webnovel

Chapter 3

" wala akong tiwala sayo... "

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag at inilahad sa kanya...

" ilagay mo dito ang number mo, malay ko ba kung male-late ka ulit, mabuti na yung may contact ako sayo... "

" hindi na kailangan pa niyan,... "

Ungas siya!!!! Iniwan ba naman ako basta basta... Mabilis akong naglakad at nilampasan siya ng mabilis ng maabutan ko siya.

----

[ Sylvan ]

Pangalawang beses ko ng nakikita ang babaeng iyon,... Kahapon at ngayon... May pakiramdam ako na magkikita pa kami ulit.

**********

[ Emia ]

Nakarating na ako sa room at papasok pa lang ang professor kong babae kaya mabilid na akong umupo sa bakanteng upuan.

" Sylvan, Maupo ka na at magsisimula na ako... "

Ano!?... Dito rin ang second class niya?...

Nakita kong palapit siya sa may direksyon ko kaya inilagay ko ang bag ko sa may bakanteng upuan sa tabi ko pero doon pa rin talaga siya huminto.

Nakatayo lang siya dun at nakatingin sa may bag ko na parang hinihintay na alisin ko iyon doon... Ano siya!?... Ayoko nga siyang makatabi!...

" may problema ba Sylvan?... Bakit hindi ka pa maupo? "

Matapos iyong tanungin ng prof namin ay tumingin siya sa direksyon ko at parang itinuturo ng mga mata niya ang bag ko at sinasabing alidin ko iyon... Ayoko ngang tanggalin!!!!

Matapos kong tumingin sa ibng direksyon ay napansin kong tumingin siya sa prof namin at mukha pa yatang isusumbong ako ng loko... Badtrip!... Napilitan tuloy ako na tanggalin ang bag ko...

Hmp!... Nakakainis talaga!... Paano kaya ako makakaisa sa lalaking ito!?...

****

[ 3rd class ] Lindoln to Sylvan

" balak mo atang sundan ang ginawa ni Nina ah?... Buong linggo siyang suspended dahil sa mga kalokohan niya, hindi mo ba siya pagsasabihan?... "

" buhay niya naman yun... "

" ano ka ba,... Sayo lang naman siya nakikinig eh... "

" ok sige,... Kapag nagkita kami... "

**********

[ Emia ] hallway

" nakakainis talaga! Akalain mo bang kaklase ko pa rin siya sa second subject ko... "

" wag mo na kasi siyang pansinin,... Ay!? hindi nga pala pwede kasi sabi mo eh may pinapagawa sa inyo ang prof niyo... "

" bakit kasi kailangang pang makipag cooperate ako sa taong iyon eh- "

Napahinto ako ng sinasabi ng mapansin ko ang kakaibang awra ng babaeng dumaan sa gilid ko.

Gothic ang style ng pananamit ng babae at naka-eyeliner siya.

Hindi ko maintindihan ang kakaibang nararamdaman ko sa kanya... It was the same feeling that i felt when Sylvan told me to never again come after him...

" sino siya Lliane?... "

" si Nina!???... Naku wag mo ng subukang lapitan siya,... Ang balita eh palaging napapaaway ang isang iyon sa mga lalaki... "

" Nina??? Hmm?... Alam mo Lliane,... May iba akong nararamdaman sa kanya... "

" talaga!???... Ang lakas pala ng women's intuition mo... Madali lang naman sabihin kung ano yang nataramdaman mo eh... "

" alam mo??? Ano naman?... "

" yan ang tinatawag na ' kilalanin mo muna ang karibal mo sa pag ibig ' o tawagin nating LOVE RIVALRY... "

" karibal sa pag ibig??? Hindi mo pa rin talaga yan inaalis sa isip mo no?... "

