webnovel

Six

(Science Garden)

(Miyaki's POV)

"Anong ginagawa mo dito?" ang tanong ko sa kanya.

"Miya...." and he hugged me.

"C-Callix....."

"You've got a friend."

Natigilan ako sa sinabi niya.

Ako, kailangan ng kaibigan?

Naalala kong bigla ang haliparot na baklang si Calla at ang sinserong pagmamalasakit niya sa akin.

Yun ang ginagawa ng isang kaibigan....ang dumamay.

Binitawan ako ni Callix sa pagkakayakap niya sa akin. "Miya....narinig ko ang usapan ninyo nung baklang kausap mo kanina. Tama siya. Pakawalan mo na ang lahat ng hinanakit mo. Ilabas mo. Matuto kang lumimot. You deserve to love and to be loved." at hinaplos niya ang mukha ko. 

"Miya, kalimutan mo na siya. Matagal nang tapos ang lahat sa inyo. It's time for you to forget him. Wag mo nang asahan ang alam mong hindi na mangyayari. May punto si bakla, dapat matagal mo nang ginawang mag-move-on. Alam kong mahirap sa umpisa, pero alam kong kakayanin mo yan. Matapang ka. Kaya naniniwala akong kaya mo yan. Wag kang mag-alala, tutulungan kita. Basta tulungan mo ang sarili mo." he said sincerely.

" C-Callix...." at tuluyan na akong napaiyak. Siya naman ay niyakap ako ng mahigpit at malambing na pinatahan.

"Miya..." ang sabi naman niya habang nakakulong ako sa mga bisig niya.

Ramdam na ramdam ko ang pagdamay niya nang mga sandaling iyon. Parang alagang-alaga niya ako at ipinararamdam niya na hinding-hindi ako nag-iisa. His soothing words makes me comfortable and free. At ang yakap niya, tila may pinapahiwatig, hindi ko nga lang alam kung ano.

"Basta kung may problema ka Miya, nandito lang ako para tulungan ka." and he wiped my tears and gave me a smile, isang ngiting positibo at puno ng pagtitiwala.

"Salamat Callix." ang sabi ko naman sa kanya.

"Halika na. Balik na tayo sa room." sabay hawak niya sa kamay ko.

"Pero ang mga kaibigan mo...b-baka na-offend sila sa akin." ang tila naaalangang sabi ko pero ngumiti lang si Callix.

"Marunong tumanggap ng pagkakamali ang F8. Hindi sila always perfect. Naiintindihan ka nila. Halika na, ikaw na lang ang hinihintay namin." sabay akay na niya sa akin patayo.

"Eh pano si....Aya?"

"Si Aya? Wag mo nang intindihin ang babaing yun. Halika na." at magkaakbay na kaming umalis sa science garden.

Próximo capítulo