webnovel

The Truth Behind

"Nagbabalik ang Mahal na prinsesa? Ako ba'y niloloko nyo! Kitang-kita ko kung paano sya nawalan nang hininga! "

"Ngunit Mahal na Ministro yan ang ipinadalang mensahe ng Pinunong Pantas at Mambabasa! "

"Hindi maari! Di sya pweding magbalik sagabal lang sya sa ating mga plano! "

"Ano ang ating gagawin Ministro? "

"Ikaw ang pinunong tagapagsalita ng hari, pigilan mo ang impormasyong iyan at wag ng iparating sa Hari! "

"Masusunod Ministro! "

"Walang dapat makakaalam sa tunay na nangyayari sa kaharian, dahil kapag kumalat ito, tiyak na magsilabasan na ang ating mga sekreto, at magiging kamatayan ang ating kaparusahan! "

Takot na takot si Ministro Archeval na muling buksan ang nagyayari siglo na ang nakararaan.

Ang pataksil na pagpatay sa Mahal na Prinsesa, ang Prinsesang minamahal at nirerespeto ng lahat.

Kung hindi lang dahil sa namayapang Reyna di na sana sya umabot sa ganun, kasalanan yun ng Reyna at Hari at marapat maparusahan ang pinakaiingatan nilang anak.

Ilang siglo na ang nakararaan.

"Archeval pagpasensyahan mo na, pero di ko kayang isugal ang mga pangarap ko para lang dyan sa pagmamahal na sinasabi mo! "

"Elvera ano na naman ba ang problema mo?

May anak na tayo ambisyon mo pa rin ang inaatupag mo? "

"Napapagod na ako! Ayoko ko na! "

"Elvera! Saan ka pupunta? "

Umalis noon ang asawa nya, at di na muling nakita pa. Hanggang nabalitaan nalang nya na ikakasal na ang Prinsipeng kaibigan nya, si Mathos ang dati nyang kaibigan.

"Archeval aking matalik na kaibigan mabuti't nakarating ka"

"Mahal na Prinsipe salamat sa pag-imbeta"

"Halika ipakikilala kita sa aking Mahal na Prinsesa, ang aking kabiyak si Prinsesa Evie"

Nabigla sya noong nakita nya ang asawa nya, ang asawa nyang matagal na nyang hinahanap.

"Mahal na Prinsipe ipanatawag kayo ng Mahal na Hari" wika ng isang katiwala

"Mahal kong Asawa paki-asikaso nalang ng aking panauhin, Archeval babalikan kita hintayin mo ako, tayo may pag-uusapan sa aking pagbalik"

"Anong ibig sabihin nito Elvera! "

"Archeval wag dito! Sumunod ka sa akin!. "

Dinala sya nito sa liblib na silid at doon sya nanlumo ng husto.

"Patawad pero wala na akong balak balikan kayo, heto dalhin mo ang ginto't pilak at magpakalayo-layo kayo ng anak mo.

At wag na kayong magpakita sa akin muli! "

"Ano ito! Mukha ba akong pulubi sa iyong paningin! Sa tingin mo ba kailangan ko ang lahat ng ito! Ito ba ang katumbas namin ng anak mo sayo! "

"Pakiusap dalhin mo na yan at huwag kanang magpapakita sa akin uli! Di ko na kayo kailangan! Isa nalang kayong masamang bangungot sa aking nakaraan! "

"Talaga ba? Kung ganun sinisigurado ko sa iyo, ang bangungot na tinatakasan mo ay ang syang tatapos sa lahat ng kahibangan mo! "

"Ano? Pinagbabantaan mo ba ako?! "

"Hindi, pinapaalahanan lang! At ang salapi mo, sayo nayan! Hindi namin yan kinakailangan!. "

Magbuhat noon di na sila muling nagkausap ng babaeng ipinagkanulo sya sa kapangyarihan, sa babaeng nagtapon sa kanilang mag-ama sa kangkungan.

Ang immortal na gaya nila ay di mahina,

pero pag salapi at kapangyarihan ang punag-uusapan tila nag-iiba ang ihip ng hangin.

