webnovel

Prom Night

Araw na ng prom,

Natapos narin ang klase at Pumunta kami sa bakanteng room kung saan kami nagprapractice Para mag last practice. Natapos narin ang practice at umuwi na kami Para ihanda na namin ang aming mga sarili sa pinakahihintay naming Gabi.

Hinatid ko muna si Gel-an sa ka nilang bahay,

Gel-an : OH ingat ka sa pag-uwi, at baka madisgrasiya ka nanaman Jan hahaha

Ako: Hahaha opo, magiingat po ako

( sa to too lang di ako nagiingat hehe he)

Gel-an : segeh kita nalang tayo mamaya

Ako: geh, susunduin na kita mamaya

Gel-an : segeh, bye! Love you!!!

Ako: bye! Love you too!!

At umuwi narin ako Para magbihis,

Nakasuot ako ng putting pantalon, black shoes, white na blazer, blue na polo,white necktie, at may kulay  asul na rosas sa chest level na bulsa ng blazer ko, at syempre inayos ko narin ang aking buhok.

Hiniram ko ang sasakyan ng tatay ko at pumunta na ako sa bahay Nila Gel-an, Para siyay aking susunduin.

Nakarating narin ako sawakas sa bahay Nila Gel-an, kumatok ako sa pinto at pinagbuksan ako ng napakatangkad na lalake, maskuladong katawan at may napaka babang boses, ang tatay ni Gel-an,

Tatay ni Gel-an:

Oh, andito kana Pala iho... GEEEEL-AAAAAN!!!! ANDITO NA SI ROMEO MO!!, ingatan mo anak ko ha?

Ako: Hahaha opo

Tatay ni Gel-an:

Wait Lang ha.. Puntahan ko Lang si Juliet mo

Ako: Segeh po, salamat po

(Grabe Yung nginig ko nong pinagbuksan ako ng pinto ng tatay niya, parang Isa Lang akong daga at siya ay isang malaki at maskuladong Tigre... Tuloy sa kwento)

Naunang bumababa ang tatay ni Gel-an sa hagdanan at mayamyay dumating nanga si Gel-an,

Tila bang parang sa pilikula lang Yung eksena, Para bang bumagal Yung ikot ng Mundo habang bumababa si Gel-an sa hagdan, mga kumikislap na Kung ano-anong parang glitters. Nakablue na cocktail dress, puting de-takong na sandals,

( sorry diko Alam Kung anong tawag Doon eh hahaha.... peace mga binibini)

Napangiti nalang ako sakanya, eto Yung unang beses ko siyang makitang Naka-dress, Naka makeup, Naka ayos ang ka yang buhok sa ayos na diko pa nakikitang ginawa niya sa buhok niya.

Napatulala nalang ako at napanganga

Gel-an: Huuyy!.. Papasok na langaw sa bunganga mo hahaha

Ako: Ah.... Eh.... Hahaha ang Ganda mo kase...

Gel-an: Luh... Baliw! Hahaha ikaw rin ang pogi mo

Ako: Hahaha dinaman

Gel-an: Luh.. Oo Kaya!!... Lalo akong naiinlove sayo eh..

Ako: ako nga dapat magsabi niyan eh

Gel-an: hahahaha

Ako: hahahaha

"Nakatingin Lang Yung tatay at nanay ni Gel-an saaming dalawa"

Tatay ni Gel-an: Yieee!

Nanay ni Gelan: Yieee!!

Napatawa nalang kaming dalawa ni Gel-an,

Gel-an: ano? Tara?

Ako: Tara.

Pinagbuksan ko si Gel-an ng pinto ng sasakyan at pumunta narin ako sa manobela.

Tatay ni Gel-an: INGATAN MO ANAK KO HAAA??!!!

Gel-an: Tay naman!!

Ako: Opo sir!

(hahaha Napa sir talaga ako Doon)

Nanay ni Gel-an: Ingat kayong dalawa ha?!!

Ako at si Gel-an: Opo!

At pumunta nanga kami sa lugar Kung saan kami mag pro-prom.

Nagsimula na nga ang Cotillion Lahat kaming sumayaw ay nagtagumpay sa pagsasayaw, pagkatapos ng sayaw ay ang pagkain, at ang pagsayaw ng mga gusto mong isayaw, at ang last dance syempre last dance ko si Gel-an, mga kamay ko nasa kanyang mga bewang ang kamay niya ay nakapululot saaking balikat at sumasayaw kami sa isang mabagal na tugtugin.

Coronation na ng prom King at prom Queen, hindi kami ang itinanghal na King at Queen

Pero kami ay Itinanghal na Early Lad at Early Lady,

(kami kase Yung pinakamaagang Nakarating sa venue hahahaha... tuloy sa kwento)

Natapos narin ang pinakamasayang Gabi ng aming buhay,

Umuwi na kaming dalawa ni Gel-an, inihatid ko siya sa kanila, bago kami nakarating sa pintuhan Nila ay nagkatitigan kami ni Gel-an at,

Kaming dalawa ay Naghalikan Sa labi,

Ako: I Love You...

Gel-an: I love you too... "ngumiti"

Gel-an: ba-bye na.. Ingat ka.. Love you ulit

Ako: ba-bye...opo.. Love you too..

At pumasok na si Gel-an sa ka nilang bahay, at ako naman ay pumunta na sa sasakyan at parang tangang ngumingiti habang iniisip ang nangyare, at Umuwi narin ako.

(aaaat dun nanga nangyare ang first kiss ko... Grabe napapangiti parin ako sa tuwing naalala ko Yun)

Próximo capítulo