webnovel

Five

(Thursday Morning)

(F8 Private Room)

(Callix's POV)

To Pink Steno Diary,

Compilation No. 475:

 

Hi my pink diary! Here I go again! Marami nga pala akong ikukwento sayo, mga nakakatawa, nakakainis, nakakakilig and the same time, nakakakonsensyang pangyayari.

 

Kahapon, sinubukan kong mag-disguise bilang si Calla na isang pokpok na bakla at natutuwa ako kasi walang pumansin sa akin. Okay na sana ang katahimikan ko pero binasag yun nila Chuckie, Fishcake at Yema. Binully nila ako at sinabihan ba naman nila akong BAYARANG BAKLA at TAGA-SQUATTER!!

 

Hanggang sa may anghel na sumagip sa akin, si Miyaki. Iniligtas niya ako sa tatlong demonyitang yun pero ang nakakatawa nga lang, binatukan niya ako ng malakas at tinanong kung bakit hindi ko sila nilabanan. Siyempre, sinabi kong hindi ako war freak na tao at kahit papano'y may awa pa rin ako sa kanila.

 

Pero ang isang bagay na nakakapagpakonsensya sa akin....ay nagsinungaling ako sa mahal ko. Nagpakilala ako as Calla. Hanggang ngayon nga ay nagsisisi pa rin ako na ginawa ko ang katangahan kong yun pero nangako na ako sa sarili ko na di na ako magpapakita pa sa kanya bilang si Calla. Hindi na talaga.

 

Hanggang dito na lang Pink Steno Diary. Till next time.

 

-Callix Jesh-

 

Pagkatapos kong basahin ang sinulat ko sa diary ko ay itinago ko na ito sa bag ko, baka mamaya, may biglang pumasok dito, pakialaman pa itong diary ko.

Tumayo ako sa sofa at kinuha ko sa locker ko ang wig, make-up kit at uniform ni Monique at tinitigan ko lang sila nang maigi. Kulang na nga lang ay gusto kong pasalamatan 'tong mga gamit na 'to dahil tagumpay ang mission ko na magpanggap bilang isang malanding bakla.

Nang biglang.....

"Bro.....bakla ka ba?"

Napalingon ako at nakita ko si Ruki na kaharap ko na pala.

"Moron." sabay sara ko ng locker ko.

"Sus, binibiro lang kita noh!" sabay akbay ni Ruki sa akin pero tinabig ko ang kamay niya.

"Ahm Bro, papasok ka ba ngayon?" he asked.

"Baka hindi muna. Nakakaantok lang sa classroom." ang tinatamad kong sabi. Nakakawalang-ganang pumasok sa klase ko dahil nandun ang mga Mean Girls na nambully sa akin kahapon, baka di pa ako makapagpigil, mapatay ko pa silang tatlo!

"Okay. Kung ayaw mo, dito ka na lang at matulog ka hanggang break time. Sige, mauna na ako ha!" at kinuha na ni Ruki ang bag niya at saka na siya umalis.

Ako naman ay naiwang mag-isa sa private room at pinili ko na lang na matulog. Nasa kasarapan na ako ng tulog ko nang may pumasok sa loob at niyugyog ang katawan ko.

"Kuya Cal, wake up!"

Nagising ako at nakita ko si Monique na tila nagmamadali.

"Bakit ba Monique?" ang iritang tanong ko sa kanya.

"Pumasok ka sa klase natin, may new classmate tayo!" ang sabi niya pero nahiga lang ulit ako sa sofa.

"So what? Hindi ako interesado sa taong yun kung sino man siya." at tinakpan ko ng libro ang ulo ko pero hindi talaga nagpaawat ang makulit kong kapatid.

"Baka pagsisihan mong di mo siya makita sa personal?! Sige ka." and my twin sister laughed.

"Whatever." sabay irap ko sa kanya.

