webnovel

Chapter 34: My Love is in Critical

×××

XIAN P.O.V

Agad kaming dumiritso ng hospital para dalhin si Alice, nang makita namin siya kanina sa bangin na punong-puno ng dugo sa katawan at walang malay, ay parang nadurog ang puso ko sa sobrang sakit, pagsisisi, takot, at sa sobrang galit ko sa sarili.

Sobrang nagsisisi ako, dahil sa akin nangyare itong lahat sa kan'ya. Kung hindi ko na sana iyon sinabi baka hindi ito nangyare kay Alice.

Nang nasa hospital na kami sinugod agad siya sa Emergency Room. Sa sobrang takot ko sa kung anong mangyare sa kan'ya ay nanginginig ang mga kamay ko.

Hindi ko na rin mapigilang umiyak habang pinagmamasdan ang E.R kung saan eno-operahan na ngayon si Alice.

Habang nakayuko ay nagulat akong may sumuntok ng malakas sa mukha ko, dahilan ng malasahan ko ang dugo ko sa labi 'tsaka ako napa tingin sa kan'ya. Punong-puno ng galit ang suntok na iyon na alam kung galing kay Asher Dwayne.

Pag tingin ko sa kan'ya sumalubong sa akin ang mata niyang nanlilisik at galit na galit na gusto na ata akong patayin, dahil sa mga tingin nito sa'kin.

Hindi ko siya masisisi dahil ang totoo ay ako ang dahilan kaya nangyare ito lahat kay Alice. Dahil sa ginawa ko humantong siya sa ganito.

"Matauhan ka na sana, ipagdasal mong mabubuhay pa si Alice. Kung hindi, huli na para humingi ka ng tawad sa mga ka gaguhan mo"

Nanginginig na boses na sabi nito. Nakita ko unti-unting tumulo ang mga luha sa dalawang mata niya na kanina pa niya pinipigilan.

Napa yuko ako at napa tango na lamang sa kan'ya habang umiiyak na nakasampak sa sahig at nakasandal sa pader, ang kamay ko tinukod ko sa isang tuhod ko at doon itinago ang mga luhang ayaw tumigil sa pagtulo.

Sobrang pagsisisi ko. Kung hindi lang sana ako naging manhid edi sana hindi mangyayari ito sa kan'ya.

Ilang oras din kaming nag hintay sa E.R, habang lumilipas ang ilang oras hindi ko mapigilang hindi ulit matakot sa mangyayare sa kan'ya. Natatakot akong mawala siya. Ito ba ang pahiwatig sa panaginip ko? Mamamatay na ba ang babaeng pinaka mamahal ko?

Idiniin ko ang pagpikit sa mga mata ko dahil parang madudurog na ang puso ko sa sobrang sakit. Hindi ko kaya.

"Pag babayarin ko ang gumawa nito sa kan'ya"

Bulong ko sa sarili habang nanlilisik ang mga mata. Hindi ako papayag na hindi managot ang taong tumulak kay Alice. Dahil malabong walang tutulak sa kan'ya. Alam ng lahat na bangin iyon at sobrang dilikado pag nilapitan.

"Hindi mo rin ba ako sisisihin sa nangyare kay Alice?"

Namumula ang mga mata na tanong nito sa akin.

"Bakit, sinisisi mo rin ba ang sarili mo sa nangyari sa kan'ya?"

Balik kong tanong. Tumango naman din siya at napa tingala. Katabi ko siya ngayon, kaming dalawa ay naka upo lang sa sahig kahit may upuan naman na malapit.

"Sinisisi ko ang sarili ko dahil ako ang nagsabi sa kan'ya na kausapin ka. Kung hindi ko iyon sinabi hindi ito mangyayare kay Alice"

Napa lingon ako sa kan'ya at napa kagat ako sa ibabang labi habang pinipigilan ang mga luha na nag babadya na namang tumulo.

"Ang babaw ng kasalanan mo. Pa'no naman ako? Ako ang mas makasalanan, dahil sa akin, dahil sa ginawa ko nangyare ito sa kan'ya. Tinaboy ko siya kahit hindi ko man gustuhin. Nagpaka manhid ako dahil sa nagalit ako sa kan'ya. Pero sa kabilang banda sinasaktan ko lang sa huli ang sarili ko. At sinasaktan ko rin si Alice"

Sabay hawak ko noo ko at napa pikit.