" grabe ah,... Alam mo kagad kung sino anv tinutukoy ko ah... Defensive... Pero alam mo, sa lahat ng babae dito sa school eh si Nina lang ang nakikita kong nakaka-kausap dun kay Sylvan. Maraming tsismis noon na kaya raw hindi nakakalapit kay Sylvan ang ibang mga babae ay dahil natatakot dun sa kanya(Nina). Kaya dapat mag ingat kang hindi ka niya makita na kausap mo si Sylvan... "

" wala naman akonv dapat na ipag alala ano... "

**********

[ lunch break ] Emia

Nasa may canteen na ako ng skwelahan para kumain at naghahanap na ng mauupuan kaya lang walang ibang bakante kundi ang upuan sa may dulong kanan kung saan nandoong kumakain ng mag isa si Sylvan at sa may dulong kaliwa naman kung saan kumakain yung babaeng ang pangalan ay Nina...

Mee nee iee nie mi nee mo... Doon ako kay Nina, ayoko ngang umupo dun sa tabi ni Sylvan...

----

" pwede ba akong maupo dito?... "

Tiningnan lang ako ni Nina sandali pagkatapos ay tinulou na niya ang pagkain niya... Bakit ganun siya makatingin!?... Nagtatanong lang naman ako ah... Walang galang! Hindi man lang ako sinagot... Sabi ko na nga ba at parehas ako ng nafe-feel sa kanilang dalawa ni Sylvan eh...

Naupo na ako dahil alam kong hindi na niya ako sasagutin pero kahit na ganun ay tinangka ko pa rin na abutin siya...

" ako nga pala si Emia,... Mukhang masarap yang kinakain mo ah,... Teka, gusto mo ba ng- "

" huwag mo nga akong kausapin. "

Nag uutos ang tono niya pero mahinahon lang ang mga mata niya kahit na hindi siya nakatingin sa akin.

Kainis ah!... Parehas na parehas nga talaga silang dalawa,... Ako na nga itong lumalapit at nakikipag kaibigan dito...

" pasensya ka na,... Gusto ko lang namang makipagkaibigan... "

" Ang daldal mo. "

Hindi niya gaanong nilakasan ang paglapag niya ng kutsara pero siniguro niyang maririnig ko iyon bago siya tuluyang tumayo at umalis.

??????????

**********

[ last class ] Lliane

" badtrip!!!! Akalain mo yun, kaklase ko na nga siya ng first at second class ko tapos mag kaklase pa rin kami sa sixth class namin!?... Kainis!... Yung si Nina, masama rin ang ugali kagaya niya... Kainis talaga... "

Sabi ko naman kasi sa kanya eh wag na niyang lapitan yung dalawang iyon,... Kahit pa gaano siya ka friendly eh hindi talaga niya magiging kaibigan ang mga iyon na matigas pa sa bakal ang dibdib...

No matter how much you put an effort to reach for someone,... As long as that someone doesn't stretches his hands towards you... You can never hold his hand...

" may naisip na ako para makaganti sa Sylvan na iyon... Lagot siya sa akin bukas,... Tignan ko lang kung hindi siya mainis... "

" ano ka ba,... Wala namang ginagawang masama sa iyo yung tao... "

Sigh... Masyado niyang dinaramdam ang hindi pagoansin sa kanya...

**********

[ next morning ] Sylvan

" Sylvan, hindi ba't ang sabi ko eh dapat nandito na kayong pareho bago ako magklase?... Bakit hanggang ngayon wala pa siya? Alam mo naman siguro ang usapan... "

Sigh,... One down, two more to go,... Kasasabi lang kahapon tapos hindi pa inagahan ng isang iyon ang pasok niya ngayon... Mukhang pahihirapan ata ako ng prof ko dito ah... Sinadya siguro talaga niya(prof) na siya(Emia) ang makasama ko sa parusang ito...

