webnovel

Chapter 29: Speechless

"Pa, alis po ako bukas." gabi na ng magpaalam ako dito. Tinabihan ko sya sa kanyang upuan habang hinihimas nito ang alagang aso ni Denise na si Jusby.

"Ha?. Sinong kasama mo?. At saan?."

"Si Winly at Karen po." di ko man narinig na pupunta ito ay iyon naman ang ikinumpirma ni Winly sa akin. Na sasama sila at ng kanyang asawa.

"Hmmm... good for you. Para makapag-unwind ka naman."

"Linggo na po ang balik ko."

"It's okay. Nakapagpaalam ka ba sa boss nyo?."

"Yes po. At nagsick leave po muna ako ng ilang araw pa kaya kahit magtagal pa kami ng isang linggo doon ayos lang po."

"Teka." anya. Naintriga. "Saan ba punta nyo?."

"Batanes po." halos magdalawang-isip pa ako kung sasabihn ko ba o hinde. Pero huli na ng sambitin ko ito. Ano pa't maglilihim ako diba?. Masyado na ako akong matanda para pagbawalang lumabas mag-isa. Si Denise nga eh. Nakapunta na ng abroad kahit sya lang. Ako pa kaya?.

Matagal. Mukhang pinroseso nya muna sa kanyang isip ang lugar kung saan kami pupunta. "Doon talaga kayo pupunta?." kalaunan. Nagtanong ito. Di pa rin makapaniwala.

"Yes po. Dream destination po kasi iyon ni Winly at ginoogle ko pa sya kanina. Ang ganda pala doon. Naexcite ako bigla." may kung ano sa akin ang nagbibigay sigla sa tuwing naiisip ko na sasakay ako ng ibang sasakyan at halos, kung pwede lang ay mahawakan na ang mga ulap. Wag nyo akong husgahan. Di ako ignorante. Sadyang, excited lang ako sa tanang buhay ko.

"Kung ganun. Go for it. Wag ka ng magdalawang-isip pa. Magandang lugar ang Batanes. Minsan na akong nakapunta doon at umaasa akong makababalik muli after so many years."

"Talaga po?. Anong ginawa nyo dun?." nacurious ako. Di ko alam na napuntahan na nya pala iyon.

"Kagaya mo. Nag-unwind din. Hindi ka magsasawang tignan ang mga tanawin doon. Kung pwede nga lang noon ay doon na ako manirhan kaso lang. Hindi pwede. Haha."

"Haha.. bakif naman hindi pwede Pa?."

"Dahil buntis noon ang Mama mo at kayo ang mga batang iyon. Hahah." muli. Nagulat ako sa ikiniwento nya. Ang dagdag pa nya. Doon din daw galing ang pagkaing pinaglihi nya sa amin. Mahi-Mahi daw ang pangalan. I was too curious at hinanap ko nga ito sa internet. It's a typical dried fish. Kaya pala. Doon ko nasagot ang sariling katanungan na, kaya pala ako mahilig kadalasan sa isdang prito. Lalo na sa boneless na bangus.

Natulog ako pagkatapos kong nag-empake. Winly called me at 3 in the morning. "What?." hindi hello ang kadalasang bati ko sa mga tumatawag kapag ganitong bagong gising. Bakit ba?. Istorbo eh.

"Anong what?." Hoy gising na!. Tong babaeng to!.." halos mabingi ako ng sigawan nya ako. Tuloy, kahit halos magkadikit pa ang mga talukap ng mata ko, iminulat ko na ito. No choice! Kainis! Ke aga mambulabog!

"Bat ba ang ingay mo?. Alas tres palang Win." paalala ko dito. I heard his so annoying sigh.

"Wag mong sabihin na hindi ka pa nakaligo?. Naku naku! Ikaw! Kukutusan kita mamaya. 4 am ang flight natin gurl. Baka nakalimot ka bigla. Take note, traffic. Hmp?."

Hindi ko na pinatapos pa ang iilan pa nitong reklamo sakin dahil kingwa! Tama nga sya. Nakalimutan ko ang oras ng flight namin. Kinse o wala pa sa sampu ako naligo. Mabuti nalang at dati ko ng inilabas ang mga damit na gagamitin ko ngayon sa pagbyahe. Mabilis kong isinuot ang Faded jeans at kulay plain black tees. Kinuha at isinuot ko din ang sunflower na necklace na paborito ko ngayong gamitin. Tapos isang pares na ng plain white shoes ang basta ko nalang isinuot. Hindi ko na pinagkaabalahang lagyan ng kung ano ano pa ang mukha ko dahil wala naman akong ibang inilalagay dito kundi polbo at kaunting lip tint lang sa labi. Muntik pa akong matalisod ng akma kong hihilahin ang maleta at maliit na sling bag. Kingwa! Ganun ba ako kalate para kamuntikan nang masubsob?. Hay Joyce! Relax nga!

Nang bisitahin ko orasan. Trenta minuto ang mabilis na lumipas. Nanlamig ako na baka iwan na nila ako dahil sa kabgalan ko. As I am thinking negatively. Heto na sila't bumusina na sa labas.

"May sundo ka?." Nasa baba na si Papa. Nagkakape sa may terasa. Si Mama naman, nasa kusina. Nagluluto na ng almusal.