Natigil sa pagsasalita si Monique nang makita namin si Miss Lanie at na-shock ako nang makita kong kasama niya si Miyaki.

"Omigosh! Palapit na pala sila sa room. Una na ako ha!" at nagmamadali nang umalis ang kapatid ko.

Naiwan ako sa private room na naguguluhan.

Si Miyaki nga ba ang sinasabi ni Monique na new classmate namin?

Naku...sana naman si Miyaki ang tinutukoy ng kapatid ko...

Dahil tinamaan na naman ako ng curiosity at pananabik kay Miyaki ay nagmamadali kong kinuha ang bag ko at patakbo na akong lumabas ng room.

(IV-Dalton Classroom)

(Miyaki's POV)

My most dreaded day has finally come. Nasa tapat na ako ng classroom ng IV-Dalton kasama si Miss Lanie. Nakatakda na ang paglipat sa akin sa Hell Section--este Star Section.

Kahapon, halos bumaha na ng luha sa IV-Curie dahil naging overacting ang pamamaalam ng mga kaklase ko sa akin. Halatang-halata sa mga mukha nila ang matinding inggit sa akin dahil malilipat na nga lang ako ng section, doon pa sa IV-Dalton na kinalolokohan nila. All in all, big deal sa kanila pati na rin sa adviser namin na si Miss Leila Aviles ang naging pag-alis ko. Pero wala na akong pakialam pa sa reaksyon nilang lahat, basta ang mahalaga, makakasama ko na ang Kuya Ruki ko.

Nang makapasok na kami ni Miss Lanie sa bago kong section, bumungad na sa amin ang isang napakagulong classroom. Doon sa may unahan, sa kaliwang part ng classroom, nakapalibot ang grupo ng mga babae at mukhang busy sila sa pagpapalitan nila ng mga talambuhay nila at sa pangunguna pa talaga ni Chiqui at talaga namang nangingibabaw pa ang nakakabwisit na boses niya!

May mga lalaki naman doon sa bandang likod na may hawak ng kanya-kanyang IPad, IPhone at Galaxy tab at mukhang enjoy na enjoy sila sa paglalaro ng Candy Crush Saga o di kaya ng Temple Run. Meron pa ngang lalaking ginawa nang kama ang armchair niya at napakahimbing pa talaga ng tulog niya. Yung ibang mga estudyante, may kanya kanya ring tindang isda sa fish port (hehe...) At ang F8, namasyal yata sa Disneyland.

Binati ni Miss Lanie yung mga estudyante, pero hindi siya pinansin ng mga ito at para bang wala silang naririnig.

"Ehem, class, good morning!" bati ulit ni Miss Lanie. "Kindly arrange your chairs and lend me your ears for a while."

Nakita kong nainis ang mga taong bundok kay Ma'am.

"What the freaking hell are you doing here?!" sigaw ni Chiqui The Queen Bee.

"We don't need you here!" sabad naman ni Fruitcake. "Hindi ka bagay dito!"

"Umalis ka na dito!" sabi naman ni Yesha.

At nagsunud-sunod na ang pagsigaw nila na umalis na si Miss Lanie dahil hindi daw sila welcome sa section nila.

Ako naman ay halos mag-alburoto na sa sobrang galit ko sa mga bastos na mga stupidyanteng ito pero nagpigil lang ako, habang si Miss Lanie naman ay tahimik lang, pero ramdam ko namang nasasaktan sila sa inaasal ng mga taong bundok dito.

"Ito po ba talaga sila Ma'am? Ang IV-Dalton? Ang pinakada-best sa lahat ng the best?" ang nanlalait na tanong ko kay Miss Lanie.

Tinignan ako ni Miss Lanie. "Yes. These kids are very smart and talented." at huminga ng malalim si Ma'am. "But they don't have a heart."

Tama! Kung gaano kagagaling at katatalino ang mga uncivilized stupids na ito, ganun din ka-gaspang ang kanilang mga ugali. Para yatang ayaw na ayaw kong mag-stay sa pinaka-uncivilized na section sa kasaysayan ng Pilipinas!

