webnovel

New Identity

Hindi makapaniwala si Raene sa mga pangyayari, di man nya lubos maintindihan ang lahat ay hinayaan nalang nya, ang nasa isip nya ay ang kaibigan, dahil hanggang ngayon ay di pa rin ito gising. Nasa isang nakalulukang panaginip lang kaya sya o sadyang na maligno lang sya.

Napahinto sya sa kanyang pagmuni-muni nang may lumapit sa kanya.

"Sino ka pa talaga Impostor? Anong ginagawa mo sa Kaharian ng Mira! " wika ng isang Babae

Sandali lang sinusungitan ba talaga sya nito.

Ako si Raene Del Fuego binabastos ng makitang ito, tika nga't makatikim to sa akin.

"Wala naman po akong ginaya o inangkin na pagkatao."

"Aba't sumasagot ka pa! wala kang galang ako ba'y di mo kilala! "

"Bakit kayo po ba'y sikat? Isang myembro nang Primera Familia? "

"Lapastangan! Kung ano-anu ang iyong tinuran, mukhang hindi nga ikaw ang inakala ng lahat! "

"Ano po ba kasing pinagsasabi nyo? Wala naman po akong ginawa. "

"Maaaring wala ka pang ginawa, subalit wag na wag kang magkakamaling gumawa ng hindi kaibig-ibig baka di mo na masisilayan ang bukang liwayway! " Sabay alis nito

"Ipagpaumanhin mo sana ang kanyang ginawa, ikinagagalak kong ika'y makilala Mahal na Prinsesa ng Mira" sabay yuko sa kanya

"huh? Ano bang pinagsasabi nyo? "

"Balang araw maintindihan mo rin"

"Sino ka nga pala?"

"Ako si Yuki ang Punong Mambabasa,

at ang kaaalis lang ay si Bb. Myka ang nag-iisang anak ng Ministro ." pakilala ni Yuki

"Naku paanong nangyari at ikaw ay naparito ang Punong Mambabasa? " Sabat naman ng lalaki na mukhang ganina pa namamasid sa kanila.

"Mahal na Prinsesa ako nga po pala ang Pinunong Pantas, kung may kailangan po kayo sa akin po kayo magtatanong wag po dyan sa Pinunong Mambabasa dahil baka kayo ay pag-iinitan ni Bb. Myka." sabay kindat nito sa tinutukoy

"Ako'y iyong lubayan Kira, akoy naparito dahil ikaw ang tunay kong pakay. "

"Naku baka takot kalang sa Mahal na Prinsipe" sabay tawa nito

"Mukhang masaya ka yata ngayon Pinunong Pantas iyan ba ay dulot ng iyong iniirong na si Venus? Wag ka nang umasa, ika'y hindi nya matandaan sapagkat wala ka namang ibang ibinigay sa kanya kungdi sakit sa ulo. " mahabang turan pa nito

"Akoy iyong tigilan, Halika na nga at ating pag-uusapan ang iyong tunay na pakay. "

sabay alis ng dalawa

"Talaga? Iniwan lang ako, di man lang nagpaalam sa akin. "

Mamamayan pa, may lumapit sa kanya.

"Mahal na Prinsesa gising na po ang inyong kasama. "

"Raene, Raene po ang itatag nyo sa akin, hindi po ako ang Princesa nyo. "

Sabay alis nya. Hindi sya ang prinsesang sinasabi ng mga ito. Kaya dapat lang na itigil na ang kahibangan na ganina pa gumugulo sa kanyang isipan. Mabuti at nagising na ang kaibigan nya. Makaaalis na rin sila rito.

"Luna! "

Niyakap nya ito ng mahigpit, tuwang-tuwa syang nagising na ito. Ang natatanging kaibigan nya, ang tunay na kaibigan na hindi ang estado ng buhay nya ang dahilan Kung bakit nakipaglapit ito sa kanya Kundi, dahil sa ito ay may tunay na malasakit sa kanya.

