webnovel

Chapter 33: Am I Dying?

×××

Umaga na pero heto ako at magdamag na naka tulala sa kawalan. Nakahiga ako mag-isa ngayon sa loob ng tent. Kagabe, hindi ko katabi natulog si Dwayne at sa labas lang ito natulog— kasama ang batchmate namin na isa sa mga ka teammates niya sa basketball.

Hindi ako makatulog ng maayos dahil lage tumatakbo sa isip ko si Xian. Sobrang nahihiwagaan na'ko sa mga kinikilos niya.

Akala ko, galit siya sa'kin dahil iniwan ko siya. Naalala ko pa nga iyong sinabi niya sa'kin kagabi bago niya ko halikan.

"I hate you Alice, I will not forgive you for what you have done"

Na aasar kong bulong 'tsaka napa irap nalang sa kawalan habang sinasambit ang salitang iyon na sinabi sa akin ni Xian kagabi. Napa simangot ako at napa balikwas ako ng bangon sa inis. Dahil sa ginawa niya hindi ako maka pag isip ngayon ng tama.

Kailangan ko bang umasa na may nararamdaman parin siya sa'kin? Kung aasa naman ako mas lalo lang akong masasaktan? Ano bang dapat kong gawin? Kailangan ko bang linawin ang hinala ko at itanong kay Xian kung anong nasa isip niya, kung anong tingin niya sa'kin? Paano nalang kung awayin na naman ako nun?

Nakakatakot, ayokong isipin niya na hanggang ngayon nag a-assume parin ako na magkakabalikan pa kami. Pero kahit anong isipin ko hindi parin talaga mawala sa isip ko iyong hinalikan niya ako sa kaliwang pisnge. Hindi ba't nakakapagtaka iyon? May tao bang galit na humahalik?!

Sa lalim ng pag iisip ko hindi ko napansin na kanina pa ako tinatawag ng isang tao. Mabilis kong kinuha sa tabi ko iyong salamin ko sa mata para maayos kong makita kung sino iyon, at nang mailagay ko na sa mata ko iyong salamin, pag lingon ko si Dwayne pala.

"Anong ginagawa mo? Okay ka lang ba?"

Nakakunot noong tanong nito sa akin. Napa ayos naman ako ng upo at humarap sa kan'ya sabay tango ko ng ulo.

"Kanina pa kita tinatawag pero parang hindi ka naman nakikinig. May iniisip ka 'no?"

Usyoso nitong tanong sa akin at tuluyan ng pumasok sa tent ko. Kanina kase naka silip lang siya sa tent ko. Iyong ulo niya nasa loob na; pero iyong katawan naman nito kanina— nanatili sa labas ng tent.

"Wala ah!"

Mabilis kong pagtanggi sabay iling ko ng ulo. Pinanliitan niya lang ako ng mata na parang hindi siya kombinsido.

"Parang hindi ka naman natutulog— ang laki ng eyebags mo"

Pag-iiba niya ng usapan. Mabilis ko naman kinapa ang eyebags ko at tinignan siya.

"Hindi ako nagpuyat!"

Muling pagtanggi ko. Napa buntong hininga siya.

"Huwag ka na ngang mag sinungaling sa'kin. Alam ko naman na hindi ka makatulog dahil kay Zkei"

Sabi niya dahilan ng iniwas ko ang tingin ko sa kan'ya sabay pout.

"Kase naman eh! Bakit kase ang weird niya. Naguguluhan na ako"

Sumbong ko sa naiinis na expression habang naka pout at hindi parin nakatingin sa kan'ya.

"Bakit hindi mo siya kausapin?"

Mungkahi niya na kinatingin ko at hindi maka paniwala sa sinabi niya habang napapakurap na lamang ng mata.

"Seryoso ka ba d'yan? Alam mo naman na napaka arogante ng lalaking iyon, suplado pa. Paano kong ayaw niyang makipag usap sa'kin? Hindi ba nga— wala na siyang pake alam sa'kin?"

Sabi ko sa kaniya. Tinignan naman niya ako ng masinsinan sa mata na may seryosong expression.

"Walang mawawala sa'yo Alice kung susubukan mo. May dahilan para kausapin ka niya, sabihin mo ang tungkol kagabi, hindi puwedeng walang dahilan iyon"

Sagot niya sa'kin. Tinignan ko lang siya.

"Talaga?"

Paninigurado ko.

"Tsk! Oo nga!"

Naiirita nitong sagot pero kalmado.

"Okay. So— ano, ngayon na ba?"

Habang naka taas ang kilay na tanong ko sa kan'ya.

"Malamang ngayon na. May activities pa tayo mamaya kaya lumabas kana. Pero huwag ka muna umalis, ayosin mo muna iyang hitsura mo"

Bilin nito sa'kin. Tumango na lamang ako, pero bago ako lumabas lumingon ako sa kan'ya sabay yakap.

