webnovel

Chapter 26

[Elliot]

"Wala ka namang gusto kay Emia, hindi ba?... Kaya pwede bang layuan mo na siya,.... at kung maaari eh wag mo na siyang lapitan..."

Seryoso ako sa mga sinasabi ko ngayon at gusto kong magpakatotoo din ngayon si Sylvan pero...

Hindi ko mabasa ang expressyon niya...

Oo, alam kong pinakikinggan niya ang lahat ng sinasabi ko ngayon at naiintindihan niya ang gusto kong ipabatid sa kanya pero parang may ibang tumatakbo sa isip niya...

Naguguluhan ba siya o meron na siyang sagot?...

"Sylvan,... lalayuan mo na ba siya?..."

Matapos kong itanung iyon ay huminto muna siya sandali at huminga ng malalim bago siya nagsalita.

"Alam mo Elliot,... kung pwede ko nga lang sanang gawin iyon eh matagal ko na siyang nilayuan..."

GLASS FALLEN...

BROKEN REFLECTION OF EMIA...

BROKEN...

[Lliane]

Alam ko, pareho kaming na shocked ni Lindoln pero alam ko rin na—

Tumingin ako kay Emia na nasa gilid ko lang din at nakikinig...

—alam ko rin na ang babaing ito ang mas nasaktan ng husto sa sinabi ni Sylvan...

Kung ganun, kung pwede lang pala eh ayaw niyang makita si Emia...

Hindi ko alam na ganun pala niya hindi ka gustong makita si Emia...

Nagkamali ako,... akala ko...

[Elliot]

"Bakit hindi mo pa sabihin ang totoo..."

"Ano bang gusto mong sabihin ko?..." tanong ni Sylvan.

"Ang dahilan mo kung bakit hindi mo sinabi kay Emia na nabibilang ka din sa First class family..."

"Wala naman akong nililihim sa kanya."

"Talaga?... Eh hindi ba gusto mong isipin niya na may malaking gap ang status ng buhay niyo kaya hindi mo sinabi sa kanya ng diretso..."

BROKEN...

BROKEN...

BROKEN...

[Lliane]

REVELATION AFTER REAVELATION

Sa totoo lang eh yun din ang naisip ko kung bakit hindi pwedeng mag workout kung sakaling magkaroon man ng something sa kanilang dalawa pero kapag nakikita ko kung paano mag isip si Emia na wala lang sa kanya kung ano man ang status ng buhay mo eh naniwala ako na baka nga pwede...

Pero bakit ngayon na biglang nawala na ang gap na iyon eh bakit hindi ko makuhang matuwa at parang mas naging kumplikado pa ang lahat...

[Sylvan]

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinasabi ni Elliot o hahanga dahil sa kakaiba niyang pag analyze sa mga ginagawa ko...

"Hindi ko nilihim ang bagay na iyon sa kahit na kanino... isa pa eh sa pagkaka alam ko ay alam na iyon ng buong school... isang bagay pa,... maaari bang tapusin na natin ang usapan na ito...

"Kung ganun, sabihin mo sa akin kung may gusto ka ba kay Emia..." usisa ni Elliot.

TOTAL SILENCE

[Emia]

BLANK...

DARKNESS...

EMPTINESS...

Pakiramdam ko eh biglang dumilim lahat ng nasa paligid ko...

May naririnig akong mahina-hinang pag uusap pero ayaw rumihistro ng mga salita sa utak ko...

Is this is how you feel when your hopes and dreams started to fall?...

When you wish for something but you can't co'z your words were crumbling or when your thoughts were beginning to fade on those skies that turns to dark...

And as your eyes tell how you feel because you can't open your mouth co'z your tongue lost it letters...

[Lindoln]

We; I and Lliane find ourselves looking at that tears silently falling on the eyes of Emia after she stop listening and stand far away from the door...

thus we desided to stop what we are doing.

Anong ginagawa mo Sylvan?... Bakit ba palagi ka na lang gumagamit ng mga salitang may iba pang ibig sabihin...

Ano bang sinasabi mo na kung pwede mo lang layuan si Emia eh ginawa mo na?... Pwede mo namang sabihin na hindi mo na kayang layuan si Emia...

Akala ko magsasabi ka na ng diretso kapag may nakaharap ka ng katulad ni Elliot na sasabihin sa iyong balak niyang kunin si Emia sayo...

