webnovel

Chapter 32: Spin the Bottle

×××

Matapos namin kumain ni Dwayne ng dinner. Saktong nag simula na ang gimmick nang tour guide namin.

Isa-isa na kaming umupo sa lupa. Tinanggal na nila iyong punong kahoy na upuan dahil hindi naman kami magkasya doon lahat. Kaya nakapag suggest ang iba naming ka batch na sa lupa nalang kami umupo. Hindi naman madumi ang inuupuan namin kaya sumang-ayon na lamang kaming lahat.

Hindi kami magkatabi ni Dwayne dahil iyon ang rules ng laro— na hindi dapat magkatabi ang magka kilala, dahil spin the bottle nga ito. May chance na baka iyong taong kakilala mo pa ang mag magtatanong sa'yo ng truth or dare.

Ganito ang rules: kung ikaw man ang tinamaan ng bote at kung saan dereksyon naka tuon ang end ng bote na iyon, siya ang mag tatanong ng truth or dare sa'yo. Pag truth ang sinabi mo, mag tatanong ang taong iyon. Pag dare naman ang sagot mo uutusan ka naman nito, at pag hindi mo naman nasunod, kailangan mo kumain ng pulang siling labuyo.

Habang nag sasalita ang tour guide namin sa mga rules ng game na ito. Naglalaway ako sa siling labuyo. Mababa pa naman ang tolerance ko sa maanghang. Nang mag siupuan na ang iba, namataan ko si Xian at Farra na hiwalay rin nang upuan.

Habang naka tingin kay Xian; hindi ko maiwasang sumikip ang dibdib ko. Sobrang nasasaktan parin ako sa mga nangyari kanina, gusto na naman tumulo ng mga luha ko sa mata. Hindi man lang ako binabalingan ng tingin ni Xian at parang ayaw niya ako makita sa paningin niya, kaya umiwas na lamang ako ng tingin.

Siguro nga ay tapos na ang tungkol sa amin dalawa. Talagang tinuldukan na niya— ang kung anong meron sa aming dalawa. Pinipigilan kong hindi tumulo ang luha ko sa mata, hanggang sa napansin ko si Dwayne na naka tingin din pala sa akin.

Nahahalata niya siguro na hindi ako okay sa sitwasyon na ganito. Punong-puno ng pag aalala ang mga mata niya. Kaya ngumiti na lamang ako ng pilit para hindi na niya ako alalahanin. Pero hindi nagbago ang expression niya subalit; napagpasyahan niyang tumayo para tabihan ako. Na kinagulat ko naman. Umusog na lamang ako habang naka tingin sa kan'ya na umupo sa tabi ko.

"Bakit dito ka umupo? Hindi ba dapat doon ka kasi bawal daw magkatabi ang magka kilala?"

Bulong ko sa kan'ya. Hindi naman siya nakinig at umayos lang ng upo sa tabi ko.

"Ano naman ngayon? Wala na akong ibang itatanong sa'yo; dahil alam ko naman din ang isasagot mo"

Makahulugan nitong sabi. Kinunutan ko lang naman siya ng noo. Alam na niya ang isasagot ko?

"Ano bang itatanong mo sa'kin sakaling magtama iyong bote sa ating dalawa?"

Nagtataka kong tanong sa kaniya. Hindi ko mapigilan hindi mag usisa dahil sa sinabi niya.

"Huwag mo nalang isipin ang sinabi ko. Mag enjoy nalang tayo sa larong ito"

Pag iiba niya ng usapan habang naka tingin sa harap kung saan sisimulan na ang pag iikot ng bote. Nasa gilid lang ito dahil ang nasa gitna namin ay ang malaking camp fire na nagsisilbing ilaw namin ditong lahat.

Kinakabahan ako habang sinisimulan na nitong ikutin ng isang tour guide ang bote. Habang umiikot ito, at panandaliang napatuon ang dulo ng bote nito sa akin ay hindi ko maiwasan hindi pigilan ang hininga ko sa kaba. Naramdaman kong hinawakan ni Dwayne ang kamay ko kaya napa lingon ako sa kan'ya. Nakita ko siyang ngumiti sa akin.

"Relax ka lang. Laro lang 'to, okay?"

Sabi niya sa akin. Laro lang ba talaga ito? Bakit parang kinakabahan ako sa mga mangyayari?

