at hinawakan ang kamay

"Ah sumama kay Lary may pag-uusapan daw eh."sa sinabing iyon ni Riri ay kinabahan ang dalaga sa di malamang dahilan

"Ah o-okay!Nga pala okay lang bang ilagay ko ito sa may study table?"nilagay ni Rosie ang bulaklak sa harap nito at nanlaki ang mata ni Riri dahil duon

"Sunflower?"tumango ang dalaga at inamoy naman iyon ni Riri at parang batang sabik na sabik

Ngumite na lmang si Rosie at pinagmasdan ang papalubog na araw sa may gawing binatana ng shop

Sa isang lugar kung saan tahimik ang kapaligiran dinala ni Lary si Ivy at mukhang nagustuhan naman iyon ng dalaga

"Bakit nga pala tayo nandito?"ani ni Ivy at ngumite naman si Lary dito

"May sasabihin kasi ako sayo."ani nito at tumingin sa kanya si Ivy kinakabahan ang binata sa sasabihin nito sa dalaga

"Gusto mo bang malaman ang nakaraan ko?"nagulat naman si Ivy sa sinaad ng binata at di kaagad naka sagot

"B-bakit?"nauutal na saad nito

"Kasi kahit kailan kahit nung nagde-date tayo di ko manlang nasabi ang tungkol duon gusto ko lang naman maging honest saiyo."ani nito sa di malamang dahilan ay kinakabahan si Ivy at the same time ay nako-curios rin ito dahil malalaman na nito kung sino yung babaeng tinutukoy ni elaine na ex nito

"Sige sabihin mo."ani ni ivy at sumandala sa kotse nito habang nakatingin si Lary sa kanya

"1 year ago i have my girlfriend sweet kaming dalawa na love at first sight ako sa kanya."sa bawat bigkas ng salita na binabanggit ni Lary ay tinutusok ang puso ni Ivy gusto nitong umiyak dahil pakiramdam nito ay di niya kayang tapatan ang babaeng binabanggit nito

"Lumipas ang buwan na walang problema ngunit isang iglap ang nangyare naghiwalay kaming dalawa dahil sa kayangahang nagawa ko.May nangyare saamin ng babaeng di ko kilala sa araw ng birthday ng ex kong yun."nagulat si Ivy sa sinabi nito dahil kung siya ang nasa sitwasyon nung babae ay masasaktan talaga ito ng todo dahil sa mismong kaarawan pa niya mismo nangyare iyon

"Di ko alam kung anong nangyare pero nakita ko na lang ang isang box alam ko na sa mga oras na yun ay nakita niya ang nangyare iyon.Di na ako nakapag paliwanag dahil lumayo ito saakin hanggang sa bumitaw na ito sa relasyon naming dalawa."malungkot na ani nito at tumingin sa kanya si Lary at ngumite

"P-pwede ko bang m-malaman kong sino yung babaeng yun?"nauutal na sabi nito sa binata at pumikit na lamang si Lary at bumuntong hininga

"Mangako kang di mo siya aawayin o kung ano pa man."nagtaka naman ang dalaga sa sinabi nito kinakabahan ito sa susunod na sasabihin ng dalaga ngunit tumango na lamang ito na lamang ito sa kanya

"Kaibigan mo siya Ivy.....Si Rosie."ang pangalang binanggiy ni Lary ang nakapagpatigil sa munod nito at ang paglandas ng luha nito

'Si R-rosie yung babae?'

Di nakaimik si Ivy at sabay sabay na lumandas ang luha nito sa kanyang mga mata hinawakan ito ni Lary nginit umiwas ito

"So all this time kayo pala yung couple?"galit na ani ni Ivy at di niya alam kung bakit nagawang maglihim ng kaibigan sa kanya

"Ivy."sinubukang hawakan ni Lary ang kamay nito ngunit mabilis nitong iniwas ang kanyang kamay

"Tangina naman Lary! Wag mong sabihing ginamit mo ko para magselos siya ha!?"sigaw nito at nagulat naman ang binata sa sinabi nito mabilis na umiling ang binata sa sinabi nito

"So ano toh!?"

"Please makinig ka!Wala akong intensyon na gamitin ka para kay Rosie sinabi ko lang to sayo kasi gusto ko maging honest sayo please wag kang magalit."ani nito at huuminga ng malalim si Ivy bago magsalita

Maraming tumatakbo sa isip ni Ivy gulong-gulo siya sa nangyayare ngayon tiningnan niya ang binata At nagwika ito sa isang seryoso at pagod na tono ng boses

"Iuwi muna ko Lary."