[Lliane]
Someone...
Opens door...
Crime doers...
Guilty...
BLUSH BLUSH BLUSH...
"Ah... —nakita niyo ba si Emia?..."
Tanong sa amin ni Elliot matapos niyang pumasok sa library.
Lagot!? Nakita niya kaya kami ni Lindoln na—... ano—... yung parang sweet sa isa't isa,... medyo?...
"Ano yung nakita mo—?"
Naputo ako sa pagsasalita ng bigla akong akbayan ni Lindoln at hilahin palapit sa kanya.
Hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon at ng tignan ko ang mga mata niya eh seryoso siyang nakatingin kay Elliot.
[Lindoln]
Nahalata kong hindi malaman ni Lliane ang gagawin niya ng makita kami ni Elliot sa sweet moments namin habang pinapasa niya sa akin ang mga libro na inilalagay ko naman sa bookshelf.
Hinila ko siya palapit sa akin ng akbayan ko siya bago pa niya matapos ang isang maling salita na lalabas sa bibig niya.
Haha... siguradong naka 100 points ako sa kanya ngayon...
"Ahm... ok. Gets ko na... so,... bumalik na ba dito si Emia?..." sabi ni Elliot na mukhang naintindihan ang ginawa ko.
"Hindi pa, wala pa nga rin si Sylvan,... nagkawalaan ba kayong tatlo?..." tanong ko.
"Hindi naman... hahanapin ko na lang muna sila..."
"Sige ingat..."
Nag wave pa ako ng kaliwang kamay ko kay Elliot bago siya tumalikod at umalis...
Pagtingin ko kay Lliane eh nakatingin na siya sa akin ng masama.
"Bakit?..."
"Hmm... wag na nga... (change topic) tawagan ko kaya kung nasaan na si Emia..."
[Lliane]
Hindi ko alam kung merong pinag usapan sila Lindoln at Elliot at mukhang marunong silang gumamit pareho ng telepathy...
Hmm...
Mag ta-type na sana ako sa cellphone ko ng pigilan ni Lindoln ang kamay ko—
Blushed on...
—hindi ko tuloy napigilan ang mamula at tumingin sa kanya...
"Bakit?..." tanong ko.
"Wag na, baka makaistorbo ka lang..."
"Bakit naman?..."
"Hindi mo pa rin ba nahahalata?... Siguradong magkasama sila ni Sylvan ngayon..."
Sabi ni Lindoln na mukhang may ini-expect na mangyari sa dalawa.
----------
[Emia] Garbage
"Sa wakas natapon na rin natin ito..." Sabi ko habang nasa likod ko banda si Sylvan.
"Bakit naman tuwang tuwa ka sa pagtatapon ng basura..." tanong ni Sylvan.
(note: Lindoln loves protecting the environment as said on Chapter one)
"First time ko kasing gawin ito... kasi,... alam mo na... sa totoo lang marami pa akong gustong gawin—"
Nahiya ako pagkasabi ko nun at marealize ang kasunod kong sasabihin...
"Sana nandoon ako habang ginagawa mo ang mga iyon..."
BLUSH ME, BLUSH HIM, BLUSH
Napatingin ako kay Sylvan ng marinig ko ang mga sinabi niya at parang medyo namumula ang mga mukha niya...
Pag tingin niya eh ngumiti siya sa akin kaya naman hindi ko napigilan na bawiin ang tingin ko sa kanya.
HEARTBEAT HEARTBEAT HEARTBEAT
Namalayan ko na lang na gawin ko ang habit ko na pag crisscross ng mga thumb ko na madalas kong gawin kapag nahihiya ako.
"Uhm?... Ano... ah... ikaw?... Anong kinakatuwa mo sa pagtatapon ng basura?... Isa pa,... madalas na kitang nakikita na ngumingiti..."
Tumingin ako sa kanya matapos ko iyong sabihin para makita ko ang reaksiyon niya pero bago pa ako tuluyang makatingin sa kanya eh nakalapit na pala siya sa akin at hinawakan ako sa ulo(Pat) gamit ang kanang niyang kamay at sa pagkakataong iyon ay nagawa kong maitaas ang ulo ko para makita ko ang mukha niya.
