webnovel

Chapter 30: His Brother

Paglabas ng simbahan. Natanaw ko ang bulto nya. Kumurap ako. Kinusot ang mata dahil baka nanaginip lang ako o namalik-mata. Kaso. Hinde. It's her. Lumaki ang bawat paghakbang ko. Lumakas rin ang tibok ng puso ko. Tumubo rin ang galit at sama ng loob ko nang makita kung sino ang kasama nya. Yes. Tama nga si Rozen. She's with Ryle and a girl. Na mukhang kasintahan nito.

"Kuya!.." I heard Bamby's voice out of nowhere. It's like I lost my sense of hearing.

Habang sila'y palayo ng palayo. Naglalakad. Here I am. Trying to reach where they're going.

"Joyce!." for my eagerness to see her once again. Maging ang boses ko ay di ko marinig dala ng nginig at kaba na sinasapawan ang lahat ng naiisip ko.

"Bro!.." someone grabbed my shoulder. I look at him. Blankly. Angry. Lahat ng pagpupuyos ng damdamin ko't galit ay sya ang sumalo. "Calm down.. hey?." Kuya pinched harder my shoulder for me to wake up from my dream and escape from that fiery hell.

Naikuyom ko nalang ang palad sa gilid. "Kuya, si Joyce yun?."

He just nodded shortly. "I know.. and she's with Ryle.." ang akala kong ako lang ang nakapansin sa kanila. Sila rin pala. Especially him. "And, I want you to calm the inner you..I know him, lil bro.." pertaining to her brother. Sinabi pa nyang isa ito sa mga underground kickboxer. At isa sa tinitingala ng iba na may alam sa kickboxing.

"But.. please Kuya.. last na to.." kulang nalang lumuhod ako sa harapan nya para payagan ako na habulin sila.

Matagal nya akong tinitigan. Then lastly. Tinapik nya ang balikat ko saka ginulo ang buhok ko na alam nyang ayaw na ayaw kong magalaw pa. That means. I can go, now.

Halos madapa ako sa paghabol sa likuran nila.

"Joyce.." I almost lost my voice nang ilang ulit pa akong sumigaw para lang lumingon sya.

Sa pang lima kong banggit ng kanyang pangalan. Hiningal pa muna ako't nakayuko para makakuha ng hangin.

"Damn you!." sinalubong ako ng malakas na suntok sa panga. Kasabay nito ay ang malakas na tili ng isang babae. Uppercut dude! Napaatras ako't muntikan nang matumba kundi lang ang taong sumalo sakin sa likuran.

Sinubukan kong tumayo pero nahilo ako. May dugo na sa labi ko. Putok agad!.

"Ryle!!.." isang malakas na naman na tili ang narinig ko. Pasugod na naman sana sya upang bigyan ako ng suntok sa mukha ngunit humarang na si Kuya.

"Anong problema, Ryle Chivas?." his broad deep voice got clearer. Kita ko kung paano ito umatras ng ilang hakbang palayo sa amin. Jaden stand beside Kuya too. Also, Aron. Bale tatlo na sila. Bamby and Knoa are both beside me. Holding me. Stopping me from doing something.

Tumayo sya nang mataas ang tingin. Halos nakatingala na. Namaywang muna sya. Pinisil ang ilong. Hinimas ang baba. Parang ang daming gustong sabihin pero di alam kung paano o saan magsisimula. "Yan!. Yang kapatid mong yan Mark Eugenio. Pagsabihan mo nga.." galit talaga nyang saad. Dinuro pa nga ako sa likod nila Kuya. I just swallow my pride. But my anger?. Is on it's exploding level.

"Anong sasabihin ko?." preskong asik ni Kuya sa kanya. On jerk mode ha. "Sa pagkakaalam ko. Wala namang ginagawang masama ang kapatid ko.. sa kapatid mo, Ryle." namaywang pa sya. Sobrang kalmado. Bagay na, hindi ko rin gusto. Nakakatakot kasi ang ganyang mga tao. You'll never know what runs on their mind.

"Anong wala?!. Sinasaktan nya ang kapatid ko. Pinaglalaruan ang feelings nito.." hinila nya si Joyce sa gilid nya't dinala sa kanyang likuran. Sya na ngayon ay nakayuko. Habang ako'y halos lumuwa ang mga mata ko. Makita ko lang ang mukha nya. Damn it!.