"Galit ako sa'yo pero hindi kita magawang kamuhian. Alam mo bang mahal ko na siya?"

Pag aamin niya sa akin kaya unti-unti akong napa lingon sa kan'ya na may kunot noo.

"Anong, sabi mo?"

Hindi maka paniwalang tanong ko sa kan'ya. Tumingin siya ng deretso sa mga mata ko.

"Mahal na mahal ko si Alice"

Pag uulit niya nang marinig ko iyon parang uminit ang dugo ko at kwenelyuhan siya.

"Traydor ka? Akala ko pa naman nagbibiro ka lang na boyfriend ka ni Alice. Ang totoo gusto mo talaga siya!"

Sigaw ko dahil sa galit. Hindi naman siya natinag at nanatiling blangko ang kan'yang expression.

"Matagal na Zkei, noong wala na kayo. Sa mga oras na magkasama kaming dalawa, unti-unting nahuhulog ang loob ko sa kan'ya. Hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko pero alam mo ba? Nagparaya ako. Kase tanggap kong ikaw naman talaga ang mahal ni Alice. Mas'yado na akong huli para mahalin niya ako, dahil nasa puso ka na niya. Pero anong ginawa mo? Sinaktan mo siya. Kaya galit ako sa'yo. Gusto ko masaktan ka rin tulad ng ginawa mo sa mahal ko"

"Tumahimik ka! Hindi mo alam ang pinagdadaanan at nararamdaman ko! At huwag mong subukan na agawin siya sa'kin dahil magkaka subukan tayo. Layuan mo na siya, ayokong umaaligid ka kay Alice. Naiintindihan mo ba 'ko!"

Sigaw ko sa kan'ya at binangga siya sa pader habang hawak ang kan'yang kuwelyo. Napa ngisi lamang siya ng mapang-asar.

"Nahihibang kana ba? Ako ang karamay ni Alice noong wala ka. Masaya siya sa'kin pag kasama ako. Kaysa sa'yo na sinasaktan mo lang siya"

Pagmamalaki niya. Hindi ako makapag salita at natameme na lamang ako na binitawan ang kan'yang kuwelyo at napa upo ng maayos sabay hawak sa aking noo.

Pakiramdam ko napaka sama kong tao. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ako nababagay kay Alice. Ang sama kong tao para maranasan ni Alice ang lahat ng ito at dahil ito sa akin. Una pa lang pahamak na ako sa buhay niya. Pero bakit parihong nahulog ang loob namin sa isa't-isa kung hindi naman pala kami bagay dalawa?

Nasasaktan at nakakabaliw isipin na pinagtagpo lang kami ng tadhana pero hindi puwedeng magtagal ang pagsasama.

"Anong dapat kong gawin? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi na ako makapag isip ng tama. Mukhang mababaliw na ata ako"

Sambit ko at tumulo muli ang luha ko sa mata. Napa lingon naman siya sa akin at seryoso ang mukha.

"May aaminin ako sa'yo"

Seryosong boses na kina tingin ko sa kan'ya. Hinintay ko lang na may sasabihin siya kaya nanatili lamang akong tahimik.

"Tungkol ito kay Farra. Nalaman ko lang na nagsisinungaling lang siya sa sakit niya"

Pag aamin niya sa akin. Umiwas ako ng tingin na pinagtataka niya.

"Hindi ka man lang ba magugulat?— Tika, matagal mo na rin ba alam ito?"

Sabi niya sa'kin, tumango ako sa kan'ya habang naka tingala at naka tingin sa kawalan.

"So, bakit hindi mo siya iniwan? Bakit nanatili ka parin kay Farra? Ano bang nasa utak mo! Pinapalala mo lang pala ang setwasyon eh!"

Galit na namang sigaw nito. Yumuko ako at napa ngiti na lamang ng mapait.