"This one is for you!" narinig kong sigaw ni Queen Bee at nakita kong nakaamba na niyang ibato ang sapatos niya kay Miss Lanie. Take note, high-heeled shoes ito at nakakamatay ang takong na feeling ko ay babaon ito sa katawan ni Miss Lanie pag tinamaan siya.

Napapikit na lang si Miss Lanie habang inaantay ang deadly shoes ni Queen Bee at sa kasamaang palad ay ibinato nga ni bruha ang sapatos niya, pero imbis na natamaan si Miss Lanie.....

Si Callix Jesh ang natamaan at sa mukha pa niya.

Haha, patay kang bubuyog ka!

"P-prince Callix! Sorry! Hindi ko sinasadya! I'm really really sorry!" ang halos matarantang sabi ni Queen Bee pero nginisian lang siya ni Callix.

Pinulot ni Callix ang sapatos ni Queen Bee at tinitig-titigan niya ito.

"Chiqui, napakaganda naman ng sapatos mo para ibato."

"P-prince Callix..."

"Pero hindi 'to bagay sa paa mo." he said sarcastically. "Alam mo ba kung saan nababagay 'to?"

Halos di makaimik si Queen Bee habang natahimik ang buong klase. Ako naman, excited na sa mga susunod na mangyayari sa mala The Legal Wife na drama ng section na ito.

"Sa ulo mo." at ipinutong ni Callix ang sapatos sa ulo ni Queen Bee na para bang kinoronahang winner sa Miss Universe 2012. "Bagay na bagay talaga sayo....IMBA QUEEN." at nginisian ni Callix ang bagong halal na corpse queen sa Plants vs. Zombies. 

Halos maligo sa sarili niyang kahihiyan si Queen Bee habang halos hindi ko na mapigil pa ang butsi ko sa katatawa.

Pero natigil ako sa pagtawa nang mabaling sa akin ang atensyon ni Callix.

"Ikaw yung new classmate namin?"

"Oo." ang medyo simpleng sagot ko.

Nakita kong lumuwang ang pagkakangiti niya. "Really?! Oh....thank God..." at bigla niya akong niyakap. Ako naman ay naguguluhan sa pinagagagawa ng unggoy na 'to kaya naman itinulak ko siya palayo.

"Hoy, anong meron at bigla mo akong niyakap?" ang mataray na tanong ko sa kanya.

"H-ha? Ah.....w-wala lang. Masaya ako dahil...c-classmate na kita." ang halos uutal-utal na naman niyang sabi.

"Ah...pero ako, di ako masaya." ang prangka kong sabi sa kanya.

 Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko at naramdaman kong nasaktan yata siya.

"G-ganun ba?" ang tila malungkot na sabi niya.

"Hindi ikaw ang tinutukoy ko. Ang sinasabi ko, hindi ako masaya na mga taga-Timbuktu Africa pala ang mga kaklase natin." sabay baling ko ng tingin ko sa kanila na parang mga natanggalan ng balat nang makita nila ako.

"H-ha? Bakit naman?" ang nagtatakang tanong ni Callix sa akin.

"Kasi, naturingan pa naman silang star section tapos mga ugaling bundok ang pinapakita nila, yung katulad sa Paleolithic Era, yung mga uncivilized na tao. Hindi ko talaga akalain na pati teacher, kaya nilang bastusin." I said sarcastically na para bang mga bato na tumama sa mga bumbunan nila.

Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha ng mga estudyante sa matinding kahihiyan habang napangisi lang si Callix sa kanila. Si Miss Lanie naman, halos magulantang sa mga sinabi ko sa mga taga-Timbuktu kong mga kaklase.

"Classmates, tinuro ba sa inyo ang GMRC noong nasa elementary school pa kayo?"

Sabay sabay silang tumango.