Hindi masukat ang saya ni Luna ang saya nang malaman na buhay ang kaibigan nya, alalang-alala sya dito. Hindi nya hahayaang maging sa pangalawang buhay nila ay di nya ito maiiligtas.

Oo naaalala na nya ang lahat dahil sa isang bagay na ibinigay ng kanyang Ina bago pa ito pumanaw.

"Luna! Akala ko may masama nang nangyari sayo! Salamat sa Dios at okey ka na. "

"Naku Raene , akoy tigil tigilan mo, baka kamo masaya ka dahil wala nang nang-aaway sayo, anonaman kaya ang pinaggagawa mo habang tulog ako! " pinandilatan nya ito ng mata

"Wala, alam mo bang, puro estranghero ang mga kasama natin dito, pati kapaligiran at kasuotan nila ay na iiba."

"Ano ba iyang pinagsasabi mo, nabaguk yata ulo mo noong yumanig ang lindol. "

sabay tawa nya

"Iwan ko sayo. " sabay irap nito

Saka na nya sasabihin dito ang nalalaman nya, pang nakasisiguro na sya sa kaligtasan nito.

"Pero alam mo, masayang-masaya akong mabuti na ang pakiramdam mo, salamat sa dios talaga. "

Dumating naman ang sinasabing Pantas at Mambabasa.

"Mabuti at gising na kasama nyo Mahal Prinsesa, oras na para tayo ay aalis na ililipat po muna namin kayo sa kanluran para sa inyong kaligtasan. " sabi ni Yuki sa kanya

"Raene ang itawag nyo sa akin, at siya ang aking matalik na kaibigan si Luna"

"Ikinagagalak kitang makilala muli Mahal kung Luna. " hirit naman ni kira sa kanila

"Ako'y tigil tigilan mo! Kung ayaw mong gawin kitang palaka! " sigaw nito kay Kira

"Naku Luna at saan mo naman hinugot ang galit na iyong naramdaman." pabirong tanong niya sa kaibigan

"Oh di ba tama ang aking tinuran! " tukso naman ni Yuki kay Kira

"Oo na, tama ka na! "sabay irap kay Yuki

"Halina kayo, at tayo'y mukhang gagabihin na sa daan. " putol ni Kira sa sasabihin pa sana Yuki

Naglakbay sila sa kahabaan gabi di alam ni Raene ang gagawin, pero kailangan nya munang makisama sa mga taong nakapalibot sa kanila ni Luna, tao ba nga ba.

Sapagkat di pa nya alam kung ano ang gagawin.

Dumating sila sa isang mala palasyong lugar., kaninong pagmamay-ari kaya ito.

Dumiritso na sila sa silid na inalok ng mga ito sa kanila. At dahil sa pagod nakatulogan na nya ang kanyang pagmuni-muni.

"Mahal na Prinsipe nandito na ang inyong ipinag-uutos. " turan ni Yuki

"Mabuti, Yuki nais kung iyong bantayan ang dalawang panauhin ikaw na ang bahala sa kanila. Kailangan natin silang protektahan, sapagkat mukhang walang nakarating sa mahal na hari patungkol sa kanila, mukhang may taksil sa loob nang palasyo, kailangan nating mag-ingat. "

"Masusunod Mahal na Prinsipe.!"

"Kira, ikaw naman ang sayawan ko sa pagmamanman sa loob ng palasyo, mag-ingat ka. "

"Masusunod ang iyong nais Mahal na Prinsipe. "

Hindi kilala ni Prinsipe Zander kung sino ang tunay na kalaban at ano ang tunay na pakay nito.

Isa lang ang alam nya may kapangyarihan ang may gawa ng lahat na nagyayari sa kaharian nila, at mukhang hindi kakayanan ng kanluraning hukbo na kalabanin ang may pakana ng lahat.

kailangan nilang mag-iingat sa lahat ng oras.

"kailangan kung maging matatag para sayo, hindi ko na hahayaang mapapahamak ka sa ikalawang pagkakataon,

magbabayad ang may gawa ng lahat.