Ilang minuto na rin kaming ganito. Marami ng gumawa ng truth or dare. Ilan sa kanila ang truth na personalan na ang mga tanong. Meron naman dare na ipapahiya ka sa harap. Halimbawa nalang sasayaw ka kahit hindi ka naman marunong sumayaw. Kakanta ka kahit sintonado ka naman. Mag a-acting ka kahit napipilitan. Tapos uutusan ka rin nila mag confess ng feelings sa mga gusto mong tao, mga ganoong bagay ba?. Kaya namamawis na ang kamay ko dahil sa larong ito eh. Parang gusto ko ng umatras at huwag nalang sumali.

Kakain nalang kaya ako ng siling labuyo? Para wala na akong gagawin o sasagutin na tanong. Nabaling na lamang ang atensyon ko sa harap, nang magsigawan ang mga ka batch ko— hudyat na nag stop na ang bote. Kung saan man ito tumama ay hindi ko makita dahil natatakpan ito ng malaking camp fire na nasa gitna.

"Uy! Tignan niyo kung saan tumama iyong bote, kila Xian at Alice pangit"

Panunukso nang isang boses lalaki, kaklase ko. Ilang beses naman akong napa kurap ng mata dahil sa hindi ako makapaniwala na saktong sa amin pa ni Xian tumama iyong bote.

Nang marinig nang lahat ng batch, nag simula na silang mag katyawan tungkol sa'min dalawa ni Xian.

"Hindi ba't may gusto si Prince natin kay Alice pangit?"

"Oo nga, naalala ko— nakapag tataka naman at hindi na sila close ngayon"

"Malay natin baka nawalan na; nang bisa ang gayuma na pinainom ni Alice pangit, kaya bumalik na sa sarili ang prince natin"

"Baka nga! Nakakatakot, pangit na nga mangkukulam pa"

"Oo nga! Buti na nga lang at bumalik sa dati ang Prince natin. Okay lang kung magbago ang ugali niya, basta huwag lang niya makatuluyan iyong pangit"

Rinig kong bulungan nila. Napa tulala na lamang ako habang naka yuko ang ulo. Hanggang ngayon puro lait parin ang natatanggap ko sa kanila. Kahit graduating na kami nang high school gano'n parin ang trato nila sa akin. Minamaliit at hinuhusgahan parin nila ako. Hanggang kailan ba nila ako titigilan sa pamimintas nila sa akin? Hindi ba nila alam na nasasaktan din ako?!

"Prince Xian, simulan mo na. Huwag mo na siyang papiliin, dare na agad!"

Sigaw nito kay Xian boses lalaki ito. Sumang-ayon naman agad ang lahat sa mungkahi nang lalaking nagsalita.

Hindi pinansin ni Xian ang mga sinasabi nila, parang wala itong narinig na nakatingin lang ito sa akin. Naka upo parin ito at hindi gumagalaw sa p'westo niya. Ilang sigundo rin siyang gano'n habang pinipilit na siya ng iba na magsalita. Bago siya mag salita malalim muna siyang humugot ng hininga habang mataman na tumingin sa akin. Kahit malayo naman kami sa isa't-isa.

Bumuga siya ng hangin at nagsalita na.

"Truth or dare"

Tanong niya sa malamig na busis. Tumahimik naman din ang mga tao sa paligid ng magsimulang magsalita si Xian. Hindi ko alam kung anong pipiliin ko sa dalawa. Truth ba or dare. Hindi ba't napag desesyonan ko ng kumain na lamang ng siling labuyo para wala na akong pag pipilian?

"Siling labuyo nalang"

Sagot ko. Umangal naman din ang mga tao sa sinabi ko. Si Xian naman nanatili lang itong kalmado na naka tingin parin sa akin.

"Mag dare ka nalang kasi Pangit! Ang dami pa kasing pa arte!"

Sigaw ng babae sa mataray na boses. Sumang-ayon naman ang lahat sa kan'ya at sumigaw ng paulit-ulit na dare na salita.

Puro dare nalang na salita ang pumapasok sa tenga ko. Nakakarindi na kaya tinakpan ko iyong tenga ko sa sobrang ingay at pinipilit ang sariling huwag itong marinig ng tenga ko. Pero kahit takpan ko pa ang tenga ko naririnig ko parin ang sabay-sabay nilang pagsabi ng dare, parang nag e-echo na ito papasok sa tenga ko hanggang utak.

