webnovel

Chapter 28: Fast forward

Araw. Dumaan ang mga araw na talaga nga namang hindi ko na inisip pa ang iba. Hindi sa makasarili pero minsan, kailangan rin natin. Nagpatuloy ako sa pag-aaral. Sunog ang kilay kong ginugol ang oras dito. Ni hindi ko na magawang lumabas kasama sina Karen at Winly. Call me boring. Oo na. E ano naman. Gusto ko din naman ang ganitong buhay. School at bahay.

Linggo na ang dumaan. Hindi ko pa rin binalak bisitahin ang social media accounts ko. I want to live privately. And really wanted it this way. Hindi din sa pagiging anti social. Sabihin nalang natin na nasa linya ako ng mga introverts. That's the shortest term for it.

Kamakailan. Buwan na ang nagdaan. Dagsaan ang projects, assignments at exams. Laging puyat din. Kulang sa pagkain. Kung hindi pa ako nilalapitan lagi ni Denise para ibulong na oras na para kumain ng meryenda o hapunan ay nakakaligtaan ko na. Kakaaral ko nga. Naging Dean's lister ako. Sobrang saya ko naabot ang yugtong ito. Para bang pangarap na natupad, isang kindat lang. Possible pala ang ganun. Focus lang pala ang sahog kung gusto mong maabot ang isang bagay. Oo. Sa una. Mahirap magfocus pero kung lagi mong iisipin ang dahilan mo, magagawa mo talaga. Just like me. Es!

Sa mga buwan. Marami din ang nangyari. Nag-umpisa ng business sina Mama. Nasa Australia na rin si Kuya Ryle. Sa isang kumpanya doon. Di ko nga lang inalam na ang pangalan. Si Kuya Rozen ay may kasintahan na rin. Di naman na bago ang balitang magkaroon sya ng kasintahan subalit parang bago iyon sa pandinig ko ngayon. Si Denise naman ay abala na sa pagiging isang part time commercial model. Diba?. Sa loob lang ng iilang buwan, maraming nagbago. Nagkaroon ng mga pagtitipon ang aking mga kaibigan subalit hindi ako sumisipot kahit imbitado. Hindi sa ayaw ko. May mga oras lang na may mas importante na sa mga ganuong bagay.

Hanggang sa taon na ang mabilis na lumipas. Ang balita ko, umuwi na ang mga Eugenio kasama si Jaden. Pareho na rin silang may hawak ng titulong, Arkitekto at Enhinyero. At ang mas nakakaexcite pa ay may anak na sila. Hindi rin daw naging madali ang naging takbo ng buhay nila abroad. Iyon ang minsang tsismis sakin ni Karen. Ang speaking of. Masaya na rin si Karen sa kanyang buhay ngayon. Roller coaster rin ang buhay nya kasama ang kanyang kabiyak. Si Winly ay nagtatrabaho na rin sa isang resto bar. At minsan, pinipilit nya akong isama duon at makipagkwentuhan sa kanila ni Karen.

At kung ako ang tatanungin nyo. Isa na rin akong nurse. Masasabi kong hindi naging madali ang pagkuha ko ng sarili kong titulo. Puyat, pagod at sakripisyo ang ginugol ko rito. Kinailangan kong magpart time job noon para lang makaipon ng sariling pera. May binibigay naman sila. Para sa akin. Iba pa rin kasi pag ang ginagamit mo ay ang pinaghirapan mo ring pera.

At doon ko minsan nakita sina Bamby at Lance ng sila'y minsang nakauwi.

"Hi." hindi magaan. Hindi rin mabigat. Masyadong malamig itong binigkas ni Lance ng kami'y magkaharap. Kung hindi pa binasag ni Bamby ang yelong iyon, baka nanigas na kami't nanginig nalang bigla.

Iyon ang una at huli naming pagkikita ni Lance pagkatapos ng aming hiwalayan.

Ramdam ko ang lamig. Sobrang lamig ng pakikitungo ni Lance. I know. I deserve that. Pero bakit sa tunog mo ay nagrereklamo ka Joyce?. My high ego self has talk.

Ngumuso lang ako sa naisip. Wala akong sinabing nagrereklamo ako hello. Ang sabi ko, sobrang cold nya nang magkita kami. Maaaring sa pag-uwi nilang ulit ay higit pa sa doon ang trato nya sakin.

