♡ Author's POV ♡
"Goodluck" Finn said. Napatingin muli si Raven sa pintuan na pinasukan niya at pati na rin sa taong naghatid sa kanya sa inaakala niyang Curse building. It was Phoenix Vernon who accompanied Sean Raven to the building fulfilling his wish to save his leader, Dean Carson. Pagkatapos sabihin ni Finn 'yon sa kanya ay pabagsak na nagsara ang pintuan dahilan para makagawa ng ingay. That time, Sean knew na hindi na siya pwedeng umatras pa sa desisyon niya. He desperately wants to find Dean Carson because he really cares as he already treats him not just his leader but also one of his friends.
(Flashback).....
After Leigh broke up with him, he was deeply hurt. Pero ano pa nga bang magagawa niya kung bumitaw na ang taong mahal niya? He knew he couldn't just move on so easily pero susubukan niya and he will try his best to forget everything but not to forget their happy memories and the love he still has for her.
Pagkatapos niyang magpaalam kay Leigh, pinuntahan na niya kaagad ang kaisa-isang tao na hindi niya pa nakakausap. It was his bestfriend na hindi niya inaakalang makakaaway niya but he knew exactly the reason kung bakit sila nag-away. Maling sigawan at sagut-sagutin ang leader ng grupo according to Dave's mindset. Who is he exactly para ganunin si Dean? He asked habang abala sa paghithit ng sigarilyo. Nakatayo ito sa isang balkonahe na malapit lang sa bloody room, abala sa paghithit ng sigarilyo habang ang mga kamay ay parehong nakapatong sa isang bakal na nasa mismong harapan nito na nagsisilbing suporta para hindi mahulog. Maayos niyang tinitignan ang buong campus habang nararamdaman ang katamtamang simoy ng hangin.
Sean Raven already knew kung nasaan siya. Of course, if his bestfriend is missing at wala sa bloody room, surely kung wala sa kwarto nilang dalawa ay nandoon sa lugar na 'yon habang nagiisip-isip so he immediately went there without hesitation. He badly wants to talk to him para maayos na rin ang problema nilang dalawa just before Sean leaves that building.
Nakita niya agad si Dave dahil nakabukas ang pintuan kaya lumapit siya. At first, hindi niya alam kung tutuloy pa ba siya o hindi but there's no other time para mag-isip pa siya. It's now or never. Lumapit siya dito at ipinatong din ang dalawang kamay sa may bakal kagaya ng ginawa ni Dave. He couldn't manage to look at his friend until Dave himself noticed him kaya tinignan niya si Sean, "What are you doing here?" prenteng tanong nito. There are no grudge, anger or resentment in his voice kaya tinignan na rin siya ni Raven. Since both of them are in good mood, it is the perfect time to fix their misunderstanding.
"I want to settle everything bago ako umalis." tinignan niya si Dave habang patuloy pa rin sa paghithit ng sigarilyo ang kasama niya.
"D*mn! What are you exactly planning to do?" Dave asked using an irritated voice. He's still mad, yet he really cares.
"Gusto ko ng maayos lahat ng 'to. At mangyayari lang 'yon kapag nahanap natin si Dean. Wala tayong malalaman at mapapala kung maghihintay lang tayo dito. We have no other choice but one must sacrifice, go in that building, find both of them and bring them back alive."
"Pwede pa naman nating pag-usapan 'to, together with the group. Don't you think na delikadong pumunta ng nag-iisa sa building na 'yon? The bravest among us, hindi nga nagawang makabalik." he was exactly referring to Dean that time. Although hindi pa sila nagkakaayos, nag-aalala pa rin siya sa magiging lagay ni Raven kung sakaling ituloy niya ang balak niya.
Nginitian lang ni Sean si Dave, "That's it. Kaya nga kailangan nating malaman kung anong nangyari sa kanya kung bakit hindi siya nakabalik. We can't just wait here." he insisted.
"Are you doing this alone?" Dave asked. Is he that crazy to decide all by himself?
"Of course, as if namang papayagan tayong lahat na lumipat sa building na 'yon. I am not so sure kung papayagan ako ng counil na ilipat doon but I'll try my best kagaya ng ginawa ni Dean para makalipat doon."
"I'll do it." direktang sagot ni Dave na ikinabigla ni Sean but after a second, muli itong napangiti at umiling, "No, Dave. I'll be the one to do it." napatingin si Dave sa malayo at nagsalita, "What urges you to bring back Dean and Julez here so suddenly?" masyadong biglaan at madalian ang ginawang desisyon ni Sean, bakit niya biglang naisip ang ganitong bagay?