"Meron po." sagot ko nalang dahil iyon ang sabi ng bakla sakin kahapon. Nagmamadali na rin akong humalik sa kanila bago nagpaalam. Lumabas ako ng gate kasama aula Papa. Hinatid pa ako sa mismong sasakyan.

"Good morning po tito, tita." bati nina Karen at Winly sa kanila.

"Good morning beautiful. Ingat kayo ha." ani Mama. Nginitian ako. Sama lumapit sakin at may iniabot na envelop.

"Opp tita. Salamat."

"Enjoy ladies." si Papa rin ang sumunod.

"We will po. Thanks tito." ani Karen.

Ako na ang nagpaalam para sa amin. Masyado na kasing mahaba ang usapan at baka mahuli na kami.

Inagaw pa ng bakla yung envelop at sya ang nagbukas. Umawang ang labi ko ng pera ang laman nun. Eksaktong sampung libo siguro.

"Ay iba na talaga ang favoritism. May sampung libo lang naman. Pakape ka mamaya ha. hehe." anya lang tapos iniabot na ang pera sa akin. Sa mismong pintuan kami tatlong nakaupo. Si Kian ay nasa unahan, katabi ang driver na sa pagkakaalam ko ay tauhan nito. Iyon ang iba. May sariling driver. Tsk!

"Yes. Hello?. Hmm.. Oo. Malapit na kami. Dinaanan lang namin tong si Joyce na nakalimutan lang naman na may flight tayo ngayon." halos masamid ako sa pagtawa ng sisihin ako nitong katabi ko. Dinig kong si Bryle ata kausap nya. O baka hinde. Ewan. Ayokong magtanong. Baka barahin nya lang ako.

Sa sobrang daldal ni Winly, di na namin namalayan ang pagtakbo ng sasakyan. Agad kaming nakarating ng airport. Halos sampung minutos lang ang takbo namin. Ang bilis. Di ko napigilang, humanga.

At sa entrance palang ng airport. Kita ko na ang kumpulan ng mga kaibigan. Maingay sila, kagaya pa rin ng dati. Naunang bumaba ang dalawa at huli lang ako. Ewan ko kung bakit nung ako'y papalapit na sa kanila ay natahimik sila. Tulala na para bang nakakita na isang taong hindi inaasahan.

"Oh my goodness! Joyce!!." malayo palang dinig ko na ang pamilyar na tinig na iyon. Sa may linya. Duon sya nakatayo. Kumakaway na sa akin. It's her. My long lost brest friend. Bamby!.

Tumakbo ito paalis sa kanyang linya at sinalubong ako ng yakap. "O my gosh! I miss you." teary eyed. She murmurs this.

"I miss you too, Bamblebie.." natawa sya sa ibinansag ko sa kanya. Kasunod na nuon ay ang pagbati na rin ng karamihan. Sa hula ko'y mga nasa bilang kami ng bente. Ang dami.

Itinuloy ng lahat ang kamustahan sa loob ng airport at maging sa himpapawid. Syempre naging bida ang Winly na alam lahat ang kwento ng nasa loob ng eroplano. He even announced it na bawal ang kill joy at gawing maging masaya raw ang trip na to. Ang pinakaayaw ko lang. Special mention ako lagi nito. Kainis! Para bang may gustong syang iparating pero di ko mawari kung ano.

One hour and fifty minutes ang eksaktong oras ng flight. At sa paglapag ng eroplano sa runway. Laglag ang panga ko sa ganda nito. Ang kulay ng dagat Pasipiko?. Wow!. Nakakamangha ang kinang at linis nito.

"Ang ganda." bulong ko sa sarili.

"Welcome to Home of the Winds. Batanes." umikot pa ang bakla't dinama ang masarap at malamig na hangin ng dagat. So refreshing!

Natawa ang iilan sa kanya't nakisama sa kalokohan nya. "Tara na." yaya ng lahat sa kanya. Kunwaring iiwan na. Tumakbo ito at pilit isiniksik ang sarili sa isang van. Tatlo ang nakaparada at puno na ang dalawa. Sa huling van ako sumakay kaya duon na rin sya sumiksik kahit di pa naman puno.

"Anong ginagawa mo rito babae?." he teased. Abnormal talaga! Nagtanong pa eh sya kaya humila sakin papuntang Batanes. Tsk!

"Puno na yung dalawang van at eto nalang ang hinde kaya dito na ako pumasok."

"Talaga?." mapang-asar pa nitong himig.

"Talagang-talaga." hamon ko. Little didn't know. May tao pala sa likod ng upuan. Kakabangon nya lang galing sa pagkakahiga at humikab pa. I wonder who. I didn't bother to know who that man is. Si Winly ay bigla akong pinalipat sa gitna dahil gusto nya raw sa tabi ng bintana. Humihikab din akong lumipat.

"Good morning." bigla ay nagsalita si Poro sa may harapan. Si Bryan naman ay may kausap sa telepono sa kanyang tabi ko. Pinagigitnaan njla ako ni Winly. At ang tao lang sa likod ay yung humihikab sa ngayon. May kung ano sakin nag gustong tignan ang taong iyon. Na para bang, importante syang tao t kailangan kong malaman kung sino.

Walang sumagot kay Poro. Huli na ng madinig ko ang malalim na boses na iyon. "Hmm.. Morning bro."

I, I don't know what to say! Is he?. O gosh!

I'm damn speechless!

Próximo capítulo