webnovel

Biological

Chapter 33. Biological

      

       

BUONG linggong hindi mapaghiwalay sina Kanon at Dice. Namasyal din sila sa kabigha-bighaning isla ng Batanes sa loob ng tatlong araw. Malaki-laki ang nagastos nila dahil biglaan ang tour na iyon pero worth it lahat. She felt revitalised! Ang kagandahan ng isla rin ang magiging content ng susunod niyang vlog, pati ang mga lokal doon, pagkain at kung ano-ano pang may kaugnayan sa isla. Siya na rin ang mag-e-edit ng mga videos. Matagal na siyang natuto sa pag-e-edit ng mga sariling vlogs. She even took short courses because she wanted to present nice, inspiring and beautiful contents to her Graces—it's what she called to her channel's subscribers and followers. Bukod sa second name niya ang 'Grace', ay gustong-gusto niya ang ibig sabihin niyon—grasya o biyaya. Tinuturing kasi niyang biyaya ang mga sumusuporta sa kanya lalo na iyong mga napapasaya niya't napapasaya rin siya.

If people would accuse her for using her Graces to earn money, well, sorry to inform those bashers, but she didn't monetize her channel. Hindi siya kumikita sa mga vlogs niya dahil gusto niya lamang talaga na mag-upload ng mga videos kung saan naipapakita niya ang ganda ng kalikasan, at para na rin maipakita ang hilig niya sa pagsubok ng iba't ibang makeup styles. She also wanted to share inspiring experiences that was why she couldn't just stop uploading her vlogs.

Being a famous vlogger, her mom was always asked by her friends in the fashion industry if she wanted to enter the modelling world but she humbly declined. She also got some offers from different entertainment agencies and tried to scout her to be their talent. There was one company that's very persistent in scouting her, it was the rival of the leading entertainment agency in the nation. But she also humbly declined all of the offers because she never wanted to be in the show business industry. Magulo para sa kanya ang showbiz. At isa pa, kontento na siya sa mga pinagkakaabalahan niya sa buhay.

Kahit may mga sponsors ay malugod niyang tinatanggap ang mga pinapadala sa kanya, na pinapa-giveaway niya rin para sa mga nanonood ng vlogs niya. She enjoyed vlogging and she's happy on what she's doing, so she'd not stop just because of her bashers. Mas marami pa rin ang sumusuporta sa kanya't nagpapasaya.

Sa kaiisip sa bagay na iyon ay iniisp na rin niya kaagad kung anong magandang edits ang gagawin niya sa susunod na vlog na i-a-upload. Siya lamang mag-isa ang gagawa niyon sa una at ipapa-check sa h-in-ire niyang video editor para malinis nang husto ang vlog pagkatapos, then final checking before uploading. Hindi si Nami ang sa final mula pa noong mga nakaraang buwan. Paano'y abalang-abala ang kanyang kaibigang dating nag-e-edit sa mga video niya na animo'y pasan ang buong Pilipinas sa dami nakatantos na petsa sa kalendaryo nito. Hindi nauubusan ng schedule! Nami-miss na nga niya ito pero hindi naman niya ma-contact nang mga nakaraang linggo. Hindi tuloy niya maiwasang hindi mag-alala.

She suddenly remembered an old friend of hers back in high school wherein they lost in touch afterwards. Kumusta na kaya ito ngayon? Marahil ay malaki na ang anak nito!

Anyway, she filmed for two days and the last day was solely for her quality time with her boyfriend—No, scratch that. He was now officially her fiancé, and she'd say she was the happiest woman alive at that moment.

Daisuke proposed to Kanon while they're in the serene and breathtakingly beautiful "Home of the Winds". He got helped from the locals and set a romantic candlelit dinner to surprise her on their last night in the place. Then, he proposed to her as the wind danced along with their fluttering hearts. Ah! Indeed, that was one of the happiest moments in her life!

Matapos niyon ay kinailangan nitong bumalik sa USA para ipagpatuloy ang promotions and tours ng Eclipse. She was beyond proud that on their almost fifth year in the industry, they already made that big and was domineering the Music industry worldwide.