"Tama na"

Bulong ko habang naka takip sa aking tenga. Naramdaman ko naman ang mabilis na yakap ni Dwayne sa akin na kanina pa tahimik sa tabi ko.

"Shut up! All of you!"

Nang gigil na pagalit na sigaw ni Dwayne habang nanlilisik ang mga mata nito, dahilan ng lahat sila ay biglang napa tigil at natahimik.

Ngayon lang namin nakita si Dwayne na galit kaya bigla kaming napa tiklop lahat.

"Ano bang mga problema ninyo, wala na ba kayong magawang matino? Bakit niyo lage pinipintasan si Alice na wala namang ginawang masama sa inyo! Common sense naman! Tao rin siya nasasaktan! Kung wala kayong awa dapat man lang ma kunsensya kayo!"

Sabi nito sa lahat habang naka tayo at hinarap ang mga tao.

Walang may balak magsalita lahat sila natameme sa mga sinabi ni Dwayne. Iyong iba napa iwas na lamang ng tingin at hindi matahan ang mga mata kakalipat ng tingin habang naka tingala sa kawalan. Na parang iniiwasan ang narinig nila, na sinabi ni Dwayne. Hinawakan ko naman ang kamay niya kaya napa lingon siya sa akin.

"Tama na Dwayne, ayos lang ako"

Mahinahon kong sabi para kumalma na siya. Napa singhap siya habang pinagmamasdan ako.

"Ako ang hindi okay Alice, habang naririnig ko ang mga panglalait nila tungkol sa'yo. Hindi ko ma attempt na hindi ka ipagtanggol. Hindi tulad ng iba d'yan!"

Baling nitong tingin kay Xian na parang ito ang pinapatamaan niya. Sinamaan lang naman siya ng tingin ni Xian.

"Tama na 'yan. Mga batang 'to— ano itutuloy pa ba natin ito?"

Awat ng tour guide sa amin ng mapansin na nag kakasakitan na kami ng salita rito. Akala niya siguro biro lang ang lahat ng panglalait sa akin ng mga kaklase at ka batchmate ko, kaya hindi niya na ito sinaway. Na realize niya ata na personalan na pala ito dahil may nagtanggol sa akin.

"Ma'am tuloy parin— No way! na hindi itutuloy dahil lang sa isang pangit na nag e-enarte!"

Mataray na sabi ni Karen habang naka pamiwang. Sumang ayon naman ang mga ka grupo niya.

"Oh siya! Wala na dapat mag away. Okay? Babalik na ako sa p'westo namin"

Sabi nito at bumalik na sa tent nila. May isang lugar na malapit, at doon ang mga tent ng mga tour guide. Tinignan ko si Dwayne at nagtagis ang panga niya sa inis ng mga taong nilalait ako. Huminga ako ng malalim 'tsaka ko hinila paupo si Dwayne sa tabi ko. Hindi naman siya umangal at umupo na lamang ng tahimik pero nando'n parin sa expression niya ang inis.

"Humanda talaga sila sa'kin"

Bulong nito. Kaya hinampas ko siya sa braso.

"Tama na kasi iyan"

Suway ko sa kan'ya.

"Ipag patuloy parin natin ang kay Alice pangit at Xian. Ano pangit, truth ba or dare?"

Mataray na sabi ni Karen, kaklase ko. Tatayo na sana si Dwayne ng pigilan ko siya at mahigpit kong niyakap ang kan'yang braso.

"Dare"

Desperado kong sagot. Bakit nga ba dare ang sagot ko? Dahil ayokong may magtanong sa akin about sa mga bagay na ayaw ko ng pag usapan. Nang marinig nila ito nagsimula na naman silang mag katyawan.

"Prince Xian, dare daw oh! Ano, anong ipapagawa mo sa kan'ya. Dapat iyong nakakahiya para masaya"

Sabi ng isang lalaki at siniko pa ang katabi pa niyang lalaki na parang excited ito sa ipapagawa sa'kin ni Xian. Napa tingin sa akin si Xian na parang malalim ang iniisip, hanggang sa tumayo ito sa kan'yang kinauupuan at pumunta sa gitna. Hindi ako makagalaw sa p'westo ko habang pinagmamasdan ang mukha niya. Iyong mata niyang nag r-reflect sa apoy. Napaka ganda, parang hinihigop ako nito, sa napakaamo niyang mga mata.