"Sa tingin mo rin ba, hindi nasasaktan ang kapatid ko sa ginagawa mo?." Hindi sya nakasagot. Kuya continues. "He did his very best just to make her happy.. is willing to sacrifice his all just to make her whole again.. but you?. You.." tinuro nya din ito. "Pinili mong sirain ang bagay na walang sira.. who do you think you are huh?."

"Hindi mo kami maiintindihan Mark. Babae ang kapatid ko.."

Matunog ang naging pagngisi ni Kuya. Maging ng iba pa naming kasama.

"May kapatid din naman kaming babae.. pero di rin kami umabot sa bagay na ginagawa mo ngayon Ryle." someone aggreed at the back. "Maliit na bagay. Pinapalaki mo. Para ano ha?."

Ginaya nya rin si Kuya. Lumaki ang kanyang ngisi.

"Para maghiwalay sila." buo ang loob nyang sambitin ito. "Dahil alam mo Mark?. Kahit kailan. Hindi ko gusto yang kapatid mo sa kapatid ko."

Napalunok ako. Nang sobra. Now he's confessing. Like he's caught in action. Yumuko si Kuya. May nilaro sa paa saka sumipa habang nakapamulsa. "Natanong mo rin ba minsan ang sarili mo kung gusto rin ba ng kapatid mo ang ginagawa mo sa kanya ngayon?." sa baba pa rin nakatingin si Kuya kaya di nito alam kung gaano naapektuhan ang kausap nya. "Dahil ako?. Sino naman ako para makialam sa desisyon nya hindi ba?. I'm his older brother. Their eldest pero kahit kailan hindi ko sinapawan ang gusto nila. Instead. You being his brother. Ang kailangan nya lang sayo ay ang suporta mo. Not your prohibition na ikaw lang ata ang nakikinabang.."

"Stop talking. Hindi ikaw ako para pagsabihan sa ginagawa ko.." hinila na sya ni Joyce. Trying to stop him. Pati ang babaeng kasama nila ay bumulong na sa kanya. Hinihila na rin sya paalis.

"Bakit nga ba ha?. O baka naman, ginagawa mo lang ito para makaganti sa kapatid ko?. For what?. For calling him once, from stealing your girl na binasted ka na ng sobrang tagal?."

And now. There's no turning back. Ito rin ang alam kong pinakarason kung bakit galit na galit sya sakin without making anything wrong. Honestly. Hindi naman ako ang may kasalanan noon. It's the girl. She seduced me. Sa bar. So, I have no control of that. That's why. It end up. Punching. Kicking. Throwing curses. Umabot pa nga na may guns and sharp objects na sa pagitan namin. At tanging si Kuya lang ang nakakaalam na may nangyaring ganun sa akin. Even my little sister didn't know anything about this. Kaya nya ako kinurot sa tagiliran ngayon. "Sinungaling.." and she ended up calling me that way.

Natigilan sya. As in. In shock. "Ang nakaraan ay matagal nang tapos Ryle. Move on. We're on the 20th century now. Kung pride mo ang natapakan noon. Why lift it up today?."

"Tumahimik ka na.."

"Bakit ako mananahimik?. Marami pa akong gustong sabihin eh.."

"Tumahimik ka na!." sigaw nya na halos sugurin na nya si Kuya. Pero di man lang nagpakita ng takot ang Kuya namin. Imbes humakbang pa ito palapit sa kanya.

"Kung gusto mong di marinig ang boses ko rito." tinapik nya pa ito sa balikat. Tatlong beses pa ata. Saka parang bubulong pero dinig din naman naming lahat. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga bystander dito. "Subukan mo rin sigurong wag nang magsalita pa sa pagitan ng dalawa, hmm?. The better way. Deal?."

Mabilis nyang tinanggal ang kamay ni Kuya saka lumayo ng ilang pulgada. Hinila nya ang dalawa na nyang kasama. "Kung akala mong okay na ang lahat.." he look at me. Sa mata. "Nagkakamali ka Lance. Still. Hindi mo pa rin makukuha ang kapatid ko." anya saka kumaripas na ng lakad takbo palayo.

I guess. it's a good thing na nabuksan ang topic na iyon sa pagitan namin. Thanks to Kuya. he really knows how to play dirty to someone else who is already a dirty player. Ganunpaman. Hindi man lang nito napagaan ang loob ko. Kahit narinig na ni Joyce ang lahat. Parang ganun pa rin ang desisyon nya. Ang sundin ang kapatid nya't hayaan nalang ako. Ang sakit isipin. Masakit sa part ko.

I'm slowly losing hopes here.

Wala na bang pangakong natira?.

Próximo capítulo