**********

[ end of last period ] Sylvan and Lindoln

" mukhang pahihirapan ka ng babaeng iyon ah... Ano ba ang pangalan niya... "

" ewan ko,... "

" bakit hindi mo alam, di ba dapat alamin mo... "

" hindi na iyon kailangan... "

" sige, sabi mo eh... "

**********

[ Emia ]

" haha,... Nakaganti na rin ako sa kanya... "

" bakit ka naman nagpahuli sa klase niyo, alam mo namang pinag iinitan kayong dalawa ng prof niyo... "

" ayos lang yun,... Isa lang naman eh... "

" huwag mong kalimutan na dalawa na lang ang chance niyo... "

**********

[ next morning ]

" Sylvan, hindi mo talaga naiintindihan ano,... Kahit pa agahan mo ang pasok mo kung hindi naman maaga ang kasama mo,... Eh absent ka pa rin sa klase ko,... Naiintindihan mo na naman na siguro?... "

Sigh,... Two down, one more to go,... Ano ba ang problema ng babaeng iyon at napaka iresponsable?... Buti sana kung siya lang mag isa ang mapaparusahan,... Kunv hindi ko lang iniisip na baka may hindi inaasahang pangyayari ang natataon sa kanya eh baka pinagsabihan ko na siya...

----

[ 3rd class ] Emia and Lliane

" nahuli ka na naman sa first class mo!?... "

" oo... Kaya lang! Hindi ko naman sinasadya iyon eh,... Kahapon oo pero ngayon eh hindi ako nakagising ng maaga... "

Ano ba itong babae na ito?... Kapag may masama siyang balak eh maaga nagigising...

" paano yan, kapag nahuli ka pa ng isang beses eh lagot na talaga kayo,... Isipin mo naman na madadamay sayo si Sylvan... "

" hehe,... Ayos lang yun,... Hindi ako makokonsensya kung ang lalaking yun lang naman... "

" hindi yun ang point!... "

**********

[ end of lunch break ] Emia

Naglalakad na ako papunta sa susunod kong classroom para sa first subject ko ng hapon ng marinig ko ang mga babaeng nag uusap...

" uy! Si Sylvan yun oh... "

Napahinto ako para tignan kung saan nakatingin yung mga babae-

" sino kaya yung tinitignan niya?... " narinig kong sabi ng mga babae-

-naku po!?... Mukhang sa akin siya pupunta,... Lagot mukhang nakita na niya ako...

Paano kaya iyo mgayon?... Baka pagalitan niya ako...

Nagmadali akong tumagilid at tinakpang ang gilid ng mukha ko ng aking kamay oara hindi niya ako makita at saka naglakad palayo pero nakarating pala siya agad sa may bandang gilid ko.

Nakia kong inilahad niya sa bandang harap ko ang palad niya na parang may hinihingi sa akin...

" akin na ang phone mo... "

" huh!? Ano yun?... " tinanggal ko ang nakaharang kong kamay at limingon sa kanya.

" sabi ko akin na ang phone mo. "

" ano naman ang gagawin mo sa phone ko?... "

Iniiwas ko patago ang kaliwang kamay ko na may hawak sa c.p ko pero nagawa niya pa rin iyong makuha mula sa akin... May lahi atang snatcher ang lalaking ito eh...

Nakita kong kinuha niys ang c.p niya at maya maya ay may kung anong pinagpipindot sa c.p ko...

" uy teka!??? Ano bang ginagawa mo!?... "

Naiinis na talaga ako ah!... Kagaya pa rin talaga ng dati at hindi niya sinasagot ang mga tanong ko,... Tapos ngayon ay basta basta niya na lang kukunin ang phone ko!...

" anong pangalan mo?... "

Aba!? Ayos ah!... Kapag ako ang nagtatanong eh itshepwera lang tapos kapag siya eh dapa kong sagutin agad!?... Galing!...

" bakit!? Hindi mo pa ba alam ang pangalan ko... "

Wala lang,... Dedma lang talaga siya sa sinabi ko... Nakatingin lang talaga siya ng naghihintay na kapag hindi ko sinagot ng maayos ang tanong niya eh kung sino sino na lang o ano ano na lang na gawa gawang pangalan ang ilalagay niya para asarin ako...

O sige na! Ako na ang talo dito,... Palagi naman eh...

" Emia "

Próximo capítulo