Napagpasyahan ng lahat na maghanap muna ng SUV for rent. Wala pang limang minuto. Nakahanap na si Aron. "Kasya ba tayong lahat?." binilang nya kami. Labin-isa kami. "Kasya nga. Tara na?."
"Saan tayo?." si Karen. Hawak ang phone. Katawag ata ang Daddy nyang pulis.
"Simala Church muna tayo.." napalingon ako kay Winly. Kumindat ito sakin kasabay ng isang ngiti na mabilis dumaan. "Ang alam ko kasi. Nasabi sakin dati pa ni Joyce na isa sa wishlist nya ang makarating duon." napalunok ako. So, may pag-asa ngang makikita namin sya duon. Syempre. Not a hundred percent. Kaya, wag masyadong umasa Lance! "Hula ko lang naman. Not sure ha. Baka mamaya.. sisihin nyo pa ako.." mabilis din nyang paliwanag.
"Let's go!. Gusto ko ding pumunta dun.." magiliw nang tumayo si Bamby buhat ang anak.
"But guys.. bawal ata pumasok duon ang nakashorts.. sleeveless shirt.." si Bryle ito na kasalukuyan atang binabasa ang patungo roon. "May dala ba kayong disenteng damit?." dagdag pa nya. Tinignan nya kami isa-isa.
Ako?. May isa akong pants na dala at polo na navy blue. Okay na din siguro iyon. Ewan ko lang sa iba.
"Ano?." histerikal na sambit ng kapatid ko. It means. Wala syang matinong damit?. Anong klase ng damit ba ang dala nya?. Hay.. tong batang to, oo!.
Nagkagulo sila. Until they ended up buying nalang daw para lahat ay makapasok sa loob ng simbahan.
Almost two hours din ang binyahe namin papunta. Inantok na ang lahat. May humihilik pa pero ako?. Nauna na ang isip ko sa pupuntahan naming lugar. Hindi ako mapakali. Kung pwede lang sigurong magpatangay nalang sa hangin. Gagawin ko na, ngayon mismo. Pero syempre. Napaka-imposible iyon.
At heto si Aron na imbes makatulong sana sakin para mabawasan ng bahagya ang laman ng isio ko. Wala. Tinulugan pa ako.
To my desperation. Sinubukan kong muli na tawagan ang numero nya. Now. It's ringing. Ang lamig ng sasakyan ay naging biglang kulang sakin. Pinawisan pa nga ako. Na ultimo kili-kili ko. Nangati na.
Ang pag-asang namatay ay tumubong muli.
"Lance?." hindi pa man ako nakakapagsalita. Nabitin na sa ere ang labi ko when I heard her voice. Nanginig ako't biglang nataranta. "Go back to Antipolo.. you're not safe here."
"Joyce.." nabasag ang boses ko ng tawagin ko sya. I feel like it's been a decade when I didn't utter her name. "You. you're not safe.. it's not me . don't worry about me baby.. I am deeply worry about you.. I miss you.." dinig ko ang pagsinghap nya. Teka. Umiiyak ba sya?. "Sabihin mo lang sakin kung nasaan ka mahal ko. Kahit saang sulok pa ito ng mundo. Pupuntahan ko. Maging buo lang ulit tayo.."
"No.. don't do that Lance.." she's crying now. Damn it!.,
Sige na please. Nasaan ka ba talaga?.
"No... gagawin ko ang lahat.."
"Tapos na tayo diba?." this remarks of her made me freeze. "Wag mo nang sayangin pa ang panahon at oras mo sakin."
I'm damn speechless.
"Hindi ko kayang makitang saktan ka ni Kuya Ryle."
"I can handle anything. Basta... please lang... wag mo naman akong iwan nalang.." I close my eyes dahil puno na ito ng luha.
"Sorry Lance. This is for our sake. Wag mong isipin na may mali.. I'm just thinking about us.. I'm doing this to protect us.." instead of spitting out the words I have in my mind. I just can't. Kusang nawalan ng lakas ang dulo ng dila ko upang makapagsalita.
"Isn't it, the right way to protect us is to stay together?. Not your way of leaving me this way.."
"Lance, this is the best way.. can you trust me?."
Napailing ako sa naging tanong nya?. "I can't Joyce.. please. Don't do this.." I'm begging on my knees.
"Bye Lance. Take care of yourself, okay?." may halong nginig sa kanyang boses.
"Paano ko aalagaan ang sarili ko, kung wala ka na?." dito na nya pinatay ang tawag. My heart... breaks.. into... pieces.
I cried a river again. Nagising ko pa yata sila dahil itong Aron ay dinungaw pa ako mula sa baba. Worried plastered on his face. He didn't say any word to comfort me. Instead. He pat my back. Many times.
Ang dating maingay na mga labi nila tuwing bagong gising ay napalitan ng pananahimik.
"Hindi ko alam kung saang banda ako nagkulang.." kausap ko ang sarili rito. They remain calm as they should. Sabagay. Di ko rin kailangan ng mga payo nila ngayon. All I need is their presence. Yun lang. "Pakiramdam ko. Wala akong kwentang asawa.." isang malutong na mura ang sumama sa biglang malakas na hangin.
Wala raw mali. Wala palang mali. Bakit hindi nya kayang ipaglaban na walang mali?. Bakit ganun nalang sya pumayag na hayaan silang makita kaming nahihirapan ng ganito?. Bakit ganun nalang kadali sa kanya ang sabihing ito ay proteksyon namin at hindi kung ano lang?. Hindi ko maintindihan! Kailan kahit. Kahit anong anggulo. O kahit bali-baliktarin ko pa ang sinabi nya. Hindi ko pa rin maintindihan ang rason nya. Nila ng kanyang pamilya.
"Tito Daddy, let's go.." duon ko lang napagtanto na mahabang oras na pala kaming nakaupo sa labas ng simbahan. Nakabihis na ang lahat. Handa nang bumisita sa loob. Knoa held my hand. Wanting me to start a walk. "Gutom na po kasi ako. Mommy told me na di po muna tayo kakain."
Napalingon ako sa gawi ng kanyang mga magulang. His Mother and Father just shrugs their shoulders. Kumurap ako. Kahit yata kita na ng bata ang mugto kong mga mata. Hindi pa rin ito magtatanong tungkol rito. Hay... gusto ko tuloy bumalik sa pagiging bata. Napaka-inosente nya.
Lumuhod ang isa kong tuhod para pumantay sa kanya. Hinawakan ko ang maliit nyang palad. "Let's eat na then." kahit anong gawin kong itago ang pagkabasag ng boses ko. Wala rin. Basag na pala at di na ito magiging buo pa.
"Pumasok na muna tayo sa loob Kuya. Tutal andito na rin lang tayo." singit ni Bamby. Tinanguan ko na sya without saying anything. Binuhat ko rin si Knoa na nag-uumpisa nang dumaldal. Dito na rin sila nag-ingay. Ulit. Lalo na itong si Winly na kung makaturo ng mga lalaking natitipuan nya?. Kabaliwan!.
Mabuti nalang andito din sila. Nababawasan ang bigat ng dibdib ko.
After this. Ano nang next sa buhay ko?.