webnovel

3:02 Times Up

"Sweet Lips but im not your first kiss.It's 3:02 Time's Up lets BREAK UP." The Cover Photo is not mine... Source:Pinterest

sweet_KupKaKes · Adolescente
Classificações insuficientes
62 Chs

13

Flowers

Third

Agad na pumunta sa isang flower shop si Vaigan para bumili ng isa pang dosena ng flower para ibigay kay Riri dahil mukhang nagustuhan din ito ng dalaga

Agad niyang pinarada ang kanyang motorsiklo para pumili ng bulaklak sa kilala nitong flower shop.Pumasok siya at amoy na amoy niya ang bango ng bawat bulaklak kulang na lamang ang maging perfume ito sa sobrang bango

"Iho!"narinig niya ang boses ng isang matandang babae na agad rin naman niyang nilapitan at nag-mano ito

"Kamusta ka po lola?"tanong ng binata at dinaluhan niya ito sa pag-upo sa isang sulok

"Ay nako!Mabuti ako ikaw bakit ngayon ka lang bumisita ikaw na bata ka!"galit man ang tono ay nagawa pa rin nitong tumawa kaya naman napangiti si Vaigan

Likas na makulit at masayahin ang matanda isa iyon sa nagustuhan ng binata sa kanya.Matagal ng kilala ng pamilya Vazquez si Lola Amel ito kasi ang supolier ng mga bulaklak sa kanilang hardin

Hanggang ngayon pa rin naman ay may komunikasyon pa rin ang oamilya niya kay lola amel ngumit paminsan-minsan ay dinadalaw talaga ito ng binata para kamustahin

May anak at apo rin si lola amel ngunit nakabukod ito kaya minsan ay mag-isa lamang ito sa kanyang tirahan

"Mabuti po kukuha po sana kasi ako isang dosena ng bulaklak sa inyo."magalang na sagot ni vaigan at napatango naman si Lola amel sa kanya at mukhang may naisip sa kukunin ng binata

"Mukhang may napupusuan ka na iho ah?"tanong nito at ngumite sa binata tumayo ito at may pinagmasdan sa isang sulok nakikita nito ang isang bulaklak na may kahulugan

Ito ang aster maganda itong ibigay sa napupusuan mo sinisimbolo din nito ang pagmamahal,tiwala,at pagkahumaling para lamang itong rosas gusto mo ba iho?"tanong ni lola amel tumango na lanang si Vaigan

'Mas mahuhulog ang loob niya saakin ng mabilis.'

Tumingin-tingin sa paligid si Vaigan at hinintay ang pag-aayos ng bulaklak ni lola amel hanggang sa nagsalita ang matanda

"Alam mo iho bakas sa iyong mukha ang pagsisinungaling."matabang na saad ni lola amel at ngumite ng mapait si vaigan sa matanda

"Di ako magtataka kung isang araw ay masaktan ka din."

Nang matapos ang pag-aayos sa bulaklak ng matanda ay binayaran agad iyon ni Vaigan at mabilis na umalis at pumunta sa kanyang bahay.Naramdaman nito ang pag-patak ng ulan kaya mas binilisan nito ang pagpapatakbo ng kanyang motorsiklo

Nakatingin sa isang sulok si Riri dahil walang tao ang pumapasok sa kanilang shop sa ngayon dahil umuulan malamig ang simoy ng hangin ngayon

Di niya alam kung bakit sa unang pagkakataon ay nakakaramdam ito ng sakit kasabay ng pagpatak ng ulan

Masyado naging mabilis ang pangyayare nitong mga araw.Dagdag pa ang naganap kaninang umaga isang malaking eksena iyon

"Malalim ata ang iniisip mo riri?"tumingin siya sa kanyang gilid naroon si ate shay at lumapit na rin si ivy sa kanya at niyakap siya nito sa likod

"Ah oo may nangyare kasi kanina ate shay!"ani nito at tumingin muli sa labas mukhang nakukuha naman ni ivy ang sinasabi ng dalaga

"Ano bang nangyare kanina?Sabihin niyo nga."ani nito at sa pagkakataong ito ay si ivy na ang sumagot sa kanya

"Naalala mo po si Vaigan yung friend ni Sir lary gumawa po kasi siya ng eksena yung pagkanta niya hanggang sa pagbibigay ng bulaklak para kay riri."ani nito at tumayo sa gilid ni riri at tumingin na rin sa labas