[Sylvan]

"Sigh... sa bandang huli pa rin talaga, ang unang magsabi sa magkaribal ang siyang matatalo..."

"Anong ibig mong sabihin?..." tanong ni Elliot.

"Wala, isa pa hindi ko naman obligasyon na magsabi sayo kung anong nararamdaman ko..."

"Ikaw!??..."

"Malay mo, gusto lang kitang pagtripan kasi naiinis ako sa kadaldalan mo..."

Hindi ko na hinintay ang kasunod na sasabihin ni Elliot at umupo akong muli ng natural sa inupuan ko kanina.

Hindi na nagsalita pa si Elliot at tinignan lang ako sa pag upo.

Alam kong naiinis na siya dahil hindi niya makuha sa akin ang sagot na gusto niyang marinig... ang sagot na sa isang tao ko lang pwedeng sabihin...

[Lliane]

Hindi nagsalita si Emia ng humiwalay siya sa pinto kung saan ay nakikinig kami.

"Tama na to..."

Sabi ni Emia na pilit na ngumiti sa amin ni Lindoln pero alam namin pareho na kanina pa siya lumuluha...

Kahit naman ngayon ay lumuluha pa rin ang mga mata niya...

"Sorry Emia,... kasalanan ko to..."

"(umiiling) Hindi... may pumasok lang sa mata ko kaya ako nagkakaganito..."

"Emia?..."

Halata ko na pinipilit lang ni Emia na ngumiti dahil ayaw niya na mag alala ako kaya naman kahit na gusto na ring lumuha ng mga mata ko ay pinigilan ko pa rin na umiyak...

[Elliot]

Nagdeside ako na lumabas ng library pero nabigla ako matapos kong makalabas at isarado ang pintuan ng library ay nakita ko sina Emia na nasa may gilid lang.

Nakita ko pa ng ilayo ni Emia ang tingin niya bago pa magtama ang mga mata namin pero nakuha pa rin ng mga mata ko na mapansin ang mga mata niya na may bahid ng luha...

Sigh...

Kung ganun pala ito ang sagot mo sa akin Emia...

[Lindol]

HEARTBROKEN...

REALIZATION...

DEFEAT...

COMPLETELY LOST...

Yun ang mga bagay na nararamdaman ngayon ni Elliot matapos na ilayo ni Emia ang tingin niya dito...

Kitang kita ko ang eksena na iyon dahil nasa gilid lang nila ako at nadagdagan pa ang negatibong damdamin na nararamdaman ngayon ni Elliot ng yakapin ni Lliane si Emia...

Oo,... alam ko... ginawa na ni Lliane ang obligasyon niya kaya ako naman ang dapat na kumilos para sa naiwan kong responsibilidad...

Kung sabagay ay may kontribusyon din naman ako kung bakit ito humantong sa ganito...

----------

[Inside the Library] Sylvan

Hindi pa rin nawawala ang panginginig ng katawan ko magmula pa kanina...

Natural lang ang kilos?...

Nakakatawa naman ako...

Kahit pa anong gawin ko at kumilos lang ng natural eh sa bandang huli eh alam ko pa rin na may pinagtatakpan lang ako...

Hindi totoong kumikilos ako ng natural dahil wala akong nararamdaman... ayoko lang talagang malaman nila ang damdamin ko...

Kelan ba ako mawawalan ng control at mag i-snap na lang?...

Ang sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin ng hindi iniisip kung may masasaktan ba ako...

I am fully aware of how I act and the consequences of what I am doing...

Being able to tell what I trully feel at every moment and accepting it; is what I am being aware of...

Sigh... mahirap talagang kontrolin ang sarili kapag diniretso ka ng isang tao at hindi lang basta tungkol sa isang topic kundi sa isang subject mismo na napaka personal...

Alam kong hindi ako lumalaban ng harap harapan kaya lang kung sa pag ibig ang usapan eh hindi ako naniniwala na kailangan ng "Man to Man"...

Relationships are desided by both the guy and the girl and not by both guys fighting on whoever is the best...

that is why I believe that rivals doesn't exist on relationships because...

Love is Mutual...

Tumayo ako sa inuupuan ko at nagdeside na sundan sila Lindoln sa baba kaya lang pagbukas ko ng pintuan—

Próximo capítulo