webnovel

Chapter 2

Ungas!... Akalain mo yun,... Ako na nga ang nagmamagandang loob tapos parang binabastos pa niya ako!?... Hindi ba niya kilala kung sino ang kaharap niya!... Bwiset talaga! Ngayon lang ako na-baba ng ganito ah!...

[ Sylvan ]

Ano bang iniisip ng babaing iyon?... Naiip niya lang na baka gusto kong hiramin ang notes niya kaya niya ako nilapitan?... At sino naman kaya ang maniniwala sa alibi niya eh hindi ko nga siya kilala kaya paano ko naman kaya maiisip na hiramin ang notes niya... Ayos rin ang palusot niya ah?...

Nakarating na ako sa may waiting shed at umupo habang naghihintay ng bus na masasakyan.

Sigh,... Mukhang duto rin papunta yung babae na yun...

[ Emia ]

Lagot siya sakin pagdating ko diyan sa waiting shed!... Akala mo palalampasin ko na lang basta ang ginawa mo kanina ah...

Huminto ako sa may harapan niya at tumingin naman siya sa akin at nagsalita...

" bakit? may sasabihin ka?... "

" hindi ko nagustuhan yung sinabi mo kanina kaya magsorry ka sa akin. "

[ Sylvan ]

May ginawa ba akong mali?... Siguro na offend ko siya sa sinabi ko kanina,... Pero napakalaking big deal naman yun para sa kanya... Ang dami ko naman talagang nakikilalang mga kakaibang tao ngayong araw...

" hindi mo naman ako sinundan hanggang dito para lang diyan ano?... "

" syempre hindi! Natural eh dito rin ako sasakay... "

" sige,... Sorry... "

[ Emia ]

Yun lang yun,... Ang bilis niya namang humingi ng sorry,... Ano ba yan!?... Feeling ko tuloy eh ako ang masama dito eh... Ang nakakainis pa naman eh halatang sincere ang pagkasabi niya tapos parang wala lang sa kanya kung gawin iyon... Hindi na tuloy ako makapagsalita pa...

Tumayo siya at nilampasan ako,... Mukhang balak niyang tumawid?...

" sandali lang "

Nagmadali ako at hinarangan siya pero bigla niyang hinila ang braso ko at hinatak paalis sa harap niya kaya napunta ako sa may bandang gilid niya.

Agad akong tumingin sa kanya ng masama dahil sa ginawa niyang paghatak sa braso ko ng napakalakas, kaya lang bago pa ako tuluyang makapag react ay sakto naman na may lumampas na isang napakabilis na kotse sa may harapan namin--- sa madaling sabi ay malapit sa pwesto ko kanina...

Napaisip tuloy ako at nagdalawang isip sa balak kong gawin...

" mag ingat ka naman sa susunod, ayokong makakita ng taong mamamatay sa harapan ko... "

Parang wala pa rin siyang pakialam,.. Kung para sa akin ang mga sinabi niya eh sana naman tignan niya ako,... Ni hindi man lang niya itanong kung ayos lang yung braso ko sa ginawa niyang paghatak sa akin kanina!... Pakiramdam ko eh bumakat yung braso niya sa wrist ko eh...

Hindi ko namalayan na may huminto na palang bus sa tapat namin at nakasakay na pala siya habang tinitignan ko yung braso ko.

Ni hindi man lang talaga niya ako sinabihan!...

Papasara na yung pintuan ng bus kaya nagmadali na rin akong sumakay....

Walang gaanong pasahero ngayon pero doon pa rin ako pumuwesto sa pinakalikod sa kabilang dulo ng inupuan niya.

Pambihira talaga!... Mukhang ako pa ang may kasalanan talaga dito!... Tsk!

" salamat nga pala kanina saka sorry rin... "

" pinaplastik mo na naman ba ako?... "

" hindi ah!... "

" kung ganun naisip mo na na kung hindi mo ako nilapitan ay hindi ito mangyayaring lahat... "

" oo na nga, ano bang gagawin ko para maniwala ka... "

Tumingin na rin siya sa akin sa wakas pero seryoso siya...

" HUWAG mo na ULIT akong LALAPITAN. "

---------------------------------------

" huwag mo na ulit akong lalapitan. "

Napatahimik ako matapos niyang sabihin iyon habang nakatingin ako sa kanya at pagtapos ng ilang segundo ay binalik na niya ang kanyang tingin sa labas ng bintana ng masigurong naiintindihan ko ang sinabi niya.

Natahimik na ako magmula ng sabihin niya iyon at maging ng bumaba ako sa isang mall ay nanatili lang akong tahimik. Hindi ko siya napansin na may ginawang kilos ng bumaba ako o makita man lang na sulyapan niya ako...

I feel the coldness and to be frozen,... I was too aghast to move by some distinctive air surrounding him...

****

Maya maya lang din ay dumating na ang sasakyang susundo sa akin.

" pinapunta nga pala ng lolo mo ang mga magulang mo sa office... "

" ah ganun ba, o sige sa bahay na lang tayo dumiretso... "

****

[ evening 8th o'clock ] Emia

Kausap ko ngayon si Lliane sa phone ko... Gusto ko kasing may makausap, medyo naiinis kasi ako sa nangyari kanina... Buti na lang at nawala na rin ang pamumula sa braso ko.

