webnovel

Chapter 11: Decision

Pumatak na ang alas nuwebe ng gabi pero wala pang may tama sa kanila. Umiinom din naman ako pero hanggang tikim lang. Kinukuha kasi lagi ni Lance ang baso ko sa tuwing na sa akin na ang shots. Umiikot ang bote pero halatang nakakontrol ang lahat sa bawat nilagagay sa baso nila. Kahit pa nakahilera na ang walang laman na bote. Ubos na. Normal pa rin ang lahat. Tanging medyo may tama lang ay si Winly na talaga nga namang puno lagi ang baso kapag hawak na nya ang bote ng alak.

"Ikaw pre.." tumungga si Lance. Inagaw na naman ang baso ko. Di kaya malasing to?. Pero kung tignan ko naman sya at susumain kung may tama ba o wala. Parang wala namang nagbago sa normal nyang kilos. Tahimik at suplado pa rin. Lalo akong nagiging interesadong basahin sya, lalo ng malapitan.

"Hmm?." ani Lance kay Ryan na kasalukuyang nakatayo para kumuha pa ng pulutan sa may gilid. Nakasalang lang ito sa nagbabagang uling. Buti normal pa syang magluto. Parang ako kasi ang nalasing kahit halos lunok laway lang ang naiinom ko rito.

"Graduation mo na rin sa susunod na buwan. Saan mo balak magtrabaho?. Dito ba o dun din sa Australia?." maging ako ay gusto talagang itanong ito sa kanya. Laging laman to ng isipan ko. Nasa dulo rin ng dila ko sa tuwing nag-uusap kami bago matulog pero sa tuwing handa na akong sabihin ito sa kanya. Nauudlot. Laging may tawag sa phone nya about their school stuff tas andun na sya agad sa harap ng laptop nya at ipad. Laglag nalang ang balikat ko sa kagustuhang ihayag ang gusto ngunit di ko alam kung paano. "How about Joyce and Daniel?." nakagat ko ang labi sa inihabol pang tanong ni Ryan.

Umikot muli ang bote ng alak. Jack Daniels pa. Ikatatlong bote na yata ito o apat. Di ko napansin. Dumampot sya ng mangga at kinagat iyon. "About my plans after grad?. Pag-iisipan ko pa." si Lance ito na pinutol ng pagsingit ng Kuya nya.

"But some hospitals have offered you." Kuya Mark's carrying Daniel on his lap. Hinahayaan ang bata na laruin ang phone nya. "That's one good opportunity bro.." dagdag pa nya.

Tumango naman si Lance sa kapatid. "I know Kuya. It's just that.."

"You've changed your mind?. Why?." ang Kuya nya pa rin ito. Para bang. Di pa sila nakapag-usap ng sila lang. Na kailangan pang pag-usapan dito. I guess maging si Bamby ay walang ideya tungkol dito. Wala kasi sya rito. Sinundan ang mag-ama nyang pumasok ng bahay. Pinapatulog si Knoa.

"No. Nothing's changed about my decision. Naiisip ko lang din ang ibang possibilities if I can pursue my career here or still there. Mahirap kasing malayo sa pamilya. Lalo na at, may bata. I want to have my full attention not as full as I should but if I can. I want to be a good father to my son. Gusto ko ring bumawi sa asawa ko for the lost months and years I haven't seen them. Walang nagbago sa goal ko. Ang tanging nabago lang ay kung paano ko iyon aabutin while pursuing also my another dream."

"So, after grad then, uwi ka na rito?." his Kuya still not convinced about his plans. He's like testing if what his brother will answer.

"Nope. Di ba nga, nilalakad na ang papers nila for them to be with us there?. Kaya if they're with me in Australia. I'd grab their offer. Basta kung nasaan sila. Andun ako." Lance hold my hand under the table. Dinaig pa namin ang nagtatago sa mga mata ng mga tao. But no. Sadyang, nasanay na kaming pribado ang lahat ng sa amin. Mas masaya kasi kapag ganito. Nagiging kampante ako.

Di na muling nagtanong ang kapatid nya. Kaya ako naman ang bumulong sa kanya. "Talaga bang kahit nasaan kami, andun ka?." palabiro kong tanong. Kumunot ang noo nya nang lingunin ako.

"Of course. It's like now or never, Love.."

Love?. Ang cheesy naman. Kinilig tuloy ako.

Kumurap kurap ako para tignan sya ng mabuti ng mas mariin. Teasing him. Halos mamatay na akong nagpipigil ng halakhak dito. Sigurado ako. Mamaya. Patay ako sa kanya. Nakupo!.

"Sana all nalang talaga.." bigla ay sambit ni Aron sa di kalayuan. Sya ang kumuha ng tubig sa loob. Na narinig yata ang bulungan namin ng kaibigan nya. Eksaktong paglabas mo kasi ng bahay ay upuan na namin ni Lance. Pakiramdam ko tuloy. Kanina pa sya nakikinig sa amin.

"Anong sana all?. May dyowa ka naman diba?. Bakit kung makapagsalita ka dyan?." halata talaga sa mukha ni Lance ang pangsusutil sa kaibigan. Ang alam ko kasi. Kakabreak lang nila nung pinsan din ni Lance na si Veberly. I don't know exactly their story but I heard that they're not together anymore. Yun lang. Nothing more than that.

"Tsk.." matunog lang na singhal ni Aron bago nya kami nilagpasan at umupo sa kanyang upuan. "Kung alam mo lang.."