Now, she's in FastEx conference hall and the meeting was just adjourned. She's surprised seeing her ex-boyfriend there. Nalaman niyang bumili pala ito ng shares sa kumpanya nila't nagsisimula na ulit bumangon sa industriya. She felt genuinely happy because the one who helped her during those darkest times in her life was now standing on his own. Alam naman ng lahat na hindi panghabambuhay ang pagmo-modelo kaya mainam na ring naisipan nitong bumalik sa pagne-negosyo.

"Cous, Princess ask me to give these to you. Dinalaw ko siya noong isang araw sa probinsya." It was her cousin, Daniel, who's giving her a brown envelope. Nang buksan niya at tingnan ang nilalaman niyon ay nakita niyang mga kopya ng ultrasound iyon ng pinsan niyang kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ng kanyang tita.

Her cousin, Princess was suffering from trauma because she was molested by her friend. Kanon's heart was clenching for what happened to her. Ginusto pa nitong ipaako sa ibang lalaking matagal nang kinahuhumalingan ni Princess ang bata kaya sumabad na siya't pilit na ipinarating dito ang realidad. Kaya ngayo'y nasa pangangalaga ito ng Tita Karenina nila't inaasikasong mabuti dahil maselan ang pagdadalang-tao. Kung hindi siya nagkakamali ay higit limang buwan na ang nasa sinapupunan nito.

"Siya nga pala, bukas ka na aalis dito, hindi ba?"

Ngumiti siya at tumango. She decided to transfer back on her old job at the same branch where she started working before.

Matapos nilang magkwentuhan ni Daniel ay nauna na siyang lumabas ng conference hall. Naiwan ito roon dahil may pag-aaralan pa ito sa katatapos lang na meeting.

Napapitlag pa siya nang mamataan si Lemuel na nasa labas lamang. She didn't want to assume but it seemed to her that he's waiting for someone. She decided to just ignore him because she didn't want to have connections with him. Nabati naman na niya ito ng pormal kanina nang kasama nito ang ibang board of Directors kaya hindi na niya babatiin ngayon. Ayaw niyang magselos si Dice dahil nahalata niya na kahit wala namang dapat ikaselos, ay matindi pa rin ang pagseselos nito sa tuwing mababanggit ang lalaki.

Ang akala niya'y susundan siya ni Lemuel pero hinayaan siya. Nagkamali lang pala siya ng inakalang baka hinihintay siya nito.

Kinabukasan ay bumalik nga siya sa dating branch at ang saya ng mga nakasama niya noon nang makita siya. Doon pa rin nagtatrabaho si Sonia, na buntis na ngayon at ikakasal na sa susunod na taon, at may bagong mukha siyang nakita bukod sa mga riders na naroon na naghahanda na para sa door-to-door deliveries. Nalaman din niyang nag-resign na pala ang isang kasamahan nilang Associate noong isang taon kaya nag-hire ng bago. The new employee's name was Helen, a skinny bronzed-skin brunette woman in her late-twenties. Mukhang magkakasundo sila dahil magkalapit sila ng edad gaya kay Sonia.

Matapos ng mahabang kumustahan ay nagsimula na sila sa pagtatrabaho. Nag-expand na pala ang branch na iyon kaya hindi na lamang maliit ang espasyo katulad noong una siyang magtrabaho roon.

Hindi na rin siya ang nagche-check sa listahan ng mga bagong dating na parcels at packages dahil ang bagong Associate na ang gumagawa niyon. Sa counter na lang siya, nag-a-assist ng mga tumatanggap ng padala o magpapadala.

Parang nangapa ulit siya sa unang linggo pero nakapag-adjust naman na siya matapos niyon.

Lagpas isang buwan na nang hindi pa rin siya mapakali dahil hindi niya talaga nache-check ang mga shipments. Kinukutuban kasi siya ng masama sa isang Delivery Associate doon dahil masyado itong aloof, kaya nagsimula siyang magmanman ng tahimik. Nang lumakas ang kutob ay nagpasya siyang ipaalam na sa kanyang pinsan ang hinala na maaaring may anomalyang nagaganap sa branch na iyon. Bukod sa Associate, ay kahina-hinala ang kakatwang kilos ng dalawang deliverymen kaya kailangan na niyang kumilos.