"Okay, since naituro naman sa inyo ang GMRC, alam nyo ba ang salitang RESPETO?!"

Halatang natamaan sila sa tanong ko pero tumango pa rin sila.

"KUNG ALAM NYO PALA ANG SALITANG RESPETO, BAKIT KUNG ITURING NYO ANG ADVISER NINYO, PARANG ISANG TAONG KINAKAYAN-KAYANAN NYO LANG?!!! YAN BA ANG TINURO SA INYO NG GMRC TEACHER NYO?!!" ang halos mag-ala Ate Ayako kong sermon sa mga kaklase kong taga Timbuktu Africa.

Hiyang-hiya ang buong klase sa sinabi ko. Habang si Callix naman ay halos mamangha sa akin.

"At ikaw anak ni Juan Lazy!" sabay turo ko kay Callix. "Bakit late kang dumating?! Alam mo ba ang regular start ng morning class?! 7:30 am! Bakit 8:30 ka na nakarating! At nasaan ba ang mga kalahi mong tamad? Namasyal ba sila sa Mall of Asia?!" ang sabon ko kay Callix.

Sasagot na sana si Callix nang biglang dumating ang buong F8.

"Ohayo!" ang bati sa amin ni Marcus.

"Bonjour tout le monde!" sabi naman ni Lexie.

"Magandang umaga!" ang sabi ni Dennison.

"ANONG MAGANDA SA UMAGA?!!" ang singhal ko sa kanila. Gulat na gulat ang buong F8 nang makita nila ako.

"Miyaki?! What are you doing here?" ang tanong sa akin ni Lexie.

"May kailangan ka ba sa akin utol?" sabad naman ng Kuya ko.

"Wala! Kayo ang may dapat ipaliwanag sa amin ni Ma'am! Bakit late kayo?!"

"Miya, talagang habit na namin ang dumating sa ganitong oras." ang sabi ni Marcus pero sinigawan ko lang siya.

"Habit?! Tinawag mo pa talagang habit ang kalokohan nyo! Ikaw Misha, top student ka ng eskwelahang ito at SSC President pa pero late kang dumarating! Samantalang ikaw naman Monique, ang taray-taray mo, feeling mo wawasakin mo na ang mundo! And you Lexie, ang ganda ganda mo nga pero ang kitid naman ng utak mo! Ikaw naman Marcus, ang lakas ng loob mong ipagyabang ang kotse mo kahit na di pa lisensyado! While you Dennison, ang sarap mong hampasin ng softball bat! Ikaw naman Kuya, masyado kang pa-VIP! Kanina, nung nag-be-breakfast tayo sa bahay, nagpatimpla ka ng kape sa maidservant kahit na kaya mo naman! At ikaw, ikaw Aya, makita lang kita, sukang-suka na ako! Maalala ko lang ang ginawa sa akin ng Kuya mong demonyo, umuusok na ako sa galit!" at bigla akong napatigil sa sinabi ko.

Kitang-kita ko ang gulat sa mata ng lahat, lalo na ni Aya. Maging ako ay nagulat sa mga sinabi ko.

"Sorry. Pasensya na." at mabilis akong umalis ng room. Habang naglalakad ako palayo ng classroom ay tumutulo na naman ang torpeng luha sa mga mata ko. Naalala ko na naman kasi kay Aya ang lalaking sumira sa buhay ko....

Si Earl Peter Tomines.