Natigilan siya at nabigla sa ginawa ko. Hindi siya makagalaw hanggang sa humiwalay na ako ng yakap sa kan'ya at tinignan siya sa mukha.

"Salamat sa lahat Dwayne, hindi ko kakalimutan ang kabutihan na ginagawa mo sa'kin"

Sabi ko sa kan'ya. Tinignan niya lang naman ako hanggang sa kinuha niya ang kamay ko na naka yakap sa batok niya at marahan itong inalis para hawakan ang mga kamay ko.

Nakayuko ito habang pinagmamasdan ang mga kamay namin na hawak niya.

"Sabi ko naman sa'yo eh, mahal kita. Ginagawa ko ito dahil ayokong maging malungkot ka. Kase pag mahal ko ang isang tao gusto ko masaya siya, at alam ko kung anong nakakapag pasaya sa kan'ya. Iyon ay ang makasama ang taong mahal niya"

Kalmado nitong sabi. Natameme na lamang ako at hindi alam kung anong dapat sabihin sa kan'ya. Na ko-konsensya ako sa mga pinapakita sa akin ni Dwayne parang hindi ko deserve ang lahat ng ito.

"Kailangan mo bang gawin 'to? Hindi ba sobrang sakit naman?"

Nakakunot noong tanong ko sa kan'ya. Concern lang ako, kase kaibigan ko siya at ayoko siyang masaktan.

"Masakit, pero wala naman akong magagawa eh. Pariho ko kayong kaibigan ni Zkei, gusto ko dalawang kaibigan ko masaya, at dapat kayo ang magkatuluyan dahil kayo ang nagmamahalan sa isa't-isa. Ang pangit naman isipin na agawin ka kung ang puso mo na kay Zkei. Hindi ba't pag nasa puso mo na ang isang tao hindi na iyon mawawala? Maliban nalang kung mag sinungaling ka sa sarili mo at sanayin ang isip mo na hindi mo na siya mahal pati iyong puso mo kailangan mong kontrolin. Pero malabong magawa mo iyon kontrolin dahil ang puso mas malakas pa kaysa sa isip. Kahit kailan hindi maku-kontrol ng katawan at kamalayan mo, pag nagsimula nang mag mahal ang puso mo"

Mahabang sabi nito. Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon sa kan'ya.

"Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit may mga relasyon na iniiwan ang isang tao sa ibang tao. Ang dahilan nila, wala na silang pagmamahal sa taong iyon kaya sumama na ito sa iba, kase iba na iyong mahal niya. Siguro na realize niya— na iyong ibang tao talaga ang mahal niya. Tawag do'n conditional love kaya iniwan niya ito kase bigla nalang naglaho ang feelings niya at naghanap ng iba"

Sabi ko sa kan'ya. Naka ngiti siyang hinawakan ang toktok ng ulo ko.

"Tama, tulad ko na may dating nararamdaman na feelings para kay Farra"

Sabi niya.

-- --

    Nakapag-ayos at nakapag hilamos na ako nang mukha at katawan. Handa na akong harapin si Xian pero ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Kaya ko ba 'to? Hindi ko alam kung anong mangyayare, pag kaharap ko na siya at maka usap. Ini-imagine ko pa lang takot na ako sa expression niya na may panlilisik pa na mga mata. Hindi ko alam kung kaya ko bang itanong 'to sa kan'ya.

Sa sobrang pag iisip ko at pa balik-balik ng lakad habang kagat ang koko. Napag pasyahan ko nalang na puntahan siya.

Pag hindi ko ito maitanong sa kan'ya, hindi titigil ang utak ko kakaisip ng dahilan. Mas maganda ng mapahiya ako kaysa maging baliw kakaisip.

Hinanap ko si Xian at saktong nasa sapa siya at malayo ang tingin. Mag-isa lang siya kaya naglakas loob akong lumapit sa kan'ya. Nang nasa likod na niya ako. Na blangko na lamang ang isip ko. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan kausapin si Xian. Hindi ako nakapag plano ng tama dahil sa kaba ko. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko; habang habol ang hininga dahil sa sobrang kaba. Nahihirapan ata akong huminga.

Naramdaman ata ni Xian ang presensya ko kaya napa lingon siya sa akin at napa tayo sa kinauupuan niyang bato.

"Anong ginagawa mo rito?"

Nagtatakang tanong nito sa akin. Hindi ako makapag salita parang nabato ako sa kinatatayuan ko.

"K-kase kagabi"

Hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil naka titig ito sa mukha ko na may expression na seryoso.

Napalunok ako ng laway.