"Alam ko naman eh. Sising-sisi nga ako sa ginawa ko. Pag nawala si Alice hindi matatahimik ang kaluluwa ko hangga't nabubuhay ako, dadalhin ko ito sa kamatayan na wala man lang paghingi ng tawad sa kan'ya"

Sabi ko. Napa buntong hininga siya.

"Huwag mong sabihin iyan. Ipagdasal mo nalang mabubuhay si Alice kaysa pangunahan mo ang sarili mo"

Pangaral niya sa akin. Napapagod na ako sa mga nangyayare parang gusto ng pumikit ng mata ko.

"Pariho ba tayo ng iniisip, kung sinong may gawa nito kay Alice?"

Tanong nito sa'kin. Tumango ako. Sino pa ba ang gagawa nun sa kan'ya at gawin ang ganitong bagay kung hindi si Farra lang.

"Anong gagawin natin sa kan'ya. Isumbong kaya natin sa pulis"

Wala sa sariling suhestiyon ko. Napa iling siya.

"Ako ng bahala sa kan'ya. Ang gawin mo nalang ang laging nasa tabi ni Alice— ngayon ka niya kailangan kaya magpaka bait ka"

Pangaral nito sa akin, napa simangot ako. Pinagmumukha pa niya talaga sa akin na sobrang sama ko.

"Oo na! Basta bigyan mo ng leksyon ang babaeng iyon"

Galit kong sabi at nanlilisik ang mata na hindi naka tingin kay Asher.

"Oo akong bahala. Tatakotin ko siya para tumigil na"

Napa lingon kami ng may narinig kaming yapak ng mga paa at may babae na umiiyak kasama ang asawa nito. Sa tingin namin mga magulang ni Alice. Dahilan ng mabilis kaming napatayong dalawa ni Asher sa sahig at yumuko sa kanila bilang pag galang.

"Kamusta ang anak ko? Hindi parin ba tapos ang operasyon?"

Namamaga ang mata habang umiiyak na bungad na tanong ng Mommy ni Alice sa'min.

"Hindi pa po Tita, pero malakas ang kutob namin na magiging okay rin si Alice, magiging successful ang operasyon niya"

Sagot ni Asher. Nanatili lang akong tahimik kase nakukunsyensya ako sa ginawa ko.

Umiyak ulit ang Ina ni Alice kaya niyakap ito ng asawa niya.

"Paanong nahulog ang anak ko sa bangin? Hindi mangyayare iyon kung walang taong tumulak sa kaniya?!"

Galit na sabi ng Ama ni Alice.

"Huwag po kayong mag alala Mr and Mrs. Martinez kami na pong bahala do'n. Titiyakin namin na magbabayad ang may sala nito sa kan'ya"

Sabi ni Dwayne at napa tingin ito sa akin. Nanatili lamang akong tahimik at tumango na lamang dahilan ng mapanatag ang loob ng mag asawa.

Hinawakan ng Ama ni Alice ang balikat namin dalawa ni Asher.

"Kayo ng bahala, may tiwala ako sa inyo dahil alam kong matagal niyo ng kaibigan si Alice mula pag kabata. Bigyan niyo siya ng hustesya. Mabait ang anak ko hindi ito nararapat mangyare sa kan'ya"

Sabi nito, napa iwas ako ng tingin at napa yuko habang kagat ang ibabang labi na tumango na lamang. Kahit sa kabilang banda nakukunsyensya ako.

Napaka sakit sa dibdib, nahihirapan akong huminga parang pinipiga ang dibdib ko dahil sa mga nangyayare. Pakiramdam ko wala akong kuwentang tao. Para kay Alice pasakit lang ang naiibigay ko sa kan'ya hindi ang saya na gusto ko sanang iparamdam sa kan'ya pero hindi ko magawa ng maayos.

Napa lingon kaming lahat sa isang dereksyon; kung saan lumabas rin ang surgeon sa Emergency Room na kung nasaan ino-operahan si Alice.

"Kayo ba ang mga magulang ng pasyente?"

Tanong nito ng makalapit ang surgeon sa mga magulang ni Alice. Tumango ang mga magulang niya bilang sagot.

"Ang anak ninyo, ligtas naman ang buhay niya pero may problema tayo"

Hindi ko alam ang ere-reaction ko, magiging masaya ba ako o magiging malungkot sa balita lalo na't may problema pala.