"Pumunta ka rito"

Malamig na busis na utos nito sa akin. Nag da-dalawang isip naman din ako; kung susundin ko ba siya o hindi. Sa huli, sumunod nalang ako para matapos na. Nasa tapat na niya ako at naka tingin sa mga mata niya. Muli na naman kaming magkaharap na dalawa, matapos namin mag usap ni Xian kanina. Napa buntong hininga siya na parang may sasabihin sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko dahilan ng ilang beses akong napa kurap ng mata habang naka tingin sa kamay ko na hawak niya. Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Xian.

Ano bang nasa isip niya? Akala ko ba, tutuldukan na niya ang kung anong meron sa aming dalawa? Bakit ganito hawak niya ang kamay ko?

Unti-unti siyang lumapit sa tenga ko at may ibinulong.

"I hate you Alice, I will not forgive you for what you have done"

Bulong nito sa akin na kinalungkot ko.

Alam ko naman iyon sa sarili ko— na kasalanan ko, kasalanan kong nagka hiwalay kami, kasalan ko kung bakit nawala na ang tiwala niya sa akin. Kasalanan ko kung bakit mag-isa akong nag desesyon at hindi man lang siya inisip.

Alam kong naging selfish ako pagdating kay Xian. Ako ang dahilan kaya nagkahiwalay kami.

Pero nabigla na lamang ako ng hinawakan ni Xian ang mukha ko sabay halik nito sa aking pisngi.

Natigilan ako at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan.

Pakiramdam ko biglang bumilis ang tibog ng puso ko at the same time nagtataka at nalilito kung bakit niya ako hinalikan sa pisngi.

Hindi ko namalayan na lumayo na pala sa akin si Xian at umalis na lamang sa pagtitipon namin dito sa camp fire.

Wala akong narinig na mga salita galing sa mga ka batchmate ko, dahil lahat sila ay nabigla sa ginawa ni Xian. Hindi sila maka pagsalita at natameme na lamang habang naka awang ang mga bibig nito.

Napa lingon ako kay Dwayne at napa poker face na lamang siya na naka tingin sa akin. Napa ngiwi nalang rin ako sa kan'ya at bumalik na sa upuan kung saan sa tabi niya.

"Bakit bigla ka nun hinalikan. Nahihibang na ba s'ya?"

Sabi nito sa akin. Nag kibit-balikat na lamang ako dahil kahit ako sa sarili ko, hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit ginawa niya sa'kin iyon.

×××

XIAN P.O.V

Napa mura na lamang ako sa isip ng matauhan ako sa ginawa ko.

Bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko? Bakit bigla ko nalang siyang hinalikan na wala sa pag-iisip.

No'ng nasa harapan ko si Alice, hindi ko mapigilan na 'wag tumibog ang puso ko para sa kan'ya. Sobrang mahal na mahal ko parin siya kahit galit na galit na ako sa ginawa niya. Kahit pinagtabuyan ko na siya; hinayaan na laitin siya ng iba, pero itong puso ko patuloy parin tumitibog para kay sa kan'ya. Hindi ko mapigilan, ano ba dapat; ang tamang gawin ko?

Kahit pigilan ko man, kusang gumagalaw ang katawan ko para kay Alice— na parang ang puso ko ang nagkukontrol sa katawan ko; na hindi alam nang isip at kamalayan ko.

Kinuyom ko ang kamay ko dahil sa pagpipigil ko ng emotion na nararamdaman ko ngayon.

Bakit hindi ko makontrol ang sarili ko? Kahit anong gawin ko napaghahalataan parin na mahal ko parin siya hanggang ngayon.

Hindi ko magawa ng maayos ang gusto ko. Ang plano ko sana pagsisihan ni Alice ang ginawa niyang desesyon. Kasi gusto ko may makuha siyang leksyon sa ginawa niyang kamalian. Kaso ayaw sumunod nitong puso ko.

"Alice"

Sambit ko sa pangalan niya habang frustrated nalang na hinila ang sariling buhok.

Pati tuloy ang utak ko ay ayaw na tigilan ang pag aalala kay Alice na kanina ko pa pinipigilan.

Próximo capítulo