Afterall, she now had the biggest share at the company because her mom transferred all of her shares to her. And besides, it's her family's business so she cared about it the most, too.

She called her fiancé and she was informed that he'd be swamped until the next day because it was Eclipse' last leg of their North American tour. So she decided to not call him that day and the following day. She'd just send him messages and pictures or video clips instead because she didn't want him to get distracted because of her. Alam na alam pa naman niya ang pakiramdam nang hindi nakakapag-focus sa kailangang gawin lalo na kung kausap niya si Dice, kasi gusto niyang sa lalaki lamang nakatuon ang pansin niya.

Nang matapos silang mag-usap ay nabalik ang pagkabahala niya sa pinaghihinalaang empleyado kaya nagpasya siyang pupunta sa main office ngunit hindi natuloy nang may maghanap sa kanya bago pa man makaalis nang hapong iyon.

Lemuel was the one who's looking for her, saying that he had important things to tell to her. Hindi siya pumayag nang yayain siya nitong lumabas at nagpaalam nang kailangan na niyang makaalis. Kakaiba ang kutob niya nang mahuling nagkatinginan ang Associate at isa sa mga rider na pinaghihinalaan niya. Papunta na siya sa parking lot nang sundan siya ni Lem. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad pero nang binanggit nito si Dice ay natigilan siya.

"Your fiancé is a top secret agent and you are his job." Pinakadikdik nito ang pagsabi sa mga kataga.

"What... the hell are you talking about?"

"Let's talk somewhere else."

Bumuntong-hininga siya. "I won't go with you. I'll call my fiancé—"

"Then, you're giving him the chance to erase all the proofs that'll point to him, being an undercover agent."

Napansin niyang nakakuha na sila ng atensyon kaya pinatigil niya ito sa pagsasalita. "Follow my car."

"I didn't bring mine."

"What?"

Sa huli ay pinasakay niya ito sa sasakyan niya't minaneho iyon hanggang makarating sa Sunrise Village. She felt safe and secured if they'd talk inside the village's premises.

"Not here, Kanon, we need to go to your parents' place."

Nagtaas siya ng kilay. So, sa Sunrise Village Las Piñas pala dapat sila dumiretso.

Walang ganang bumati siya sa mama niya nang makarating sila roon. Paano'y tuwang-tuwa itong makita na magkasama sila ni Lemuel na ikinairita niya. Nandoon din ang lolo niyang seryoso lamang na nakatingin sa kanila. Nagmamasid.

"We should set up your wedding soon! I'm so excited—"

"What is it all about?! I'm getting married with Daisuke, not him!"

Natigilan ang mama niya. "You still didn't tell her?" baling nito kay Lemuel.

"Hindi po, Tita. Gusto kong nakaharap kayo ni Tito kapag nalaman niya."

"Malaman ang alin?"

"Maupo ka muna."

"Hindi," pagmamatigas niya. "Anong dapat kong malaman? 'Ma? 'Pa?!"

Kung ano-ano na ang naiisip niya. Hindi lingid sa kanya na ayaw ng mama niya kay Dice kaya nababahala siya na baka pilit siyang ipakasal sa lalaking nais nito para sa kanya. It's not that arranged marriage was still being applied in her family, but knowing Katerina del Rio, she would do whatever she wanted to as long as she set her mind to. That's one of her mom's greatest traits. But sometimes, greatest doesn't fall on the category 'greatest', especially when it's already too much. Tandaan, maaaring makasama ang sobra...

"Maupo ka muna, apo."

Nagtagis ang bagang niya dahil kalmado pa rin ang lolo niya. Even though she already knew way back in high school when she accidentally watched a portion of that hidden camera clip, she only learnt about everything when she's in third year college—that her biological father was her grandfather.

Próximo capítulo