(Flashback)

(2009)

 

I'm only freshman year nang makilala ko ang lalaking unang nagpatibok ng puso ko, si Earl. Senior year na siya sa EIAS at kapapanalo lang niya noon bilang Mr. EIAS. Marami ang nagkakagusto sa kanya, at isa na nga ako sa mga yun. Pero masasabi kong ako na ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo dahil sa dami ng mga nagkakagusto kay Earl, ay ako ang napansin niya. Niligawan ako ni Earl sa loob ng tatlong buwan at dahil nga mahal na mahal ko siya ay sinagot ko siya ng oo. Noong una, lagi kaming masaya at kumportable sa isa't isa pero nang lumaon ay napansin ko ang tila panlalamig niya sa akin. Noong una ay hindi ko alam kung bakit pero nang sinubukan ko na siyang manmanan, unti-unti ko nang natuklasan ang dahilan. Bumalik ang ex-girlfriend ni Earl na si Reeya at nagkabalikan sila nang di ko nalalaman. Niloko ako ni Earl at napakasakit sa akin yun. Minahal ko siya, inalagaan at iningatan pero sinira lang niya ang pagmamahalan namin. Pagkatapos ng araw na yun, isinumpa ko na sa sarili ko na di na ako magmamahal pa. Hindi na ako magpapakatanga pa sa pag-ibig. Hindi na.

 

(End of Flashback)

 

(Science Garden)

(Miyaki's POV)

Habang nasa Science Garden ako at nakatingin lang ako sa kawalan ay may mga paang yumayabag papunta sa kinaroroonan ko. Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Calla. Bakas ang pag-aalala sa mga mata niya.

"C-Calla..." ang sabi ko sabay ngiti ko sa kanya pero tinawanan lang ako ni Calla.

"Wag ka na ngang ngumiti dyan, alam kong may problema ka." at tumabi siya sa akin. "Tell me, anong problem mo?"

"Ha? A-ah...e-eh...w-wala." ang pagsisinungaling ko pero umiling-iling lang si Calla. 

"Liar! Alam kong may problema ka. Sabihin mo, I swear, hindi ako magiging maingay sa ibang tao. Malay mo, makatulong ako sayo." and Calla smiled.

"Bakla, baka hindi rin."

"Anong hindi?! Kahit na bading ako, may puso pa rin ako para magpayo!" and Calla touches my hair. "Tell me, anong problema?" this time, very sincere na si Calla sa pagtatanong.

I breath deeply at sinimulan ko nang magkwento. Ikinuwento ko kay Calla ang tungkol sa buhay ko, sa nakaraan ko at sa sinapit ko. Tinanong ko rin kung bakit hindi pa rin ako maka-move on sa ginawa sa akin ni Earl.

"Kasi hindi mo pa rin magawang mapalaya ang sarili mo sa nakaraan. Bhe, matagal nang nangyari yun. Kalimutan mo na ang lahat. Look at you, you're beautiful, smart and a good heart." and Calla sigh. "May lalaking mas deserving sa pagmamahal mo. Hindi siya. Hindi yung earthworm na lalaking yun. Wag mong sayangin ang luha mo sa kanya. Matagal nang nangyari yun so I think this is the time for you to move on. Go forward! Mangarap ka ulit. Magplano. At magsiguro, para lagi kang ready sa mga mangyayari sa buhay mo. Okay na ba ang advise kong yun? Sana naman ay nakatulong ako." at tumingin siya sa watch niya. "Shocks, klase ko na pala! Sige, una na ako ha! Babush!" at hinalikan ako ni Calla sa pisngi bago siya tumalilis ng alis.

Nang wala na sa paningin ko si Calla ay naalala ko ang mga sinabi niya. Mga salitang galing sa isang tunay na kaibigan. Bigla akong natauhan sa mga sinabi niya.

MOVE-ON.

Dapat matagal ko nang ginawa yun.

Four years na ang nakakalipas mula nang mangyari yun.

Pero bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako nagiging masaya? Bakit galit at pagkamuhi pa rin ang nararamdaman ko sa kanya?

Bakit...takot pa rin akong tanggapin ang katotohanan?

Natigil sa pagtatanong ang isip ko nang may lalaking lumapit sa akin.

Si Callix.

"Anong ginagawa mo dito?" ang tanong ko sa kanya.

"Miya...." and he hugged me.

"C-Callix....."

"You've got a friend."

Próximo capítulo