webnovel

Chapter 31: Come what may

Pinalibutan nila ako after that. Kahit ano pang sabihin nila. Hindi ito pumapasok sa isip ko. Isa lang ang focus nito. Ang makausap kahit saglit lang ang taong mahal ko.

"Nakikinjg ka ba, Lance?." si Dennis ito. Sya ang nasa gitna. Kaharap ko minsan. Kung saan. Binibigyan nila ako lahat ng advice. Kung ano nang gagawin.

"Ah.. yeah.." malamya ko lang na sambit dahil wala talaga sa kanila ang atensyon ko. Still. My head is full of her.

Then, here's Bryle. Blocking my view. "Hindi ka nakikinig eh." anya pa. Intentionally blocking where my eyes were.

Nakamot ko ang ulo. Yumuko saka lumunok. Magsinungaling man ako sa kanila. Sabihin ko man na nakikinig talaga ako. They knew already. Alam nilang, kahit saang banda. Gusto ko pa rin syang makausap.

"Lil bro.. kung gusto ka nyang kausapin. Kanina nya pa sana ginawa. Kaso hindi diba?. You know that. Don't try to chase a person lalo na kung sinusubukan talaga nitong lumayo sa'yo. Mapapagod ka lang.." Kuya is right. Di ko naman tinatanggihan ang punto nya.

But, I just want to clear things out. Bago magsara ang lahat. Gusto kong malinawan man lang. Kung may dapat pa ba akong asahan pa o wala na ngang talaga. Iyon lang. Pagkatapos nito. Anuman ang sabihin nya. Come what may.

"Gusto ko lang linawin ang lahat Kuya. Promise you. Last na to." di ko alam na may side pala akong ganito. Nagmamakaawa sa atensyon ng iba. Grr!. I hate doing this. But damn it! For the sake of love. For her?. I can do it all!.

"Pero sinasaktan mo lalo ang sarili mo sa ginagawa mo?." giit pa ni Kuya. Now he's standing in front of me. Ang iba'y naglakad palayo. Naupo sa isang stall kung saan andun ang bunso naming kapatid, kasama ng asawa at anak nya. They wave at me. Smiling. Eating.

"I can endure this bro.. just trust me.." sagot ko nalang dahil totoo naman na, "Kaya ko pa. Kakayanin. Hanggat wala pang hangganan ang lahat."

"What if the end is near?. Kakayanin mo ba?." di ko I expect ang tanong nyang ito. Matagal at maingat akong tumango.

Wala na syang nagawa kundi hayaan ako sa desisyon ko. Anuman ang magiging resulta nito. Kailangan tanggapin ko. Ginusto ko. Kaya dapat lang na kayanin ko.

Hindi na sya nagsalita pa. Basta inakay na nya ako patungong gawi ng lahat ng aming kasama. Habang tinatapik ang likod.

But the next thing is so unexpected.

Napatigil ako sa paglalakad. She came back. Bumalik sya. Mag-isa.

I don't know what her reason is, but I feel like I'm floating around. Di ko maramdaman ang mga paa kong nakatapak sa sapatos at semento rito.

"Can we talk?." she asked. Of course. Without any doubts. Pumayag ako. Humakbang sya. Palayo muli sa kinauupuan nila Kuya. I look at them. Lalo na sa mga kapatid ko. They both nodded at me. With a smile on their faces. Ganun din si Jaden at Knoa. Pati na ang lahat.

"Sumigaw ka lang bro pag anong gawin sa'yo ha?." natatawa pang ani Aron.

"Magtigil ka nga!. Baliw!." asik ni Winly sa kanya.

"Bakit ba?. Para biro lang eh.." humaba din ang nguso ni Aron. Hanggang sa nagbangayan na sila.

Itinaas ko nalang ang kanang kamay bilang paalam ko sa kanila bago tuluyang pumunta sa may puno kung saan na sya nakaupo. I suddenly feel hard to swallow.

"Hindi ko alam na may nakaraan pala kayo ng Kuya ko.." di na rin ako nagulat pa sa sinabi nya. Lumunok lang ako. Saka umupo sa tabi nya na may ilang pulgada ang layo. This doesn't mean. I don't want to sit beside her. No!. This is my way to respect her. Mahal ko man sya. I still have this full of respect towards her kahit pa ano ang mangyari.

"Kaya pala ganun nalang ang galit nya sa'yo?."

"Hindi ko iyon ginusto. Unexpected. And, it's way back a long year ago. Matagal nang wala sakin iyon. It's just your brother who didn't know how to accept defeat." diretso kong saad. Para saan pa ang pag-alinlangan hindi ba?. Kung katapusan man ito?. Atleast. Nasabi ko ang lahat ng gusto ko.

"Kuya is like that." she whispered. Nang tingnan ko ang side view nya. Sa malayo na sya nakatingin. "Ako nalang ang hihingi ng sorry for all the things that he did to you.."

"I don't need his apologies anymore Joyce. All I want is him to be able to accept things that he can't even control with. Us?."

Dito nya lang ako tinapunan ng tingin. Saka ko lang din nakitang muli ang kabuuan ng kanyang mukha. She looks stress. And weary. Damn baby!

"Napag-isip isip ko, Lance.."

'What' is hanging on my lips when she continues her dialogue. "Tapusin na natin ang lahat sa atin.."

Tapusin na natin ang lahat sa atin. . .

Tapusin na natin ang lahat sa atin. . .

Tapusin na natin ang lahat sa atin. . .

Nagpaulit-ulit ito sa pandinig ko hanggat di ko na naririnig ang busina ng mga motorsiklo sa paligid. Bumilis din ang kabog ng dibdib ko. Na pakiramdam ko ay gusto ko ng manuntok ng kung sino.

Nanginig ang tuhod. Kahit ganito. Pinilit kong tumayo. Sa harapan nya. "Iyan ba talaga ang gusto mo?." muntik ko ng hindi matapos sabihin ito sapagkat pinangungunahan na ng galit at sakit ang loob ko.

Di sya gumalaw. Imbes. Yumuko lang sya't dahan-dahan ang ginawa nyang pagtango! Bagay na ikipunit ng pinong-pino at dahan dahan ang puso ko. Shit! Fuck! Bakit ang sakit?!. Bakit ang sakit sakit naman?!.

"I'm tired of all Lance. Pagod na ako sa pamilya ko. Pagod na ako sa sarili ko.."

"Pagod ka na rin ba sa akin?." hindi ko na hinintay pa na marinig ito mula sa kanya. Mahirap man sambitin. Sinubukan ko pa rin para di na sya mahirapan pa.

Hindi sya tumango o kahit ang umumgol man lang. "Damn it Joyce! Wala ka bang tiwala sa salitang meron tayo?. Ang tayo nalang?. Hindi ka ba naniniwala sa akin ha?."

"Please, Lance. Let me go.." napanganga ako. Literal na laglag ang panga ko. And now. She's begging me... to, let her go.

Dammmnnnnn it!.

Kingwang buhay to!...

Lance, buhay ka pa ba pagkatapos nito?.

Próximo capítulo