"Mr and Mrs Martinez matatagalan magigising ang anak ninyo, cause of brain hemorrhage. Maraming kumalat na dugo sa utak niya at mas'yadong napaka critical ng kalagayan niya ngayon. But we give everything to make your daughter's okay. Huwag kayong mag alala bibigyan namin siya ng agarang brain test para sa utak. Ngayon okay naman siya"

Nang marinig namin iyon, umiyak na lamang ang Ina ni Alice na napa yakap sa kan'yang asawa para kumuha ng lakas.

Hindi ko na maatim na hindi umiyak at napa urong sa kinatatayuan ko. Parang biglang nanlambot ang mga tuhod ko kaya napasandal na lamang ako sa pader.

"Kasalanan ko 'to"

Sisi ko sa sarili ko at napa suntok nalang sa pader. Lumapit naman sa'kin si Asher.

"Huwag ka ngang magsalita d'yan baka marinig ka ng magulang niya ikaw pa itong sisisihin"

Bulong nito sa akin. Tumulo na rin pala ang mga luha niya.

"Bakit hindi? 'di ba ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat?"

Sabi ko. Tinignan niya lang ako.

"Ang importante buhay pa siya ngayon. Hihintayin lang natin siyang magising"

Pagpapalakas ng loob nito sa akin. Wala sa sarili na niyakap ko nalang si Asher at umiyak ako sa balikat niya. Kahit nakaka bakla.

"Paano kung hindi na siya magising. Ano ng gagawin ko"

Iyak ko.

"Huwag ka ngang gan'yan pag hindi niya iminulat ang mata niya sersermonan ko siya araw-araw hanggang sa mairita siya at magising"

Pagbibiro niya pero halata sa kan'yang boses na gusto na nitong humagol-gol sa iyak.

"Hindi ko na kaya. Ang sakit-sakit na"

Sabi ko, tinapik-tapik lang naman niya ang balikat ko para ako'y damayan.

"Alam ko mahirap pero tiwala lang tayo kay Alice. Magigising din iyon"

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kan'ya.

"Ako ng pupunta kay Farra may sasabihin ako sa kan'ya"

Seryoso na tingin na sabi ko.

"Seryoso ka ba d'yan? Baka anong gawin mo kay Farra. Huwag mo parin kalimutan, babae parin iyon"

Bilin niya.

"Babae man siya o lalaki wala akong paki alam"

Sambit ko at tumalikod na para umalis at bumalik na sa camping kung nasaan nando'n si Farra.

"Zkei, huwag kang gagawa ng masama! Mag aalala sa'yo si Alice. Maliwanag!"

Sigaw nito sa akin. Hindi na lamang ako tumugon sa sinabi niya at dumiritso na lamang sa pag alis sa hospital.

Ilang minuto ang byahe naka balik rin ako. Pag baba ko ng bus hinanap ko agad si Farra. Nang makita ko siya lumapit agad ako na may panlilisik pa na mga mata.

Naka tingin rin siya sa akin at parang kinakabahan at the same time takot ito sa akin.

Hinila ko ang braso niya at dinala ko siya sa isang lugar kung saan walang tao na nakakakita o nakakarinig sa amin.

"Umamin ka tinulak mo si Alice, hindi ba?!"

Bungad na sigaw ko sa kan'ya. Napa urong naman siya sa takot ng makitang galit na galit ako.

"Xian, hindi ko siya tinulak! Ano bang pinagsasabi mo?"

Mahinang boses na sagot nito sa akin dahilan ng mas lalo akong nairita sa kan'ya.

"Huwag ka na ngang magpapanggap! Bisto kana! Matagal ko ng alam na wala kang sakit! Kaya nga gusto mo nalang siyang patayin 'di ba? Kasi hindi mo ko makuha-kuha kahit anong gawin mo!"

Sigaw ko. Dahilan ng umiiyak siya sa takot.

"Bakit naman kasi Xian! Ako nalang kasi para wala ng problema. Ano bang meron kasi sa kan'ya at gustong-gusto mo siya!"

Sigaw na rin nito sa akin dahilan ng mawala ang galit kung expression pero nababakas parin sa mukha ko ang inis.