"It's simple.." tumingin din si Sean sa malayo ng hindi nawawala sa labi nito ang mga ngiti, "Gusto kong bumawi sa'yo, sa grupo at lalung-lalo na sa kapatid ko. For myself, I am really worried kung ano ng nangyari kay Dean. You're right, he did everything for the group kaya ngayon, ako naman ang babawi sa kanya." and he looked at Dave. His eyes were so committed and desperate about his decision. Obviously, no one could stop him that time and Dave already knew it.
Natawa na lang si Dave at muling hinarap si Sean, "I can't stop you, right?" he asked na ikinailing ni Sean. There's no way he would back out or retreat.
"You don't need to do this for me to forgive you, Sean. Pero kung gusto mo talagang gawin 'to, do what you think you can do. I won't stop you with your decision. Just be careful and come back alive." at hinawakan nito ang kanang balikat ng kaibigan niya.
"I will, Dave."
They didn't directly ask for forgiveness pero sila mismong dalawa, through that friendly conversation napatawad na nila ang isa't isa.
(End of Flashback)...
Muli siyang tumingin sa harapan niya at bumungad sa kanya ang napakadilim at napakatahimik na hallway. He found it so weird. Ganito ba talaga dito?
Tila gustong humakbang paatras at palabas ng building na 'yon ang mga paa nito but he kept on thinking kung bakit niya piniling pumunta sa building na kinatatayuan niya ngayon. Umalis ako dahil gusto ko siyang hanapin. No matter how hard or risky this will be, I need to face my fears in order to survive para mahanap ko siya at maibalik silang dalawa ni Julez sa highest supreme territory. Naisip na rin niya noong mga oras na 'yon na hindi lang pala isang tao ang kailangan niyang hanapin, even Julez. No one knows kung magkasama nga ba si Dean at Julez or possibly, baka hindi rin sila nagkita.
He started to walk thinking na sa bawat paghakbang nito, biglang magkakaroon ng gulo. Isn't it more terrifying if it's dark and quiet? Every step he took, walang nagbago sa paligid niya. Nakakaramdam siya ng kaba but the noiseless place wasn't enough para makaramdam siya ng takot. He is one of the Vipers, therefore it is not good for him na matakot. The students should be frightened by a viper's presence in their building. He can do it at siya mismo, alam niya 'yon.
Marami siyang nadaanan na kwarto at karamihan sa mga 'yon, nakabukas ang pintuan ngunit madilim sa loob. He thought that something is wrong dahil masyadong tahimik. He looked behind him when he heard something, then he looked infront again at itinuloy ang paglalakad. Ang dating maayos na first floor ng Death building ay nagbago. He could also hear the sound of the water coming from the direction of the restroom. Nang matapatan niya ito ay tumingin siya mismo sa loob noon but he only found nothing but the dark. May mga iilang ilaw na nakasindi sa hallway habang ang iba naman ay patay sindi which makes the hallway even scarier.
Until Sean Raven heard footsteps na papalapit sa kanya at palakas ng palakas, aktong titingin siya sa likuran niya ay biglang may humila sa kanya patago sa isang classroom na madilim. Tinakpan ang bibig nito at mabilis na isinara ang pintuan. His back leaning against the wall at ang taong humila sa kanya ay nasa mismong harapan niya at tinatakpan pa rin ang bibig niya. He couldn't clearly recognize the person dahil madilim pero nakita niya ang pagsenyas nito na sinasabing tumahimik at huwag gagawa ng kahit na anong ingay. He could also hear the person infront of him breathing heavily na parang nakipag-habulan.
Narinig niya ang ingay na gawa ng mga taong nagsisitakbuhan sa hallway na dinaanan ang kwartong pinasukan nila hanggang sa pahina ng pahina ang yabag ng mga ito. Dahan-dahang ibinaba ng kasama niya ang kamay nito na nakatakip sa bibig ni Raven. Binuksan nito ang pintuan para sumilip sa labas kaya't nagkaroon ng pagkakataon si Sean na makita ang itsura nito na hindi niya pa rin nagawa dahil may suot itong isang itim na hoody jacket at nakasuot ang hood sa ulo nito kaya't natatakpan ang mukha. One thing is for sure na babae 'yon dahil sa maiksi at kulay morenang buhok nito. Nang makasiguro ang babae na nakalayo na ang pinagtataguan niya, huminga ito ng malalim at muling isinara ang pintuan.
"Who are they?" tanong ni Raven sa kasama niya kaya napatingin sa kanya ang babae, pero dahil madilim pa rin, hindi niya pa rin makita ang kabuuang itsura nito.