"Nahihiwagaan kase ako, bakit mo ko hinalikan sa pisnge, hindi ba sabi mo tapos na tayo? Naguguluhan lang ako, gusto kong maka sigurado na mali lang ako ng pagkakaintindi sa ginawa mo kagabi. Dare lang ba iyon o may iba pang dahilan. Dahil ba mahal mo parin ako?"

Wala sa sarili kong tanong sa kaniya, ngayon ko lang napagtanto kaya mabilis kong tinakpan ang bibig ko at napa tingin sa kan'ya.

Nanatili lang naman siyang naka tingin sa akin pero ilang sandali umupo ulit ito sa malaking bato at pinagmasdan niya iyong malinis na ilog.

"Ginawa ko iyon para masaya, alam mo naman sikat ako sa campus 'di ba? Hinalikan kita para mas kamuhian ka pa nila"

Lingon nito sa akin na may mapang asar na ngiti na naka tingin sa akin. Ang ibig niyang sabihin, kamuhian ako ng mga kaklase at ka batchmate namin, iyon ang dahilan kaya hinalikan niya ako sa pisngi.

Hindi ako makapaniwala kaya napa atras ako palayo sa kan'ya at mabilis na umalis habang nagsisimula ng tumulo ang luha ko sa mata.

Tama nga ako, hindi niya ginawa iyon dahil sa mahal parin niya 'ko. Nagsisisi akong tinanong ko pa iyon sa kan'ya. Ang sakit sa dibdib parang ako nalang sa aming dalawa ang nanatiling durog ang puso. Pakiramdam ko wala na talaga siyang nararamdaman sa'kin.

Ang sama niya. Bakit niya ito ginagawa sa'kin, sobrang sakit. Kung puwede lang sana matanggal ang sakit na nararamdaman ko tinanggal ko na. Hindi ko kaya ng ganito mamatay ata ako sa sobrang sikip ng dibdib ko.

Habang tumatakbo at umiiyak, napahinto ako ng maka salubong ko si Farra. Huminto at humarang ito sa tapat ko kaya napa tigil ako sa pagtakbo.

"Hindi ba sabi ko sa'yo layuan mo na kami ni Xian? Talaga bang hindi ka nakakaintindi?"

Sabi nito sa harap ko. Napa urong ako ng makitang galit na galit siya.

"Ginawa ko naman eh. Pero tadhana na talaga ang nag uugnay sa'min dalawa, at alam mo naman na mahal ko parin siya. Ibinigay ko lang naman siya sa'yo kase nagmamakaawa ka! Maging masaya ka nalang na nasa tabi mo na siya, hindi ba iyon naman ang gusto mo? Kinunsensya mo ko dahil sa sakit mo at mamamatay kana!"

Sigaw ko sa kan'ya. Hindi ko na mapigilan ang damdamin ko dahil sa nangyare ngayon sa'min ni Xian. Lahat ng inis ko ibinunton ko na kay Farra wala na akong pake alam kung mamatay siya dahil durog na durog na itong puso ko.

Malutong na sinampal nito ang pisnge ko sabay galit na hinamblot ang buhok ko.

"Wala ka talagang hiya! In the first place kami ang inlove sa isa't-isa ni Xian! Nang bumalik ka sa buhay namin nagbago ang lahat! Sasabihin mong nag mamakaawa ako?! Anong gusto mo patayin kita. Pasalamat ka mabait pa ako sa'yo!"

Nanggigil na sigaw ni Farra at hinila ang buhok ko. Sinabunutan ko na rin siya.

"Alam kong kasalanan ko pero nagmahal lang ako! Ipaglalaban ko kung anong nararamdaman ko! Dahil hindi sa lahat ng oras gagawin kong duwag ang sarili ko!"

Sigaw ko rin sa kan'ya. Na bigla ako ng sinikmuraan niya ako sa t'yan kaya napa bitaw ako sa buhok niya at napahawak sa t'yan ko.

Malapit na akong mawalan ng balanse dahil sa sobrang sakit ng t'yan ko. Nanghihinang nilingon ko si Farra. Nanlilisik ang kan'yang mga mata sa galit at pang gigil sa akin.

"Talagang mapapatay kita!"

Sigaw nito at sumugod sa akin. Inambangan niya ako ng suntok sa pisngi kaya dumugo ang labi ko.

"Hindi na ako maaawa sa'yo! Hayop ka!"

Sabi ko at sinuntok ko rin siya sa t'yan. Sandalian siyang nawalan ng balanse pero muli na naman niya akong sinabunutan.

"Nag tatapang-tapangan ka ng pangit ka! Wala ng gusto sa'yo si Xian! Ano pang pinaglalaban mong pangit ka!"

Sigaw nito sa akin. Sobrang sakit na ng anit ko pati ulo ko ang sakit na.

"Hindi totoo iyan! Alam ko sa puso ko mahal pa ako ni Xian, tinatanggi niya lang!"