"Gurl naman. Pumunta ka na. Inaasahan ka eh." pilit pa rin sakin ni Winly. Eto sya sa may lobby ng ospital na pinapasukan ko. Tyempo namang break ko kaya nakakausap ko sya ng ganito. Matagal.

"Inaasahan ba talaga ako?. Nakakahiya Win." giit ko pa. Feeling ko kasi hindi na ako fit sa grupo nila.

"Tsk!. Ayan ka na naman sa hiya mo eh. Pumayag ka na." hinila nya ako't unti unting niyugyog, para mayugyog daw utak ko't pumayag na. Baliw din minsan to!

"Saan ba kasi punta natin?." tanong ko. Nagpupumilit eh. Kilala ko pa naman sya. Hindi titigil hanggat di ka nya napapayag.

"Batanes nga gurl."

"Batanes?!." sa gulat ko'y pinanlakihan ko sya ng mata.

Tumango muna sya bago inulit ang sinabi ko na may tunog sarkasmo. "Batanes gurl. Ba-ta-nes. Baka di mo pa alam kung saan yun ha?." ngiwi nya. Nauubusan na ng pasensya sakin. Lihim akong natawa. Ang liit nga naman ng pasensya ng taong to. Dinaig pa ako.

"Grabe ka naman. Matamong lang eh."

"Eh sa puro ka tanong. Wala kang binibigay na matinong sagot sa tanong ko. Kairita!."

"Ahahahaha.." halakhak ko.

"At may gana pa syang natawa?. Kakaiba talaga!.." iiling iling pa nito sabe habang ang isang kilay ay nakataas, nakatingin din sakin.

"Bakit?. Masama bang tumawa ha?." tanong ko. Sinusutil sya. At hayun. Tumayo sya sa kinauupuan nya't pinamaywangan ako.

"Oo, kapag ganitong seryoso ako. Hindi ako nagbibiro babae. Sasam ka ba o hinde?. Sagot!."

"Hahahah.. sa lagay mong yan ay para namang nananakot ka. E kung ayoko?."

"Hihilain kita."

"E paano kung may makakapitan ako?."

"Magtatawag ako." naasar na ang mukha nya. Tapos bigla ay hindi sya nagsalita. Tinitigan ako ng masama. Nagsalubong ang kilay nya't binagsak ng sabay ang kanyang mga paa. "Ano ba kasi?. Sumama ka na please. Gusto kong pumasyal ng Batanes eh."

"Ahahahaha."

"Alam mo namang dream destination ko yun tapos aayaw ka pa. Ang astig mo talaga." nakanguso nyang himig. Malungkot ang mukha nyang humalukipkip.

"Wala naman akong sinabing ayoko ah. ahahahaha."

Natigilan sya't natahimik. Mabilis nito akong hinawakan sa magkabilang braso. "Sasama ka na?." he asked curiously. Tinanguan ko sya ng may ngiti sa labi. "Sasama ka na talaga?." inulit pa talaga. Tsk! Ang kulit!

"Oo na nga! Ang kulit mo rin e noh?."

"Oh my gosh! Yehey! Thanks gurl.." niyakap nya ako ng mahigpit ay nagpasalamat.

Ang sabi nya pa. Sa huwebes na daw ang byahe namin. Mabuti nalang eksaktong, off ko ng araw na iyon.

"Ilang araw na tayo dun?."

"Linggo ng hapon ang balik natin."

"Hindi sabado?." birthday kasi ni Ali sa sabado. Hindi pwedeng wala ako.

"Linggo nga. Ikaw ang makulit satin hindi ako." irap nya.

Martes palang pero pinagpapawisan na ako sa kung anong idadala. Oo. Alam kong island iyon. Sadyang, ito kasi ang unang byahe ko kung sakali. Ang sabi ko nga. School, bahay at simbahan lang ako. Nothing more. Nothing less this past few years. Ganun kaboring sa iba ang buhay ko tulad kay Winly. Kinakabahan tuloy ako.

Ano kayang mangyayari sa Batanes?.

Excited ako na natatakot.

Sana masaya!

Sana.

Próximo capítulo