webnovel

The One (tagalog)

Realista
Contínuo · 173.6K Modos de exibição
  • 28 Chs
    Conteúdo
  • Avaliações
  • NO.200+
    APOIO
Sinopse

Minsan sa buhay hinding hindi natin maiiwasang mahulog sa isang Tao na akala natin Siya na ang "The One".

Tags
5 tags
Chapter 1Kung saan lahat nagsimula

Paakyat na ako noon sa hagdanan papunta sa classroom namin.

Akala ko ako nanaman yung unang tao sa classroom, eh anong oras palang Kaya maghihintay nanaman ako ng matagal, ayaw ko pa manding pinaghihintay.

Binuksan ko ang pinto, nagulat nalang ako ng nakita kong may Mas nauna na Pala kaysa saakin, pagtingin ko si Gel-an lang pala,

isang magandang babae, medyo magkasingtangkad Lang kami, hindi Siya gaanong maputi pero bagay sakanya ang kulay niya, at syempre matalino.

Siya lang naman yung babaeng hinahangaan ko pa noong unang araw ng klase, Kaya bumibilis ang tibok ng Puso sa bawat hakbang papalapit sa aking upuan, eh magkatabi paman din kami.

Bigla ko nalang narinig ang salitang

"Goodmorning! , ang aga mo nanaman ah!"

galing sakanya, kayat Napa tingin ako at sasabihin ko Sana ang Goodmorning ng maayos pero,

ako na nagbibinata bigla nalang napiyok sa huling banda Kaya natawa nalang si Gel-an,

nahiya tuloy ako bigla pero debale na napangiti ko naman Siya, at ang makitang nakangiti Siya ay napangiti narin ako.

Umupo na ako sa aking upuan at medyo nahihiya pa sa nangyare,

'' grabe antahimik naman ng paligid"

Sinabi ko sa aking sarili at mayamaya ay napatingin ako Kay Gel-an,

na Para bang ang Mundo ay umiikot ng mabagal na may kasama pang background music na Tila bang parang sa isang palabas na Kung Saan Yung bida ay nahulog na sa kanya ng leading partner.

Nakita kong nagbabasa Siya ng wattpad at bigla niya akong nahuling nakatingin sakanya

"Bakit?... Madumi ba mukha ko?"

Tanong niya saakin sabay kinapa ang kanyang mukha,

"ah... Wala..."

"...Ang Ganda mo."

Pabulong kong sinabi,

"huh??... Ano Yun??"

Sabay tingin saakin.

"Ah wala wala..."

"Ang cute mo"

Pabulong ko ulit na sinabi,

"iiish... May sinasabi ka eh"

Sabi niya sabay lumapit saakin at kinukulit niya  ako para ulitin ko ang mga binulong ko sakanya.

Biglang pumasok ang president at ang vice president namin sabay nakita kami ni Gel-an na magkalapit sa isat Isa at nagkukulitan pa

"yiiieee... Kayo ah ang aga-aga,

Grabe linalanggam na kami dito"

Sabi ng vice pres namin

"yiiieee... Alam niyo bagay kayo"

Dagdag pa ng president namin

Napalayo kaming dalawa sa isat-isa at namumula ang mga pisngi namin at patuloy paring nangaasar ang vice pres at ang president namin.

Maya-Maya ay nagsidatingan ang iba pa naming kaklase at tumunog nanga ang school bell,

lahat kami ay bumaba na sa silid-aralan at pumunta sa gymnasium Para mag flag ceremony.

Você também pode gostar

The Birth of Dreams

Sa nakapupukaw ng puso na nobelang "The Birth of Dreams ," tatlong batang lalaki na pinangalanan na Jelo, Jaja, at Janjan ay nagsimula sa isang buhay na puno ng pakikipagsapalaran, mga hamon, at ang lakas ng kanilang di-matitinag na samahan. Isinilang sa parehong araw, ang kanilang natatanging mga talento at suportadong mga pamilya ang nag-anyo sa kanilang mga landas. Kasama ang kanilang mga kaibigang sina Mia, Ben, at Sofia, inilibot nila ang mga kagila-gilalas na bagay sa kanilang maliit na nayon, natuklasan ang mga nakatagong kayamanan, at hinaharap ang mga hadlang na sumusubok sa kanilang tapang at determinasyon. Habang sila ay lumalaki, hinaharap nila ang mga kumplikasyon ng paaralan, nilalabanan ang pag-aalinlangan sa sarili, at sinusundan ang kanilang mga pangarap. Ang artistikong pagsisikap ni Jelo, musikal na talento ni Jaja, at dedikasyon ni Janjan sa pangmatagalang pagsasaka ay nag-uugnay, na nagdala sa kanila sa paglikha ng isang malaking pista ng sining at musika na nagbibigay-inspirasyon sa kanilang komunidad. Sa pamamagitan ng kanilang mga pinagsamang karanasan, ang lakas ng pagkakaibigan ay nagliliwanag, nagtuturo sa mga mambabasa ng kahalagahan ng suporta, pagtibay ng loob, at ang kagandahan ng panghabambuhay na koneksyon. Ang "The Birth of Dreams " ay isang nakakaakit na kuwento na ipinagdiriwang ang mahika ng kabataan, ang lakas ng pagkakaibigan, at ang pag-abot sa mga pangarap.

wendz70 · Realista
Classificações insuficientes
23 Chs