Umiiyak kong sabi.

"Ngayon umiiyak kana! Kase, totoo na wala na siyang pake alam sa'yo!"

Sigaw niyang muli. Dahil sa sobrang pagkainis ko sa mga sinabi niya, tinulak ko siya palayo sa akin. Dahilan ng mapaatras kami sa isa't-isa.

Pag atras ko, hindi ko namalayan na ang nasa likuran ko ay dulo na pala ng bangin. Mahuhulog na sana ako ng mabilis na; napa kapit ang kamay ko sa isang ugat.

Nabigla rin si Farra habang naka upo sa lupa. Napatayo siya ng mabilis para tignan ako na pilit hinihigpitan ang kapit sa ugat para hindi mahulog.

"Farra tulungan mo ko"

Tumutulo ang luha na humihingi ng tulong sa kan'ya. Tinignan niya lamang ako na ngumiti sa akin ng masama.

"Ha! Tutulungan? Hindi! Bagay iyan sa'yo. Mas magandang mamatay ka nalang"

Sabi nito sa akin at malakas na sinipa ang bitak ng lupa upang tuluyan akong mahulog sa bangin.

Nang mahulog ako, naramdaman ko ang napakasakit na pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko. Tumama ang likod at ulo ko sa matutulis na bato. Puno ng dugo ang katawan ko, hindi ko na maramdaman ang parte ng katawan ko sa sobrang manhid nito. Napa tingin ako sa itaas ng bangin nakita ko si Farra na naka ngiti ng masama at iniwan talaga ako.

Tumulo na lamang ang mga luha ko sa mga mata at napa pikit na lamang sa sakit at napa isip kung; mamatay na ba ako rito? na hanggang dito nalang ba ang buhay ko?

×××

DWAYNE P.O.V

    Kanina ko pa hinahanap si Alice, 10 AM na pero hindi ko parin siya nakikita. Kanina pa nga akong balisang-balisa kakahintay sa kan'ya rito sa loob ng tent. Hindi ko alam kong tama ba ang ginawa ko na kausapin niya si Zkei. Pero nagtataka ako bakit hanggang ngayon hindi parin siya bumabalik, mga 7 AM siya umalis para kausapin si Zkei hanggang ngayon wala parin siya.

Ang tagal naman no'n? Nagkaka mabutihan na ba ang dalawang iyon?

Para makompermado ko ang hinala ko, nagpasya akong lumabas ng tent at hanapin si Alice. Baka ano ng nangyayari sa kan'ya dahil kanina pa ako kinukutuban na parang may nangyaring hindi maganda sa kan'ya.

Nang hinanap ko siya kung saan posible ko siyang makita ay wala siya do'n sa mga lugar na iyon, kaya mas lalo na akong kinabahan.

Naisip ko nalang na puntahan si Zkei. Nakatalikod ito sa akin. Kaya hinawakan ko ang balikat niya para humarap ito sa'kin.

Inis niya akong tinignan ng malaman niya na ako ang nasa harapan niya.

"Anong ginagawa mo?"

Naiirita nitong tanong sabay pahid ng kan'yang balikat na animoy nadumihan ito. Inis na ngumisi na lamang ako sa kan'ya at napa iling ng ulo na nilingon siya.

"Nagkita ba kayo ni Alice?"

Bungad kong tanong sa kan'ya na may isang pagtango ng ulo na animoy sinisita siya. Tinignan niya lang ako na naka kunot ang noo.

"Bakit mo naman naitanong?"

Dahil sa sinabi niya, nairita lamang ako. Bakit kailangan niya pa mag tanong? Nakakainis.

"Deretsohin mo nalang kase ako! Nagkita ba kayo— anong oras kayo nag usap?"

Mabilis kong tanong sa kan'ya.

"Anong ibig mong sabihin? Hindi mo ba siya kasama?"

Nakakunot noong tanong na nito sa'kin. Napa mura na lamang siya at napa suklay ng buhok na may pag aalala ang mukha.

"Nakakainis! Akala ko pa naman kaya mo siyang protektahan! Shit, Tabi"

Galit nitong sabi sa'kin at hinawi pa ako para makadaan siya. Aalis na sana siya ng may dumating na tatlong lalaki; na batchmates namin.

Patakbo silang pumunta sa'min at parang may kung anong nakita. Habol hininga sila at may itinuro na lugar habang naka hawak sa kanilang mga tuhod na may panginginig pa na mga kamay.

"M-may babae do'n sa bangin at n-naliligo sa sariling dugo! Sa tingin namin patay na"

Sumbong nito sa aming lahat. Dahilan ng magkatinginan kaming dalawa ni Zkei. Parang pariho kami ng iniisip kaya mabilis kaming tumakbo papunta do'n kung saan may bangin.

Próximo capítulo