" Emia. "
Bwiset talaga!,... Nakakainis!... Hindi man lang ako manalo-nalo sa kanya...
Ibinigay na niya sa akin ang cellphone ko NA! AKALA MO! EH! SIYA! ANG MAY-ARI NUN!...
IBINIGAY talaga ang term at hindi IBINALIK!...
Lintik! Iniwan na kaagad ako?...
Hindi pa siya gaanong nakakalayo ng tumunog ang cellphone ko at ang nakarehistrong pangalan eh Sylvan kaya ako napatingin sa kanya bago ko sagutin yung phone...
" nandiyan na ang number ko, oras na mahuli ka pa, lagot ka na sa akin... "
" oo, nakita ko nga... "
Nge, nge, nge,... Para namang malalagot talaga ako sayo,... Baka hindi mo ako nakikilala...
Magsisimula na sana akong maglakad ng mapansing nagsi-umpok sa akin ang mga babaeng kanina ay nag uusap usap.
" uy! Pahingi naman ng number ni Sylvan... "
" kami rin... "
Langya!... Mas sikat pa pala siya kaysa sa inaasahan ko!... Bwiset, dinudumog tuloy ako dito!...
**********
[ Lliane ] to Emia
" okay na, nagets ko na, na inis na inis ka na talaga sa kanya. Mabuti ma lang at nakatakas ka agad dun sa mga humahabol sayo... Pero kasalanan mo rin naman eh,... Nagpahuli ka kasi sa first class niyong dalawa... "
" oo nga, kasalanan ko na na nahuli ako pero hindi naman tama ang ginawa niya kanina... Saka kanino kaba talaga kampi?... "
" sayo syempre,... Pero buti nga at ganun lang ang ginawa niya, kung ako yun eh magagalit talaga ako,... Malay mo may maganda naman siyang intensyon... "
" ah basta!... "
Grabe ang tigas ng ulo ng babaeng ito... Pero nakakagulat na ginawa mi Sylvan ang ganung bagay... Baka napilitan na siyang kunon ang number nitong si Emia dahil isa na lang at bagsak na sila...
**********
[ sixth class ] Emia
Papunta na ako s apang anim kong classroom ng lampasan ako ni Sylvan kaya tinawag ko siya pero hindi siya lumingon.
May diperensya siguro ang taong iyon sa pandinig...
Sinubukan ko ulit siyang tawagin at huminto na rin siya sa pagkakataong iyon kaso paglapit ko sa kanya at paglingon niya eh nakita kong iba ang expression niya,... Yun bang kagaya ng nasa loob kami ng bus...
" ano bang hindi mo maintindihan sa mga sinabi ko sa iyo nung nakaraan?... "
" huh!? Anong sinabi?... "
Ano bang problema ng lalaking ito?...
" ang isa sa ga ayoko eh yung mahina kung umintindi, hindi marunong makinig, tinatawag ako ng akala mo eh close kami, at yung kailangan ko pang ulit ulitin palagi ang mga sinasabi ko,... Hindi mo ba kayang bumasa sa kilos ng tao?... "
" AH!... Pasensya na ah!... Mahina kasi ang utak ko eh!... "
" pinapatunayan mo lang na totoo ang mga sinasabi ko... "
" oo na, ikaw na ang genius. "
" mag isip ka muna bago ka magsalita,... Kung minamasama mo ang mga sinasabi ko,... sapalagay ko eh ikaw ang mas genius sa ating dalawa... "
May sira talaga ang utak ng lalaking ito!... Inaasar nga ata talaga niya ako eh!... Tinalikuran pa ako!?
" hoy! Anong ibig mong sabihin dun!?... "
" ang genius, hindi nakilinig sa sinasabi ng iba, mas pinapaburan niya kung anong alam niya... "
Nang aasar nga talaga ang lalaking ito,... Hindi pa niya ako diretsahin! May pasabi-sabi pa siya na ang genius blah blah blah blah blah...
Hmp!... Ma-delete ko nga ang number ng kumag na ito sa cellphone ko at baka malasin pa ako...
**********
[ last period ] Lliane
As always, ako pa rin talaga ang nagiging sumbungan ni Emia sa bandang huli... Nakakapagod din maging counsellor ah...
" huwag mong sabihinh may ikukuwento ka na naman sa akin tungkol kay Sylvan, aba! Halos sa tuwing may klase kayong dalawa eh laging may issue ka sa kanya ah,... Napapansin ko na namumuro ka na sa kakakwento sa kanya,... Baka naman?... "
" wag mo ngang gawan pa ng ibang ibig sabihin, naiinis lang ako sa kanya, yun na yun. "
" OK, sabi mo eh,... Pero sapalagay ko eh mas makakabuti para sa inyong dalawa kung magkakasundo na kayo kahit isang buwan lang... "
" malabong mangyari yun, nakalimutan mo na bang sinabihan niya ako na wag lumapit sa kanya... "
" kaya ka sinasabihan ni Sylvan na mahina ang utak eh... Pwede mo naman siyang tawagan, hindi ba nasa iyo na rin naman ang number niya?... "
" ah, hehe... Malabo na ring mangyari yan... Sa sobrang inis ko kasi sa kanya kanina eh binura ko na ang number niya. Na delete ko na rin yung call logs ko kanina... "
" eh di mapipilitan kang hanapin siya... "
" ayoko nga... "
---------
[ Lindoln ]
" kausapin mo kasi siya ng maayos... " sabi ko kay Sylvan habang naglalakad kami.