"Hindi mo pa rin ba alam kung bakit?..." diretsong sabi ni Sylvan sa mga mata ko.
FREEZING...
TOTALLY RED...
MELTING...
HEART BEATING FASTER A MILLION TIMES...
What is this feeling?... What am I expecting?...
Hahalikan ba niya ako?...
Hindi ko sigurado kung tama ang interpretasyon ko sa aking nakikita pero sigurado ako na pababa ang mukha ni Sylvan sa akin at hindi ko maintindihan kung bakit ko ipinikit ang aking mga mata...
SILENCE...
...
CELLPHONE RINGS! ! ! !
Agad akong napadilat ng marinig ko ang tunog ng cellphone ko at hindi ko na nakita ang reaksiyon sa mukha ni Sylvan dahil nakatalikod na siya pagdilat ko.
"Hello?..."
"Nasaan ka?..." tanong ni Elliot mula sa kabilang linya.
"Ah, ano... uhm..."
Tumingin ako kay Sylvan bago ko tinuloy ang pagsagot ko kay Elliot at hinihintay ko kung anong gagawin niya.
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?... Bakit parang natatakot ako na ma mis-understand niya ang relasyon ko kay Elliot...
Nakapamulsa ang dalawa niyang kamay ng lumingon siya sa akin at para bang hinihintay niya kung anong sasabihin ko...
"Hello?… Emia?..."
"Ah!?... Pabalik na kami dun sa library..."
Matapos kong sabihin iyon ay tumalikod na ulit si Sylvan at nagsimulang maglakad kaya naman nagpaalam na ako kay Elliot sa phone at naglakad pahabol kay Sylvan.
----
Naglalakad na kami ng sabay ni Sylvan pero wala pa rin sa amin ang nagsasalita.
Nakapamulsa pa rin ang dalawa niyang kamay hahang nakatingin siya sa may bandang kaliwa sa taas at ako naman ay magkahawak ang kamay at nakatingin sa baba sa kanan ko...
Hindi ko pa rin alam kung sino ang unang magsasalita sa aming dalawa pero sa wakas ay nagkalakas ako ng loob at tumingin sa kanya yun nga lang eh nag aalangan ako ng tumingin si Sylvan sa akin.
"Si Elliot yung tumawag sa akin kanina... hehehe... (awkward)"
"Um." sagot ni Sylvan.
"Mukhang nakabalik na ata siya sa library... hehe..."
"Um."
"Wag mo sanang bigyan ng ibang kahulugan kung bakit ako may number sa kanya,... wala kaming relasyon... he... hehehe(awkward)"
"Ok."
Seriously a very awkward moment...
Naging mas lalong awkward para sa akin ang nararamdaman ko... bakit kasi kailangang patapos lahat ng sagot niya sa akin?... Hindi ko na nga malaman kung anong sasabihin ko eh...
Ang empty talaga niya...
Siguro mali lang talaga ako ng pagkakainterpret sa nangyari kanina... siguro may dumi lang sa mukha ko kanina na gusto niyang tanggalin o kaya baka naman may insektong nakadapo sa akin kanina...
Pero,... wala naman sa ugali niya na bigyan ako ng attensyon... nakakainis! Ano ba itong mga iniisip ko...
Hindi mawala sa isipan ko yung nangyari kanina...
Narating namin ang library ng wala na sa aming dalawa ang nagsasalita at ng buksan ko ang pinto at makita ako ni Lliane eh agad siyang masayang nagtatakbo sa akin at hinawakan ang kamay ko sabay hila sa akin palabas...
"Teka lang saan ba tayo pupunta?..."
"Basta. Iwanan mo muna dito si Sylvan..."
"Huh!???" nagulat ako dahil parang may ibang kahulugan ang pagkasabi niya ng Sylvan.
"Ah Sylvan... paki ayos mo na lang muna yung naiwanan ko pang ligpitin, please?... Saka Lindoln,... may nakalimutan pa pala kaming kunin na mga libro sa ibabang floor lang... patulong naman kami ni Emia oh?..." sabi ni Lliane.
"Teka Lliane... kagagaling ko lang sa pagtatapon ng basura ah... bababa na naman ako?..." mabilis kong angal kay Lliane kaya lang nakita kong bigla ang evil grin niya...