" nakakatawa naman yang sinasabi mo Emia, hehehe... Pero wag mo ng pansinin yung si Sylvan, kilala na talagang ganun ang ugali ni Sylvan kahit na nga sa klase namin eh... "

" nakakainis lang kasi eh!... "

" alam mo... Masasabi kong breaking the record pa nga ang ginawa mo kahit pa ang karamihan sa minutong kasama mo siya eh sa bus lang... "

" wala naman akonv pakialam kung hopeless siya o kung takot man siya sa mga babae kaya lang... "

" kaya lang naiinis ka kasi hindi ka man lang niya pinansin at tinamaan yung pride mo?... "

" hindi ah!... Naiinis ako kasi ako na nga yung nagmagandang loob tapos... "

" tapos ano?... Baka naman crush mo siya?... Ano? Magsabi ka na... "

" hindi kaya! Nagmagandang loob nga lang ako! "

" okay,... O sige kailangan ko ng ibaba itong phone may gagawin pa kasi ako eh... Kita tayo bukas... "

****

[ next morning ] Emia

Clock ringing!!!!

Ano ba iyon!?... Ang ingay naman oh?... Anong oras na ba?...

" Emia!... Bumangon ka na diyan!... Mauuna na kami ng papa mong umalis... "

Sabi ni mama na nasa may pintuan ko na nakadungaw at pagtapos ay umalis na agad.

Naku!? Mahuhuli na ako sa first subject ko! Kailangan ko ng magmadali!...

Hindi na ako kumain pa at agad na naligo at nagbihis at pagkaraan ay agad na akong umalis ng bahay. Nagpahatid lang ako hanggang sa intersection malapit sa school kung nasaan malapit ang waiting shed. Nagpahatid na ako hanggang dun dahil hindi na ako pwedeng sumakay pa ng busat baka mahuli pa ako lalo. Iningatan ko na lang na walang ibang makakita sa akin na ibang estudyante sa pagbaba ko ng kotse.

----

[ Sylvan ]

Sigh... Late na naman ako,... Siguradong pagagalitan na naman ako nito... Wala akong magagawa, may nangyari na naman kasing aberya sa daan kanina...

Malapit na ako sa may gate ng may isng babae na tumatakbo ang lumampas sa akin.

" siya yung babae kahapon... "

[ Emia ]

Agad akong pinagbuksan nung gwardiya ng makita ako kaya pumasok na ako agad matapos akong makapagsabi ng good morning,... Kailangan ko na talagang magmadali....

---

Pumasok ako sa loob ng classroom at mukhang masama ang araw ngayon ng prof namin. Mukhang mapapagalitan ata ako nito ngayon...

Naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan sa may likuran ko kaya napalingon ako at nakita ko si Sylvan na papasok ng room,... LATE DIN SIYA!?...

" kayong dalawa!... Sumunod kayo sa akin. "

****

[ professor's office ] Emia

" parati na lang kayong dalawa na nahuhuli sa klase ko!... Ano ba talagang problema niyong dalawa!?... "

" pasensya na po kayo, hindi na po mauulit... "

" hindi na talaga dapat na maulit pa ito... Sandali, magkakilala ba kayong dalawa?... "

" opo " / " hindi po. "

Napatingin ako kay Sylvan ng sumagot siya ng hindi. Magkasama pa nga kami kahapon tapos idedeny niya na magkakilala kami?...

[ Sylvan ]

" nalilito ako sa sagot niyong dalawa,... Magkagalit ba kayo?... "

" hindi po. " / " opo... "

Ano ba ang pinagsasasabi ng babae na ito at palaging opo ang sagot?...

" o sige ganito na lang,... Magsulat kayo dito sa tig isang papel ng kung ano ang tingin ninyo sa bawat isa sa inyo... "

Ano naman kaya ang naisip niton prof namin at naisip pa kaming pagawain ng ganito,... Ano naman kaya ang isusulat ko dito sa papel na ito tungkol sa babaeng ito?...

[ Emia ]

Hah!... Humanda ka sa akin ngayon,... Isusulat ko dito kung gaano ka kawalang kwenta. Sigurado naman akong wala kang maisusulat na pangit sa akin eh... Malas mo lang...

----

Minutes later...

" ano ba itong pinagsusulat niyo dito?... Kung ako sa inyo eh subukan niyo ng magkasundo dahil may ipapagawa ako sa inyong dalawa... "

" magkasama kami!?... " mabilis kong tanong pabalik.

" bibigyan ko kayo ng isang buwan para pumasok ng hindi nahuhuli sa klase ko sa umaga. Oras na mahuli kayo ng tatlong beses sa loob ng panahong iyon,... Ibabagsak ko kayo. Kapag nahuli ang isa man sa inyo... Automatic na rin na late ang isa... "

" teka lang prof... Parang lugi naman ata ako dun... " mabilis kong angal.

" bahala na kayong mag usap na dalawa... O heto, basahin niyo ang mga isinulat niyo... "

Binigay ni prof ang ginawa ko kay Sylvan habang sa akin naman anv ginawa niya.

Sylvan's paper says...

Feeling close, Maingay, Sensitive, Makulit, Irresponsible, Clumsy, Outminded,

At wala sa focus!!!!? At saan naman niya nakuha ang ganitong mga ugali ko daw!?...

" aba ah!?... Ano naman ang mga pinagsusulat mo ditong kasinungalingan... " tanong ko agad sa kanya.

" pinapakita mo na nga, isa pa,... Ikaw itong kung ano ano ang pinagsusulat dito... "

" pinapakita mo na nga. "

" alam mo, wala akong time sa para sa ganito, magsisimula na ang secong class ko... "

" teka!?... Paano naman yung sinabi ni prof kanina... "

" pumasok ka ng maaga, ganun lang kasimple... "

" at paano naman ikaw!?... "

" papasok ako ng maaga. "

" wala akong tiwala sayo... "

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag at inilahad sa kanya.

Próximo capítulo