"Tuwing gabi may hinahanap sila. They want to kill, they are hunting someone." sagot ng babae at dahil sa tono ng pananalita nito, she looks so brave and fierce. Who is she exactly?
Because of her answer, Sean Raven couldn't help but to think kaya nagsalubong ang kilay nito, "Sino naman?"
Sa gitna nilang dalawa ay may tanging liwanag na nanggagaling mismo sa labas dahil sa sirang bintana ng kwartong 'yon, Raven took one step behind ng humakbang naman ng isa papalapit sa kanya ang babae dahilan para tumapat ang liwanag sa mga mata nito. It's really hard to say pero mahirap itanggi na natulala siya ng makita ang mata ng babaeng 'yon. The color of her eyes is brown, just like the color of her hair.
Parang nakita ko na siya, nakikilala ko ang mga mata niya. Even her face, may kamukha siya. He said to himself habang tulala but at the same time, nagtataka.
He snapped in a minute ng ngumiti ng masama ang babaeng 'yon. I exactly know that smile, why is it so familiar? Those sarcastic and devilish smile. Nakita na niya ang mga ngiting 'yon at ang mga matang 'yon but how and where? He couldn't clearly remember as he was slowly being consumed by admiration and confusion.
At nagulat na lang siya ng magsalita ang babae, "They are hunting me." kasabay noon ay bigla siyang inatake nito kaya kahit nalilito pa rin siya, he didn't let his guard down. Napaluhod na lang siya sa sahig ng matamaan ng babae ang isang paa nito pero hindi siya nagpatinag dahil bago pa man siya muling masipa nito ay nahawakan na niya ang paa nito at pinatumba rin siya.
In just a second, pareho na silang nakatayo. His eyes widened in shock ng maglabas ng dalawang kutsilyo ang babae with her both hands kaya wala na rin siyang magawa kundi ilabas ang nag-iisang kutsilyo sa bulsa nito. But why did she suddenly attack him and why do they want to kill her?
"Why are they hunting you?" seryosong tanong ni Sean kaya muli siyang nginitian ng masama ng babae, "Because they think I am a killer."
"Bakit? Hindi ba?" pabalik na tanong ni Sean but this time, ngumiti na rin siya ng masama at pumormang lulusubin ang babae. Mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa kutsilyo niya.
"I came here not to fight but if that's what you want, I won't hesitate to kill kung sinuman man ang magbabalak na harangin ako." she suddenly threw one of her knives towards Sean's direction ngunit agad namang nakailag ito. Pagtingin nito sa kalaban niyang babae ay biglang nawala sa harapan niya at bigla na lang lumitaw sa likuran niya, "B*dass! Wrong move." saad nito habang nakangiti rin ng masama.
Sean immediately found himself leaning against the wall kaya't hindi siya makagalaw at nakatingin lamang sa gilid niya habang nasa likuran niya ang babae at hinahawakan ang dalawang kamay ni Sean sa likuran nito, "Who exactly are you?" tanong niya kaya inilapit ng babae ang bibig nito malapit sa tainga niya habang nakangiti ng masama.
"What can I get from introducing myself to you? Are you going to kill me too just like them?" she asked. Napangiti ng masama si Raven knowing that he could change their place. Bigla niya naialis ang dalawa niyang kamay mula sa pagkakahawak ng babae at pinagpalit ang posisyon nilang dalawa. Now, siya na ang nasa likuran ng babae at ang kalaban naman niya ang nakaharap sa pader, leaving her off guard dahil hinawakan ni Sean ang magkabilang kamay nito sa mismong likuran niya, "They won't kill you kung wala kang ginawa. Now, give me an enough reason for me to release you." he said to her kaya't katulad noong una, ngumiti ulit ng masama ang babae.
"I did nothing. Students have always been having a wrong perception about me. Just like what I said, I came here not to kill." sinubukan nitong umilag pero hindi niya nagawa but Sean knows na sa lahat ng nakalaban niya, this girl is different. Her moves are exactly familiar. Kung paano siya makipaglaban, parang nakalaban na niya 'to date pero hindi niya alam kung kailan, kung saan at kung paano.
"If you didn't come here to kill, then tell me kung anong pakay mo? Who are you?"
Mas lumapad pa ang ngiti ng babae, "I won't tell you why but remember my name, I am Felicity." with that, bigla na lang nabitawan ni Sean ang kamay nito.
And so everyone in the building is well aware of her existence. Little did we know that she is dangerous yet there might something special about her.
To be continued...