"Ano naman ang di ko alam?." Lance act like an idiot. Or he just act like this way para malaman kung ano nga bang nangyari sa dalawa. Mukha kasing malayo ang loob ng magpipinsan sa isa't isa kaya siguro curious din sya kung bakit humantong sa ganun ang lahat.

"I don't know if you knew because you're her cousins or nah but bro.. I can't handle her anymore.." dismayado ang kanyang mukha habang sinasabi ito. Hindi nagtanong si Lance kung bakit. Parang may ideya na rin sya kung anong tinutukoy ni Aron. "She's too stubborn.."

"But you already knew that bago mo pa sya ligawan?." si Kuya Mark naman ito. Ngayon lang din ito tumungga dahil bumaba na sa kandungan nya si Daniel. Tumakbo ang bata sa upuan ni Lance para dito naman magpakarga.

"Yeah..I can't deny that.."

"You're disappointed because you can't change her?." si Lance naman ito. Tinanggihan na ang paglalagay ng alak sa baso nya dahil buhat na nya ang anak.

Nakagat lang ni Aron ang labi saka tumungga ng tuloy tuloy. Sinuway sya ngayon ni Bryle. "Ano ka ba pre. Malay mo, hanapin ka ulit nung tao.." he said. Motivating him just to let him stop what he's doing. He's drinking terribly. No room for moderation.

"Hindi na yun mangyayari pare. Ayaw nya ng tulad ko na, sumusuway sa mga bagay na gusto nya."

"Hanggang saan mo ba sya sinuway?. Kuya nya nga. Di sya masuway.." si Lance pa rin ito. Lumabas ulit sina Bamby at Jaden. Nakaakbay si Jaden sa balikat ni Bamby. Nung umupo naman na ito. Sa likod lang nya si Jaden. Hawak ang magkabilang dulo ng inuupuan nito.

"For cheating.." napasinghap nalang si Lance sa narinig. "I can't blame her for this bro. She want something that I can afford to give her. Hindi ako tulad ng ibang lalaki. Oo. Gago ako pero di ako naturuang sumira ng dignidad ng ibang tao. Lalo na kapag mahal ko." dumaan ang sakit sa lalamunan ko ng ako'y lumunok. When I look at him now. Mahal nya nga si Veberly. But upon hearing what had happened?. Nasasayangan nalang ako. Sinayang nya ang taong to. Sya, kayang magsakripisyo para sa minamahal. Ang taong mahal naman nya. Hindi kayang magbago dahil sa pride nya. Alin ba sa dalawa ang tama?.

"Tama lang ang naging desisyon mo Aron." panimula ni Bamby. Nagulat ako dahil ang alam ko. Walang syang ideya tungkol rito. But I'm wrong. She's a keen observer. Lahat nababasa nya kahit wala syang kinalaman rito. Napatingin si Aron sa kanya. Maging ako. Pati ng mga Kuya nya. Ganun din si Jaden sa likod nya. Pati na rin ang lahat. "Hindi mo kailangang ipagpilitan ang sarili mo sa taong hindi kayang makita ang halaga mo. Let her do what she wants. Wala ka ng kasalanan dun. Atleast. You did your best to help her change but sorry for you, either for her that she can't see things through you. Masyado syang lulong sa pride nya. She can't stand without it."

"Pero, ang mahirap dun Bam. Mahal ko sya.."

"Yes.. I can see that. But the question is, did she even loved you?. Dahil kung mahal ka nya at lalong mahal mo sya. Walang puwang ang panloloko sa pagitan nyong dalawa. Kahit pa sabihin natin na may kailangan sya sa iba na di mo maibigay pa sa kanya. This cheating thing is not an excuse for her to justify her needs."

"We're not in her shoes for us to tell what she doesn't want to tell us lil sis." si Kuya Mark naman ito. Trying to see the other perspectives.

"Probably, you know her much Kuya. And, I didn't judge her. Nagsasalita lang ako base sa mga alam ko. Not because I am judging her wrong doings."

"Enough.. right or wrong.. it's still on you bro if what's wrong and right. Hindi kami ikaw para alam namin kung alin ba ang tama at mali sa desisyon mo." ani Lance na tumayo habang karga si Dan-dan na nilalaro ang buhok nya.

"Yeah.. walang tama at mali sa aming dalawa.. alam ko. may pagkakamali rin ako.. pagkukulang nalang. Sadyang, pareho lang siguro kaming napagod na sa isa't isa kaya pareho nang bumigay at nagdesisyon na maghiwalay." Aron even added that. Veberly is trying to change now but she doesn't know how. She's trying to convince him to be with her again pero di nya pa alam kung paano dahil gusto nya talagang magbago muna ito bago ang lahat. Pero ang tanong. Mababago ba ang bagay na nakasanayan na?. I guess, it's your choice. If you want to grow. No other way but to change. Iyon daw ang update sa kanya ng Kuya nya simula ng maghiwalay sila. So, I think. It's a good decision to let her go, for now. Para malaman nya kung ako ano nga ang pinupunto ni Aron. Sana nga makita nya iyon while she's on process of changing. Para mahalin sya ulit ng taong mahal sya.

Hay..tama nga sila. Mahirap manghusga. Mahirap. Mahusgahan. Mas mahirap magdesisyon lalo na kapag involve na ang mga taong mahal natin. Walang mali at tama na rito. And I would agree to that.

Próximo capítulo