"Mahusay Mahal na Ministro Archeval ikaw nga ay karapatdapat sa iyong pwesto! Di dahil ikaw ay kaibigan ng bagong Hari kundi dahil ikaw ay may sapat na kasanayan at may labis na kaalaman. Magaling.!"

"Maraming salamat po, isa po itong magandang pangyayari para sa ating kaharian. "

"Subalit kung inyong marapatin hayaan nyo akong buksan ko ang ating kinakaharap na suliranin ng ating kaharian"

"Ano iyon?"

"Mahal na Hari ang Hilagang Silangan ng Mira ay nakararanas ng matinding tag-tuyot at pag-uga ng lupa." Wika ng Ministro

"Mahal na Pantas ano ang iyong masasabi? "

wika ng Hari sa Pantas

"Mahal na Hari aking iminumungkahi na ipakasal ang lahat ng dalaga sa hilagang silangan pati na yaong nabalo subalit walang Anak! " Sagot naman ng Pantas

"Iyan ay hindi maaari" singit naman ng Mambabasa

"Mahal na Mambabasa magsalita ka!" pahintulot naman ng Hari

"Mahal na Hari akoy may nakikita sa hinaharap ang pagtataksil at pag-aalsa.

Itoy hindi gawa ng natural na klima kundi ng isang sumpa!. " Sambit ng Mambabasa

"Itim na mahika ang bumabalot sa sigalot na ating nararanasan? Iyan ba ang iyong ibig ipabatid mahal na Mambabasa? " paglilinaw ng Pantas

"Ikinalulungkot ko! "sagot naman ng Mambabasa

"Kung ganun ayon sa Banal na aklat ng Mira dugong bughaw lang ang tanging makagagapi sa sumpang ginagamitan ng mahikang itim! "

Sagot naman ng Ministro

"Ministro Archeval mag-iingat ka sa iyong sinambit sinasabi mo bang ang anak kung Prinsesa ang gagawin nyong sakripisyo! Sa tingin nyo ba'y pahihintulotan ko iyan! "

"Mahal na Hari subalit iyon lang ang natatangi kong nakikitang sagot sa ating mga suliranin, ang nakikitang pag-aalsa at pagtataksil baka iyon ang maging kahihinatnan ng iyong pagmamatigas. " paliwanag ng Ministro

"Mahal na hari, hindi naman po wawakasan ang buhay ng Mahal na prinsesa, dadalisayin lang ng dugo nya ang masamang mahika na bumabalot sa ating kaharian bago natin makontra ang kapangyarihan nito." depensa naman ng Mambabasa

"Kung gayun hayaan nyo akong magpaliwanag nyan sa aking Mahal na Reyna, bago natin isagawa ang ritwal."

Walang kaalam-alam ang lahat ng nasa pagpupulong na iyon na ang pagtataksil na nakikita ng Mambabasa ay nangyari na.

Pangyayari bago ang naganap na usapan.

"Odessa, mahal kung Odessa! Ikaw ngay namumuhay ng marangal at tahimik kasama ang iyong anak pero ano kaya ang mangyayari sa inyo ng mahal mong anak kung malaman ng lahat na ikaw ay kabilang sa mga pinaparusahang Babaylan !"

"Sino ka! Ano ang kailangan mo sa amin ng anak ko! "

"Madali lang maging marahas ka sa kabilugan ng buwan at iyong isumpa ang kaharian ng Mira."

"Baliw ka ba! Mahikang itim! Ang lahat ng kasamaan ay may kapalit! "

"Iyon nga ang aking nais! "

"At kung hindi ko gagawin? "

"Buhay ng anak mo, at kalayaan mo ang maging kapalit! "

At ang lahat ay nagyari nga....

"Ina! Ikaw ba ang may gawa ng lahat ng sigalot na ito? "

"Anak huwag kanang magtanong, maging mapagmatyang ka at huwag mong iiwan ang iyong kaibigan, isuot mo ang kwentas na ito para maging ilaw nyo sa hinaharap, magmadali ka ng umalis! "

At may mga yapak ng kabayo na paparating..

Hukbo na tila ba di hahayaang mabuhay ang taong nakatira sa maliit subalit maaliwalas na kubo. Ang kataksilang ayaw mabunyag ay laging inilibing sa hukay.

Próximo capítulo