"So?... Sinasabi mo bang gusto mong manatili dito kasama si Sylvan?..."
Medyo namula ako sa sinabing iyon ni Lliane at napansin kong nakatingin sa amin si Sylvan ng tumingin ako sa direksyon niya...
"Ayos lang naman kung gusto mong magpaiwan—"
"Hindi, sasama ako..." putol ko kay Lliane.
"Sabi ko na nga ba at sasabihin mo iyan eh... tara na..."
Sigh... feeling ko tuloy eh sunod sunuran ako dito eh...
"Goodluck Sylvan,... ayusin mo ah..."
Sabi ni Lindoln kay Sylvan bago kami makalabas ng pintuan.
Mabilis kaming nakarating na tatlo sa kasunod na palapag sa ibaba at kinuha sa isang classroom na nandoon ang mga libro na ipinapakuha sa amin ng aming teacher para dalhin sa library.
Paakyat na kami ng hagdan at ng nasa may kabilang palapag na kami ay napansin namin si Elliot na nakatayo doon sa harap ng nakabukas na pinto at nakatingin lang sa loob at ilang segundo rin na nakatayo lang bago siya tuluyang pumasok.
----------
[Library] Sylvan
Natapos ko ng ayusin ang mga kalat na naiwan kanina nila Lliane at ngayon ay nakaupo ako sa isang upuan kung saan ay nakapangalumbaba ang kanang kong kamay at nakatingin sa labas ng bintana.
Tumingin ako sa may pintuan ng bumukas iyon at dahil nakatapat ang pwesto ko sa may pinto ay kitang kita ko kung sino ang nagbukas nun.
Napansin kong tumayo lang dun si Elliot at nakatingin lang sa akin ng diretso.
Binalewala ko ang tingin niya at tumayo na at inayos ang upuan at habang ginagawa ko iyon ay pumasok na rin si Elliot at saka lumapit sa akin.
"Sylvan."
Tumayo ako ng diretso at humarap sa kanya na ngayon ay nasa may harapan ko na rin.
----
[Outside] Emia
Nakarating na kami sa may library ng pigilan ako ni Lliane na pumasok.
"Saglit lang Emia,... mamaya na tayo pumasok..."
Nagtaka ako kay Lliane dahil pabulong siya kung magsalita sa akin at sinesenyasan ako na hinaan lang ang boses.
"Bakit naman?..." bulong ko.
"Basta..."
Hindi ko maunawaan ang ginagawa ni Lliane pero bigla na lang niyang binuksan ng konti at dahan dahan ang pintuan ng library at saka kami niyaya ni Lindoln na sumilip.
"Bakit ba natin ito ginagawa?..."
"Basta,... gusto ko lang malaman kung tama ang hinala ko..." sabi ni Lliane.
"Sigh... basta wala akong alam dito pag nahuli tayo ah..." sabi ni Lindoln bago sumilip din.
----
[Sylvan] Inside
Naghihintay ako sa sasabihin ni Elliot matapos niya akong tawagin pero hindi naman siya nagsasalita... nauubos lang ang oras kondito...
"Ano bang gusto mong sabihin sa akin?..."
"Wala ka namang gusto kay Emia, hindi ba?... Kaya pwede bang layuan mo na siya,.... at kung maaari eh wag mo na siyang lapitan..."
----
[Outside] Emia
Nagulat ako sa narinig ko mula kay Elliot... ako pala ang topic nila...
Hindi ko alam kung bakit ako nanginig bigla at parang nagdadalawang isip ako kung gusto ko bang marinig ang isasagot ni Sylvan...
Hinawakan ko bigla ang door knob ng pinto kaya lang pinigilan ni Lindoln ang kamay ko...
Parang nababasa ko sa tingin ni Lindoln na nagsasabing "huwag muna Emia..."
Pero mukhang iba ang inaalala ni Lindoln...
Hindi ko alam kung sino ang inaalala niya pero alam kong wala sa aming dalawa ni Lliane iyon.
"Emia please lang... magtiwala ka..."
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni Lindoln sa sinabi niya kaya naman nagpasya na lang ako na makinig na lang ulit muna.