"Ganun ba?Diba dapat matuwa ka riri dahil may binatang nagkakagusto sayo?"ani ni ate hsay at mukhang kinikilig pa ito dahil sa tono ng boses nito

"Oo nga naman."ani ni ivy at tumingin kay riri ngumit umiling lamang si riri sa kanila at pumunta sa loob at naupo habang sinundan naman siya nito

"Iba kasi yung pakiramdam ko eh yung kinakabahan,nasasaktan,at mas lalong galit ng di ko alam oo aaminin ko kinilig ako pero kalaunan yun na yung nararamdaman ko."ani nito at bakas dito ang pag-aalala sa mukha at magkasalubong pa ng mga kilay nito

"Ehh."yun na lamang ang nasabi ng dalawa. Narinig nito ang pagbukas ng pinto kaya naman lahat sila ay napatingin sa pintuan at napatayo baka kasi may costumer na

Pagkalabas nila ay nakita nila ang kumpol ng estudyante at puro babae mga mukhang gangster ang datingan

"Parang nakakaramdam ako ng mali rito ah?"bulong ni ate shay at tumingin naman sa kanya si ivy

Yung nasa gitna ay mukhang lider nila pito silang babae na nakatingin ng deretso sa kanila

"Who's Kyryll Barcelona?"may accent pa na ani ng babaeng nasa gitna at may mataas pa itong kilay sa pagtanong nito sa kabilang banda naman ay napalunok na lamang si riri pero nagawa pa rin nitong sumagot

"Ako bakit?"matapang na sagot nito at itinaas din ang kanyang kilay

"You bitch stole my loves."agad na nagsalubong ang kilay at napataas ang kilay ni riri sa sinaad nito

'Stole sino?'

"Sino ba yung tinutukoy mo ha!?"tanong naman ni ate shay kaya naman napunta sa kanya ang atensyon ng mga babae

"Si Vaigan Vazquez."

"Kung gusto mo sayo na sya pake ko ba di ko naman gusto yung lalakeng yun."ani ni riri at lumapit sa kanila ngunit nanatili pa rin na may distansya duon

"Talaga akin lang siya at never siyang magiging sayo bitch!"napapikit si riri at nagtitimpi ng galit kanina pa kasi nito sinsabihan na bitch

"Grrr...kukunin ko yung mainit na kawali duon ilalagay ko sa pisnge nito para mas pumula."bulong nito at ngumite sa mga babae

"Why did you just say?"tanong nito at umiling naman si riri bilang tugon sa tanong nito

"Alam mo di ko talaga alam kung paano ka binigyan man lang ni Vaigan ng mga flowers eh halatang cheap ka naman tapos nagtatrabaho ka pa sa isang cheap sa cofee shop diba girls?"ano nito at tumawa ang buong grupo agad na tumaas ang kilay ni riri at ang kamao nito ay nangigigil na sa mga ito

"Cheap cofee shop?"narinig nila ang isang tinig mula sa likod ng mga babae kaya naman ay lahat sila ay napatingin duon sa direksyong iyon

Bakas ang gulat sa mga mata ng lahat dahil si Lary pala iyon basang basa pa dahil sa ulan

"For your information girls this is my cofee shop then you just say na cheap ang shop ko kung ganon umalis na lamang kayo."malamig na ani nito at mabilis na naglakad papunta kila riri

"You okay?"tanong ni Lary kay riri tumango naman ito at dinaluhan na sa paglalakad papunta kila ivy

Tuluyan ng umalis ang mga babae dala ang galit ng mga ekspresyon.Ngumite na lamang si ivy at binigyan ng isang mapang-asar ng ngiti ang mga babae

Natapos na rin ang shift nila ivy kasalukuyan nilang binabagtas ang daan papunta sa kanilang dorm buti na lamang ay di gaanong madilim papunta sa kanila at may mga ilaw pa

"Grabe yung kanina riri!Yung mga babae na yun sarap kalbuhin."gigil na saad ni ivy at tumawa na lamang si riri

"Buti nga di kami nagkasakitan eh."ngumite si riri kay ivy ganun din naman si ivy sa kanya

Tumingin sa kalangitan si Riri at tumingin siya sa harapan nila na siyang nakapagpa hinto sa kanya nakita lang naman kasi siya ang kanyang.....

"Kuya Eman?Kuya Lucs?"