"Dahil nasa kan'ya ang puso ko!"

Kalmado kung sagot sa kan'ya sa malakas na boses dahilan ng mapa-titig ito sa mga mata ko. Nakita ko ang mga luha na tumulo sa mga mata niya.

"Wala na bang pag asa para sa ating dalawa Xian? Ikaw lang naman ang gusto ko eh. Wala na 'kong papangarapin pa. Alam mo ba? Ayokong mawala ka sa'kin, ikaw lang ang gusto kong kasama"

Hawak nito sa mga kamay ko at tinignan ako ng masinsinan sa mga mata.

Kinuha ko naman ang mga kamay ko na hawak niya at malakas siyang itinulak dahilan ng matumba ito at mapasobsob sa lupa.

"Ngayon ko lang 'to gagawin sa isang babae. Gagawin ko lalo na pag; ang mahal ko ang sinaktan"

Sabi ko sa kan'ya. Dahilan ng manginig ito sa takot.

"Huwag mo na kaming guluhin ni Alice at huwag ka ng magpapakita sa akin, baka sa susunod na kita ko sa'yo, hindi ko na makontrol ang sarili kong saktan ka"

Babala ko sa kan'ya.

"Paano mo mapapatunayan na ako talaga ang gumawa no'n sa kan'ya. Dahil lang sa may galit ako sa kan'ya ako na pinagbibintangan niyo! Marami namang galit sa pangit na iyon ah!"

Sigaw nito habang umiiyak. Nang marinig ko iyon nag igting ang panga ko sa galit at tinaliman ko agad siya ng tingin sa mata.

Umupo ako at hinawakan ng mahigpit ang pisngi niya.

"Gusto mo ba akong kalabanin? Akala mo ba tanga ako para hindi malaman na hindi ikaw ang may gawa? Dahil wala akong ebidensya?"

Sabi ko sa kan'ya napa ismid ako at napa ngisi sa sinabi niya.

"Hindi mo ba alam may nakakita sa inyo nang mag away kayong dalawa? Nang dumating ako rito galing hospital may sumalubong sa akin at nagsalita na nakita niya ang ginawa mo kay Alice. Gusto mo ba ipakita ko pa sa'yo ang video?"

Kalmado pero naiiritang sabi ko sa kaniya. Naiirita dahil ayaw pa nito'ng umamin. Sa lahat ng tao, ayoko ng mga sinungaling.

"Tama! Ako nga! Eh ano ngayon? Isusumbong mo ako sa mga pulis?!"

Sigaw nito sa pagmumukha ko. Napa ngisi ako na tinignan siya.

"Gusto mo ba?"

Tanong ko dahilan ng natigilan siya at hindi maka paniwala sa sinabi ko.

"Gagawin mo talaga iyon kahit matagal na tayong magka kilala?"

Tanong nito sa akin. Sarkastiko ko naman siyang tinignan.

"Matagal nga, pero hindi ko inaasahan na may tinatago ka palang kasamaan. Pasalamat ka hindi kita ipapakulong at ipagdasal mo; na magising si Alice dahil pag hindi, babalikan kita"

Pananakot ko sa kan'ya. Napa singhap naman siya sabay ngumiti ng kaunti.

"Comatose ang pangit?"

Hindi maka paniwalang tanong nito. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Huwag mo siyang lalaitin"

"Bakit? Totoo naman 'di ba, pangit siya?"

Pang aasar niya. Gusto ko siyang sakalin pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Tumayo ako at lumayo sa kan'ya.

"Ang pangit na sinasabi mo siya ang nagpapatibok ng puso ko. Ikaw manahimik ka na at huwag mo na siyang guguluhin kahit na kailan. Tandaan mo 'to Farra, masama akong magalit pag ako nagalit; kahit babae pa iyan hindi ko pipigilan ang sarili kong patulan"

Bilin ko sa kan'ya at tuluyan ng umalis. Sana tama na iyon para layuan na niya si Alice, kung hindi niya pa titigilan ang mahal ko, ako talaga ang makakalaban niya. Papatulan ko siya kahit babae pa siya.

Próximo capítulo