" wala naman akong sinasabi na kanya... "
" makipag usap ka kasi sa paraan na madali ka niyang maiintindihan, "
" bakit ko naman kailangang ipaliwanag ang lahat sa kanya, malaki na siya para sabihin ko pa ang lahat ng sagot sa mga tanong niya... "
" you should have atleast take a step back so that she can reach you... How will she be able to understand if you didn't want to be undertood... "
" pambihira, kailangan ko pa bang bumaba... Sigh... "
" liliko na ako dito sa kanan... May kukunin pa kasi ako sa classroom ko kanina... " paalam ko kay Sylvan.
" ok. "
--------
[ end of classes ] Emia
Hahanapin ko na sana si Sylvan kaya lang hindi ko na pala kailangang pang gawin iyon dahil natatanaw ko na siya at mukhang magkakasalubong pa kami.
Halos malapit na ako sa kanya at akala ko eh makakausap ko na siya kaya lang napansin kong napatingin siya sa may hagdanan papuntang second floor at huminto na parang may hinihintay siya roon.
Nakita kong bumaba si Nina mula sa hagdan at hindi ko namalayan ng huminto ang mga paa ko mula sa paglakad at napako ang mga mata ko sa kanilang dalawa...
" Nina. "
... Hindi ko nagugustuhan ang mga pupumasok na lang sa isip ko tulad na lang ng paghihintay ko kung ano ang pag uusapan nilang dalawa at ang pag alam kung anong relasyon meron sila... Ano ba to!?... Na cu-curious ako...
" Sylvan?... " bulong ni Nina...
Lintik!... Mali itong ginagawa ko,... Bakit gusto pang makinig ng tenga ko sa pag uusapan nila?... Kailangan ko ng makaalis dito bago pa nila ako mapansin...
--------
[ Nina ]
Si Sylvan... Nabalitaan na niya siguro sa kaibigan niya ang tungkol sa akin. Wala naman siyang pakialam kahit naano pang mangyari sa akin eh...
" ano? Tatayo lang ba tayo dito?... " tanong ni Sylvan.
" bakit? Sasabayan mo ba ako?... " akala mo ah,... Hind ako papyayag na maunahan mo na naman ako at siguradong babarahin mo ako...
" di bale may sasabihin din naman ako sayo... "
Parang ayokong marinig ang sasabihin niya pero kahit na ganun ay sumunod pa rin ako ng maglakad na siya matapos niyang sabihin iyon.
" ayoko sanang itanong ang bagay na ito sa iyo Nina dahil baka isipin mo na tsismoso ako... "
" bakit? Sa tsismis mo ba nakuha ang itatanong mo?... "
" hindi naman,... Medyo personal lang kasi... Alam mo, ang naisip ko noon ay may gusto ka kay Lindoln pero mukhang nagkamali ako kasi iba ang kinikilos mo ngayon,... Kahit pa magkasama kayo sa karamihan ng inyong klase eh kung ano ano p ring kalokohan ang ginagawa mo... "
Napahinto ako sa paglalakad matapos iyong sabihin ni Sylvan.
Naisip talaga niya na may gusto ako sa kaibigan niya?,... Saan niya naman kaya nakuha ang ganung ideya?...
" pasensya na kung nag isip ako ng ganun... "
Ano bang ibig niyang ipakahulugan sa sinabi niya. Naniwala ba talaga siya sa bagay na iyon at nakaramdam siya ng selos kahit na hindi naman iyon totoo?... Yun kaya ang gusto niyang ipabatid sa akin?...
Sumunod uli ako sa kanya at humabol dahil hindi naman siya huminto na kagaya ko.
Nakatingin ako sa kanya at hinihintay na tumingin din siya sa akin para makita ko ang mga mata niya...
" hindi mo ba titigilan ang laging pagtingin mo sa akin ng ganyan?... "
" inaalam ko lang kung totoo ang mga mata mo... "
" anong ibig mong sabihin?... "
" paasa ka kasi lagi pag nagsasalita,... dapat iyan ang baguhin mo sa mo... "
" baguhin mo na rin ang pagiging mag isa mo,... Dapat eh maghanap ka na ng magiging boyfriend mo... "
" wala ka namang pakialam sa akin kaya wag mo akong pagsabihan... "
" hindi ah... "
Ang kulit talaga niya!... Sinabi ko ng tigilan na niya ang mga paasa niyang salita!...
" wag mo na nga akong pakialamanan!!!! "
Inunahan ko na siya sa paglalakad matapos ko iyong sabihin para hindi na niya ako maabutan.
" ano naman kaya ang ginawa kong masama sa kanya(Nina)?... "
--------
[ Emia ]
Sabi ko na nga ba at wala talagang maidudulot na maganda ang paghanap ko sa kanya(Sylvan) eh!... Ako pa talaga ang napupwerwisyo dito!... Sylvan! Dylvan! Sylvan!... Bwiset!... Tama nga si Lliane, puro Sylvan na lang ako ng Sylvan,... Bakit ba lavi na lang akpnh may isyu sa taong iyon!?...
Hah!!!! Kailangan kong mag focus, madyado lang sigurong tinatamaan ang pride ko,... Kailangan ko lang mag lie low ng konti at wag ng isipin pa ang mga issues ko,... Tama yan Emia... Tutal kung tutuusin eh wala naman talagang ginagawa yung tao... Pero naiinis pa rin ako!...
Mali! Mali!... Mali itong ginagawa ko,... Kailangan ko lang isipin eh nung hindi pa kami magkakilala eh hindi ako nagkakaganito... Tama, kaya dapat hindi ko na siya pansinin,... Erase! Erase! Erase!...
O hayan,... Kailangan ko ng matulog,... Hindi naman na siguro ako male-late bukas---
---- GOOD MORNING.